binabasa mo ang...
You are my Sky, France

You are my Sky, France_Chapter Nine

Chapter 9_The “Vegetarian”

“Pupuntahan mo pala ang dati mong yaya na may sakit sa probinsya ah,” sabi ni Sky at lumakad papunta sa kinaroroonan ni France.

“Kumusta na ang dati mong yayang may sakit?” bungad na tanong ni Sky na ikinagulat ni France. Kumukuha siya ngayon ng pagkain na inaalok ng waiter.

“Ah, uhm. Tumawag siya sa akin kanina. Ayos na raw siya kaya hindi na ako pumunta,” pagpapalusot niya rito. Isusubo na sana niya ang beef na isinerve ng waiter nang hawakan ni Sky ang kamay niya na pansubo.

“Bakit ba?” inis na tanong niya at nilapit pa ang mukha niya dito.

“Beef ito ah. Di ba vegetarian ka?” balik na tanong nito at nilapit rin ang mukha niya kay France. Kaya tuloy magkalapit na ang kanilang mga mukha na para bang maghahalikan.

“Ay, huli ka na sa balita. Meat-eater na ulit ako,” mataray na sagot niya.

Habang sila ay nagbabangayan, maririnig sa background ang emcee na nag-aannounce tungkol sa mapipiling couple of the night. Kapwa sila nagulat nang marinig nila ang “The couple for the night is…” at sila ang biglang tinapatan ng spot light. Gulat na gulat sila pati na rin ang lahat. Sinabi ng emcee na sila ang napiling couple of the night.

“Sky, pare! Jackpot!” sigaw na sabi ni Jake.

“Ha? Katu–” sasabihin sana ni Sky na katulong niya si France ngunit agad namang nagsalita si France at pinutol ang kanyang sasabihin.

“Oo, kami nga,” pagsisinungaling ni France upang hindi masira ang kaniyang reputasyon.

Aalma pa sana si Sky ngunit isinaksak ni France ang beef niya sa bibig ni Sky at ngumiti kay Sky at sa mga tao na para bang pinapakita na sweet sila. Kinulong pa niya ang mukha nito sa mga palad niya at sinabi habang nakangiti kay Sky, “Manahimik ka na lang. May kasunduan tayo, di ba?”

“Give us some dance,” sigaw ng isa sa mga bisita.

“Of course. We’ll give you some,” sabi ni France. Pinatugtog naman ang salsa. Hinila naman ni France ang kwelyo ng suot ni Sky papunta sa dance floor. “Huwag kang mai-inlove sa akin kapag nakita mo na akong sumayaw ah,” sabi ni France kay Sky.

Napatawa lang si Sky sa sinabi niyang iyon. Habang sumasayaw ay aliw na aliw si Sky sa kaniyang kapareha. Hindi man kasi ganoon kagaling sumayaw si France ay nadadala na ito ng kaniyang kagalingan sa pagpo-project. Bigla namang natapilok si France. Mabuti na lamang at nasalo siya ni Sky at tiyempong natapos na ang musika. Nagmistulang last pose nila ang pagkakasalo sa kaniya ni Sky. Nagpalakpakan naman ang mga tao at sumigaw sila ng “Kiss! Kiss!”

Nanlaki ang mga mata ni France sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang naririnig. “Ano kiss raw?”

“Oo, hindi mo ba naririnig?” pagkumpirma ni Sky. “Ano paano ba yan? Papahiyain ba natin sila?”

“Gumawa ka ng paraan para mapigilan mo sila!” utos ni France.

“O sige,” sabi ni Sky at walang warning na hinalikan niya si France.

Sa ginawa niyang iyon ay lalong naghiyawan ang mga tao.

Gulat na gulat si France. Nanlaki tuloy ang mga mata niya sa pagkabigla.

Muntik nang hindi makapagpigil si Sky ng halikan niya si France. Smack lang ang ibinigay niyang halik dito ngunit gusto pa niyang gawing mas malalim na halik iyon. Hindi niya mawari kung bakit sa dinami-dami ng mga babaeng nahalikan na niya ay sa paghalik lamang niya kay France naramdaman na tila ba may mga paru-parong lumilipad sa kanilang paligid. Napakalambot ng mga labi nito at napakasarap halikan. Pagkatapos niyon ay pumunta na sila ni France sa table nila.

“Why the hell did you kiss me, Mr. Akira?” galit na tanong ni France.

Sa halip na sumagot ay hindi siya pinapansin ni Sky at nginingitian lamang ang mga taong dumadaan at tumitingin sa kanila.

Sa inis ni France ay kinabig niya si Sky paharap sa kaniya. “Hoy! Aeneas Sky Akira! Tinatanong kita! I deserve an explanation!”

“Sabi mo patahimikin ko sila. Iyon lang naman ang ginawa ko ah.”

“Nababaliw ka ba? Sinabi kong patahimikin mo sila pero hindi ko sinabing sa paraang halikan ako.”

Nagkibit-balikat lamang si Sky.

“Ninakaw mo ang first kiss ko!” halos mangiyak-ngiyak si France.

“First kiss? You mean wala pang nakakahalik sa iyo?” napapantastikuhang tanong niya.

“Oo, wala pa until you stole it! Bwisit ka talaga!” pinalo pa niya sa balikat si Sky.

“Hey, hey. Relax, my tigress. You should be proud. Your first kiss was given to you by the great Aeneas Sky Akira,” pigil niya sa pagpalo ni France.

“Ogre ka talaga! Diyan ka na nga!” tangkang iiwan na siya ni France at lilipat sa mesa ng mga kaibigan nito ngunit pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak ng kamay niya.

“Saan ka pupunta?”

“Sa kaibigan ko, bakit ba? Hindi ko na makayanan ang lakas ng hangin dito eh!”

“May girlfriend bang nang-iiwan sa boyfriend niya sa party? Dito ka lang!” sabay hila niya kay France. Tuloy ay napaupo ito sa tabi niya.

Kinabukasan, araw ng Linggo, pumunta nang umaga si France sa condo ni Sky para maglaba at maglinis. Inabutan niyang walang tao roon. Hindi niya alam kung nasaan ito. Late na kasi para sa oras ng pagjojogging nito. Ginamit na lamang niya ang kaniyang duplicate key. Nagpaalam siya sa mansiyon na maghapon siyang mawawala dahil pupuntahan niya ang kaniyang tinutulungang “retarded”. Gustong sumama ng kaniyang kapatid ngunit nagdahilan na lang siya na hindi maaari. Mabuti na lamang at hindi nito ugali ang mang-usisa. Pinaghandaan niya rin ang araw na ito. Nagtanong-tanong kasi siya sa kanilang mga katulong kung paano maglaba at maglinis.

“Yuck! Ano ba yan? Pati talaga underwear niya ipapalaba sa akin. I hate you! Hmp.” Parang diring-diri ang hawak niya rito at inilagay na sa washing machine.

Sa kaniyang paglalaba ay nabasa ang kaniyang damit kaya naman naghanap siya ng pamalit sa mga damit ni Sky. Kinuha niya ang isang medium-sized shirt at ito muna ang sinuot niya. Sinikipan niya sa may baywang upang magmukha itong dress sa kaniya.

Nagwalis-walis siya at nagpunas punas matapos maisampay ang kaniyang nilabhan. Habang ginagawa naman niya iyon ay paulit-ulit niyang sinasabing “I hate you!”  Maya-maya lang ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Marahil ay dahil ito sa sobrang kapaguran kaya naman nakatulog na si France sa may sofa.

Mag-aalas dose ng tanghali ay pauwi na si Sky galing sa gym at pag-gogrocery.  Dumaan na rin siya sa isang restaurant upang bumili ng lunch. Naabutan niya si France na natutulog sa sofa. Suot nito ang kaniyang t-shirt. Ibinaba muna niya sa mesa ang kaniyang mga bitbit saka nilapitan ito. “Ang babaeng ito talaga. Ang bait kapag tulog,” sabi niya at tinitigang mabuti si France. Tinabing ni Sky ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mala-anghel na mukha ni France. Parang nahihipnotismo siya sa pagtingin sa mukha nito. Ika nga sa kanta eh, “Can’t take my eyes off you” ang nararamdaman ni Sky. “Iba ka talaga. Mukhang diwata kapag nakaayos, mukha namang anghel kung simple lang,” paghanga ni Sky.

Pumasok siya ng kaniyang silid upang ikuha ng unan si France. Nang palapit na siya rito upang lagyan ng unan ang ilalim ng ulo nito ay biglang nagising na ito. Dali-daling inihagis ni Sky ang dala niyang unan upang hindi ito mapansin si France. Kunwari naman ay sinipa-sipa niya si France. “Hoy, gising,” kunwaring panggigising niya rito.

“Ano ba? Masama bang magpahinga?” inis na sabi ni France kay Sky habang pupungas-pungas pa.

“Tayo na! Tayo!” dagdag pa ni Sky.

“Oo nga. Heto na nga oh,” sabi ni France habang paupo na.

“Kain na tayo, handa mo na ‘yong binili ko,” utos niya rito.

“Talaga? Bumili ka na? Hindi ko na kailangang magluto?”

Tinuro ni Sky ang plastic ng pagkain sa may mesa kay France. “Oo nga pala, magmula mamayang gabi, ang ihahain mo sa akin ay dapat kakainin mo rin.”

“What?” shocked na tanong niya.

“That’s an order,” dagdag pa ni Sky.

Sumimangot na lamang si France at naisip niyang kailangan na rin niyang matutong magluto. Ayaw pa naman niyang kumain ng sunog.

“Nakakainis talaga ang utak mo.”

“How can I run a business kung hindi, di ba?”

“Whatever, Sky. Whatever. You are a clever ogre.”

Pinipili ni France kung alin sa kaniyang mga gamit ang maaari niyang ibenta. Nalalapit na ang kaarawan ni Cheska at kailangan niya ng malaking pera upang maipaghanda ito ng magara. Pinahahalagahan ni France ang kaniyang mga branded na bag, damit at sapatos kaya naman hirap na hirap ang kaniyang kalooban ngayon ngunit siyempre mas mahalaga ang kaniyang kapatid. Napagpasyahan ni France na ibenta na lamang ang ilan sa kaniyang Hermes, Louis Vuitton at Gucci niyang bag at ilang pares din ng kaniyang mga sapatos na may tatak na Dolce and Gabbana, Chanel at Prada. Sinabi niya sa kaniyang mga kaibigan na ginagawa niya ito for charity. Mga five hundred thousand pesos din ang kinita niya kapalit ng kaniyang, mga pinakamamahal na gamit.

Natututo na si France na magluto. Aba’t ayaw naman niyang kumain ng hindi kanais-nais sa sikmura. Kung bakit pa kasi naisip ni Sky na kailangan niya ring kainin ang kaniyang mga inihahanda para rito.  Sa araw na ito ay nagluto siya ng nilaga para sa dinner nila ni Sky.

Matapos niyang magluto ay parang umiikot ang kaniyang paningin. Napagpasyahan muna niyang magpahinga.

“Aba! Ginagawa na atang hobby nito ang pagtulog sa sofa ko,” sabi niya ng madatnan si France na natutulog sa kaniyang sofa. Hinayaan na lamang niya ito at kumain na muna siya.

Mag-aalas onse na ng gabi at hindi pa rin nagigising si France kaya naman may naisip siyang plano.

Nagtataka si France. Parang tumigas ang kaniyang body pillow. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay napasigaw siya at naitulak ang tulog na si Sky. Paano ba naman hindi, eh nagising siya na katabi ito sa kama at nakayakap pa siya kay Sky. Take note, si France ang naka-akap kay Sky. Bigla tuloy siyang napabalikwas at umupo.

“What did you do to me?” galit at nalilitong tanong niya kay Sky.

“I should be the one asking that question. Ikaw kaya ang nakayakap sa akin,” sabi nito habang kinukusot ang mga mata. “Tulog pa tayo,” dagdag pa ni Sky at hinila pabalik sa pagkakahiga si France.

“Bakit ka nakatabi sa akin sa kama?” alboroto niya sabay upo ulit.

“Bakit? Eh kama ko kaya ito. Saan mo ako gustong matulog? Sa sahig?”

“Ahhh! I’ll sue you for this!” galit na sabi ni France.

“Go ahead sue me. Let’s see who’ll be in jail first,” banta niya kay France

“I hate you! I really, really hate you!” sabi ni France sabay tayo at bato ng unan kay Sky. “Ang sama talaga ng ugali mo!” dagdag pa niya.

“Gwapo naman,” sagot ni Sky.

“Kapal mo!” inis na sabi ni France.

Ngingiti-ngiti lang si Sky at sinabing, “Sarapan mo ang almusal ah!”

“Belat mo!” Tumuloy na si France sa labas at nagpunta muna siya sa CR upang maghilamos at mag-toothbrush na rin. Pagkalabas niya ay naabutan naman niya si Sky na nakapaghilamos na pero naka T-shirt na puti lamang at plain shorts.


About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

28 thoughts on “You are my Sky, France_Chapter Nine

  1. kakakilig!!!super ganda!!!

    Posted by alma | Setyembre 9, 2012, 8:55 hapon
  2. hahahahaha natuto rin si france

    Posted by Jennifer Sanchez | Agosto 10, 2012, 4:56 umaga
  3. kilig… luv 8:))

    Posted by mia | Mayo 18, 2012, 5:38 umaga
  4. Nice one lalong gumaganda

    Posted by helloyellow | Enero 31, 2012, 3:31 hapon
  5. nakakakilig ang chapter na eto…love love love…

    Posted by maritel go teves | Enero 15, 2012, 12:30 hapon
  6. Kainlove…

    Posted by yuuna | Disyembre 3, 2011, 11:56 hapon
  7. ang ganda ng story…

    Posted by Liv | Nobyembre 11, 2011, 2:19 hapon
  8. kalerki nga😀

    Posted by jeh089 | Enero 18, 2011, 7:14 hapon
  9. kilig much.❤

    Posted by angel_YL | Enero 16, 2011, 3:51 umaga
  10. kahit pabalik-balik na binabasa. hindi pa rin ako nagsasawa. ika 2 beses ko nang inulit ito. at balak na naman ulitin. nakakatwa talaga. sobra!

    Posted by iRAWRRyou | Enero 6, 2011, 1:55 umaga
  11. nice one france..hahahaha

    Posted by noims | Enero 5, 2011, 11:01 umaga
  12. ahehe.. masyadong nakakatawa si france.. yeah😀 para lage kaming excited ahaha

    Posted by itsgonnabeme | Enero 1, 2011, 1:16 hapon
  13. @arabeybsxP salamat., (assuming ba ako?) ahahah pagpasensyahan mo na ako.,
    @ladygaga na loka ka ba? ahahahah
    @arah27 naku masaya na rin ang new year ko at nabasa ko ang comment nyo,, you guys just made my day., maraming salamat.,
    @ANILINE* ahaha., ang hambog na si Sky., ayaw aminin sa sarili na gusto niya si France., wahahahah
    @xxBunZxx thank you thank you, (bow) ahahah everytime na naaappreciate ang story na sinulat ko feeling ko ako na rin un., kasi what i write is the reflection of who i am., “I write to express i don’t care if they are not impressed” ayan ganyan ako ka selfish ehehehe
    @eizzy char! ahahah., sensya na
    @April., waaaah! april., eheeheh nalagyan na sya ng PW.,
    @itsgonnabeme., wahahah., ako rin kinikilig nung sinusulat ko yan., aahahah., ok lng na bitin at least may nilolook forward naman kayo na kasunod., eheheh
    @Dea waaah! ahahaha., di ba bagay sila? parehas silang mean! ahahaha., ayie., natotouch naman ako., char! thanks sa iyo!
    @nesha bongga! parehas tayong mahilig sa more more! ahahah
    @chef.alexandra ayie., bigla tuloy akong kinabahan., baka madisappoint ko kayo., pero may paninindigan ako,. ahahah tutukan lang ang mga susunod na kabanata.,

    naku may author’s note ako., hindi ko ata na save., ahahah anyways happy new year sa inyo!!!
    sana wag nating kalimutang magdasal to Him., magpasalamat sa biyayang natanggap for the past year and hope that the coming year will be better!

    Posted by sweetlemon07 | Enero 1, 2011, 12:12 hapon
  14. Alala ko ako una hehheheeh my mistake🙂

    Posted by chef.alexandra | Disyembre 31, 2010, 5:37 hapon
  15. Yeheyyy first one to comment :)))) I rEALLY AM LOOKING FORWARD TO THIS!!!🙂 in love talaga ako sa Kabila I meannnnnnn I really want the, to end up together :)))) san a magasawa sill tas may oneshot na kasal na sill at bunts si France…:)

    Posted by chef.alexandra | Disyembre 31, 2010, 5:35 hapon
  16. more more…demanding ba ahahaha

    Posted by nesha | Disyembre 31, 2010, 5:06 hapon
  17. Haha…graveh tlga c sky..he’s so meAn…!
    Pero ganda ng plano nea ah…haha…parang gusto pa atang pikutin c france..
    Cant wait for the next chapter,..super kilig,.galing ng writer…2 thumbs up for yoü..<3

    Posted by Dea | Disyembre 31, 2010, 4:41 hapon
  18. aayy kinilig aqo ng bonggang-bongga…. pero😦 sobrang bitin lemon… next chapter please : ))) kawawa naman si france..

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 31, 2010, 2:03 hapon
  19. Kawaii!!! Grabe kakain-love talga cla nxt chapter na sana……..0

    Posted by April | Disyembre 31, 2010, 1:54 hapon
  20. ayy btitn naman po..

    Posted by eizzy | Disyembre 31, 2010, 1:50 hapon
  21. weeeeeeeeeeeeeeeeeeee !!!!sana mabilis ang posting nito, i really like this story !!!

    Posted by xxBunZxx | Disyembre 31, 2010, 1:39 hapon
  22. nakakatawa talaga kapag inaasar ni sky c france!!! LOL
    c SKY pasimple pa may crush naman kay FRANCE… cute nila

    Posted by ANILINE* | Disyembre 31, 2010, 12:36 hapon
  23. hahaha. ako pala unang ngkoment.. saya tlga. hahahha

    Posted by arah27 | Disyembre 31, 2010, 11:40 umaga
  24. hay.. ang saya ng magiging new year ko! nbasa ko n ang chapter 9 . hehehehe. sna araw2 nlng ang posting nito. kakaexcite ee. :)))) ang gling mo sweetlemon!

    Posted by arah27 | Disyembre 31, 2010, 11:39 umaga
  25. waaaaaaaaaaa…………graveh kalirki talagang clang dalawa…..^_^

    Posted by ladygaga | Disyembre 31, 2010, 11:39 umaga
  26. waaaaaaaaaaaaaaa! ganda! :”>

    Posted by arabeybsxP | Disyembre 31, 2010, 10:47 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: