aming nakaraan

Kahit Kapirasong Langit

This category contains 15 posts

Kahit Kapirasong Langit (15). (The End?)

Wala akong dalang bulaklak nang hapong iyon. Nalanta na ang dati’y mahahalimuyak na bulaklak na huli kong inihandog sa kanya. Dinaramayanan ang pagkalanta ng mga iyon ng tila nababahalang panahon. Ang papalubog na araw sa kanluran ay nakikidalamhati kaya marahil nakatago ito sa likod ng malalaking ulap. Hindi iyon isang kaakit-akit na dapithapon ngunit binanat … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (14).

Ilang minuto lamang ang layo ng iiwanang bahay ni Ninang mula sa bahay namin. Nasa may bungad ng kahabaan ng lansangan ang bahay na iyon na isa sa mga natitirang bahay na gawa sa kahoy sa aming baranggay. Halos hindi ko na maalaala ang mga nagdaang Pasko at iba pang okasyon kung kailan napunta ako … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (13).

Malapit nang pumatak ang ikawalo ng umaga nang may kung anong humihip sa akin upang bumangon na at pumanaog. Wala pa man ako sa kusina ay amuy na amoy ko na ang masarap na almusal na luto ni Kuya Melvin. Nangakaupo sa mga silyang kahoy sina Mama at Ninang. Rinig na rinig ang malakas nilang … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (12).

Kinabadhaan ng sobrang pananakit ang ulo ko nang unti-unti kong naimulat ang mga mata ko. Ang unang mukhang nakita ko ay pagmamay-ari ng isang morenang babaeng may mahabang buhok at may singkit na mga mata. Sa kanyang tabi ay nakamasid ang isang nakasalaming lalaki. Saka ko lamang naikintal sa isip ko na iyon ay sina … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (11)

Sa pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang mga bulaklak na nakaayos papunta sa unahang bahagi ng bulwagan. Nasamyo ko ang pinaghalong halimuyak ng mga rosas at usok na nagmumula sa nasusunog na kandila. Nakita ko ang mga hanay ng upuan sa kaliwa at kanang bahagi. Ang ayos ng mga upuan ay kagaya ng sa … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (10).

Kailan Nasusukat ang Haba ng Gabi? Ginising ako mula sa isang mahimbing na pagkakatulog, na para bang napakabago sa akin, ng malakas na katok ng kuya ko sa pintong papasok sa aking kuwarto. “Donna!” Napakalakas ng boses ni Melvin. Paano pa kaya kung nakatapat na mismo ang bibig niya sa tainga ko habang tinatawag ang … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (9).

Laking pasasalamat ang maibibigay ko sa oras dahil sa kaaya-aya nitong pagpapaunlak sa mithiin kong makalimot sa pamamagitan ng mabilis nitong pag-usad. Kung palaging magiging ganito, hindi na magiging mahirap para sa akin ang bumitiw sa paninisi sa sarili ko. Pero kung paglimot ang pag-uusapan, ibang bagay na iyon. Hindi ko kailanman makalilimutan ang lahat … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (8).

Ding dong. Ding dong. “Tao po. Tao po. Magandang umaga po, Manang. Nandyan pa po ba sina—” “Umalis na ang mga magulang ni Mariel. Hindi na sila dito.” “Po?” “Oo. Hindi mo ba alam, ipagbibili na ang bahay na ‘to.” “Ha? Gano’n po ba?” “Gano’n na nga. Suma total, kailangan ko nang maghanap ng bagong … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (7).

Hanggang ngayon, naniniwala pa rin akong isang magandang pook ang mundo ng panaginip. Doon marami kang makikita, marami kang puwedeng gawin, makilala, malaman… Kung maaari ko lang tirhan ang mundong iyon sa mahabang panahon, doon na lang sana ako kung saan nagkakaroon ng katuparan ang kahit anong gustuhin ko. Sa ganoong klase ng lugar, may … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (6).

Hindi na ako ang dating Donna. Sumama na sa kamatayan ng pinakamatalik kong kaibigan ang Donnang masayahin, palatawa, palangiti. Wala na ang Donnang iyon. Ang naiwan ay ang babaeng hindi palaimik, palaging tahimik at kadalasang wala sa sarili. Hindi ko maubos-maisip na ganito ang magiging epekto ng lahat. Masakit pa rin. Kahit na ano ang … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (5).

Pumasok ako sa silid niya nang hindi kumakatok. Ayaw niyang hindi kumakatok kapag papasok sa kuwarto niya, pero ngayong wala na, ano pa ang magagawa ng pagkatok kung ipapaalaala lang nito ang kaibigan ko? Walang ni isa mang bagay ang nagalaw sa loob ng kuwarto niya. Bagyong dumaan na hindi nag-iwan ng ni isang bakas … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (4).

Lumipas ang mga araw at nagtapos din ang Graduation Day namin na hindi ko masyadong ikinagalak dahil noong araw na iyon mismo ko nalaman na sina Brixx at Mariel na. Mabilis pa sa apoy ang naging pagkalat ng balita. Nalaman ng lahat sa campus ang matagal nang itinatagong relasyon ng dalawa. Isang Sabado, nang magtungo … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (3).

Kinabukasan, sa eskuwelahan, nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Mariel sabay ang sigaw ng “nahanap ko na, nahanap ko na!” samantalang malabo pa rin sa akin kung paano niya nakita ang diary niya. “Ang ganda na ng binabasa ko…” reklamo ko kasunod ang pagbitiw muna sa librong hawak ko. “Gan’to kasi. Merong … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (2).

Dumating ako sampung minuto bago ang takdang oras ngunit wala pa rin si Mariel. Kalahating oras ang lumipas, wala pa rin siya. Pinagmasdan ko ang langit at nabatid na malapit nang bumuhos ang ulan. Maya-maya’y unti-unti na ngang umambon at tuluyan nang bumagsak ang sunud-sunod na patak ng ulang animo’y nagbabadya ng papalapit na unos. … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (1).

Sa tuwing may pagkakataon, gumagawi ako sa gymnasium para lang makita si Brixx. Isa siya sa mga hinahangaang manlalaro ng basketball sa paaralan namin. Sa tuwing nakikita ko siyang nag-eensayo kasama ng mga kagrupo niya, napatutunay ko sa sarili kong mahusay talaga siya. Sino ba namang babae sa campus ang hindi nakakikilala sa kanya o … Magpatuloy sa pagbasa

TOP Calendar

Abril 2017
L T M H B S L
« Apr    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan