aming nakaraan

Breeze (Former TOP Specials)

This category contains 18 posts

Act 018: Paalam

“Alexandra or Tessa, it doesn’t matter. Bakit ba kasi ang suplado mo? Hindi mo ba ako maaaring mahalin dahil kapatid lang ang turing mo sa akin? Ang problema kasi sayo, masyado kang maramot. Ang gusto ko lang naman, mahalin ka, di naman ako hihingi ng kapalit eh. Pero maramot ka… maramot!” bungad ni Tessa sa … Magpatuloy sa pagbasa

Act 017: Iisa

“Kristen, Yesha, ano ba ang naisip nyo at dinala ninyo ako sa lugar na ito? Masyadong namang classy ang restaurant na ito. Baka mamaya ako pa ang magbayad ng kakainin natin, ma-ya-yare kayo sa akin!” pagmamaktol ni Foo habang inip na inip sa kahihintay sa misteryosang Alexandra na ipapakilala diumano nila Kristen at Yesha sa … Magpatuloy sa pagbasa

Act 016: Pagtakas?

Halos nawala ang antok ni Foo dahil sa mensaheng natanggap niya sa kaniyang cellphone. Inisip niya kung sino ang nagbigay ng kaniyang numero at dalawang suspek lang ang bigla niyang naisip! Si Kristen na sobrang makulet sa YM at si Yesha ang diwatang ka-tandem ni Kristen sa kalokohan! Siguradong may pinaplano ang dalawang bruhang ito … Magpatuloy sa pagbasa

Act 015: Cellphone

Hindi makapaniwala si Foo sa bilis ng mga pangyayari, paano nya nagawang tugunin ang sandaling halik na iyon ni Tessa? At ang sandaling halik na iyon ang hindi magpatulog sa kanya ngayong gabi. Paulit-ulit na bumabalik iyon sa kanyang balintataw. Mahal ba talaga sya ni Tessa? Hindi pwede ito, kapatid lang talaga ang turing nya … Magpatuloy sa pagbasa

Act 014: Sagot

NAGULAT si Foo nang makita niya si Tessa kaniyang harapan. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha sa isa’t isa. Nataranta siya. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin o gagawin. Napalunok siya ng malaki. Nawawala na talaga siya sa kaniyang sarili! “May sasabihin ka ba? Tumawag ka kasi sa cellphone ko.” ani Tessa sabay irap … Magpatuloy sa pagbasa

Act 013: Katahimikan

SUMAPIT ang alas-sais ng gabi at natapos din ang kanilang trabaho. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at napansing isa-isa na ring nag-uuwian ang kaniyang mga kasamahan sa trabaho. Agad din niyang napansin si Tessa na nagmamadali rin sa kaniyang pag-uwi. Sinubukan niyang tawagin ito pero inisnab siya nito. Nang lumabas ito ay hinabol … Magpatuloy sa pagbasa

Act 012: Mata

Pagkatapos basahin ni Foo ang istoryang isinulat ni Tessa sa TOP ay kaagad niyang pinuntahan si Tessa sa kaniyang cubicle. Niyaya niya itong kumain ng tanghalian ngunit tumanggi ito. Nagmumukmok pa rin ito dahil sa ginawang pagtanggi ni Foo sa kanilang relasyon—- kung sila nga ba talaga. Wala namang nagawa si Foo kung hindi ang … Magpatuloy sa pagbasa

Act 011: Lalake

Pagkatapos basahin ni Foo ang storya ni Tessa ay napansin niyang namamasa ang kaniyang pisngi. Pinahid niya iyon ng kaniyang kamay at napansing nagmumula iyon sa kaniyang mga mata. Umiiyak na pala siya. At ayaw niya ng umiiyak dahil tanda lamang iyon ng kahinaan. Pero wala siyang nagawa. Para siyang nalunod sa kaniyang binasang storya. … Magpatuloy sa pagbasa

Act 010: Kuting

Napabuntong-hininga sya, “Ano ba itong napasukan ko?” maktol nya. Wala syang nagawa kung hindi pumayag sa kondisyon ni Kristen. Kahit marami syang trabaho ay isiningit nya ang pagbasa sa nobelang sinasabi nito. Maya-maya pa ay may lumabas na mensahe sa YM nya. Si Kristen “Foo nabasa mo na ba?” tanong nito with a smiling face. … Magpatuloy sa pagbasa

Act 009: Pocketbook

Mabilis na nag-type si Foo para i-reply si Kristen. Nakilala niya ito sa Internet at isa itong writer sa isang online pocketbook project. Pareho sila ng hilig– ang magbasa ng pocketbook. “Kristen! Paano mo nalaman na kami na ni Tessa!? I mean, hindi naman talaga kami! Tsismis lang yun!” protesta niya. Mabilis namang nag-reply si … Magpatuloy sa pagbasa

Act 008: Boyfriend!?

MAAGANG pumasok si Foo sa opisina ngunit mas maaga si Tessa. Para itong bata na nakahawak ng bagong laruan dahil abot hanggang tainga ngiti nito sa kahit kaninong nakakasalubong niya. At habang naglilibot siya sa kanilang opisina ay marami siyang mga tsismis na naririnig. At ang tsismis na yun ay– boyfriend na daw siya ni … Magpatuloy sa pagbasa

Act 007: Bulingit

BUONG magdamag na hindi nakatulog si Foo dahil sa mga sinabi ni Tessa. Iniisip niya na may bago na naman itong kalokohang ginawa o hindi kaya’y may malaki itong problema. Pero kahit na! Hindi siya maaring magpagamit sa isang babae lalo na sa isang bulingit kagaya ni Tessa! Bulingit ang tawag niya kay Tessa dahil … Magpatuloy sa pagbasa

Act 006: Yes

Nabigla naman si Foo sa sinabi ni Tessa. Napaatras ito. Tatanggi. “Humiling ka na lang ng kahit ano pero hindi mo ako pwedeng gawing  boyfriend o kung ano man! Ano ako, mascot!? No way!” sagot ni Foo sa kaniya. Natahimik si Tessa. Tumitig ito sa kaniya. Maya-maya’y tumulo ang luha nito habang humihikbi. “Please? My … Magpatuloy sa pagbasa

Act 005: Damit

PAGKATAPOS mananghalian ay nagyayang maglibot sa mall si Tessa upang maghanap ng bagong damit. Dadalo kasi ito sa kasal ng kaniyang barkada sa makalawa. Since kasama na rin niya si Foo, ang pinaka-kaclose niya sa lahat niyang ka-opisina, kinulit niya ito hanggang sa mapapayag niya ito na samahan siya. Tutal, may 40 minutes pa naman … Magpatuloy sa pagbasa

Act 004: Dried Mango

HABANG kinakain ang kanilang hapunan ay mayruong babaeng lumapit sa kanila. Inalok sila nito ng dried mango bilang dessert. “Ma’am! Sir! Baka gusto po ninyo tikman itong dried mango na tinitinda ko. Masarap po yan especially after lunch.” sabay ngiti. “Sorry miss pero kakatapos ko lang kumain ng dried mango.” pagsisinungaling ni Tessa sa babae. … Magpatuloy sa pagbasa

Act 003: Pantry

Pagkababa ni Foo at Tessa sa 6th floor kung saan matatagpuan ang kanilang pantry ay agad na napansin ni Foo na kulang kaniyang pera. Hindi kasi sapat ang dala-dala niyang pera sa kaniyang pitaka kung kaya’t tinangka nitong magpaalam kay Tessa na bumalik sa itaas ngunit pinigilan siya ng huli. “It’s ok Foo, I’ll treat … Magpatuloy sa pagbasa

Act 002: Tanong?

Palabas na si Foo sa pintuan nang makasalubong niya ang isa sa kaniyang ka-opisina. “Kumain ka na ba?” tanong ni Tessa sa kaniya, isa sa mga kinahuhumalingan ng kaniyang mga barkadang lalake. “Isa ka pa! Nawalan na ako ng gana!” maktol niya bago nito pinisil ang kaniyang pisngi. “Hindi pa. Ikaw?” sabay ngiti. Kinurot naman … Magpatuloy sa pagbasa

Act 001: Trabaho!

“Foo! Kumain ka na! Tanghalian na kaya!” sabi sa kaniya ni Kristen habang nag cha-chat sila sa Yahoo! Messenger. “OK! Pang 45th times mo nang sinabi sa akin yan eh!” mabilis naman niyang sagot gamit ang laptop. Kasalukuyang nasa opisina si Foo dahil fina-finalize pa niya ang kaniyang trabaho samantalang si Kristen nama’y hyper sa … Magpatuloy sa pagbasa

TOP Calendar

Abril 2017
L T M H B S L
« Apr    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan