aming nakaraan

lashes15onice

lashes15onice has written 11 posts for Tagalog Online Pocketbook

Maybe – 11 (END)

ALAS-ONSE ang kasal nila Jake at Charise ngunit alas-onse y media na ay hindi pa rin dumarating si Charise. Nagsisimula ng ma-tense ang tatay ni  Jake. Pati sila Inay, Gino at Karen ay kinakabahan na rin. Ngunit nawala ang lahat ng ito ng makita nila ang bridal car na papalapit sa simbahan. “Hay sa wakas! … Magpatuloy sa pagbasa

Maybe – 10

BUMALIK sa normal ang aking buhay simula ng makalabas kami sa ospital ni Brian. Mas lalo akong naging masigla sa aking trabaho at na-promote pa ako bilang team leader sa call center na pinapasukan ko. Si Brian naman ay nag-resign sa kaniyang trabaho sa Laguna pagkatapos niyang makahanap ng bagong pagkakakitaan malapit sa apartment na … Magpatuloy sa pagbasa

Maybe – 09

NANGHINA ng sobra ang aking katawan pagkatapos kong marinig ang sinabi sa akin ni Inay. “Na-aksidente si Brian. Kailangan ka niya. Eto ang address kung nasan yang boyfriend mo.” sabi sa akin ni Inay. Hindi ko maipinta ang kaniyang mukha kung galit ba siya sa akin o naaawa. Napabuntong hininga na lamang ako ng malaki … Magpatuloy sa pagbasa

Maybe – 08

NABIGLA ako ng marinig ko ang sinabi ng tatay ni Jake, na siya ring itinuturing kong pangalawang tatay simula ng magkamalay ako. “You heard me Icka, I want you to come with us to states before I undergo with my operation.” ani Tito. Bigla namang nagsalita si Jake. “Pa, busy si Icka sa work niya … Magpatuloy sa pagbasa

Maybe – 07

PAGKALINGON ko sa aking likuran ay nakita ko si Jake. Nakatayo ito at hawak nito ang kaniyang cellphone. Pinindot niya ang OK key bago siya ngumiti sa akin. Pagkaraan ng ilang sedundo’y naka receive ulit ako ng text sa kaniya. “I give up. Friends again?” Nagtaka ako sa kaniyang itinext sa akin. Gusto ko siyang … Magpatuloy sa pagbasa

Maybe – 06

MAG A-ALAS-SIYETE na nang umaga bago ako magising. Pinuyat ko ang aking sarili sa pag-iisip tungkol sa amin ni Brian. Pero mas lalo akong napuyat at napagod sa inutil na Jake na yun! Tinampal ko ang aking sarili bago ko ginawa ko ng mabilis ang aking morning routine— ang bumangon, iligpit ang kama, maligo at … Magpatuloy sa pagbasa

Maybe – 05

BUONG magdamag ng Sabado at Linggo ako binantayan ni Brian. Mula pagkagising, pagkain, pagligo, pamamalengke, pag-grocery, pagsimba at pati na rin siguro sa paghihilamos ko ay hindi ako nakawala sa paningin ng boyfriend ko. Aaminin kong mas naging panatag ang aking kalooban dahil sa mga ginawa niyang iyon. Marahil, kung ibang babae ang kaniyang naging … Magpatuloy sa pagbasa

Maybe – 04

“KAMUSTA Icka? Kanina pa kita pinagmamasdan. Mukhang malalim ata ang iniisip mo.” tanong ni Jake sa akin. Hindi ko alam kung paano niya ako nasundan o kung anung salamangka ang kaniyang ginamit pero bilib ako sa kaniya. Tulad ng dati, lagi niya akong sinusurpresa. Bilib? Ibig bang sabihin nun ay may nararamdaman pa rin ako … Magpatuloy sa pagbasa

Maybe – 03

HALOS magdamag kong suot ang aking headset dahil sa dami ng tumatawag. Ang iba’y maayos kausap ngunit karamihan sa kanila’y talaga naman—mga pasaway na kliente! At kahit biyernes na ay parang hindi ko nararamdaman ang ginhawa na nararamdaman ng ibang mga tao. Kadalasan kasi pag biyernes ay ‘easy-go-lucky’ ang karamihan sa mga class-b employees. Yung … Magpatuloy sa pagbasa

Maybe – 02

“there i was, waiting for a chance…..” dinig na naman nya ang cp nya. check nya ang relo sa side nya. 8:30 am na pla. di bale mamayang ten pa ang pasok nya. 3rd shift kasi sya sa pinapasukang call center company. tinignan kung cno ang ng message. Si Brian, ang steady boyfriend nya for … Magpatuloy sa pagbasa

Maybe – 01

“There I was waiting for a chance, hoping that you’ll” tunog ng cellphone ni Icka… ‘ cno naman kaya to…’ sabay tingin sa relo na nkasabit sa tabi ng bed nya. alas tres ng madaling araw, inis na kinuha nya ang cp sa side ng unan nya. “hi, still awake?, Jake here…” napabalikwas ako ng … Magpatuloy sa pagbasa

TOP Calendar

Abril 2017
L T M H B S L
« Apr    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan