aming nakaraan

Calla Lily

I write for a cause and that cause is "love".
Calla Lily has written 16 posts for Tagalog Online Pocketbook

My Ugly Fiance – Teaser

Janina Ramos was the town’s dancing queen. Dahilan kaya hinahangaan siya ng lahat ng kalalakihan at kinaiiinggitan ng mga kababaihan sa lugar nila. She was happy and in love until her boyfriend left her for another woman which broke her into pieces. Lalong bumagsak ang mundo niya nang ipagkasundo siya ng Mama niya kay Hercules … Magpatuloy sa pagbasa

If I Didn’t Love You – START

“Mahal kita at mamahalin kita magpakailanman,” halos pabulong na sabi ni Johnny na nakatitig sa kanya. Wala sa loob na nasapo ni Denise ang dibdib. Sobrang lakas ang tibok niyon, parang mabibingi siya. Napatingin siya sa binata. Parang hindi siya makahinga. Ngunit bago pa man siya tuluyang madala sa sariling pantasya, nagising siya nang batukan … Magpatuloy sa pagbasa

Heart Mirage: The Awakening – END

Read Heart Mirage first before reading this. Sa huling pagkakataon, tinapunan ko ng  tingin ang mansyon na kinakain ng malaking apoy. Parang kailan lang punung-puno iyon ng masayang tawanan naming lahat. Ngayon, katulad ng pamilya ko, magiging abo na din ang bahay na kinalakihan ko. Kasama na lahat doon ng masasayang alaala… wala na akong … Magpatuloy sa pagbasa

As Long As Forever – Teaser

Nothing can make Mushroom happier than to see Gino out of her life. Simula nang magka-isip siya hindi niya maalalang naging masaya siya sa tuwing nariyan ang kababata. He always makes her day worst of all worsts. Wala siyang ibang nararamdaman para dito kundi inis, galit at pagkamuhi na walang kapantay. Hindi niya aakalaing didinggin … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 12

PAGKALIPAS ng isang taon, muling bumuhos ang balita tungkol sa pagpatay kay Rhoda Santillan. A video was found and it leaked in the internet. Lumitaw ang mukha si Fred. Nakangisi ito. “I’m gonna surprise my bride-to-be! Watch out guys!” Isinet nito ang cam at nagtago sa likod ng kurtina. Bumukas ang pinto. Narinig ang mabining … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 11

“ALL RISE.” Hudyat iyon ng pagsisimula ng paglilitis. “The court is now in session. Judge Pompeo Adriano presiding. People of the Philippines versus Justin Camara. ” Bahagyang napapitlag si Justin nang marinig niya ang pangalan niya. Nananakit ang buo niyang katawan. Pagpasok pa lang niya’y sinalubong siya ng media at sapak at batok ang inabot … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 10

HINDI magawang ihakbang ni Marga ang mga paa. Nanlalambot ang tuhod niya’t alam niyang babagsak siya kapag gumalaw siya. Nanatili si Henrik sa tabi niya, hawak-hawak siya. Nang magising siya kanina’y nasa apartment siya ng binata. Isa lang ang pumasok sa isipan niya, ang makita ang bestfriend niya. Tinangka siyang pagpahingahin ni Henrik ngunit buo … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 9

NANANAKIT ang buong katawan ni Marga pagkagising niya. Pagmulat ng mga mata niya’y bumungad sa kanya ang mukha ni Justin na nakatunghay sa kanya. Gusto niyang matawa sa ekspresyon ng mukha nito. Puno ng pag-aalala ang mukha, parang nagbabantay ng taong maysakit. “Good morning,” aniya rito. Ngumiti ito, pinapanood ang bawat galaw niya. “Okay ka … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 8

SA unang linggo ng pananatili nila sa hacienda’y mas naging kumportable sila sa isa’t isa. Naibsan ang alalahanin ng dalaga dahil wala na siyang itinatago pa sa dating kasintahan. Nararamdaman niyang nahihirapan ito sa sitwasyon nila ngunit nanaig ang kagustuhan nitong intindihin siya kesa sa sarili nitong damdamin. Unti-unting nabuwag ang harang sa pagitan nila. … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 7

  “GALIT KA PA?” Napalingon si Marga sa kinaroroonan ng boses. Sumimangot siya nang makita ang dating kasintahan. Itinuon niya ulit ang atensyon sa malawak na lupain ng mga Camara. Nasa veranda siya’t nagpapahangin. Naisip niyang talunin iyon kanina para makatakas. Pero iwinaksi niya iyon sa isipan nang makita kung gaano kataas iyon. Wala sa … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 6

  NAGISING si Marga sa matinding hilab ng tiyan at sakit ng ulo. Gusto niyang takbuhin ang banyo dahil pakiramdam niya’y babaliktad na ang sikmura. Ngunit nagulat siya nang mabungaran ng mga mata ang silid na hindi pamilyar sa kanya. At mas nagulat siya nang makitang wala siyang kahit na anumang saplot sa katawan maliban … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 5

  ILANG minuto pa’y nakarinig na siya ng busina sa labas. Nagpakawala si Marga ng malalim na hininga. Binuksan na niya ang pintuan ng silid. Nakita niya si Henrik, naka-upo ito, nakasalikop ang dalawang kamay habang nakayuko. Nag-angat ito ng tingin nang bumukas ang pinto. Tumayo ito para lapitan siya. “Nasa labas si Sara,” aniyang … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 4

  KANINA pa hindi mapakali si Marga. Nagsisisi siya kung bakit hindi siya bumaba kasama ni Justin. Halos hindi umuusad ang sasakyan nila dahil sa sobrang traffic. Disin sana’y kasama na siya nina Rhoda ngayon at hindi naiipit sa isang nakakatensyong sitwasyon kasama si Henrik. “Maglalakad na lang ako pauwi.” bigla’y nasabi niya. Napatingin si … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 3

 NAGLALAKAD-LAKAD lang sila sa gilid ng baybayin. Hindi nila namalayan ang pagdaan ng oras. Magtatakip-silim na kaya nagganyak siyang umuwi na sila. “Just a minute more,” hiling nito. “Besides, Henrik will pick us up,” ani Justin. Namilog ang ulo niya sa narinig at napatingin sa kaharap. “We can hire a taxi. We don’t have to … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 2

 “AND WHAT ARE WE EXACTLY GONNA DO THERE?” aniyang hindi napigilan ang pagtaas ng kilay. “My surprise is there!” anito sabay tawa tila kinikilig. Tinitigan niya ang kaibigan. She smells something fishy. Really really fishy. Lalong tumaas ang kilay niya nang abutan siya ng make-up kit nito. “Baka gusto mong mag-retouch,” anitong ngumisi. Hindi siya … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – TEASER

Isa lamang ang pinakahihiling ni Margarette sa buhay. Iyon ay ang magmahal at mahalin ng tunay at wagas. Dininig ng Diyos ang kaniyang hiling nang magtagpo ang landas nina Justin. Wala na siyang ibang mahihiling pa. Alam niyang si Justin na ang itinatangi ng puso. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling tumibok ang puso … Magpatuloy sa pagbasa

TOP Calendar

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Apr    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan