aming nakaraan

3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)
3m1ly70p has written 33 posts for Tagalog Online Pocketbook

Kung Iibigin Kang Muli – FREE Ebook Download

Si Mundo ay isang topnotch detective at lahat ng hawak niyang kaso ay natatapos niya ng walang palya at aberya. Ngunit may isang kaso na biglang dumating sa kaniya na kailangan niyang lutasin. Isang kaso na kung hindi niya malulutas ay maaaring sumingil sa kaniyang buhay at pangarap. Ang kaso— Umibig siya sa babae na … Magpatuloy sa pagbasa

PRESS RELEASE – TOP “REBORN” Project

Para sa mga dati ng miyembro, malamang pamilyar kayo sa salitang “gils”, “no right click”, “no text selection”, “last chapter password protect”, “love problem”, “top cards”, etc. Ilan lamang yan sa mga pinangunahan ng TOP nitong nagdaan na panahon ngunit sa pag-usad nito, dumami rin ang mga taong nakihalubilo sa amin. May mabuti, may masama. … Magpatuloy sa pagbasa

Protektado: New Version Of You & Me – CHAPTER 5 – FINAL

Walang halaw dahil ito protektadong paskil ito.

New Version Of You & Me – CHAPTER 4

CHAPTER FOUR That Man “What is Paolo Esquivel doing here, Vic?” Maang na napatingala si Victoria mula sa pagkakaupo niya sa isang baitang ng mababang stage set ng TCCS. Forty-five minutes bago gumiling ang mga camera ay nakabihis na siya para sa kanilang episode tungkol sa fashion forecast para sa taong 2012. Abala siya sa … Magpatuloy sa pagbasa

New Version Of You & Me – CHAPTER 3

CHAPTER THREE Don’t Play with Fire… crackers Napatalon si Victoria nang habang palapit siya sa direktor upang tmakinuod sana sa monitor nito. Alam niyang isang malupit at sunud-sunod na testing ng mga paputok ang kasalukuyang kinukunan ng news team nang mga sandaling iyon para sa anti-firecracker injury campaign ng GMS, ngunit di pa rin niya … Magpatuloy sa pagbasa

New Version Of You & Me – CHAPTER 2

CHAPTER TWO Stranded Paulit-ulit pa ring nagpa-flash kay Victoria ang eksenang iyon, a day and a half later, habang nakatayo siya sa tabi ng mataas na steel and concrete railing sa rooftop ng GMS Tower. Pasado alas-diyes ng gabi at naroon siya upang mag-unwind mula sa maghapong pagbababad sa music studio para repasuhin ang arrangements … Magpatuloy sa pagbasa

New Version of You & Me – CHAPTER 1

CHAPTER ONE Fly With Me Victoria shielded her eyes with a free hand as she squinted against the morning sun. Halos kalahating kilometro din ang nilakad niya dala ang isang gym bag at gitara mula sa pinagbabaan sa kanya ng military truck na sinakyan. Palapit na siya sa parte ng isang unibersidad sa Iligan na … Magpatuloy sa pagbasa

New Version of You & Me – TEASER

He never quite expected all that he found out about her, and was never prepared for the truth he is now discovering about himself. Paolo has heard things about Victoria’s rich, pampered princess life, and how work for her is some sort of rebellious act. He thinks she’s bratty, snooty and a bit too hung … Magpatuloy sa pagbasa

RCS: Bryce and Chloe: Teaser

  Masasabing mas mahirap pa siya sa daga, abut-abot langit ang paniningil sa kanya ng kung anu-anong bayarin ng kanyang landlady. Gusto niyang yumaman dahil kung hindi niya mababayaran ang utang niya ay ipapakasal siya sa anak na alien ng kanyang landlady. Akala niya’y mawawalan na siya ng pag-asa, ngunit nang bumulaga sa kanya ang … Magpatuloy sa pagbasa

Red Code Series: Teaser

Dahil sa isang kahihiyang inabot ni Chloe Ashley Ramirez sa kanyang concert ay nagdesisyon siyang umalis ng bansa at magpuntang Amerika. She was pop icon in the music industry, hindi na ngayon. Matapos ang pagpapahinga at paglagay sa tahimik ay bumalik siya sa Pilipinas para magtataga ang isang boy group na nagngangalang “RED CODE.” Sa … Magpatuloy sa pagbasa

Stolen Kiss – START

SIMULA pagkabata ay crush na ni Grace si Blake. Araw-araw silang magkasama, mula pagpasok hanggang sa pag-uwi galing sa eskwela. Ngunit nagbago iyon ng… “Blake! Karera naman tayo! Kung sino unang makakarating sa dulo ng daan na to, siya ang panalo!” alok niya dito. Patuloy naman ito sa pagpupunas ng bisikleta. Katatapos lang kasi nilang … Magpatuloy sa pagbasa

Heart Mirage – Start

ILANG minuto mula ngayon, matatapos na ang aking buhay. Pinaghahanap nila ako. Ang sabi nila, isa akong salot na dapat mawala sa daigdig. Ang iba nama’y kaya ko raw silang iligtas. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kailangan ko ng— Hindi ko pa natatapos ang tina-type ko sa aking computer … Magpatuloy sa pagbasa

Defying Destiny – Chapter 1

“Mom, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo, I will never, I repeat, I will never take over dad’s company.” Nahilot ni Ivan Arkain Sevilla ang kanyang noo. One of these days, lalapit talaga siya sa abogado para humingi ng court order para tigilan siya ng mga magulang. Inayos niya sa pagkakasandal ang kanyang motor, tinanggal … Magpatuloy sa pagbasa

My Last Boyfriend – Teaser

Kasabay ng bawat araw na lumilipas ay ang paglobo ng tiyan ni Angela. Kailangang makasal siya bago iyon mahalata ng kanyang parents at bago siya mapatay ng kanyang daddy. Subalit kanino siya magpapakasal? Kay Kevin ba na isang matalino, mayaman, at guwapong engineer, na siyang ama ng batang nasa kanyang sinapupunan? O kay Jun-Jun, isang … Magpatuloy sa pagbasa

I’m Yours – Teaser

Teaser Si Yuta– Isang lively na lalake. Mautak. Maabilidad. Gwapo. Pero pagdating sa chicks, sopla! Kasi naman, sa tuwing may popormahan siyang babae, laging binubulilyaso ang kaniyang diskarte ng kaniyang makulet na kapatid na babae na si Tet. Si Tet– Ang bunsong kapatid ni Yuta. Cute. Maliit. Iyakin. Mahal na mahal niya si Yuta at … Magpatuloy sa pagbasa

Act 018: Paalam

“Alexandra or Tessa, it doesn’t matter. Bakit ba kasi ang suplado mo? Hindi mo ba ako maaaring mahalin dahil kapatid lang ang turing mo sa akin? Ang problema kasi sayo, masyado kang maramot. Ang gusto ko lang naman, mahalin ka, di naman ako hihingi ng kapalit eh. Pero maramot ka… maramot!” bungad ni Tessa sa … Magpatuloy sa pagbasa

Act 017: Iisa

“Kristen, Yesha, ano ba ang naisip nyo at dinala ninyo ako sa lugar na ito? Masyadong namang classy ang restaurant na ito. Baka mamaya ako pa ang magbayad ng kakainin natin, ma-ya-yare kayo sa akin!” pagmamaktol ni Foo habang inip na inip sa kahihintay sa misteryosang Alexandra na ipapakilala diumano nila Kristen at Yesha sa … Magpatuloy sa pagbasa

Act 016: Pagtakas?

Halos nawala ang antok ni Foo dahil sa mensaheng natanggap niya sa kaniyang cellphone. Inisip niya kung sino ang nagbigay ng kaniyang numero at dalawang suspek lang ang bigla niyang naisip! Si Kristen na sobrang makulet sa YM at si Yesha ang diwatang ka-tandem ni Kristen sa kalokohan! Siguradong may pinaplano ang dalawang bruhang ito … Magpatuloy sa pagbasa

Act 015: Cellphone

Hindi makapaniwala si Foo sa bilis ng mga pangyayari, paano nya nagawang tugunin ang sandaling halik na iyon ni Tessa? At ang sandaling halik na iyon ang hindi magpatulog sa kanya ngayong gabi. Paulit-ulit na bumabalik iyon sa kanyang balintataw. Mahal ba talaga sya ni Tessa? Hindi pwede ito, kapatid lang talaga ang turing nya … Magpatuloy sa pagbasa

Act 014: Sagot

NAGULAT si Foo nang makita niya si Tessa kaniyang harapan. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha sa isa’t isa. Nataranta siya. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin o gagawin. Napalunok siya ng malaki. Nawawala na talaga siya sa kaniyang sarili! “May sasabihin ka ba? Tumawag ka kasi sa cellphone ko.” ani Tessa sabay irap … Magpatuloy sa pagbasa

TOP Calendar

Hulyo 2017
L T M H B S L
« Apr    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan