binabasa mo ang...
Announcements

PRESS RELEASE – TOP “REBORN” Project

Press release

Press release

Para sa mga dati ng miyembro, malamang pamilyar kayo sa salitang “gils”, “no right click”, “no text selection”, “last chapter password protect”, “love problem”, “top cards”, etc.

Ilan lamang yan sa mga pinangunahan ng TOP nitong nagdaan na panahon ngunit sa pag-usad nito, dumami rin ang mga taong nakihalubilo sa amin. May mabuti, may masama. May mapag-tiyaga, may mainipin. May tapat, may traydor. Lahat ata ng klase ng tao sa net at maging sa tunay na buhay ay nakasalamuha na namin. At dahil dito, nagpapasalamat kaming lahat sa inyo.

Ngunit kasabay nito, nagkaruon ng malaking pagbabago sa teknikal na mundo ng TOP. Una, lagi kaming nauubusan ng bandwidth kaya’t ang naisip naming solusyon ay bumili ng unlimited hosting sa aming provider at gumana naman ito, kahit papaano.

Bakit ko nasabi? Dahil nagkaruon na naman kami ng panibagong problema. Ito yung nauubusan kami ng memory at laging mataas ang CPU usage ng aming server. Bakit ito nangyari? Siyempre, maraming websites ang nag-ha-hati-hati sa isang computer. Kung lahat sila aktibo, talagang bibigay ang server. Sa katunayan, ito yung sulat sa amin ng aming host.

Your site is hosted in a “shared” server and there is a 25% cpu limit. If you reach this limit the site will slow down to avoid instability and affect other customers using the same server. I know your website is the most active and using the most cpu. Are you using WordPress? Joomla? There are plugins to make the site use less cpu. Please advise.

Sincerely,
John ??????
Systems Administrator

Gaya ng sabi ng aming host, nag-install, nag-research, nag-hack rin kami ng ilang bagay sa wordpress/cpanel ngunit kahit na nagawa na namin ito, hindi pa rin umubra.

Kaya eto na, binabasa mo ang sulat na ito.

Marahil, sasabihin mo, bakit hindi na lang mag-avail ng mas mataas na hosting or dedicated na server para sa TOP. Well, pwede rin yan kung meron kang P20,000 a month. That’s P240,000 a year. Astig diba? Pwede! *sarcastic tone*

Anyways, i-i-itemize ko na lang ang mga pagbabago sa TOP. Kung mahal mo kami, mauunawaan mo ang aming sitwasyon. Ngunit kung sino ka man at kung ano man ang balak mo sa amin, no comment na lang (sa mga haters, bleh). ^_^

Mga pagbabago sa TOP

– Lahat ng posts sa .com ay mapupunta sa wordpress.

– I-re-reset ang .com at magtatayo tayo ng isang malaking shopping mall o convention center duon. (hopefully! yey!)

– Lahat ng mga naipon na gils ng mga users ay ilalagay namin sa isang dedicated page sa mga susunod na araw. Magagamit nyo pa rin ang mga gils na ito para sa aming mga shop items o sa mga ebooks na i-re-release namin. (Kung itatanong mo kung ibabalik pa rin namin ang gils system later, hindi namin alam. For now, what you see is what you get.)

– Ang BBBS Series ay hindi muna mababasa dahil i-co-convert namin ito sa ebook at magiging per donation ito, gaya ng mga naunang plano.

– Mananatiling nasa 90% migration complete ang site hanggang sa makasali ang lahat ng mga authors/contributors sa bagong system namin.

– FREE to copy for PERSONAL use ang TOP. Ngunit kung balak mong i-distribute ang aming mga stories, kailangan bigyan mo ng CREDIT, link back ang TOP at sabihan mo kami sa balak mong gawin. Kung pagkakakitaan mo o di kaya ay may balak kang angkinin ang istoryang isinulat namin, mapupunta ka sa SHAME WALL at tiyak na mahihirapan kang alisin iyon duon.

– Kung nais mong magpasa ng istorya, kailangang ipasa mo ang iyong COMPLETED story, with CV plus picture to editor@tagalogonlinepocketbook.com

– Para sa ibang katanungan, basahin ang ABOUT at CONTACT section.

Muli, salamat, kaibigan.
Foo, Janitor

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

7 thoughts on “PRESS RELEASE – TOP “REBORN” Project

  1. talaga
    enjoy nman

    Posted by jjhuls | Nobyembre 15, 2012, 9:45 umaga
  2. Saan ko po makukuha ang password kubg passsword proteted ubg last chapter na binabasako po.. ka re registr ko po sa site ng top.

    Posted by EMEROSE DE LEON | Agosto 4, 2012, 3:18 hapon
  3. galing ok po un, llo n ung free to copy for personal use🙂 kc minsan lng aq mgload sa smartbro nmin eh, hahaha, kya ndi q nttapos minsan ung binbsa q kpg mlpit n mxpire load q…
    tnx po…🙂

    Posted by riza | Pebrero 15, 2012, 4:03 hapon
  4. like! go lang master foo

    Posted by itsgonnabeme | Pebrero 13, 2012, 3:22 hapon
  5. Thanks empress could you email them to me as well I lost the organized copies thanks. xoxo

    Posted by pinaywriter | Pebrero 13, 2012, 12:41 hapon
  6. Ako ang magpi-PM ng lahat ng BBBS stories. May complete copy ako, lalo na `yung revised copies. Ise-send ko nalang kapag hindi busy.

    Posted by empresz23 | Pebrero 13, 2012, 8:45 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2012
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: