binabasa mo ang...
Ebooks

PREMIUM RELEASE ~ Only Exception by Lizzie

Only Exception by Lizzie

Promises are meant to be broken, I know that. Pero masama bang umasa sa isang pangako na sa tingin mo ay ang tanging bagay na nagbibigay sa’yo ng pag-asa?

Make sure you have read the following novels first since this ebook is somehow connected to these stories. LIKE Lizzie’s fanpage too and receive the latest updates about her works.

Teaser

Itinago ni Hazel sa matatalik niyang kaibigang sila Abigale at Jessica ang kanyang takot na umibig. Kahit pa mismong ang mga ito na ang patunay na true love still exist dahil sa magandang kinahinatnan ng buhay pag-ibig ng mga ito ay hindi niya pa rin niya magawang palakasin ang kanyang loob pagdating sa pag-ibig.

Her fear started when her parents separated when she was only ten years old. Simula noon ay naging iba na ang papanaw niya pagdating sa pakikipagrelasyon. Ngunit sa kabila ng takot na iyon ay mayroong isang pangako na kanyang pinanghahawakan.

Andrew promised to take care of her at kahit pa nga maraming taon na ang lumipas simula nang magkalayo sila nito ay nananatili pa rin siyang naghihintay dito.

Si Andrew nga ba ang tanging kataliwasan upang hindi na siya matakot umibig o kaya niya ring bigyan ng pagkakataon si Darren na sa kasalukuyan ay masugid niyang manliligaw

PROLOGUE

“OH thank you Lord!” palatak ni Andrew nang sa wakas ay makita niya si Hazel.

Halos dalawang oras na itong nawawala at isa lang siya sa maraming naghahanap dito sa kabuuan ng farm.

Nakaupo ito sa ilalim ng isang malaking punong mangga habang nakadukmo na sa tingin niya ay umiiyak kaya’t kaagad niya itong nilapitan.

Nang sa wakas ay makalapit siya dito ay dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok nito.

“Hazel, where have you been? Please stop crying… I am here.”

Napaangat ang ulo nito sabay sambit ng “Kuya Andrew…” pagkatapos ay niyakap siya nito at tila lumakas pa ang paghagulgol.

Hindi niya masisi si Hazel kung bakit ganoon na lamang ang iyak nito. She’s only ten years old. She will not understand what’s happening to her family. Kahit naman siya na teenager na sa edad niyang fifteen ay hindi pa rin maunawaan kung bakit kailangang maghiwalay ng mga magulang ni Hazel.

“Sshh… It’s alright. Huwag kang mag-alala I am always here for you. I’ll take care of you, promise ko yan.”

CHAPTER 1

IT was just another typical day for Hazel. Pasok nang umaga sa pre-school kung saan siya nagtuturo at punta sa Exquisito; ang beloved restaurant na itinayo ng bestfriend niyang si Jessica kung saan co-owners din sila ng isa pa niyang bestfriend na si Abigale.
Kasalukuyan siyang nakaupo noon sa swivel chair sa loob ng office ng restaurant nang pumasok si Cecille, ang anak ng katiwala nilang si Manang Shiela sa farm, na ngayon ay assistant na sa kusina at office ng kanilang restaurant.

“Ma’am nasa labas po si Ma’am Lizette, hinahanap po kayo.” saad ni Cecille.

Si Lizette ay isa sa mga pinsan niyang malapit sa kanya.

“Ah ganun ba? Sige lalabas na ko. Ay teka Cecille, tumawag na ba si Jessica? I was trying to call her this morning kaya lang di sumagot. I really need to know kung kailan ang balik niya from Canada.”

“Hindi pa ho Ma’am eh.”

“Ah sige Cecille. Makisabi na lang kay Liz na lalabas na ko. Just give me 10 minutes to check my email.”

“Okay po.”

Bago siya humarap sa computer ay napalingon siya sa picture frame sa ibabaw ng office table. Nangiti siya dahil kuha iyon sa farm nila noong minsang bumisita silang magkakaibigan kasama si Paul at Timothy. She’s happy for her two bestfriends dahil si Abigale ay happily married na ngayon kay Paul at magpapakasal na din si Jessica at Timothy soon.

Kinuha niya ang picture frame at tinitigan ang picture. Napansin niya ang punong mangga sa background doon which brought her to a memory from the past.

“Anton will you please lower your voice!” narinig niyang sigaw ng kanyang mommy.

“Mom? Nag-aaway po ba kayo ni Daddy?” inosente niyang tanong dito.

Napailing lang ito bago nagsalita.

“Hazel please just go to your room. Nag-uusap kami ng daddy mo.”

“Pero Mom bakit po ba kayo nag-aaway?”

“Hazel please! Go to your room now!” sigaw nito.

Nakita niyang nakamasid lang ang kanyang daddy sa kanila na mababakas sa mukha ang pinipigil na galit.

Dahil sa takot ay umalis siya ngunit di papunta sa kanyang kwarto. Habang papalayo siya sa mga magulang ay narinig niya pa rin ang diskusyon ng mga ito.

“Hillary, we will just separate and that’s final! I can’t stand to be with you anymore!” maawtoridad na wika ng kanyang daddy.

“Ano sa tingin mo? I still want to be with you? I will be the happiest once we separate!” sagot naman ng kanyang mommy.

Hilam sa luha ang mga mata niyang tumakbo palabas sa resthouse. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, basta’t ang alam niya lang ay kailangan niyang lumayo.

Matapos ang mahigit isang oras na paglalakad lamang sa manggahan nila habang umiiyak ay nagpasya siyang sumilong sa ilalim ng isang mangga na malapit sa may creek.

Nakadukmo siya noon nang maramdaman niya ang dahan-dahang paghaplos sa kanyang buhok.

“Hazel, where have you been? Please stop crying… I am here.”

Iniangat niya ang kanyang ulo at nang makitang si Andrew iyon ay niyakap niya ito ng mahigpit.

“Kuya Andrew.” saad niya na mas lalo pang napahagulgol sa presensiya nito.

Kuya ang tawag niya kay Andrew dahil halos magkasama silang lumaki nito. Ang pamilya nito ang may ari ng farm na katabi lamang ng farm nila. Magkakaibigan ang kanilang mga magulang kaya’t malapit din siya dito.

“Sshh… It’s alright. Huwag kang mag-alala I am always here for you. I’ll take care of you, promise ko yan.”

Pagkasabi ng mga katagang iyon ni Andrew ay humiwalay siya sa pagkakayakap dito.

Masuyo namang pinunasan nito ang mga luhang umalpas sa kanyang mga mata.

“Tahan na.”

“Maghihiwalay na sila mommy at daddy…” saad niya na umiiyak pa rin.

“I know. I am sorry for that Haze, pero hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I’ll take care of you kaya’t huwag ka ng mag-alala.” pag-uulit ni Andrew sa pangakong sinambit.

“Ma’am?” untag ni Cecille sa kanya.

“Ah Cecille?”

“Sorry po pero tinanong po kasi kayo ulit ni Ma’am Lizette. Hinihintay po kasi kayo sa labas.”

“Ay sorry. Sige halika na.” sagot niya kay Cecille sabay balik sa picture frame na kanyang hawak at labas ng office upang puntahan ang kanyang pinsang si Lizette.

NAGULAT si Hazel nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Pagkatapos niyang makausap ang pinsan niyang si Lizette kanina at ibalita nito sa kanyang buntis ito ay tila ba bigla siyang naawa sa sarili.

Base naman sa text message na na-receive niya mula kay Abigale kanina ay buntis rin ito samantalang si Jessica naman at Timothy ay pinaplano na ang pagpapakasal. Napag-iiwanan na nga yata siya ng mga ito.

“Hello?” walang buhay niyang sagot sa kanyang cellphone.

“Oh Haze parang malungkot ka yata?”

“Jessica buti tumawag ka na. I was waiting for your call since this morning.”

“Sorry ha at medyo busy kami ni Tim eh. Malapit na ang balik ko, don’t worry. Marami din akong aasikasuhin para sa wedding naming diyan kaya uuwi na talaga ako.”

“Ganyan din ang sinabi mo sa kin noong unang punta mo diyan sa Canada, na uuwi ka kaagad pero hindi naman.” biro niya sa kaibigan.

“Ikaw naman… I am just enjoying my second visit here. Baka kasi matagalan din ang pag-aayos ng papers ko pagkatapos ng kasal namin ni Tim. Teka, hindi mo pala sinagot ang tanong ko kanina, bakit parang malungkot ka? May problema ka ba?”

“Ahh wala naman. Don’t worry about me. Basta bumalik ka na dahil maraming naghahanap sa’yo dito sa Exquisito. Kailangang ma-train mo din ang ibang cook para alam nilang gawin ang mga luto mo.”

“I’ll see you soon Haze, very soon!”

“Ok, ingat kayo diyan. Say my regards to Tim.” aniya bago putulin ang linya.

Sa kabila ng awa sa sarili ay hindi pa rin naman nawawala ang takot niya. Kani-kanina nga lang ay nanariwa na naman sa isipan niya ang tagpong halos gusto na niyang kalimutan noong bata pa lamang siya. Kahit pa nga mahigit isang dekada na ang nakakalipas simula nang maghiwalay ang parents niya ay ramdam pa rin niya ang sakit dulot noon. At dahil din sa pangyayaring iyon ay nagsimula siyang magkaroon ng takot.

She’s actually afraid to fall in love with someone. Marahil ay dinala niya ang trauma sa paghihiwalay ng parents niya. Sa pakiramdam niya ay masasaktan lang siya kapag pumasok siya sa isang relasyon. Hindi iyon alam nila Jessica at Abigale dahil ayaw niyang mag-alala sa kanya ang mga kaibigan.

Maya-maya pa ay naramdaman niyang nanikip ang kanyang dibdib. Simula noong ma-hospital siya nang nakaraang taon ay dumadalas ang pag-atake ng kanyang asthma. Inilabas niya ang kanyang inhaler mula sa kanyang bag. Kailangan niyang gamitin iyon bago pa lumala ang kanyang nararamdaman. Sa kabutihang palad ay medyo nagluwag naman ang kanyang paghinga. Makalipas ang ilang sandali ay nagpasya siyang umuwi na muna upang makapag-pahinga na rin.

“HAZE sigurado ka bang okay ka na?” nag-aalalang tanong ni Abigale.

Nagpaalam si Hazel kanina kay Cecille na uuwi na siya nang maaga dahil inatake siya ng hika. Nagkataon namang kausap pala nito si Abigale sa telepono dahil tumatawag pala ang kaibigan niya at hindi niya nasagot ang kanyang cellphone. Dahil doon ay nabanggit na rin ni Cecille kay Abigale ang nangyari at sinabi nitong pupuntahan siya nito sa kanyang condo unit.

“I am fine now, huwag ka nang mag-alala. Hindi ka na nga dapat nagpunta pa rito eh.”

“Baka naman kasi na-stress ka na? Nagtururo ka sa umaga tapos after that nagpupunta ka sa resto. Do you want me to help you out? Kahit salitan tayo sa pagbabantay ng resto sa hapon.”

“Ano ka ba Abby? You’re also working at full time ka. Isa pa you’re pregnant, mas bawal sa’yo ang ma-stress noh?” nakangiti niyang turan sa kaibigan.

“Kailan daw ba ang balik ni Jessica?”

“Soon daw.”

“Hay naku! Yan na naman si Jessica sa soon na yan. Kailangan yata ay i-train na din si Cecille para kahit wala ang isa sa ‘tin ay kaya niyang i-manage ang Exquisito.”

“Naaawa na nga din ako kay Cecille minsan dahil ang dami niya ring trabaho. Pero atleast she already learned a lot. Anyway, huwag ka nang mag-alala Abby okay lang talaga ako.”

“Sure ka ha? Basta kapag may problema ka or may problem sa resto sabihan mo ko. Huwag mong sosolohin para di ka ma-stress.”

“Ok, I’ll inform you if ever magkaroon ng problem.” sagot niya sa kaibigan.

“DARREN is that you?” takang tanong ni Jessica sa lalaking nakabungguan niya.
Nasa isang shop siya noon sa mall dahil hinahanapan niya ng suit si Timothy para sa nalalapit nilang kasal. Hindi niya inaasahan na makita roon ang kanyang ex-boyfriend na si Darren. Bumalik tuloy sa alaala niya nang minsang tuksuhin niya si Hazel dahil napansin niyang kakaiba ang mga tingin ni Darren dito noong nasa college pa lamang sila. Ang akala niya noon ay hindi pa nakaka get over sa kanya ito ngunit nahalata niyang nagkagusto ito noon kay Hazel base nga sa mga titig nito sa kaibigan.

“Hey Jess! Fancy meeting you here.”

“Yeah! So kailan ka pa dito sa Toronto?”

“I am just here for vacation. My parents and my sister are living here pero I have my own engineering firm in the Philippines so bakasyon lang ako dito.”

“Wow! It’s really nice to hear that.”

“Thanks! So how have you been Jess? Kasama mo ba si Hazel dito?”

Nangiti siya sa tinuran ni Darren. Mukhang apple of the eyes pa rin nito si Hazel kahit pa nga ilang taon na din ang nakalipas. Wala pa kaya siyang asawa?Baka naman uubra na ngayon ang match making ko? Hindi niya napigilan ang mapangiti sa naisip kaya’t nakita niyang nangunot ang noo ng kausap.

“Ah… Hazel’s at the Philippines. I am also here at Toronto for vacation. Actually I am getting married in a few months’ time sa Pinas. Nandito kase ang fiancé ko kaya nagbabakasyon muna ako ngayon dito.”

“Oh… I see. I thought makikita ko rin si Hazel.”

“Don’t worry single pa rin yung bestfriend ko na yun.” hindi niya napigilang iwika.

“Good to hear that.” nakangiti namang turan ni Darren.

“Ah wait…”

Binuksan niya ang kanyang bag at kumuha ng isang business card doon.

“Here’s my business card. Exquisito is my restaurant and co-owner niyan si Haze. Siya nga ang nagmamanage ngayon dahil nandito ako. If you have time pag uwi mo sa Pinas just drop by there and hopefully magkita kayo ni Hazel.”

“Sure! Thank you so much for this.”

“No problem. So bye for now, see you at Exquisito then.” nakangiti niyang paalam.

Mukhang may round two yata ang pagiging cupid ko for Hazel at Darren ah? usal niya sa kanyang isip habang papalayo kay Darren.

Lingid sa kaalaman nila Jessica at Darren ay may isang binata sa di kalayuan ang napukaw ang pandinig ng kanilang usapan kanina.

Hazel? There are so many people named Hazel in the Philippines. I don’t think they are talking about her.

“Excuse me Sir, here’s the size that you are looking for.”

“Thanks.” sagot ng lalaki sa saleslady.

“HAZEL, aalis na daw kami papuntang Canada next week.”

Kung kailan naman parang nakaka-recover na si Hazel sa paghihiwalay ng parents niya two years ago ay bigla niyang narinig ang mga katagang iyon mula sa kanyang Kuya Andrew.

“Iiwan mo na din ako Kuya Andrew?” mangiyak-ngiyak niyang tanong dito.

“I will just be away for a while, promise babalikan kita. Diba sabi ko naman sa’yo aalagaan kita?”

Kahit na ganoon ang sinabi ni Andrew ay hindi pa rin niya mapigilan ang lumuha. Simula nang umalis ang daddy niya ay si Andrew lamang ang lagi niyang kasa-kasama dahil busy ang mommy niya sa pagtatrabaho. Maliban sa katiwala nilang si Manang Shiela at ang anak nitong si Cecille ay si Andrew lamang ang lagi niyang kasama.

“Promise mo babalikan mo ko ha? At kapag bumalik ka hindi mo na ko iiwan.”

“Promise, saka nandito pa rin naman ako pag grumaduate ka from elementary. I’ll watch your graduation and I will give you a special gift on that day kaya huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo ha?”

Tumango lamang siya sa sinabi nito. Sa kabila ng binitawan nitong pangako ay mabigat pa rin ang kanyang damdamin.

Hindi namalayan ni Hazel na pumapatak na pala ang mga luha mula sa kanyang mga mata. She is holding the silver necklace which was Andrew’s gift to her noong graduation niya sa elementarya.

Labin-dalawang taon na ang nakakalipas simula nang huli niya itong makita. Sa loob ng labin-dalawang taong iyon ay ni hindi niya nagawang buksan ang loob niya sa ibang lalaki dahil sa takot at marahil na rin sa pangakong binitawan ni Andrew.

Pag-alis kanina ni Abigale ay naisipan niyang mag-ayos ayos na lamang sa condo unit niya upang mawala ang lungkot niya. Sa kanyang paglilinis ay hindi niya inaasahang makikita niya ang lumang kahon kung saan naroroon ang kwintas na ibinigay ni Andrew. Matagal nang nawaglit ang kahon na iyon at matagal na rin niya iyong hinahanap.

Sa pagkakakita sa kwintas ay bumalik nga sa isipan niya ang nakaraan. She misses Andrew terribly. Noon pa man ay sinabi na niya sa sariling ito lang marahil ang kaya niyang mahalin dahil malaki ang tiwala niyang hindi siya kayang saktan nito. Ngunit hanggang kailan ba siya kailangang maghintay para dito?

END OF CHAPTER 1

~

Learn how to download this ebook at http://tagalogonlinepocketbook.com/read/features/premium-ebooks/only-exception

About Lizzie

The anonymous writer :)

Talakayan

44 thoughts on “PREMIUM RELEASE ~ Only Exception by Lizzie

  1. AhH, paAn0, po para maBasa yung chapter 2?
    Ang ganda kc

    Posted by SharRaBiGail DÖysabas | Marso 9, 2016, 9:58 hapon
  2. hmm mukhng nice

    Posted by sharon | Disyembre 25, 2015, 8:00 hapon
  3. Ohhhhh….bkt dko mabasa ng buo..

    Posted by mhiera | Disyembre 23, 2015, 1:46 hapon
  4. wala po bang chapter 2?

    Posted by tin | Setyembre 17, 2015, 1:45 hapon
  5. ahhh. ilang taon na akong umaasang mabasa to!

    Posted by J | Hunyo 15, 2015, 7:44 hapon
  6. Chapter 2 please, I love the story.😉

    Posted by Angelica | Hunyo 9, 2015, 9:31 hapon
  7. Napakaganda

    Posted by retsgerra | Nobyembre 15, 2014, 10:55 hapon
  8. hazel hntayn mo c andrew

    Posted by florence mae bautista | Oktubre 7, 2014, 11:10 hapon
  9. download ebook

    Posted by grace panaglima | Agosto 23, 2014, 1:14 hapon
  10. -♡♡♡

    Posted by hazel | Agosto 13, 2014, 12:54 umaga
  11. sana naman maopen q n2 story na 2 like q pa naman pakisnd puh ung gils or code sa emaik q marianievaflor@yahoo.com plz

    Posted by marianie | Hulyo 31, 2014, 10:11 hapon
  12. bitin ganda sna nag story . . . hehe

    Posted by Ana mae | Hulyo 24, 2014, 10:09 hapon
  13. ganda ng st0ry.,sna mabsa k lahat🙂

    Posted by bhiesalve | Mayo 24, 2014, 10:55 umaga
  14. maganda ang kwento kaso d k po mbsa ung chapter 2

    Posted by bhiesalve | Mayo 24, 2014, 10:43 umaga
  15. wow… more create your nobeLz

    Posted by imboy | Marso 4, 2014, 3:32 hapon
  16. Sana naman mtapos ko ang story na ito .kailangan ko ng gils . Ahehhhhhhh.
    Like ko pa naman to

    Posted by sophiajade.tan.5@facebook.com | Pebrero 10, 2014, 10:33 hapon
  17. npakagandang kwento sa murang idad. til nag dlaga npanatili parin n hazel ang bntwang pangako n andrew… cant wait i need to read the wwhole chapter….

    Posted by eliza | Disyembre 1, 2013, 10:35 umaga
  18. nbtin aq dun ahh. i want to read it nah!

    Posted by aileen | Oktubre 27, 2013, 11:53 umaga
  19. nabitin ako dun ahh…

    Posted by Norelyn villapa | Agosto 26, 2013, 7:34 hapon
  20. ang ganda na story!!

    Posted by mary grace | Agosto 10, 2013, 3:12 hapon
  21. i wwnt too read

    Posted by laylannieanastacio | Hulyo 7, 2013, 10:22 umaga
  22. Gusto ko sana mabasa ang story na 2 kaso kulang ang gills ko. how sad

    Posted by Ann | Hunyo 25, 2013, 10:47 umaga
  23. hello mis lizzie! saan mo dapat makabili ng mga e-book you? gusto ko kasi mabasa ito..ito na lang ang hindi ko na basa..

    Posted by Jane Barcenilla | Marso 6, 2012, 10:57 umaga
  24. ms Lizzie na pm ko n po email ko,,,tnx

    Posted by sherylann | Pebrero 26, 2012, 8:35 hapon
  25. hayzzz… very disappointed…kya nga aq ng donate pra mbsa 2…but until la b ung download code..’hayzxzzx…

    Posted by prettyann29 | Pebrero 18, 2012, 9:34 hapon
  26. pede p po b magavail ng ebook na to using gils?

    Posted by sherylann | Pebrero 15, 2012, 11:15 hapon
    • hello… pwede namang gamitin ang gils before but you will need 2000gils in exchange of the e-book. Please inform us kung ano ang username mo dati para ma-check namin kung kasya ang gils mo🙂

      Posted by Lizzie | Pebrero 17, 2012, 12:11 umaga
      • thank you po,,,sherylann po ung user name ko,,,,painform n lang po ako kung kasya kc want ko talaga mabasa to kc yan n lng d ko nabasa dun sa kwento nung magkakaibigan eh,,,tnx po ulit

        Posted by sherylann | Pebrero 20, 2012, 11:04 hapon
      • Sherylann, according to the gils history you have 2787gils. Please inform me your email address via a message through my facebook account then I will send to you the copy of the e-book.

        I will just ask the admin to deduct the 2000gils from you.

        Thanks🙂

        Posted by Lizzie | Pebrero 22, 2012, 5:21 hapon
  27. Pm sent na Ms. Lizzie🙂 tnx!

    Posted by Jam | Pebrero 15, 2012, 12:22 umaga
  28. Nakapag purchase n ako s shop… How can I read this?

    TOP: Will update you po by head admin regarding this as soon as possible. Thank You.

    Posted by Jam | Pebrero 13, 2012, 8:00 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2012
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: