binabasa mo ang...
Akio's Precious Tiffany

HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Epilogue

Akio and Tiffany Epilogue

“Miss Socialite!” napatingin siya. It was that anime looking girl who’s calling her again. Wala na atang araw na nagpupunta siya sa studio ng whiz-bang na hindi niya ito nakita.

“Oh, Moira Dimacuha.” Namemorize na nga niya ang pangalan nito. “May ipapabigay ka ba ulit kay Martino?” pumayagpag na ang kasikatan ng Whiz-bang matapos nilang mai-launch ang pinaka-unang music video at album ng mga ito a year ago. Sanay na siya sa nga fan gifts and letters ngunit si Moira lamang ang kinagigiliwan niya sa libo-libong fan ng grupo. Maybe she knew na kahit hindi pa sikat ang Whiz-bang ay naroon na ito. Kaya nga natutuwa siya ng malamang ito ang nakapanalo ng fan date.

“Hindi at oo.” Nakangiti ito.

“Huh?”

“Thank you gift ko ito kay Chad Lee. Sabi niya mahilig siya sa adobo eh.”

“Naku, lahat naman ng pagkain kinahihiligan nun. Wait I have an idea. Why don’t you give it personally to him?” namilog ang mga biluging mata nito. Halatang na excite.

Dumukwat siya ng kung ano sa kanyang bag. “Here.” Inabot niya ang isang putting envelope kay Moira. “That is a pass for a party tonight.” Napanganga naman si Moira. “Ang cute talaga ng facial expressions mo, sige mauna na ako sa iyo. See you tonight.” Iniwan na niya ito.

It has been a year mula ng mamatay si Mina. She was given justice ng makulong ang loan shark at mahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo. Hindi na nila nakuha uli ang sing-sing niya but she could care less. Masaya siya that those men were behind bars.

“Bro, asaan ka na ba?”

“Malapit na” kanina pa siya kinukulit ni Chad, gutom na raw ito. Ano nga naman ang bago? Eh lagi naman itong gutom. May usapan silang magkaka-ibigan na magkikita-kita sa isang beach resort sa Nasugbu, Batangas. He remembered that resort; it was the one where he admitted to Tiffany that he felt something special for her. Nasa reception na siya ng lapitan siya ng bell boy. Ito na raw ang magdadala ng gamit niya sa kanyang silid at kanina pa siya inaantay ng mga kasama niya sa seashore.

It was eight in the evening kaya natitiyak niyang matao roon. Usually ay may party. To his surprise ay kakaunti lamang ang naroroon puro miyembro pa ng Whiz-bang at ilang taong mukhang nakita na niya somewhere. Exclusive party ba nila iyon?

“Bro! sa wakas!” sinalubong siya ni PJ.

“Kainan na!” Sigaw ni Chad.

“Nandito ba si Tiffany?” kay Martino siya nagtanong alam niyang kabisado nito ang lahat ng babaeng naroroon. Nagkibit balikat lamang ito.

Malapit ng maghating gabi at masayang nagsasayawan ang mga tao ng isa-isa iyong nag-alisan sa dancefloor. He heard a familiar beat. He heard Martino sing the song.

“Tonight I want all of you tonight….Give me everything tonight……For all we know we might not get tomorrow….Let’s do it tonight” He remembered it was the song he sang there.

Then he heard the voice of a girl singing.  “Don’t care what they say ……Or what games they play ……Nothing is enough……’Til I have your love” it is Tiffany’s. Lumabas ito mula sa DJ’s hoc. Nakasuot ito ng two piece bikini at cover-up  and she looked so arg, hot! “I want you tonight,…..I want you to stay……I want you tonight” nilapitan siya nito. Damn, she teases him.

“Grab somebody sexy, tell ’em hey!…….Give me everything tonight……Give me everything tonight……Give me everything tonight…….Give me everything tonight” He heard PJ’s voice. Grabe, pinlano nila ito!

Hinila siya ni Tiffany papunta sa dance floor. Nagtatanong ang titig niya rito. “Hindi mo ba narinig, sabi grab somebody sexy daw.” Pilyang sabi ng dalaga sa kanya.

Tiningnan niya ang mga kaibigan na ngumingisi. Pinihit naman ni Tiffany ang kanyang ulo upang maiharap dito. “Excuse me……….” Sinabayan pa nito ang pag-kanta ni Chad. “And I might drink a little more than I should tonight……And I might take you home with me, if I could tonight………..And, baby, Ima make you feel so good, tonight…….Cause we might not get tomorrow……… Tonight I want all of you tonight……..Give me everything tonight……For all we know we might not get tomorrow……Let’s do it tonight” she smiled teasingly. Nahihirapan siyang lumunok. Hindi pa siya nacorner ng ganuon sa buong buhay niya.

Tiffany unbuttoned his polo. “Relax, Akio.” Nang matanggal iyon ay inihagis kay Kenzie. “Ayan, mas bagay ka na sa party.” Gumiling pa si Tiffany.

“I need a drink.” Tanging nasabi niya. Natawa ang dalaga. Crap! Even her laugh sounds so sexy. Inagaw nito ang hawak ni Martino na alak at nilagok iyon.

“Taob si Akio, the great snob!” tinawanan siya nito. Hindi man siya tumingin sa salamin ay alam niyang namumula siya. Lahat na ata ng dugo niya ay umakyat sa kanyang ulo. He wants to surprise Tiffany for their first anniversary tomorrow ngunit parang siya ang nasorpresa ngayon.

“Men! She is so hot!” bulalas ng playboy niyang kaibigan. Pinukulan niya ito ng nagbabantang tingin. Anong karapatan nitong masulyapan ang kagandahan ni Tiffany? Possessive na kung possessive basta para lamang sa mga mata niya ang mga iyon.

Dali-dali niyang binalikan si Tiffany at hinila pabalik ng hotel. Marahil dahil duon ay naghiyawan ang mga tao. “Akio, dahan-dahan lang wag kang magmadali. We’ll get there.” Natatawang sabi pa ni Tiffany.

“Sa 2nd floor ang room natin.” Nahalata niyang hindi nito alam kung saan siya dadalhin. Pagpasok nila sa silid ay nakita niyang naroon na ang kanyang gamit.

“So what now?” pilyang ngiti ang pinakawalan ni Tiffany. Kitang-kita niya ngayon ang magandang upper body ng binata. Hinagod pa niya ang six pack abs nito.

“You know I respected you for the whole year na girlfriend kita. At balak kong panindigan iyon hangga’t hindi tayo kasal.” Matatag nitong sabi.

“I know.” Niyakap siya ng dalaga. “That’s one thing I love about you.”

Alam niya na sa pagsasama nila bilang magnobyo ay ni minsan ay hindi tinangka ni Akio to bed her. Malaki ang respeto ng binata sa kanya. That’s why she decided to do this scheme. And again she proved na sobrang matatag ang paninindigan ng kanyang nobyo. Malagay man sa alanganing sitwasyon ay gagawin pa rin nito ang tama. And she so loved this prince, her prince Akio Masaru.

“Wait here.” Masaya silang nagkukwentuhan sa veranda ng kanilang silid ng magpaalam ito. Nakita niyang may kinakalkal ito sa dalang traveling bag.

“Tiffany Havera” bigla siyang kinabahan ng tawagin siya nito sa kanyang buong pangalan.

“Are you proposing now?” tanong niya rito ng makita sa kamay ng binata ang isang box. It looks like a box of a ring.

“Just open it.” So she did.

“Oh, my!” tanging nasambit niya. It is a super limited edition Tiffany ring with a very rare pink diamond.

“It is because of your ring kaya tayo nagkalapit. Now, I’m giving you a more precious one because pink suits you better than yellow.” Tuluyan ng pumatak ang kanyang mga luha. Not because it’s a limited edition or dahil napagastos ng ganuon kamahal ang isang ubod ng kuripot na si Akio but because of his thoughtfulness and effort to find that ring. Hindi birong makabili niyon. She always wanted that ngunit its just so rare.

“Pikit mata mo bang binili ito? Di ba sobrang mahal ito?” biro niya sa kasintahan.

“No amount of money could be compared to you and the memories that we shared. Your love is the most important thing to me.” Isinuot nito ang sing-sing sa kanya. “Tiniis ko ang mga press interviews at TV guestings para lang mapag-ipunan ko iyan.”

Alam na kaya ng kuripot na ito na may trust fund siya? Siguro kung alam lang niya hindi sumikat ng ganito ang Whiz-bang. Iyon na lamang kasi ang ginamit niyang pambili ng sing-sing at hindi na niya kailangang umattend  ng guestings. But I’m so glad na pinaghirapan mo ang pagbili nito. She giggled.

“Tinatawanan mo ba ang kakornihan ko?” Nagbibirong sabi nito.

“Oo, nakakaturn-off kaya ang kakornihan mo. Mas type ko ang snob na Akio.” Inirapan niya ito.

“Sinasabi ko na nga ba! Katawan ko lang ang habol mo sa akin.” He grabbed her.

“Ang kapal mo! Grabe ah!Kung hindi lang talaga kita mahal, hindi kita pagtsa-tsagaan.” Humarap siya dito.

“I feel the same. Sobrang arte ka kaya. Tingin mo may iba pang lalaki na magtitiis sa iyo?”

“Excuse me! Iyon nga ang attractive sa akin aside from my gorgeous face and body.” Ihinilig niya ang ulo sa balikat ng binata.

“We could be like this forever.” He kissed her forehead. “I love you, my precious Tiffany.” And they shared a kiss that could spell eternally.

“I love you too, my prince.” They both faced the ocean waiting for the sun to shine knowing that they will be together ready to face tomorrow.

~Wakas~

About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

One thought on “HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Epilogue

  1. alan mo ba author sweet lemon, when I was reading chapter 17-18, I hated you knowing that your every story that I had read was you’re killing the bida. But oh! after I read this one, my gosh! So inspiring talaga at nakakainlab🙂
    thank u .
    keep up the good work sweetlemon.
    I’m looking forward to read the other stories of all the members of Whiz-bang🙂

    Posted by Grace PC | Setyembre 16, 2015, 8:20 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2012
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: