binabasa mo ang...
Akio's Precious Tiffany

HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 17

Akio’s Precious Tiffany Chapter 17

“Oo, lalabas na ako wag na kayong pumasok at manggulo dito.” Natigilan sa paglalakad ng matulin si Tiffany. She heard Mina’s voice, talking to someone over the phone.  Naramdaman niya ang pagkabalisa sa tinig nito. Matapos niyong ibaba ang telepono ay natigilan si Mina ng makita si Tiffany. Nasisiguro niyang narinig nito ang sinabi niya.

Palabas na si Mina ng madaanan sila ni Akio. “Mina, pwede bang ikaw na ang magdala nito sa likod?” nag-aatubili siyang kuhanin ang tray na dala ng binata. Alam niyang pag natagalan siya ay manggugulo na ang mga taong kausap niya kanina.

“Mina!” Tiffany raised her voice. “Hindi ba I told you to throw the garbage outside? Go pick it up! Go!” nagmamadaling umalis si Mina.

“Tiffany, what’s with that again?” kunot nuong tanong ni Akio.

“I just live up to my reputation.” Inirapan na niya ito at iniwan. She wanted to follow Mina. Pakiramdam niya ay kailangan niya ng tulong.

“Halika sumama ka sa amin!”naabutan niyang hinihila si Mina ng mga mukhang goons.

“Wait! Saan ninyo siya dadalhin?” naguguluhan man ay maarte pa rin ang tono niya.

“Miss, wala kang pakialam dito. May utang sa amin ang babaeng ito.”

“Tiffany, pumasok ka na sa loob.” Utos pa sa kanya ni Mina.

“What? May utang si Mina sa inyo?” Paano kaya nakilala ni Mina ang mga taong ito? “How much?” maybe ay kaya niyang bayaran ang mga ito. Sana nga lang ay tumatanggap sila ng credit cards. She don’t bring a huge cash, marami siyang credit cards.

“Kalahating milyon.”

“Do you accept credit cards?”

“Ano? Niloloko mo ba kami?” babatukan siya ng isang goon kaya naman ipansasangga niya ang kanyang kamay. Mula doon ay kumislap ang kanyang pinahahalagahang sing-sing. The Tiffany’s limited edition ring with a gold diamond.

“Wait! I have an offer. I’ll give you my limited edition Tiffany ring.” Iniharap niya iyon sa kanila. Ipinilantik niya ang mga daliri. “This ia a genuine yellow diamond and mind you this is a rare one.” Mukhang nakuha naman niyon ang interest ng mga ito.

“Tiffany wag ka ng makialam dito. Pumasok ka na sa loob.” Pinigilan ni Mina na lapitan si Tiffany ng mga goons.

“Although I know that I have pretty hands, this ring really looks good on anyone. But it suits me best right?” the socialite really loves to flatter herself.

“Sige, pwede na ito.” Agad-agad na kinuha ng mga ito ang kanyang sing-sing.

“Wag ninyong kunin iyan.” Pinipigilan ni Mina ang mga pangyayari but she is too weak for such.

Hinatid na siya ni Akio sa kanilang bahay ng gabihin sila sa kakahanap ng regalo para kay Kit-kit.“Tiffany, I’ll be out for two weeks” iniabot nito sa kanya ang regaling nabili nila. Magmula pa kanina ay nagsusungit ang binata sa kanya. Marahil ay galit pa rin ito sa eksena nila ni Mina.

“Out of the country?” ngayon pa bang malapit na siyang ma-admit sa ospital ito hindi niya makakasama?

“No”

“Eh saan ka nga pupunta?”

“Basta, don’t ever try to track me again or else!” aba’t pinagbabantaan pa siya nito?

“Fine! Do whatever you want! Hindi kita kawalan!” sa inis ay tinalikuran na niya ito. Mas gusto nga sana niyang makasama ang binata bago mamalagi sa ospital ay wala siyang magagawa. Ito mismo ang gumawa ng paraan upang hindi sila magkasama. Hindi siya magpapakababa upang magmakaawa rito. Its not in her vocabulary.

Hindi na napigilan ni Akio na yakapin si Tiffany. Kaninang umaga na nakita niyang lumuluha ito ay ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat upang mabuhay pa ito ng mas mahaba. He wants her to experience a life full of joy. Gusto niyang mag-iba ang tingin ni Tiffany sa kanyang sarili no, she is not just a spoiled brat na shopping lang ang nasa utak. She is a lady who is so vulnerable and ready to help others. Kaninang naabutan niya na tinatarayan ni Tiffany si Mina ay sinaway niya si Tiffany hindi dahil kumakampi siya kay Mina but because he wants to tame her. Ayaw niyang magalit ito dahil delikado sa puso niya.

Nag-leave siya ng dalawang lingo upang magfocus sa paghahanap ng puso para maitransplant iyon kay Tiffany. He made a promise to himself, whatever it takes ay maibibigay niya ang puso para kay Tiffany. And when he makes a promise it was never broken.

“Stay still.” Halos ibulong na lamang ni Akio iyon sa hangin. Madali na niyang pinakawalan si Tiffany ng bumukas na ang gate.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nararamdaman ni Tiffany ang unti-unting paghina ng kanyang katawan. Tatlong pa lamang ang nakakalipas mula ng huling magkita sila ni Akio ay nagkaroon siya ng heart attack. Mula noon hangga ngayon ay hindi pa siya pinapaalis sa ospital. Gabi-gabi ay umiiyak siya. Sana man lang ay abutan siya ni Akio na buhay.

“Pare,” napalingon si Akio sa pinagmulan ng tinig. Isa itong lalaki na nag-aantay rin sa information desk ng Philippine Heart Center. “Napansin kong ilang araw ka ng pabalik-balik dito. Sino bang dinadalaw mo?”

“No one.” Matipid niyang sagot.

Ngumisi ang lalaki. “Nag-aantay ka ban g heart donor? Ung asawa ko rin kasi kailangan ng transplant. Payong kaibigan lang tol. Kung hindi ka pa nakatali. Wag kang magpapatali. Mahirap yan. Hindi mo makakasama pagtanda. Mahirap maghanap ng donor. Siguradong tsugi rin.  Alam namang wala ng pag-asa pero kailangan mo pa ring pumunta dito para hindi ka mapintasan na isang masamang asawa. Kung ako sa iyo pre, habang maaga pa palitan mo na. wag kang magmahal ng babaeng palyado ang puso.” Tiningnan niya ng masama ito.

“Mahirap ba? Atleast its possible to love them. Its better than loving someone who has no heart at all.” Iniwan na niya ang lalaking iyon. Baka masuntok pa niya ito. Isang walang kwentang nilalang iyon. Wala itong puso and doesn’t know the meaning of love.

 

 

About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

36 thoughts on “HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 17

  1. tsk tsk., mga kapatid ako ay inyong patawarin. pero pending lang ung mga sumunod na chapters. hehe matagal na itong tapos. wala lang akong powers na mag direct posting. Medyo busy rin ang mga tao. hehe PM nyo na lang ako sa FB kung hindi na kayo makapag-antay

    Posted by sweetlemon07 | Pebrero 17, 2013, 11:07 hapon
  2. gusto ko n ng ending ^_^ please

    Posted by AnneGutierrez | Pebrero 10, 2013, 12:29 hapon
  3. c mina ang donor ni tiffany for sure…

    Posted by Dianne Isabel | Pebrero 7, 2013, 12:30 hapon
  4. no ending? what happen next? please…

    Posted by Dianne Isabel | Pebrero 6, 2013, 5:22 hapon
  5. next chapter po. cliffhanger .

    Posted by cathlynne | Nobyembre 8, 2012, 3:34 hapon
  6. wala na bng continuation yan? hehehe

    Posted by kate | Oktubre 22, 2012, 12:28 hapon
  7. Asan na po ang nxt chapter…I hope I can read it…pls po…tnx..:D

    Posted by criz28Cristine | Setyembre 17, 2012, 9:39 hapon
  8. sana po happy ending…

    Posted by alma | Setyembre 9, 2012, 11:21 hapon
  9. whOahh..it’s a very nice story ever..sana nman yong next chapter nito mabasa ko…GuYs please share your story, wag nyo ng e’private, mahirap mag’ipon ng gils,pls..pls..pls..idol ko talaga ang sumulat nito..

    Posted by nicasmoonlightdreams | Setyembre 4, 2012, 6:04 hapon
  10. ang ganda po ng story nato….asan po ung next chapter?hehehe xcited lng pod….hope to read 8 soon…

    Posted by heartz | Agosto 27, 2012, 9:31 umaga
  11. ate sweetlemon kailan po nxt chapter nito ganda tlaga nito.

    Posted by greta | Mayo 30, 2012, 5:18 hapon
  12. waaaah! sorry now lang ako napadpad ulit dito., posted na po ito completely kaso hindi po ito pwede sa TOP eh abnormal kasi itey ehehe

    Posted by sweetlemon07 | Mayo 29, 2012, 10:51 hapon
  13. miss sweetlemon wag mo sanang patayin si Tiffany…plzzzzz lang…. nakakasad nman kung hindi sya maabutan ni Akio…

    ilang chapter po ba ito miss sweetlemon???

    Posted by charlotte | Mayo 14, 2012, 11:41 umaga
  14. kelan po ang update nito?

    Posted by theajanelee | Abril 28, 2012, 11:16 umaga
  15. looking forward fo the next chapter ..hope it will be soon…🙂

    Posted by Skyblue | Abril 25, 2012, 10:12 hapon
  16. omg. . Tiffany please hung on there. . may makikita rin na donor c akio…. nasaan na po ung ending nito…. nkakabitin naman,.:(

    Posted by prettii_ren | Abril 16, 2012, 3:44 hapon
  17. next chapter po.sooo ganda ng story..pero pkiusap lang po pls,wag nyo naman po sanang patayin ang bida🙂 sana happy ending..

    Posted by lady ann | Abril 9, 2012, 9:19 hapon
  18. next chapter na po thanks :)) nakaka sad an sna di mamatay si tiffany

    Posted by sophia | Abril 6, 2012, 12:52 umaga
  19. subrang sad nmn kung hindi mabubuhay c tiffany……subrang nakakaawa nmn c akio kung madedead c tiffany
    eh….natagpuan na nila ang true love sa pagitan nilang dalawa…
    sana may nxt chap na!!!!!plsplspls>>>>>>>>

    Posted by shafira | Abril 3, 2012, 11:05 hapon
  20. next chapter powh..ang ganda ng story..

    Posted by karen | Marso 25, 2012, 9:05 hapon
  21. feeling ko mamamatay si Tiffany, ngayon pa lang i feel sad na…

    Posted by Suzette Macabontoc | Marso 21, 2012, 12:13 umaga
  22. next chapter na po…

    Posted by Jane B. | Marso 6, 2012, 4:55 hapon
  23. ate lemon next chapter na po..plssss

    Posted by chibisuke | Marso 1, 2012, 6:28 hapon
  24. Next chapter na po!😀

    Posted by Ara Luz | Pebrero 18, 2012, 11:15 hapon
  25. kelan po ang pagpopost nito?😀 i naabangan ko po asi to🙂 HEHEHE

    Posted by theajanelee | Pebrero 11, 2012, 10:16 hapon
  26. ayyy kabitin naman…

    Posted by zah29 | Pebrero 9, 2012, 8:40 hapon
  27. Tama ka jan akio.wow inlove kana rin ah.salamat akio.

    Posted by Jocelyn143 | Pebrero 9, 2012, 6:12 hapon
  28. wow naman😀 gusto kunang mabasa yung next chapter :)) sana di mamatay si tiffany

    Posted by theajanelee | Pebrero 9, 2012, 5:24 hapon
  29. aba!! ang yabang nman ng lalaking un..

    Posted by itsgonnabeme | Pebrero 9, 2012, 3:51 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2012
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: