binabasa mo ang...
Akio's Precious Tiffany

HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 16

Akio’s Precious Tiffany Chapter 16

Kung dati ay nanginginig si Tiffany tuwing araw ng kanyang check-up ngayon ay pumunta siya ng may ngiti sa mga labi. She experienced a different kind of fulfillment in the past few days. The fulfillment she never felt with all her shopping galore. Daig pa niyon ang kaligayahan niya tuwing kanyang tinitingnan ang tiffany collections niya.

“Tiffany, iba ata ang aura mo ngayon.” Pansin ng kanyang doctor. Nginitian lamang niya ito. As usual, she undergo some tests for her check-up. “Medyo naging abala ka yata sa mga nagdaang araw.” Kumento ng doctor.

“Medyo doc, did I over use my heart?” unti-unting nilalamig ang katawan niya sa kaba.

“From the start ay alam mo namang habang tumatanda ka ay mas lalong dapat kang cautious hindi ba?” tiningnan siya nito. “Medyo hirap na ang puso mong magpump ng dugo for your age. I suggest magpa confine ka muna dito sa hospital para mamonitor naming ang kalagayan mo.” From what she heard ay parang nagpalpitate ang puso niya. She tried to calm it down but it wouldn’t just stop.

“Hanggang kailan na lang ho ako mabubuhay?” lakas loob niyang itinanong. Everything was clear to her from the start. She knows that at some point in her life ay pagdadaanan niya ang sitwasyong ito. Back when she was a kid ay malakas ang paninindigan niyang makakahanap agad sila ng heart donor, but as the years pass ay nawalan na siya ng pag-asa. She knew she will die earlier than most of us and she absorbed that fact. Pero ngayon ay parang natatakot na siyang mamatay natatakot siyang iwanan ang mga mahal niya sa buhay. She is afraid to let Akio go. Why do great things have to come just when you are ready to let go?

Naglalakad siya sa hallway ng ospital na para bang solo siya ang mundo. Nadaan pa sa harap niya ang pasyenteng isinusugod sa emergency room. She imagined herself na mabilis na hinihila ng kamatayan. That’s when her tears feel and her knees got weak. Bibigay na ang mga tuhod niya salamat sa humawak sa kanyang braso.

“Are you ok?” she heard a familiar voice. Tiningala niya ang pinanggalingan ng tinig. Kahit malabo man ang paningin dahil sa pagtutubig ng mata ay nasisigurado niyang si Akio iyon.

“What are you doing in here?” she instead said without minding to sweep her tears.

Pinahid ng binata ang umaagos niyang luhaat niyakap siyang mahigpit nito. The hug that she could say comforted and rips her most at the same time. “I went to the orphanage and Kit-kit didn’t let me in. Hindi raw ako makakapasok doon hangga’t hindi kita kasama.”

“Ate ko!” isang malambing na yakap ang salubong ni Kit-kit sa kanya. “Alam mo bang birthday ko ngayon? May party kami sa likod. Halika!” tulad ng madalas nitong ginagawa ay hinila siya nito.

“Bakit hindi mo sinabing birthday niya.” Pinandidilatan niya si Akio. Ngiti lamang ang sinagot ng binata.

Dahil nga kaarawan ni Kit-kit ay abala ang mga nanduon sa paghahanda sa kanilang munting salu-salo. Pumunta siya sa kusina upang tumulong. Si Mina at si Akio ang dinatnan niya doon. Ang binata ay naghahatid ng tray ng pagkain sa likuran habang si Mina naman ang nagsasalin ng mga iyon.

“Tiffany, put some spread on the sandwiches and please try to make it in a no messy way.”pinamaywangan niya ang binata. Aba’t pinalalabas pa nito na magkakalat lamang siya pagginawa niya iyon.

“Excuse me, marunong naman yata akong magprepare ng sandwich.” Matapos niyang maghugas ng kamay ay kumuha siya ng sandwich bag at inilagay duon ang kanyang kamay. She thought it will be more sanitary if she did that. Ngunit dahil sa liit niyon ay hindi siya maka hawak ng maayos.

“Tiffany, ayos lang na wag ka nang magsuot niyan. Malinis naman ang mga kamay mo.” Nakangiting Suhestiyon ni Mina.

“Mina, ikaw na muna ang magbantay kay Tiffany. Ihahatid ko lang ito sa labas.” Paalam ni Akio.

“Is that more sanitary?” she curiously asked.

“I don’t know but that’s how it is in here.”

“I prefer this way. Its better to be safe than sorry.”

Pagak na tumawa si Mina. “Ang arte mo talaga. Hindi ka nga nababagay sa lugar na ito, kay Akio.” Natigil si Tiffany sa ginagawa. Hinarap niya ito. “Hindi ang mga kaartehan mo, hindi ang mga kumikislap mong bagay.”

“If you are envious of me, its not my problem. Hindi ko kasalanang pinanganak akong mas maganda kesa sa iyo. Its also my luck to be born rich and glamorous.” Nilapitan niya ito. “See this?” ipinakita niya ang suot-suot na tiffany ring. “This is very expensive and poor you, cant even have it. Well anyway hindi naman ito bagay sa iyo. This.” Itinaas niya ang babasaging baso. “Pwet lang nito ang afford mo.”

“Tiffany!” saway ni Akio sa kanya.

Hindi siya makakapayag na hinahamak siya.“Don’t worry it will suit you well.” Taas ng kilay niya and giving Mina ang intimidating look. Ang magaling na artista ay nagdrama. Tumulo pa ang mga luha.

“Tiffany, stop it.” Lumapit na ang binata. dali-dali namang lumayo si Mina duon upang ituloy ang emote. Akala siguro niya ay uurungan siya ng dalaga. “Bakit ba Tiffany? Why do you have to brag about your fortunes?”

“And now its my fault? You think I would do that for no reason at all?” at sa mukhang sa babaeng iyon pa kumakampi si Akio.

“Tiffany listen” hinawakan siya nito.

“No Akio, you listen!” tuluyan ng kumawala ang galit niya. “I know that a lot of people think of me as a spoiled brat who just loves to shop, well the hell I care! And I really thought you are different from all of them. Thanks for reminding me that from the very start iyon na ang tingin mo sa akin.” Marahas niyang inalis ang nakahawak nitong kamay sa kanyang braso at iniwan ang binata doon. Akala pa man din niya ay iba ang tingin ng binata sa kanya. Nasasaktan siya of all people ay si Akio pa? Isa rin siyang malaking sira, hinahayaan niyang magalit dahil gusto niyang idepensa ang sarili niya sa pananaw na iyon ng binata. Dapat ay wala siyang pakialam. She always lives like that. Pero iba ang sakit na kanya ngayong nararamdaman. She felt as if the world has been convicted guilty even without giving her a chance to defend herself. It felt so dreadful.

 

 

 

About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

8 thoughts on “HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 16

  1. oh my gosh….. tiffany please be careful of your heart.. . . pushick kang mina ka… errrr….

    Posted by prettii_ren | Abril 16, 2012, 3:39 hapon
  2. epal yang mina na yan HAH!! kakainis na siya😀

    Posted by theajanelee | Pebrero 9, 2012, 5:17 hapon
  3. Paganda na ng paganda.next plzzz.thanks

    Posted by Jocelyn143 | Pebrero 8, 2012, 10:19 hapon
  4. Paganda na ng paganda.next plzzz..thanks.

    Posted by Jocelyn143 | Pebrero 8, 2012, 10:18 hapon
  5. 😦 kawawa naman si Tiffany,

    Posted by itsgonnabeme | Pebrero 8, 2012, 3:26 hapon
  6. ang bilis lang ng pacing, kanina nasa hospital lang sila then yung next eh nasa bahay ampunan na agad.. mejo nakakalito lang..🙂

    Posted by riemha0814 | Pebrero 8, 2012, 10:53 umaga
  7. hayyss now na po ung next pls..kabitin subra…..

    Posted by zah29 | Pebrero 8, 2012, 10:02 umaga
  8. next chapter po pleeeeeaaaseeeee……

    Posted by nerdiklown | Pebrero 7, 2012, 9:58 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2012
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: