binabasa mo ang...
Akio's Precious Tiffany

HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 15

Akio’s Precious Tiffany Chapter 15

“Kuya Akio, baka mamatay ate ko!” hinila-hila ni Kit-kit ang laylayan ng polo ni Akio. Sabay silang napatingin sa bata.

“Kanina ka pa ba nanjan?” nag-aalinlangang tanong ni Tiffany.

“Ate, nakakahinga ka na ba? Pinipipi ka kasi ni Kuya.” The little girl instead said.

“Kit-kit, kumain ka na dun.” Taboy ni Akio dito.

“Tapos na.” bibong sagot ng bata.

“May ice cream akong dala, kain ka na.”

“Ubos na.”

“Crap, what will I do to get rid of this little cricket?” Tiffany giggled from what she heard.

“Ate, halika na.” Hinila na ng bata ang kamay ni Tiffany.

“Hey, Kit-kit.” Nakuha naman niya ang attensiyon ng bata. “Tingnan mo may airplane ayun!” tinuro niya ang kalangitan. Mabilis niyang pinihit si Tiffany at hinagkan. For the second time in her life ay naramdaman niya ang malalambot na labi ni Akio.

“Kuya!” sigaw ni Kit-kit ng makita sila. “Anong ginagawa mo sa ate ko?” galit nitong tanong.

“Binigyan ko siya ng hangin. Baka kasi naubos kanina ng pinipi ko siya.” Napanga-nga siya sa paliwanag ni Akio.

“Ahhh.” Innosenteng reaksyon ni Kit-kit at nagsimula ng maglakad habang hawak-hawak pa rin ang kamay ng dalaga.

“That is your punishment for following me here.” Bulong ng binata sa kanya at nagpatiuna na itong bumalik sa likod-bahay.

She sat on a bench under a tree while watching the children play. “Ang saya nila tingnan. They laugh as if everything is simple and wonderful. “

“That’s why I always go in here every time I could. Their happiness is priceless.” Tinabihan siya ng binata.

“Hindi ko alam mahilig ka pala sa bata.”

“Sino naman ang hindi. Just because I’m a snob doesn’t necessarily mean that I’m not fond of cute things.”

“Yeah, I know. That’s why you like me.”

“I tend to disagree.”

“Oo nga pala. I’m not cute. I’m pretty and that’s why you love me.” She boldly said.

“You love to make confident statements.”

“Only if I’m sure that its true.”

“How could you be so sure?”

“I am sure when you look at me in the eyes. Your love for me can be clearly seen.” Humarap siya sa binata to look straight into his eyes.

He smiled as if Tiffany said the exact words in his mind. “You’re smart.” He laid his head in her lap and enjoyed staring at her smiling face while she enjoys watching the children.

“Mga bata, magsihilamos na kayo at malapit na tayong maghapunan.” Si sister ay nagsisimula ng magligpit sa mga pinagkainan. Sina Akio at Tiffany naman ay tumutulong na rin.

“Sister, nasaan ho si Mina?” tinutukoy nito ang babaeng kasama niya kanina. Si Mina ay ulila na. Lumaki siya sa bahay-ampunan na iyon at ngayong nagtatrabaho na ay tumutulong siya sa pag-aalaga sa mga bata.

“Namalengke lang.”

“Ate, pwede bang ikaw maghilamos sa akin?” tanong ni Kit-kit.

“Ha? Ahmmmmm” tiningnan niya si Akio na nanghihingi ng saklolo. She never tried na hilamusan ang iba maliban sa kanyang sarili. Hindi siya marunong mag-alaga ng bata.

“Sige Kit-kit, si ate Tiffany ang maghihilamos sa iyo.” Si Akio ang sumagot niyon.

“Hindi ako marunong.” Bulong niya sa binata.

“Then now is your chance to learn.” Binuhat na nito ang mga silya papasok sa bahay. Naiwan naman siyang tulala.

“Ah!” sigaw ni Tiffany ng tumalsik ang tubig sa kanya habang hinihilamusan si Kit-kit. Dahil wala pa si Mina ay siya ang tumulong sa paghihilamos sa mga bata.

Isang malutong na tawa ang kanyang narinig. Nakita niya si Akio na nanunuod sa may bukana ng pinto. “At tinatawanan mo pa ako?” Binasa rin niya ng tubig ang binata. hindi ito nakailag he was caught off-guard. Dahil sa bandang abdomen iyon tumama ay naaninag ang abs ni Akio. Napalunok naman si Tiffany.

“Para-paraan ha Tiffany? Hindi mo na ako kailangang daanin sa ganyan if you want to take a glimpse at my gorgeous abs. Just request for it.” Tinukod nito ang isang kamay sa gilid ng pinto as if he was posing for a camera.

“Mahiya ka nga sa mga bata.” Saway niya sa binata.

“Ikinahihiya ba ang ganitong katawan? Even my schedule is tight, I find a time to work out.”

“Ahhhhhh! Whatever Akio whatever!” sumuko na siya. Its useless to argue. Nabablanko siya sa mga abs ng binata. Hindi ito mayabang. He is just stating facts. His abs is yummy.

“Goodnight ate!” Kit-kit gave her a kiss on the cheek.

“Goodnight little angel.”Tiffany kissed her on the forehead and turned off the lights. Finally, the angels were asleep.

Maingat niyang isinara ang pintuan ng silid. Nagulat siya ng makita si Mina na parang inaantay siya. “Ang hirap siguro gawin ng mga iyon para sa iyo. Mukha kasing hindi ka sanay sa trabaho.” Sabi nito.

“I won’t call it a work although I must agree na hindi ako sanay gawin ‘yon. Nakakatuwa naman kasi ang mga bata.” She smiled.

“Masaya nga kaya lang, baka hindi kayanin ng malalambot mong kamay pag-lagi mong ginagawa. Sa tingin ko hindi bagay sa iyo ang mga ganitong gawain.” Ito naman ang ngumiti. Naramdaman ni Tiffany ang pagkadisgusto sa kanya ni Mina. Well it’s not her problem anymore. She is too tired to still deal with it.

Pauwi na sila ni Akio at dahil sa sobrang kapaguran ay nakatulog siya sa biyahe. “You did a good job today.” Naramdaman niya ang halik ni Akio sa kanyang nuo. Nasa tapat na pala sila ng kanilang bahay.

She smiled. Ang sarap pala ng pakiramdam na isang demigod ang nakikita mo sa tuwing mumulat mo ang iyong mga mata.

About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

3 thoughts on “HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 15

  1. ANG BAIT PLA TLGA NI AKIO!!GANYAN DAPAT ANG MGA MY SOBRANG BLESSING IPINAMAMAHAGI SA NANGANGAILANGAN…

    Posted by alma | Setyembre 9, 2012, 11:09 hapon
  2. ang sweet naman. . .😄

    Posted by prettii_ren | Abril 16, 2012, 3:35 hapon
  3. aayyyy ang ganda na,naku anu naman kayang papel ng mina na yan heheh

    Posted by zah29 | Pebrero 8, 2012, 9:54 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2012
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: