binabasa mo ang...
New Version of You and Me

New Version Of You & Me – CHAPTER 4

CHAPTER FOUR

That Man

“What is Paolo Esquivel doing here, Vic?”

Maang na napatingala si Victoria mula sa pagkakaupo niya sa isang baitang ng mababang stage set ng TCCS. Forty-five minutes bago gumiling ang mga camera ay nakabihis na siya para sa kanilang episode tungkol sa fashion forecast para sa taong 2012. Abala siya sa pag-aadjust pa ng tunog ng bawat instrumento, kahit alam niyang inasikaso na iyon ng mga kasama kanina habang nasa dressing room siya at naunang inayusan ng mga stylist nila. In keeping up with their fashion episode, even the band has to look like they’re about to do the runway.

At hindi siya gaanong komportable sa suot na grey pencil skirt, na katerno ng peach sleeveless top niya. And now Cleo was glaring down at her. Hindi niya alam kung dahil iyon sa sobrang wa-poise niyang ayos o dahil sa tanong nito. “P-Paolo Esquivel is here?”

Tumango ang babae, bago sinenyasan siyang i-off muna ang headset na suot niya. “Yes, tinanong niya ako mismo tungkol sa iyo as soon as he got here.”

Victoria could feel her heartbeat slowly accelerating. Hindi niya alam na darating si Paolo. Ni hindi niya nabanggit sa lalaki kagabi kung anong oras ang taping nila. Gusto niyang tingnan kung saan ito nakapuwesto ngunit nakaharang si Cleo . “Hindi ko alam, Cleo.” wika niya sa babae.

Cleo pretty much acts like everyone’s big sister. Isa rin itong mabuting kaibigan kaya nauunawaan ni Victoria ang curiosity nito. Mas kilala at nakakausap din nito si Paolo dati pa, kaya marahil nagtataka ito kung bakit naroon ang lalaki para sa kanya. “Anything you want to tell me, Vic?”lumambot na ang ekspresyon ng magandang mukha ng babae, napalitan ng pinaghalong curiosity at concern.

Umiling siya. “Kapag may dapat na akong sabihin, ikaw ang unang makakaalam.”

Tumaas ang isang kilay nito, at mataman siyang tiningnan. Bago may nilingon ito at kinawayan.

Mamaya lang ay papalapit sa kanila si Paolo. He looked fresh and utterly goodlooking in his teal button down shirt and straight cut dark jeans.

He was smiling as if he looked really happy to see her. Nagpasalamat ito kay Cleo na tinapunan siya ng makahulugang tingin bago sila iniwan.

“What are you doing here?” tanong agad niya.

“Fullfilling what I said last night.” nakangiti pa ring sagot nito, bago naupo sa kalapit ng puwesto niya. “You look good.”

Na-conscious siyang bigla sa ayos. Hindi pa mandin siya sanay ng naka-pencil skirt, tapos three-inch heels pa ang suot sa paa. “I don’t feel so good.” pag-amin niya. “Kaya lang, fashion episode kami ngayon at mga models, beauty queens, designers at stylists ang guests namin.” she then gave him a knowing look. “Ang ganda naman ng timing mo.”

Natawa ito. “I had no idea. Pumunta talaga kasi ako dito because I wanted to see you at work. Hindi naman kasi kita napapanood sa TV dahil yung timeslot nitong TCCS ay kadalasang natatapat na nasa field ako.”

“Well, hindi naman ako ang star dito. Nadadaaann lang ng camera ang banda.” kinuha niya ang distortion pedal ng isang gitarang nasa kandungan niya at diniin-diinan iyon ng mga palad.

Amused na tiningnan ni Paolo ang ginagawa niya. “Paa ang ginagamit diyan, hindi kamay.”

Natawa siya. “I know. Eh ang hirap kasing gumalaw dito sa suot ko. Todo effort kung tatayo at uupo ako.” iminuwestra niya ang suot.

“Äno pa ang kailangang gawin? Do you need help? Sound check lang ba ito?” kinuha nito ang gitara mula sa kanya at sinimulang i-tono niyon, bago nagsimulang kumapa ng ilang chords.

Victoria’s eyes widened in surprise. Paolo looked good with the guitar, at mukhang alam nito kung ano ang ginagawa. “You play the guitar!”

Nagkibit-balikat lang ito. “It’s just a hobby.” inilagay nito sa puwesto ang gitara at kinuha naman ang bass, na tinesting din nito.

“Hobby? Hindi halata. Mukhang komportable ka sa mga iyan.” wika niya habang pinapanood ito. Hindi niya inaasahang musically inclined pala ang binata. “At ni hindi ka mukhang amateur.” hindi na niya ikinubli ang paghanga. She has always been fascianted by people who are obviously naturally musically gifted.

At hindi maikakailang kabilang sa mga iyon si Paolo. She watched him in awe as he silently checked each instrument. Pati ang keyboards at drums ay alam nitong tugtugin. “Okay na ang mga ito.” nakangiting sabi ng binata matapos pasadahan ang keyboards. Sumenyas ito sa mga tao na nasa control room sa di kalayuan bago nagbalik sa tabi niya. “Tumayo ka na diyan.”

Namamanghang tiningnan lang ito ni Victoria, bago inunat-unat niya ang mga paang hindi yata kailanman magiging komportable sa sapatos na may mataas na takong. Tapos ang hirap pang gumalaw sa pencil skirt. Pasalampak pa mandin ang upo niya sa gilid ng stage. She moved to carefully to find her balance to lift herself up. Ikakapit sana niya ang kamay sa upuan ng drummer nang biglang kunin iyon ni Paolo.

Napatingala siya sa binata, kasabay ang pagdagundong sa kanyang dibdib. His brows were slightly furrowed, yet there was a smile on his lips as he gently pulled her up. Hawak siya nito sa magkabilang braso habang inaalalayan siyang makatayo, kaya hindi maiwasang maging sobrang lapit nila sa isa’t isa. Kinailangan din ni Victoria na ihawak ang mga kamay sa dibdib nito bilang suporta. Pakiramdam kasi niya ay gumegewang siya sa sapatos niya.

“Your shoes are killer. Hindi mo ba puwedeng palitan iyan?” tanong ni Paolo. Nakapako ang mga mata nito sa mukha niya.

At nawiwwindang si Victoria dahil sobrang lapit nito. This feels like last night, when their lips were close enough to kiss.”Ask Cleo. Siya ang nagpilit na ito ang suotin ko dahil bagay daw sa damit. I wish I can wear sneakers instead.”

His lips curved into a smile. Goodness! Bakit ang guwapo lalo ng lalaking ito kapag ganoon kung makangiti?

“Take a picture. It will last longer.”

Sabay pa silang napatingin ni Paolo sa nagsalita. It was Cleo, standing a few feet away from them. Nakapamaywang ito at nanunudyo ang tingin sa kanila.

Paolo made no move to let her go, kaya siya ay nanatiling nakakapit din dito.

Napailing si Cleo. “Hindi ko inakalang sa buong buhay ko ay makikita ko kayong magkalapit na dalawa. I wish i didn’t have to break you two apart for awhile, but Paolo, my musical director has to help run a show in a few minutes.” tinaasan nito ng kilay si Paolo.

Dahilan upang mamula ang binata. He grinned sheepishly as he reluctantly let her go. Bago ito bumaing kay Cleo. “Sorry, Cleo. She is hard to resist.”

Napailing lang ang babae, habang si Victoria ay hindi makapaniwalang nakatingin lang kay Paolo. This man is a professional charmer, and a shameless flirt! Ngunit benta pa rin sa kanya ang mga ginagawa nito. Dahil ramdam niyang namumula na rin siya.

At kahit binalaan na niya ang sariling huwag masyadong magpapadala, apektado pa rin siya.

“I’ll stand over there.” turo nito sa katabing puwesto ng isang camera crew. “And watch.” wika nito. He lthen leaned close, and lingered a bit as if he wanted to do something, or was thinking about it. Gusto itong sigawan ni Victoria dahil pinapakaba siya nito, ngunit tila nahihiyang lumayo din si Paolo. Nakangiting kumaway ito bago pumunta na sa itinurong puwesto.

Kinakalma pa rin ni Victoria ang sarili habang papunta siya sa likod ng keyboard. Naroon na din ang iba pang miyembro ng music team. Soon, the cameras started rolling and Victoria began directing her band into playing an instrumental version of “Moves Like Jagger”. Isa-isang lumabas ang naggagandahan nilang guests, strutting their stuff on a makeshift runway, wearing the hottest trends.

Hindi maiwasang ikumpara ni Victoria ang sarili sa mga ito. Despite Paolo’s compliment earlier, she still felt dowdy and plain. Sino ba ang niloloko niya? Naninibago lang tiyak si Paolo sa ayos niya, ngunit ngayong narito na ang mga tunay na magaganda, malamang ay magigising na rin sa katotohanan ang lalaki.

Abala siya sa kanyang pagtugtog, ngunit dahil gamay na niya ang ginagawa ay nakakapag-multi-task siya. She furtively looked his way. Sigurado siyang kapag nakita niya ang humahangang tingin ni Paolo sa mga guesst nila ay magigising na rin siya sa katotohanan at mas madaling malilimutan ang mga kakaiba niyang nararamdaman para dito.

Ngunit hindi niya naihanda ang sarili sa makikita nang palihim niyang sulyapan ang binata, dahil ang mga mata nito ay nakapako ang tingin sa kanya. His expression was a mix of awe and admiration as he watched her every move. Agad binawi ni Victoria ang tingin, habang ramdam ang pagkabog ng dibdib. Nag-focus siya sa ginagawa dahil baka mawala siya sa tono.

But for the life of her, she cannot just get rid of the sight of Paolo watching her as if she’s the only woman in the room. And the most beautiful one at that.

That Woman

You have totally lost your touch, Esquivel. Napapailing si Paolo habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone. Huwebes ng gabi at kasalukuyan siyang nakiki-party sa kanyang mga kasamahan sa News Department. Katatapos lang nilang gawin ang final edit ng kanilang two-hour year-end sreport, na ipapalabas sa makalawa bago ang live telecast ng kanilang countdown concert. Ngayon ay nasa GMS Lounge sa 10th floor ang lahat para sa kanilang combined wrap party and New Year celebration. He’s been on the makeshift stage for the past couple of hours, playing the guitar as everybody jammed along. Ngayon ay nagsasayawan ang karamihan, habang ang iba ay umiinom, kumakain o nakikipagkuwentuhan. Siya ay medyo ngalay na ang mga braso at piniling lumayo muna sa mga kasamahan upang mag-relax. He’s been nursing his first ever glass of wine, and thinking about Victoria.

The music studio is just in the opposite hallway, and he thought he’d check on her. Naisip niyang ite-text o tatawagan ito ngunit naalala niyang hindi nga pala niya alam ang cellphone number ng babae. He’s been seeing her for the past four days and yet he didn’t even manage to get her number! He was either too busy getting to know everything he could about her when they talked, or simply staring at her loveliness in awe. At hindi siya ganoon kung dumiskarte. Karaniwan, inaalam niya ang mga basic na puwede niyang malaman sa babae, kabilang na ang contact information nito. He always liked to be in control as to how, when and where he’d see someone. It ws always according to his terms.

Ngayon lamang nangyari na sa bawat araw, hindi niya inaasahang muli niyang makikita, makakasama at makakausap ang isang tao. Each day, since sharing a chopper ride with her, has been a surprise. Unplanned, but pleasant nonetheless. Dahil sa bawat araw na hindi niya inaasahang makakasama si Victoria ay may mga bagay siyang nalalaman tungkol dito na nagiging dahilan upang sa bawat paghihiwalay nila, ay umasa siyang muli itong makikita.

He would never in a million years thought he would find himself in this situation. Ang akala niya ay sigurado na siya sa sarili niya, sa kung ano ang talagang mga gusto at pinaniniwalaan niya. Kuntento na siya sa mga iyon, at sanay na. He also thought he knows how to run his life the way he want to, but these past few days, he knows he hasn’t exactly been in control of everything. All because of a woman, who, until four days ago, was someone he never even gave a single thought, not even a second glance.

At hindi niya malaman kung bakit ang nakalipas na apat na araw na yata ang pinaka-interesante at exciting sa buong buhay niya. He has never thought of anybody that way.

Hindi rin niya inaasahan ang mga nararamdaman sa tuwing makakasama ito. He could get lost in those almond eyes, could feel himself melting at her bright smile, and could barely get a hold of his senses whenever she gets too close.

Nakakapanibago iyon para sa tulad niyang sanay na may kontrol sa bawat nararamdaman.

Idagdag pang sa bawat araw na unti-unti niya itong nakikilala ay unti-unti ring nabubuwag ang bawat impresyong mayroon siya sa babae. Pati na ang mga bagay na inakala niya dating hindi niya gusto dito, ay naa-aapreciate din niya ng tuluyan.

He never quite expected all that he found out about her, and was never prepared for the truth he is now discovering about himself.

Naiiling na ibinaba niya ang naubos nang baso ng wine sa mesa, at tumayo na habang ibinubulsa ang cellphone. Lumabas siya ng lounge at binagtas ang hallway patungo sa lobby. His eyes were on the opposite hallway, where the music room and recording studios are. Pasado alas-diyes na ng gabi at ni hindi niya alam kung naroon pa si Victoria. But knowing how she could get lost in her work most times, he opted to take his chance.

Ilang metro pa ang layo sa pinto ng music room ay napansin na niyang bukas pa ang ilaw doon. Na-excite tuloy siya habang palapit. Kumatok siya ng ilang bese nang marating ang pinto, ngunit walang nagbukas. Pinihit niya ang knob at nalamang bukas naman pala iyon. Pagpasok ay agad niyang nakita si Victoria na nakaupo sa harap ng keyboard, may suot na headphones. Sa kanan nito ay ang nakabukas na laptop computer. Mahinang sumasabay ito kung anumang pinapakinggan.

When you smile you know exactly what to do… Baby don’t pretend that you don’t know it’s true, cause you can see it when I look at you…

His lips urned up when he heard what she was singing. A good song called ‘Everything’ by Michael Buble. Hindi pa namamalayan ng babae na may iba na pala itong kasama sa kuwarto. Kaya naman ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nito nang makita siya. Hindi ito magkandatuto sa pag-alis ng headphones at sa pagpindot ng kung ano sa laptop. “Para kang multo, Paolo!” nailing na sabi nito bago inilapag ang headphones sa keyboard.

“I’m sorry. Kumatok ako ng ilang bese pero hindi mo yata narinig. Bukas naman ang pinto so pumasok na ako.” paliwanag niya habang pinapanood ito sa ginagawa.

“So, bakit ka nga nandito?” sapo pa rin nito ang dibdib at tila kinakalma ang sarili nang tumingin sa kanya.

He stepped closer. “I wanted to see you.” simpleng sagot niya.

Napakurap lang sa kanya ang babae. Hindi nakaligtas kay Paolo ang pagkaalarmang nagrehistro doon. “Don’t you have other… better things to do?” nag-iwas ito ng tingin.

Hindi niya inalis ang tingin dito. “Could anything be better than this?”

Muli itong napatingin sa kanya. “What exactly is this, Paolo?” mahinang tanong ni Victoria. May pag-aalinlangan sa mga mata nito.

“This is…” he held out his hands. “This is me wanting to be with you tonight.” wika niya. At sa kauna-unahang pagkakataon simula nang makilala niya ang babae, alam niyang sigurado na siya sa sinabi.

Victoria’salmond eyes widened at what he said, tila hindi ito makapaniwala. “You want to be with me? Tonight?” ulit nito sa sinabi niya, na parang sinisiguro nitong tama ang narinig.

Ngumiti siya, bago muling humakbang palapit sa babae. “Yes, tonight. And tomorrow…”

She made no step back. “W-why…” tila litong sabi nito, hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

“And the day after that… maybe days, weeks, months…” muli siyang humakbang palapit, nanatiling nakatingin kay Victoria.

“I don’t understand…” she said, almost in a whisper, as she stood right in front of him, looking up at him wide-eyed. Her face was just inches away.

Kinuha ni Paolo ang mga kamay nito at marahang hinila ito palapit. “I don’t understand why, either…” soon his one arm was on her back, holding her closer. It’s taking a huge amount of willpower to hold back, to fight the urge to kiss her right there. Kanina pa niya iyon gustong gawin, ngunit ayaw niyang magmadali. Ayaw niyang gumawa ng anumang maaring maging dahilan upang sa isang iglap ay masira ang lahat. He has never felt anything like this, and he has never met anyone quite like Victoria.

Nanatiling nakatingin ang babae sa kanya. Tila may mga gusto itong itanong o sabihin, ngunit pinag-isipan muna kung paano. Then a smile slowly formed on her lips.

He blinked, gaya ng dati ay may kakaibang epekto ang ngiting iyon sa kanya. It might be too early to tell, but Paolo knows that he’s already on the brink of losing his heart.

“Parang weird na itatanong ko pa ito, parang huli na, pero…” Victoria placed one hand on his shoulder. “This is a good song.. a favorite actually.”

“Yes?” he prompted.

Mataman siya nitong tiningnan, may ngiti pa rin sa mga labi. “Dance with me?”

Ginaya ni Paolo ang pagkakangiti ni Victoria sa kanya. “I thought you’d never ask.” he then gently, slowly swayed to the music as he held her close.

And he wondered if he’s really just on the brink, or if his heart is no longer his own.

PASSWORD FOR NEXT CHAPTER: Pangalan ng tower kung saan laging nag-fa-flash sa utak ni Victoria
HINT: _ _ _ Tower (caps-lock lahat)

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

8 thoughts on “New Version Of You & Me – CHAPTER 4

  1. i try the passwrod but why it is not working?

    Posted by merlinda | Hulyo 23, 2014, 3:33 hapon
  2. Nkakakilig

    Posted by elI | Nobyembre 6, 2013, 1:07 hapon
  3. ano po ang password, di ko malala ung tower🙂 salamat

    Posted by amaya_27 | Nobyembre 6, 2013, 12:19 umaga
  4. wow kalig much?

    Posted by rosanna29 | Setyembre 13, 2012, 8:58 umaga
  5. nkakakilig talaga. . .XD

    Posted by prettii_ren | Abril 16, 2012, 10:18 umaga
  6. i love it!

    Posted by tinzz | Pebrero 18, 2012, 8:38 umaga
  7. i felt like dancing on my own just thinkng how sweet they were:-)

    Posted by shayanaember | Pebrero 2, 2012, 6:26 umaga
  8. Ang kilig ko wagas

    Posted by blueboy | Pebrero 2, 2012, 3:56 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2012
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: