binabasa mo ang...
Looking For Love

Looking For Love — Chapter 3

“NAKAKAINIS! Nakakainis!” Kulang nalang yata ay madurog ang tapa na nasa plato ni Zari habang gigil na tinutusok tusok niya iyon ng tinidor.

            “Oy, anong problema mo ha? May plano ka bang gawing sisig iyang tapa?” puna sa kanya ni Lorie.

            “Nakakainis eh!” aniyang tinusok tusok muli ang pagkain.

            “Aba’t masama ‘yan Zari ha? Pagkain ‘yan, grasya! Tapos lalaruin mo lang. Kung naiinis ka sa boyfriend mo huwag iyan ang pagdiskitahan mo,” sermon sa kanya ng kaibigan na ikinahinto niya.

            “Kung bakit kasi napakadaming pakialamero,” sarkastiko niyang sabi na sumimangot.

            “’Oy Zari kung sa tingin mo pakikialam na sinabihan kita tungkol sa grasya, sige durugin mo iyan,” sumimangot na sabi ni Lorie. “O, eto isama mo pa itong pagkain ko at baka kulang pa.” Dugtong pa nito na inilapit ang plato sa kanya.

            Tinignan niya ang kaibigan. Masama ang timplada ng mukha nito habang iniinom ang tubig na hawak. “Hindi naman ikaw ang tinutukoy ko Lorie ano? Masyado ka namang sensitive,” aniyang isinauli sa harap ng kaibigan ang plato nito.

            “Kung hindi ako eh sino naman iyan ha? Mukhang ngayon lang kita nakitang may ‘killer instict’ ah,” tumaas ang kilay nitong tanong na nabinat ang kanina ay lukot na mukha.

            “Hay naku Lorie huwag mo ng alamin, tutal walang kwentang –” Napahinto siya sa sasabihin nang makita ang isang pamilyar na lalaking pumasok sa quarters nila. Tumaas ang kilay niya nang tuluyan itong makalapit sa kaibigang si Glo na tila may tinatanong. Mabilis ang mga kilos niyang tumayo at lumapit sa kinaroroonan ng binata.

            “Excuse me,” kinalabit niya ito.

            “Oh, there you are,” nakangiti nitong sabi nang makita siya.

            “Hinahanap mo ako?” Nagtaka niyang tanong na itinuro pa ang sarili.

            “Yes honey.” Ang matamis nitong ngiti sa labi ay nakapagkit pa din. “You left something,” dugtong pa nito.

            “Honey? Honey?” eksaheradong ulit niya sa huling sinabi. “Honey ka diyan?” She hissed.

            “Hey, chill okay?” natatawang hinawakan siya nito sa balikat.

            Napatingin siya sa hinawakan nito bago iyon ipiniksi. Pakiramdam kasi niya ay nau-ubusan siya ng enerhiya nang gawin nito iyon. “Anong kailangan mo? Ba’t mo ako sinusundan?” She looked up at him.

            “I figured out that you must be working here Czarina, kaya kita pinuntahan dito. Nalaglag mo kasi ito nang may mang-hold up sayo at tumakbo ang boyfriend mo palayo,” he said sarcastically while holding the ring infront of her. Napatingin siya sa hawak nito.

            “Sa akin ‘yan ah!” asik niya nang makilala ang hawak nito. Mabilis ang mga kamay na hahablutin sana niya ang singsing subalit agad nitong naitaas ang kamay dahilan upang hindi niya ito nakuha.

            “Oops! Not that easy to get this one,” nakangising sabi nito na nanatiling nakataas sa ere ang singsing.

            “Akin na ‘yan,” mahina ngunit maawtoridad niyang sabi.

            “After what happened last night? I deserved atleast a ‘thank you’” Muli nitong sabi na hindi iniaalis ang paningin sa kanya.

            “Fine,” napahalukipkip niyang sabi. “Thank you.” Masama man ang loob ay nagpasalamat siya dito makuha lang muli ang singsing na ibinigay pa sa kanya ng ama nang magtapos siya sa kolehiyo.

            “Kung masama ang loob mo, forget it. I’m not giving this back,” anitong tumalikod sa kanya.

            “Hoy mister! Isauli mo ‘yan sa akin!” Mabilis niyang hinatak ang damit nito upang pigilan sa pag-alis.

            “I’m not going to do that little cat,” matamis ang mga ngiting muli itong humarap sa kanya. “Unless you say thank you sincerely,” mapanukso itong yumuko at sinalubong ang mukha niya.

Pakiramdam niya ay uminom siya ng isang drum na kape sa bilis at lakas ng pintig ng puso niya nang masamyo ang pabango nito na kaagad nanuot sa kanyang ilong. Pambihira! Gusto kong patayin ang gumawa ng pabango mo! Tila nanghihina niyang naisaloob. May sa-demonyo yata ang pabango na ‘yan. Aniya sa sarili nang hindi pa rin mapakalma ang dibdib.

            “Okay, okay. P-pero… pwede ba? Lumayo ka muna ha? Ang sakit na ng ilong ko sa pabango mong amoy – amoy… matanda!” Inilayo niya ang sarili dito kahit tumututol yata ang ilong niya.

            “And my little cat had big claws,” natawangsabi nito. “Let’s just talk some other day, kapag hindi na mainit ang ulo mo,” he said and left.

Naka-alis na ito ay hindi pa rin siya kumikilos at hindi pa din kumakalma ang pintig ng puso niya. Ano bang nagyari sa kanya? Bakit nasamyo lang niya nag pabango nito pakiramdam niya ay nasapian na rin yata siya ng kung anumang espiritu?

            “Aweeee!” Malakas na tili ni Glo na siyang nagpatinag sa kanya at nagpalingon dito. “Ang wafuuuu!” kinikilig pa nitong tili.

            “Hoy Gloria tumahimik ka nga diyan nakakahiya sa mga costumer ang lakas ng boses mo,” natawang sita ni Lorie dito.

            “Nakita mo ba iyon ate Lorie?” tila nasa alapaap nitong sabi. “Kahit hindi na ako mag-lunch ngayon busog na ako,” dugtong pa ni Glo na kilig na kilig.

            “Zari saan mo ba nakilala ang lunch ko?” baling sa kanya nito na hindi pa din maawat.

            “Sa bangketa nagtitinda ng pirated dvd.” Inis niyang tugon na bumalik sa upuan.

            “Waa… Saan? Bibilihin ko lahat!” Humahagikgik pang tanong ni Glo.

            “Glo, tapos na ang break mo kaya bumalik ka na sa trabaho. Mamaya ka na magpantasya,” muling sita ni Lorie dito.

            “Ate Lorie talaga ‘killjoy’,” sumimangot nitong sabi bago umalis.

Matalim ang mga matang tinignan siya ng kaibigan. Alam niya na masama ang loob nito sa narinig mula sa lalaking sumira sa kanyang mga plano.

            “Hinoldap ka?” It wasn’t a question but a statement. Nang hindi siya sumagot kaagad sa sinabi nito ay tumaas ang isang kilay ni Lorie.

“Kagabi,” tipid niyang sagot nang makita ang reaksyon nito.

            “At imbes na ipagtanggol ka ng tipaklong na iyon ay tumakbo pa?” Bakas sa tono ng kaibigan ang inis patungkol sa ginawa ni Henry. “Aba! Czarina mag-isip ka nga, kung hindi pa pala dumating si sir R-.” Bahagya itong napahinto. “‘Yung lalaking iyon na biniyayaan ng Diyos ng lahat ay baka wala ka na ngayon,” patuloy nito na nakuha pang hangaan ang lalaking sumira ng moment niya.

            “Sinasabi ko na eh, wala talagang kwenta ang lalaking ‘yun,” inis pa nitong dugtong.”Kung sana ay nakinig ka nalang sa tatay mo at sa kuya mo hindi ka sana –“

            “Paano niya nalaman na dito ako nagtra-trabaho?” putol niya sa sasabihin ng kaibigan nang sumagi sa isip niya kung paano nga ba siya natunton ng lalaking iyon. Kanina pa niya iyon iniisip at kanina pa niya nais tanungin iyon, alam niyang sinagot na iyon ng lalaking naligo sa pabango pero nagtataka pa din siya. Bakit pakiramdam niya ay nasa paligid lamang ito.

HINDI mawaglit-waglit sa isip ni Resty ang dalagang iniligtas. Mataman niyang tinitignan ang singsing na nahulog nito nang gabing iyon habang pinaglalaruan sa kanyang mga palad. Nalaman niya ang pangalan ng dalaga dahil sa nakaukit sa singsing. Alam niyang maraming nagngangalang Czarina pero nang mabasa niya ang pangalang iyon pakiramdam niya ay alam na niya kung saan ito hahanapin. At hindi nga siya nagkamali, empleyada niya ang dalaga sa Thurston.

Kapag sinuswerte ka nga naman. Napangiti siya. Hindi niya maitago sa sarili ang atraksiyon sa dalaga nang makita niya ito. He does not believe in love at first sight but he was attracted to her. Weird but he can’t help not to think of the woman that had just caught his attention.

“You will find me,” nakangiti niyang bulong habang nakatingin sa hawak na singsing ng dalaga.

“Resty, pare.” Bungad sa kanya ng kaibigang si Mundo na nagpawala sa atensiyon niya mula sa singsing na hawak.

“And what do you need now? Don’t tell me that you set up another date for me, ‘coz if you did I will kill you,” hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya sa kaibigan. Ang date yatang iyon kay Karla ang pinakamalala niyang date sa buong buhay niya. Tumayo siya at lumapit dito.

“Sorry na pare,” hinging paumanhin muli nito sa kanya. “I promise to make it up ro you.”

“What, by giving me another lame date?” He said sarcastically. “I told you guys to stay out of my love life okay? I don’t need your help, I’m fine.”

“I promise this is the last,” sinasabi na nga ba niya at bibigyan na naman siya nito ng date. Kilala niya ang kaibigan hindi ito susuko hangga’t hindi siya nito napapapayag. Katulad ng kung paano ito hindi sumuko kay Yehni na nobya nito.

Isang marahas na buntonghininga ang kanyang pinakawalan. “NO.”

“I’m sure you would want to see this woman Resty. You’ve been looking for her for a year.” Nakuha nito ang atensyon niya sa sinabi ng kaibigan. Isang babae lang naman ang tinutukoy ni Mundo, at ang babaeng inakala niyang mamahalin niya. Iniiwas niya ang tingin sa kaibigan. He wouldn’t want to hear about her but there’s something that tells him to.

“Forget it,” matipid niyang sagot sa kaibigan. Ayaw na niyang halukayin pa ang kanyang nakaraan, ayaw na niyang maalala ang hindi magandang parte na iyon ng buhay niya.

Nakita niyang nagkibit-balikat ang kaibigan. Maging ito ay hindi alam ang tunay na nangyari sa kanya ng mga panahong iyon. Ilang beses na itong nagtanong subalit hindi niya nai-kwento man lamang, at iginalang naman nito iyon.

“Pare kung nasaktan ka man dati, maybe its about time to forget it. Tapos na iyon, and it’s high time that you should forgive and move on, find another woman to love,” naramdaman niya ang mahinang tapik ni Mundo sa kanyang balikat.

“I don’t know. I’ll think about it,” matabang niyang sagot.

 

ISANG malakas na tikhim ang narinig ni Zari mula sa ama nang makapasok siya sa loob ng bahay. Alam na niya ang ibig sabihin niyon; umupo siya sa harap nito at kakausapin siya.

“Bakit po?” tanong niya nang makaupo na.

“Ano itong nabalitaan ko kay Lorie na na-hold up ka daw?” Bakas sa tono ng ama ang pinaghalong pag-aalala at galit. Naiintindihan naman niya dahil nag-aalala lamang ito sa kanya. Ang hindi alam ng mga ito ay siya rin ang may kagagawan ng palabas na iyon.

“Opo, pero huwag kayong mag-alala dahil okay naman ako,” aniyang yumuko. Aminado siyang nakukunsensya siya sa ginawa, pero gusto lamang niyang patunayan na kaya siyang ipagtanggol ni Henry. Pero nagkakamali pala siya dahil mabilis pa itong tumakbo palayo kaysa sa mga holdaper na inupahan niya. Napangiwi siya nang maalala ang itsura ng boyfriend, namumutla ito at halos hindi makapagsalita. Tanging ang pag-abot ng bag nito sa mga holdaper ang nakita niyang ginawa ni Henry bukod doon ay wala na.

“Ilang beses ko na sinabi sayo na huwag na magtrabaho sa restaurant na iyon Zari? Masyado ka nang ginagabi nang dahil lang doon. Mabutisanakung kaya ka man lang ipagtanggol ng boyfriend mong hipan lang ng hangin ay matutumba na,” mahaba nitong sermon sa kanya. Hindi man laging binabanggit nito ang pagtutol nito sa kanyang trabaho ay hindi nangangahulugan na okay na ito at pumapayag na doon siya magtrabaho.

“Daddy, alam nyo namang masaya ako sa trabaho ko. Akala ko naman po maiintindihan ninyo.” Pangungunsensya niya sa ama.

“Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon sa restaurant na iyon at hindi mo maiwan iwan,” masama ang loob na sabi nito. “Mas importante pa sa iyo ang magtrabaho doon kaysa ang pakinggan ako,” dugtong ng ama bago tumayo at iniwan siya.

Pagkapasok sa kwarto ay agad niyang idinayal ang numero ng kaibigang si Lorie. Sasabunin talaga niya ito dahil sa ginawang pagsusumbong sa daddy niya. Kung bakit naman kasi pumasok pasok sa eksena ang nagpapanggap na ‘knight in shining armor’ na iyon, ito tuloy ang nangyari.

“Lorie, bakit mo sinabi kay daddy na na-hold up ako?” Inis na bungad niya dito nag sagutin nito ang tawag niya.

“Sorry friend, pero kailangan malaman ng daddy mo ang mga bagay na ganoon. Nag-aalala lang ako sayo,” hinging paumanhin nito sa kanya.  “Siya nga pala, may bago tayong branch na magbubukas sa Tagaytay, buti napatawag ka,” anitong iniba ang usapan.

“Huwag mo sabihin sa aking malilipat ka dun?” Kapag nangyari iyon ay mawawalan na siya ng kaibigang mahihingahan ng problema.

“Loka hindi ako ang malilipat dun kundi ikaw,” masayang sabi nito.

“Ako? Bakit ako?” gulat niyang sagot. Nakapagtataka naman yata iyon.

“You deserve it friend, masipag ka and very efficient,” bakas sa boses ng kaibigan ang pagmamalaki.

“At natuwa ka pa dahil mawawalan ka ng pabigat dyan?” Hindi tuloy niya naiwasan ang magtampo dito.

“Ano ka ba? Natutuwa ako kasi mapro-promote ka,” anito na siya niyang ikinagulat. Paano naman siya mapro-promote? Hindi ba mas dapat na ito ang ma-promote dahil di hamak na masmatagal na ito sa kanya sa restaurant?

“Teka, bakit hindi ikaw? Tsaka bakit hindi ko yata alam yan?” nalilito niyang tanong.

“Hindi ko rin alam Zari pero masaya ako para sayo. Bongga ka ha? Bukod sa mataas na ang sahod mo libre pa ang tirahan mo dun, relaxing pa ang lugar,” masaya nitong sabi na tila kinikilig.

“Hindi ko yata matatanggap ‘yun Lorie,” totoo hindi yata niya kayang tanggapin ang promosyon na alam niyang mas nararapat sa kaibigan.

“Hay naku basta pagpasok mo bukas pag-usapan natin iyan. For now maliligo muna ako kasi nangangati na ang katawan ko sa mga alikabok,” anitong tinapos ang usapan.

ILANG oras na ang nakakalipas mula nang mag-usap sila ni Lorie at ng ama pero parang hindi pa rin pumapasok sa kanyang isipan ang sinabi nito. At tungkol naman sa daddy niya, hindi na ito lumabas pa sa silid nito, ni hindi man lang sumabay sa kanya maghapunan. Ilang araw na ring hindi umuuwi ang kuya niya. Ang paalam nito ay may inaayos lang daw ito na problema at kung ano man iyon ay hindi na niya inalam pa.

Muling bumalik sa kanyang isipan ang lalaking nakapulot ng kanyang singsing. Hindi man lang niya naitanong kung ano ang pangalan nito, paano niya makukuha ang singsing niyang nasa lalaking sugo ng mga pabango? Napabuntonghininga siya, paniguradong lalong sasama ang loob ng daddy niya sa oras na malaman nitong nawawala ang singsing na regalo nito. Batid niyang pinag-ipunan iyon ng ama, hindi man mamahalin ay masasabing may ‘sentimental value’ naman iyon.

Saan ko ba hahanapin ang… ang higanteng ‘yun. Maktol niyang naisaloob. Sana magpakita ulit. Piping hiling niya. Promise po Lord susubukan kong magpakabait sa abot ng aking makakaya kapag nagpakita siya ulit. Mariin niyang ipinikit ang mga mata.

 

KANINA pa naghihintay si Zari na dumating ang kaibigang si Lorie. Gusto niya itong makausap tungkol sa sinabi nitong promosyon, pero hindi pa rin ito dumarating. Kanina pa din siya text ng text sa kaibigan subalit kahit isang sagot ay wala siyang natatanggap mula dito.

Inip na umupo siya sa bench kung saan lagi niya itong hinihintay. Muli niyang naalala ang boyfriend na si Henry. Mula ng gabing ma-hold up siya ay hindi pa ito nagpapakita sa kanya. Hindi rin ito tumawag man lang upang ipaalam kung ano ba talaga ang nangyari dito. Bakit ba ngayon lang niya napansin iyon samantalang ilang araw na ang nakakalipas?

“Zari!” Narinig niyang sigaw ni Glo sa kanya.“Balita ko promoted ka na daw ah! Pa-burger ka naman!” Biro sa kanya nito.

“Loka! Wala pa nga nagpapalibre ka na,” tumawa niyang sagot sa kaibigan.

“Hinihintay mo si ate Lorie ano?” usisa nito.

“Oo, wala ba siyang binilin man lang sayo?” Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit tila kinakabahan siya.

“Wala. Nag-aalala na nga ako kasi dati rati walang tigil ang kate-text nu’n bilin ng bilin.” Bakas din sa mukha ni Glo ang pagkabalisa.

“Sananaman okay lang siya,” aniyang napabuntonghininga.

“Buti nalang dumating na si Ma’m Liza, kundi lagot tayo kay bossing,” umupo sa tabi niya. “Huwag mo nang hintayin si ate Lorie, Zari tingin ko hindi papasok ‘yun ngayon.”

“Sige, ang mabuti pa pumasok na tayo bago tayo mapagalitan ni ma’m Liza,” sang-ayon niya dito. Bruha nasaan ka na ba?

HINDI maintindihan ni Resty kung bakit tuwang tuwa siya na maililipat sa Tagaytay si Czarina. Muli niyang tinignan ang mga dokumento ng dalaga na ibinigay sa kanya ni Lorie. Mula doon ay nakita naman niyang karapat-dapat ang dalaga sa promosyon na ibibigay niya. Hindi naman tumutol si Liza at Lorie, ayon pa nga sa mga ito masipag at may leadership ang dalaga. Muli niyang tinignan ang singsing nitong inilagay niya sa kanyang kwintas. Something tells him that this woman is special. We’ll see little cat, we’ll see how special you are soon…

About Louise

It makes me feel happy to share stories about love. Stories where we can learn about the importance of the word that makes the world keep spinning. For everyone that reads my stories; You give me more inspiration and confidence; hope, that all of us are loving and being love... Lets love life, and live with love.

Talakayan

8 thoughts on “Looking For Love — Chapter 3

  1. ganda talaga..haii love…biglang nawala sa eksena c henry..hehehe

    Posted by Sherilyn | Hulyo 18, 2013, 1:32 hapon
  2. wow tlga sinuswerte k resty.hehe. gusto q ulet ung part s line n”boyfriend mong hipan lng ng hangin matutumba n”
    hehe nkaka aliw. tlga, grabeh butot balat cguro yong bf ni zari.hehe.

    Posted by belle | Pebrero 16, 2012, 9:45 hapon
  3. ano kya ang nangyari kay lorie?

    Posted by itsgonnabeme | Pebrero 10, 2012, 4:15 hapon
  4. next chapter na po,pls…
    ^_~…

    Posted by abril | Enero 29, 2012, 2:50 umaga
  5. this is it !😛

    Posted by Thea Jane | Enero 28, 2012, 10:56 hapon
  6. lou next chapter na please….gusto ko na mabasa ang next chapter…. gloria khit kelan ang ingay ingay mo.. ikaw na ikaw un nsa story eh… kla kba c marcus ang gusto mo bkit ngtitili ka sa fafa ko ha.. ehehehe…

    Posted by sjyo0208 | Enero 26, 2012, 9:08 hapon
  7. Kailan ang next chapter?

    Posted by darkangel | Enero 26, 2012, 7:30 hapon
  8. kaabang-abang:-)

    Posted by shayanaember | Enero 26, 2012, 4:45 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2012
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: