binabasa mo ang...
Akio's Precious Tiffany

HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 11

Akio’s Precious Tiffany chapter 11

It was a fine Sunday morning and Tiffany wants to enjoy the shine of the beautiful sun. Isang buwan na rin ang lumipas mula ng mawalay sa kanya ang pinakamamahal niyang sing-sing and now she is waiting for Akio to return it to her. Maaga ang usapan nila ni Akio, on leave ang driver niya kaya ang binata ang magdadrive para sa kanya.

She in on her summer outfit with matching oversized sunglasses aw she is waiting on their porch ng dumating si Akio.

“Where are we going?” he asked ng makalabas na sila sa gate ng mga Havera.

“Somewhere north. Hmmmn” sandali siyang nag-isip. “Sa Subic na lang.” So he drove through the express ways first is NLEX then SCTEX.

“I changed my mind. Sa Nasugbu nalang tayo.” Sabi ng dalaga ng malapit na sila sa Subic exit ng SCTEX.

“Are you kidding me?”

“Nope!” napabuga na lamang ng malalim na hininga si Akio at tinahak ang daan pabalik.

Shortly after lunch ay nakarating na sila sa Nasugbu, Batangas. They had their lunch bago sila magcheck-in sa isang resort. Kahit halata ang kapaguran ay ipinagbubukas pa rin ni Akio ng pinto si Tiffany. Surely he is a true gentleman. Gusto na sanang maawa ng dalaga ngunit tuwing naaalala niya ang mga kahihiyan dahil sa supladong ito ay lalo siyang nanggigigil. Tuwing kumakain naman sila kahit sabihin niyang siya ang taya ay ito pa rin ang nagbabayad and he pays it in cash. Sometimes she wonders if he has a credit card. She never saw him use one.

Tiffany went straight to the reception area and checked-in kumuha siya ng room for two bagama’t siya lamang ang gagamit niyon sapagkat hindi siya sanay sa maliit na silid.

“Sir, by membership po ang resort.” Sabi ng receptionist kay Akio. Tinuro niya si Tiffany na nag-aantay ng key card niya. The receptionist asked Tiffany kung kasama ba niya si Akio.

“I thought by membership kayo? Why are you allowing strangers pretending to know someone to check-in?” she said it with a little irritation. Nakuha naman ni Akio ang ginagawa ng dalaga. She is trying to get even with him ng itanggi niya itong kakilala niya sa party na dinaluhan nila dati.

“Darling, wag ka ng masyadong magalit. Makakasama iyan sa baby natin.” He pulled Tiffany beside him and he kissed her cheek. And because of that the shopaholic is startled. “Try to say something and I’ll give you a kiss you could never forget.” Bulong niya sa dalaga and boom! Wala ng salita pa ang kumawala mula sa kanilang bibig.

“I really hate you Akio Masaru!” Inihagis niya sa inis ang kanyang sunglasses sa kama ng makarating na sila sa silid. And true to what he said he kissed her. Just a short one but surely it was an unforgettable one. Napakapit siya sa batok ni Akio because her knees suddenly felt so weak duon niya naramdaman that he is hot. Yes, he is literally hot.

“May sakit ka ba?” suddenly concern for this man was all over her.

“Masakit lang ang ulo ko. I just need some rest.” Sabi nito at nahiga na sa kama.

Kinalkal niya ang bag to look for her medicine kit. “take this.” Pinainom niya ito ng paracetamol.

“Thank you. I’ll just take a nap. Magswimming ka na, mamaya lang ay ok na ako.”

“Are you nuts? Tingin mo ba maaatim kong iwanan ka dito?” Hindi na siya sinagot ng binata. He is to tired to argue or maybe umiral nanaman ang pagiging snob nito. She is unpacking their luggage ng malaglag ang organizer ni Akio. She accidentally saw his jam-packed schedule. Nacurious tuloy siyang usisain pa iyon. Halos wala pala itong pahinga for the past few days. Kung base sa activities ni Akio ay wala itong oras sa pagtulog. Weekdays ay nagtatrabaho ito sa opisina kasama pa ang iba-iba nitong lakad na ang hinala niya ay pinagkakakitaan ng binata. Tuwing weekdays naman ay siya ang inaasikaso niya. Kasama rin dito ang rehearsals ng  Whiz-bang at nalaman din niya na si Akio pala ang gumagawa ng ilang lyrics at music ng sinasayaw ng grupo. Kaya palang hapung-hapo ito at nakakatulog kahit saan. This all started two weeks ago, ng mapasakamay niya ang ATM card ng binata. She somehow felt guilty. Marahil ay masama na ang pakiramdam ng binata kaninang umaga pa ngunit hindi lamang ito umangal ng magpadrive siya mula Manila papunta sa Subic then to Batangas.

Palubog na ang araw ng magising si Akio. “Bakit hindi ka pa nagswimming?” Nilapitan niya si Tiffany sa veranda na nakatanaw lamang sa beach. “Sorry for ruining your vacation.”

“It’s nothing. Wala rin naman akong balak magswimming.” Hinarap niya ang binata.

“Why?”

“I can’t wear swimsuits like them. May pilat ako from my heart surgery.”Ramdam ang panghihiyayang sa tinig ni Tiffany. Sinalat niya ang nuo ng binata to check his temperature.

Hinawakan ni Akio ang kamay ng dalaga na nasa nuo niya and he embraced her. “That defines you Tiffany. You are way prettier that those ladies.” Hinagkan niya ito sa nuo. “That scar adds to your spirit.” Niyakap muli niya ito and that was the scenery until the sun has completely set.

About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

14 thoughts on “HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 11

  1. gaaaaaaanda kahit ulit ulitin ko

    Posted by amar | Hulyo 8, 2013, 10:14 hapon
  2. ang sweet naman. . . . :))))

    Posted by prettii_ren | Abril 16, 2012, 3:11 hapon
  3. talaga naman.. ang ganda…

    Posted by karen | Marso 25, 2012, 8:29 hapon
  4. AY!!! ayan na meron na!!!
    hihihihi

    Posted by annamay | Pebrero 1, 2012, 11:32 umaga
  5. kilig may kissing na ……… pero matagal pa tapos to

    Posted by Kj | Enero 30, 2012, 2:54 hapon
  6. ayyy.. bitinnnn…. next pls…….. ang galing.

    Posted by annezhayne | Enero 30, 2012, 2:24 hapon
  7. ang sweet ni Akio🙂

    Posted by riemha0814 | Enero 28, 2012, 5:10 hapon
  8. Kakaoinlove hehehe.ganda na ah.namiss q to ng ilang araw.thanks sa writers.god bless.

    Posted by Jocelyn143 | Enero 27, 2012, 3:13 umaga
  9. im inlove with this story🙂

    Posted by Steffi | Enero 26, 2012, 9:37 hapon
  10. 😀 haha sana mainlove na si Tiffany kay Akio

    Posted by itsgonnabeme | Enero 26, 2012, 7:24 hapon
  11. kakabitin haha🙂

    Posted by cutiegurl | Enero 26, 2012, 6:21 hapon
  12. sweet moment:-)

    Posted by shayanaember | Enero 26, 2012, 4:20 hapon
  13. un n po b un? bitin!

    Posted by anchine | Enero 26, 2012, 9:18 umaga
  14. Ngkasundo rn sila :DD

    Posted by darkangel | Enero 26, 2012, 7:28 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2012
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: