binabasa mo ang...
New Version of You and Me

New Version Of You & Me – CHAPTER 3

CHAPTER THREE

Don’t Play with Fire… crackers

Napatalon si Victoria nang habang palapit siya sa direktor upang tmakinuod sana sa monitor nito. Alam niyang isang malupit at sunud-sunod na testing ng mga paputok ang kasalukuyang kinukunan ng news team nang mga sandaling iyon para sa anti-firecracker injury campaign ng GMS, ngunit di pa rin niya maiwasang magulat. Napaatras siya. Shit!

“Ano ba yan, Vic! Five star pa lang iyon.” natatawang sabi ni Leslie bago iginiya siya sa isang shed, kung saan naroon ang ilang equipment. Lead guitarist ito at kasama niya sa music team ng TCCS, na siyang humila sa kanya upang makiusyoso sa taping ng naturang advisory para sa pagsalubong sa bagong taon. Boyfriend kasi nito ang isang field reporter na siyang nagyaya dito.

Sa bakanteng lote sa likod ng GMS compound ginaganap ang taping. Marami nang tao doon, at karamihan ay abala. The place was brightly lit, and the air was festive.

“Ang lakas kaya!” naiiling ngunit natatawang sabi niya. Nagpatangay siya kay Leslie sa halip na muling tumambay sa rooftop upang mag-relax dahil nawiwindang na siya sa tuwing mapapag-isa. When alone, all she can think about was Paolo. Paolo holding her hand. Paolo holding her close. Paolo looking at her. Paolo smiling at her. Paolo’s hearty, infectious laughter. Paolo, Paolo, Paolo! Mababaliw na yata siya!

Kagabi habang hinihintay na tumila ang ulan ay kung anu-ano ang napagpusapan nila, at iyon ay habang halos yakap siya nito. Nang makabalik sila ng building ay nagyaya ito sa coffeeshop sa ibaba. And over steaming mugs of hot chocolate, they talked some more. Actually, it was him asking her a lot of questions. Parang ang dami nitong gustong malaman tungkol sa kanya, at sa mga opinyon niya sa mga bagay-bagay. Di iilang beses na nako-conscious siya sa tuwing mapupuna niya kung paano siya nito tingnan ng diretso sa mga mata, at kung paanong tila inuunawa nito talaga ang bawat sinasabi niya.

Tuloy ay dala niya sa pagtulog, maging sa paggising ang mga eksenang iyon. And it’s beginning to make her nervous. She hasn’t thought of any man that way, in years. She hasn’t even known Paolo for a week and yet he already managed to take up space inside her head.

“Diyan ka muna, kukuha lang ako ng ako ng mask sa MT.” ani Leslie sa kanya bago tinakbo na nito ang patungo sa kinapaparadahan ng nakaantabay na van ng paramedics, sakaling magkaroon ng injury sa taping. Tumango lang siya at hinintay na makalayo ang kaibigan, bago sumubok muling lumapit sa direktor, ngunit nakakailang hakbang pa lang ay bigla namang may humarang sa kanya. At hindi lang basta humarang, medyo marahas na hinawakan din siya ng taong iyon sa balikat at iginiya siya pabalik sa shed.

What the…? bubulyawan na sana niya ang kung sinong nagdala sa kanya na iyon at medyo madiin ang pagkakahawak sa balikat niya, ngunit tila nawalan siya ng boses nang pagtingala ay makilala niya kung sino ito. It was Paolo, his face looking very very serious. Napalunok siya.

“What on earth are you doing here, Victoria?”tanong nito. Mahinahon ang boses ni Paolo na himalang narinig niya sa kabila ng ingay sa paligid. Walang bahid ng galit sa paraan ng pagkakatanong ng binata ngunit ang kaseryosohan ng guwapong mukha nito ay nagpapakaba kay Victoria. Aside from the fact that his face was only inches away from hers.

Add to that the fact that the way his hands were pressed down on her shoulders hurt a bit. “Wa… nanonod lang ng taping… Leslie brought me… here.” paputol-putol na sabi niya.

“Do you realize how dangerous it is out here? Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginagawa namin at pagkatapos lalabas ka pa roon?” Paolo’s piercing brown eyes, even through his spectacles, still seem to bore down on her.

“Makikitingin lang sana ako sa monitor ni Direk. Hindi ko kasi gaanong makita yung ginagawang testing dahil sa usok.”aniya, bago huminga ng malalim. She then tried to free herself from his grip. “Teka lang naman. Masakit eh.” nappangiwing sabi niya.

Biglang nanlaki ang mata nito, bago nag-aalalang binitiwan siya. “Oh sh…. I’m sorry. I’m sorry, Victoria.” sinimulan nitong imasa-masahe ang balikat niya. “Ikaw naman kasi. Bakit ka pa nagpupunta dito? Hindi mo ba nakita kung ano pa ang naka-line up na subukan namin ngayon? Goodbye Philippines, Goodbye Earth, Goodbye Universe! Ganoon ba ang trip mong panoorin? Ayos din ang trip mo.” napailing ito.

Bakit? Dahil gusto kong mag-Goodbye Paolo! Victoria only wished she could say that to his face, but he’s so near.

“I think you should leave, Victoria.” seryoso pa ring sabi ng binata, ang mga kamay ay patuloy sa tila pagmamasahe sa balikat niya. At ang mukha nito, ganoon pa rin kalapit.

Sobrang lapit. At kung anu-anong eksena ang pumapasok sa utak niya ngayong ilang pulgada lang halos ang layo ng mga labi nito sa kanya. Victoria wanted to stomp her feet in protest. How on earth can she get rid of any thought of this man if moments like this keep happening?

“Sobrang lapit mo…” parang ewan na nasabi niya.

Dahilan upang mapakurap ito sa kanya, tila nagulat. He looked at her for a few more seconds, tila may inaaral sa mukha niya na di mawari. Victoria is getting nervous. Didn’t he just say I should leave? Paano siyang aalis kung ganitong na-trap siya halos nito?

Mukhang may sasabihin pa sana si Paolo nang may tumawag dito. “Stay here. Please, Victoria. Huwag ka nang lalapit pa doon.” nakikiusap na sabi nito, bago lumayo at pinuntahan ang area kung saan nagkakaroon ng testing ng paputok.

Victoria watched from where she is as Paolo talked to several men. Maya-maya lang ay may binuksan itong pakete. Mga rocket-type na paputok ang mga iyon na inilalagay ng mga ito sa bote ang bawat isa. Bago sinindihan ang mahahabang mitsa. There were five bottles, na inilagay ng grupo sa lupa bago nagtatakbo palayo ang mga ito.

He came running back to her, kasunod ang ilan pang kalalakihan. Pumuwesto ito sa tabi niya at hinawakan ang isa niyang kamay. Victoria couldn’t help noticing how natural it was for him when he did that.“They’re supposed to shoot up towards the sky like rockets, at doon sila sasabog.” katatapos lang nitong sabihin iyon nang biglang may magsigawan.

Si Paolo ang unang nakapansin ng nangyayari. Natumba ang dalawa sa mga bote at sa halip na sa langit ay sa direksyon nila nakaturo ang mitsa. Paolo gripped her arm and told her that they would have to run across the street. Literal na nagpulasan ang karamihan sa mga nasa lote, running towards anywhere they could seek shelter from. Sila ni Paolo ay dire-diretso sa nakabukas pang warehouse studio kung saan ginaganap ang mga variety shows ng GMS.

Kapwa sila humihingal nang makapasok sa loob, at doon na rin, sa ilalim ng mga bleachers nila pinakinggan ang sunud-sunod na putukan. Kasunod niyon ay sigawan, tawanan at kantiyawan.

“Grabe, ngayon lang ako tumakbo ng ganon kabilis.” hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Victoria, sapo ang dibdib. She could feel her heart beating wild. Hindi niya alam kung dahil sa kaba na muntik na silang masabugan ng rocket, o dahil sa lalaking kasama niya.

Paolo could only guess his own heart’s BPMs at that moment. He couldn’t distinguish if it was nerves, or adrenaline, or excitement. At hindi rin niya matanto kung ano atalaga ang dahilan – ang muntikan nang pagkasama nila sa statistics ng nasabugan ng paputok o dahil sa babaeng katabi niya.

Victoria is a sight to behold in her light pink jacket over white shirt, shiny hair and almost luminous skin. Hindi niya alam kung bakit hindi kaagad niya ito napansin sa lote kanina. And he was glad he noticed her just at the right time. Kundi ay baka hindi niya mapatawad ang sarili kung may mangyari dito. iIt was also obvious that she was quite clueless as to how dangerous it was to be there at the lot. Ni wala itong mask. At plano pa talagang lumapit sa monitors ng direktor! Andami pa manding kableng nagkalat doon kanina.

His protective instincts were on red alert as soon as he saw her. Kulang na lang ay buhatin nya ito palayo doon,lalo na nang sumablay ang rocket nila. Now, for the third time since he first sat close to her in the station chopper, he is alone with her again.

“We’re stuck with each other again, for the third time, on the third day that we’ve known each other.” bigla niya iyong nasabi, at huli na para bawiin niya. Sa ikatlong pagkakataon din simula nang makilala niya ang babae ay tila wala siyang kontrol sa mga nasa isip niya, dahil bigla na lamang niya iyong naibubulalas! Victoria is like his very ow truth serum, tila may kakayahan itong ilabas ang bawat katotohanan tungkol sa kanya.

She turned to look at him, a smile slowly forming on her lips. “So you noticed.”

Tiningnan niya ito ng mataman. “Paano kong hindi mapapansin? Sa dami ng mga tao sa GMS, at sa dami ng ginagawa ng bawat isa, tayo ang palaging pinagtatagpo.” he smiled. “And I don’t even know much about you until the past couple of days.”

“Right.” tumatangong sabi nito. “Nasa iisang compound at building lang tayo, sa iisang network pero kadalasan, sa TV lang kita nakikita.” napailing ito. “Minsan nakakasalubong kita sa hallways, o nakakasabay sa elevator, pero siyempre, hindi mo naman ako napapansin man lang.”

“Oh yeah?” hindi iyon mapaniwalaan ni Paolo. Granted that Victoria may not have been his type, but he doesn’t believe he’d come across her in hallways and elevators and not notice her. She is very striking. Hindi puwedeng hindi ito mapansin at sundan ng tingin ng kahit na sino. “Sigurado kang ako yung nakakasalubong mo sa hallways at nakakasabay sa elevator?”

Tumaas ang isang kilay nito. “Paolo, kung hindi mo pa napapansin, at kung hindi pa nasasabi sa iyo ng nanay mo, you’re the classic tall, dark and goodlooking. At ikaw lang ang six-footer na moreno na guwapo na nakasalamin dito sa GMS. So, yes, sigurado ako.” tuluy-tuloy na sabi nito, pagkatapos ay biglang namula. Bigla itong nag-iwas ng tingin.

And Paolo wanted to laugh out loud when he saw her mutter an almost inaudible ‘shit’. Hindi bagay dito ang magmura. “I find that hard to believe. Hindi puwedeng hindi kita mapansin.” then he leaned close and nudged her teasingly. Ginaya niya ang tono ng pagsasalita nito. “Dahil kung hindi pa nasasabi ng nanay mo at ng kahit sino sa iyo, ikaw lang ang may height na five-five, maganda, sexy at parang Asian version ni Kate Hudson dito sa GMS.”

Victoria’s soulful almond eyes widened in response. Ilang sandaling napaawang ang mga labi nito na tila nag-aapuhap ng sasabihin. “If you hadn’t noticed, hindi ako matangkad, morena, at may long straight shiny pang-shampoo comercial hair. Wala rin akong beauty title at hindi pa ako naka-rampa sa runway.” her eyes narrowed a bit. “And that, Mr. Esquivel is why you hadn’t noticed me all these time, until three days ago.”

Sa pagkakataong ito, kahit namumula pa rin ay hindi na nag-iwas pa ng tingin si Victoria matapos ang mga sinabi. Tila may paghahamon sa boses nito, at sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Katatapos lang nitong i-describe kung ano ang tipo niyang babae. Dati. “Well, so may mga naririrnig ka pala tungkol sa akin?” he inquired teasingly.

“They’re not just hearsay.” nangunot ang noo nito.

And Paolo couldn’t resist reaching in to smoothen those creases in her forehead with his thumb. “Alright. So they’re true. Pero may sasabihin ako sa iyo. Huwag sanang ikasasama ng loob mo.”

Napakurap ito. “Ano iyon?”

“Hindi na ako ang Paolo na kilala mo base sa mga naririnig mo dati.” nakita niyang muling tumaas ang kilay ng babae. “At as of three days ago, marami na ang nagbago.”

Tiningnan lang siya ni Victoria, tila pinag-iisipan nito ang sinabi niya.

For some reason, her silence is making Paolo a little nervous. Hindi siya sanay ng hindi agad nalalaman kung ano ang iniisip o maaring nararamdaman ng kausap. He has always prided himself for being good at picking up nuances and reading people’s expressions.

Victoria then sighed, her gaze was fixed on him. “What do you think about tomorrow, Paolo?”

Sa narinig na tanong nito ay tila napawi ang kaba at pag-aalinlangan niya. She smiled, and then as he reached for her hand, he said. “I think tomorrow, I would like to see you again.”

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

15 thoughts on “New Version Of You & Me – CHAPTER 3

  1. Next chspter plssss..

    Posted by akkoooarianne07 | Nobyembre 14, 2014, 11:14 hapon
  2. Ayeeeeeeeiiiii. . .

    Posted by elI | Nobyembre 6, 2013, 12:51 hapon
  3. i just cant get enough of this story!

    nice one indeed!

    Posted by aileen | Oktubre 10, 2013, 12:40 hapon
  4. Ayyiiiiii🙂

    Posted by rosanna29 | Setyembre 13, 2012, 8:38 umaga
  5. ayeeeiiiii…..

    Posted by prettii_ren | Abril 16, 2012, 9:44 umaga
  6. kailan po ang next n post?

    Posted by Prettyann29 | Pebrero 1, 2012, 11:53 umaga
  7. sana po me chapter 4 na…… plssssssssssssss…

    Posted by ging | Enero 30, 2012, 7:10 umaga
  8. klan po ang next chapter super ganda sana may kasunod na………..

    Posted by ging | Enero 30, 2012, 1:10 umaga
  9. san n ang next chapter nto.huhu. xcited nko mbsa ang next eh. sobrang kakilig kc ng story

    Posted by belle garcia | Enero 29, 2012, 1:39 hapon
  10. Nakakakakakalig talaga..kelan ko ba mababsa ang buong kwento??

    Posted by Ilovekram | Enero 29, 2012, 1:07 hapon
  11. waaa kakabitin hehe !! kilig much🙂

    Posted by cutiegurl | Enero 28, 2012, 9:55 hapon
  12. Ako din i want more more and more pls

    Posted by blueboy | Enero 28, 2012, 8:00 hapon
  13. grabeh ah ng level up p ung kilig factor.hehe. i want more. saan na ang next chapter, excited na ako.hehe

    Posted by belle garcia | Enero 27, 2012, 11:55 hapon
  14. ahhhhhhh……..nakakakilig talaga…:)

    Posted by zenith | Enero 27, 2012, 8:57 hapon
  15. aiiiyyyeeee……. kakakilig naman… may plano nang magdate cguro… aabangan ko to… i liiiiikkkkkeeee iiiitttt…. ^____^

    Posted by Vhang2 | Enero 27, 2012, 7:04 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2012
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: