binabasa mo ang...
Looking For Love

Looking For Love — Chapter 2

“THAT’S the problem with you Resty, sa sobrang eager mo na tumulong sa lovelife ng bawat isa sa barkada, you are forgetting that you’re love life is as empty as hell than us,” puna sa kanya ng kaibigang si Mundo.

Matapos ang matagumpay na ‘proposal’ ni Kyro kay Kairi ay inimbita sila nito sa isang salo-salo, ika nga ‘boys’ night out’ na karaniwang ginagawa ng mga binatang katulad nila. Bukod pa roon ay isa itong selebrasyon ng nalalapit na kasal ng kaibigan. Muli niyang nilagok ang natitirang beer na hawak. Hindi pa natatapos ang gabi pakiramdam niya ay lasing na siya. Matagal na din siyang hindi umiinom kaya naman ilang bote palang ay tila iikot na ang paningin niya.

“Huwag na ninyong pagdiskitahan ang love life ko, because it’s a zero,” nagtawanan ang mga ito sa kanyang sinabi.

“Because you are not dating. Buti pa iyong mga costumer mo sa resto laging may mga ka-date samantalang ikaw na may-ari hindi pa yata nakakaranas for this year,” dugtong pa ni Kyro na sinimulang papakin ang pulutang sisig.

“Wala pa akong nakikitang para sa akin. That’s the reason.” Hindi yata siya titigilan ng mga kaibigan na halukayin ang buhay pag-ibig niya.

“Maybe it’s high time for us to help you. Hindi iyong puro pagpapalago ng Thurston ang inaatupag mo. Are you not satisfied that it’s already known?” kunot-noong tanong sa kanya ni Mundo.

“Guys leave my love life alone. Let’s just enjoy this night besides this isn’t my night, its Kyro’s,” putol niya sa diskusyon. Kapag hindi pa tumigil ang mga ito ay mamabutihin nalang niyang umuwi.

“Okay. With that tone it means stop,” Tumawang sabi ni Kyro na naunawaan ang kanyang sinabi.

Kailan nga ba siya huling nagkaroon ng girlfriend? Two years ago? Hindi na niya maalala. Pero hindi iyon ang prioridad niya kaya naman hindi niya iyon pinag-iisip. Somehow he thinks that his friends are right, he needs to fix his love life now. Besides he is not getting any younger, he is already thirty one and loveless until now. Aanuhin pa ba niya ang mga ipinupundar kung wala din naman siyang makakasama sa buhay. He thinks he really needs to hunt now before his age expires.

 

MAAGA palang ay tinawagan na si Resty ng supervisor ng restaurant niya. Nagpaalam ito na kung maari itong mag-leave ng isang buwan dahil sa problema nito sa pamilya. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha, hindi naman siya katulad ng ibang boss diyan na walang pakialam kundi ang negosyo kaya pinayagan niya ito. Idinayal niya ang telepono ng restaurant upang kausapin ang pansamantalang papalit sa huli.

“Sir?” sagot ng nasa kabilang linya nang mabosesan siya.

“Lorie, Liza is taking a leave kaya ikaw na muna ang papalit sa kanya pansamantala. It will be just in a month, biglaan kasi kaya hindi ka na nasabihan,” abiso niya sa kausap.

“Okay sir.”

“At katulad ng bilin ko kay Liza ayokong nalalaman ng iba kung sino ako diyan. Got it?” bilin pa niya dito.

“Yes sir.” Narinig niyang sagot nito.

“Good, I’ll see you later,” aniyang tinapos ang usapan. Sa tingin naman niya ay mapagkakatiwalaan si Lorie dahil pinagkakatiwalaan ito ni Liza sapat na iyon upang mapanatag ang loob niya.

Sinipat niya ang oras sa relong pambisig, ilang oras nalang at makikipagkita na siya sa ipina-blind date sa kanya ng kaibigang si Mundo. Oo, wala na siyang nagawa pa doon dahil itinawag lang iyon sa kanya nitong umaga bago pa tumawag ang supervisor niya sa restaurant. Kahit anong tanggi niya ay hindi rin siya tinigilan ng pangungunsensya ng kaibigan. Kawawa daw naman iyong babae kung hindi niya sisiputin gayong nasabi na nito ang nakatakda nilang date. Napailing siya. Mundo really knows how to trap him into a situation, though he got annoyed on it most of the time, he also thank him when something good happened because of it. And he hopes this time it will come out good or he will kill him with his bare hands. Natawa siya sa naisip.

 

MAY kalahating oras nang naghihintay si Resty sa babaeng ka-date at naiinip na siya. Isa iyon sa mga ayaw niya, ang paghintayin. Para sa kanya mahalaga ang bawat oras, at hindi dahilan na porke’t babae ka ay may karapatan kang mahuli. Muli niyang tinignan ang relong pambisig bago malalim na humugot ng hangin. Kapag hindi pa ito dumating sa loob ng sampung minuto ay aalis na siya.

“Hi.” Narinig niyang bati ng isang babae. The woman was wearing a haltered blouse that’s showing how flawless her skin was. “You are Resty right?” pagkukumpirma nito.

“Yes, and you’re?” Pagkukumpirma niya.

“Karla Tiangson.” She smiled sweetly and shook hands with him.

“Nice to finally meet you.” He said sincerely and smiled. Maganda ito, marunong talagang pumili si Mundo. The woman was slim and elegant. Umupo ito sa katapat niyang silya matapos niyang ipaghila iyon.

“I’m sorry to have kept you waiting. Dumating kasi ang mga models ko and had the last minute photo shoot.” She explained. Not convinced, he just smiled.

“So, can we order now?” He said instead and grabed the menu card infront of him.

“Sure.” Narinig niyang tugon nito.

Ilang sandali pa ay tinawag na niya ang waiter na nakatoka sa lamesa nila.

“So what are you having?” tanong niya sa dalaga.

“Oh, can you order for me? I don’t know what’s good here since it’s my first time to eat in this restaurant.” Tulad ng inaasahan niya, isa itong tipikal na babaeng hihintayin pa na ang lalaki ang siyang umorder para dito. Gusto niyang mapailing sa sinabi ng kaharap. Kailangan ba talagang ganoon palagi ang maging rolyo ng mga lalaki sa tuwing may date? He wanted a woman who knows what she wants and this one does not have that quality. Sa madaling salita, bagsak ito sa kwalipikasyon niya. Late na nga hindi pa makapagdesisyon para sa sarili.

“I heard grilled prawns is good here, one of their specialties,” nakangiti niyang suhestiyon.

“Oh, I’m allergic to seafoods,” napasimangot na sagot ni Karla.

Another minus on his standard because he loves seafood, meaning they will not enjoy dining together.

“How about baby back ribs? Masarap ito, isa din sa mga dinarayo dito.” He suggested again.

“I don’t eat meat, I’m a vegetarian.” Muli nitong sagot. Now this was getting so annoying. She wanted him to order for her but she always reason out whenever he suggests.

“So, hmm… How about this one?” He pointed out a set of food that comes with veggies and rice.

“Oh, and I don’t eat rice.” Muli nitong sagot. For Christ sake! Lahat yata hindi nito kinakain! Gusto niyang tawagan si Mundo at tanungin ito kung saan ba nito nadampot ang babaeng kaharap pero ipagpapaliban na muna niya. For now he just wanted this night to end. Pagkain palang ay hindi na yata sila magkakasundo ng dalaga.

“O-okay. Well, let’s just order a salad for you.” Napagdesisyunan niyang sabi. Kapag ito umangal pa, tatawagan na talaga niya si Mundo.

“That would be great.” Ngumiting sagot ni Karla na ibinaba sa mesa ang hawak na menu card.

 

“LORIE, kanina ko pa napupuna iyong lalaki doon sa table eighteen.” Iningusong sabi ni Zari sa kaibigan ang direksiyon ng sinasabi niya.

“Bakit anong meron dun?” Tanong nito.

“Feeling ko blind date iyan.” Ngumising sabi niya.

“Paano mo naman nasabi?” kunot-noong tanong sa kanya ni Lorie na naki-usyoso na din sa tinitignan niya.

“Kasi, parang hindi kuntento ‘yung guy dun sa girl. Tsaka ang sabi ni Marine ang dami daw ayaw nung girl na food.” Ang kaibigang si Marine kasi ang kumuha ng order ng mga ito kaya niya nalaman.

“Sus, iyon lang kung ano – anu na naiisip ninyo,” anitong nakatingin pa din sa direksyon ng tinutukoy niyang mga costumer.

“Gwaposanaiyong guy kaya lang sa tingin ko suplado. Siya iyong tipong madaming angal sa babae,” pagpapatuloy niya habang ino-obserbahan ang lalaki.

“Hindi naman siguro,” tipid na sagot ni Lorie.

“At iyong babae naman, mukhang very conscious sa kanyang figure, classy at mukhang intelihente. Mayaman siguro,” dugtong pa niya.

“Alam mo Zari sa lahat yata ng costumer ngayon gabi nakapili ka nanaman ng flavor of the month mo.” Natawang sabi ni Lorie. Normal na sa kanya ang ganun, ang obserbahan ang mga kumakain sa restaurant nila kapag wala siyang ginagawa.

“Flavor ka dyan! Mukhang matabang ang lasa ng dalawang iyan.” Natawa siya. “Pustahan tayo, boring ang gabi ng mga iyan dito. Mamaya lang ay magdadahilan na iyong lalaki para matapos na ang gabi niya,” aniyang humagikhik.

“Baliw! Hindi naman siguro, mukhang mabait naman iyong lalaki,” pagtatanggol nito sa costumer. Napatingin siya dito.

“Type mo?” Nanlalaki ang mga matang sita niya sa kaibigan.

“Loka! Hindi. Malisyosa ka talaga.” Pinanlakihan din siya nito ng mata dahilan upang matawa siya.

“Sabagay gwapo nga naman, mukhang fafalicious, pero hindi ko type,” aniyang tumabi ang mga ngiti.

“At anong type mo? Stick?” tumawang sabi ni Lorie na ang tinutukoy ay ang boyfriend niyang si Henry. Sinimangutan niya ito, mabuti pa sigurong hindi nalang niya iyon binanggit dahil mauuwi lang sa pambubuska nito.

 

RESTY can’t believe that he will have a boring and annoying date. Pagbabayarin niya si Mundo sa lahat ng kinain nila sa sariling restaurant ng dahil doon. How can he do this to him? Pakiramdam niya ay may galit yata sa kanya ang kaibigan. Hindi nakatiis na i-dinayal niya ang numero nito.

“Mundo, pare, may galit ka ba sa akin?” bungad niya dito nang marinig ang boses nito sa kabilang linya.

“Ikaw ang may galit sa akin. Alam mo bang nakaistorbo ka –”

“What were you thinking setting up a date for me with that woman?” putol niya sa sasabihin nito. Pakiramdam niya ay pinarurusahan siya noong ka-date niya si Karla.

“She’s pretty and sexy right? Got a very good talent on photography, she graduated at La Salle. Maganda ang background ng pamilya at mayaman,” sagot nito sa kabilang linya na animo’y ibinebenta ang dalaga sa kanya.

“Damn it you know that I don’t like women who are afraid of eating because they don’t want to ruin their figure, na kulang nalang ay lagyan ng Japanese paper liliparin na ng hangin. Oh, and guess what? She wanted me to be her model!” Kung nasa harap niya lang siguro si Mundo ay baka nabangasan na niya ang mukha ng kaibigan.

“’Grats pare. That’s good!” tumawa pa nitong sagot.

“What’s good when she wanted to take a photo of me naked?” He was almost yelling. Pakiramdam niya ay pinagtri-tripan lang siya ng kaibigan. Sino namang baliw ang papayag na magpakuha ng litrato ng hubad? Kahit siguro bayaran pa siya nito ng malaki ay hindi siya nito mapapapayag.

Narinig niya ang malakas na tawa ng kaibigan sa kabilang linya. Gigil na pinatay niya ang telepono. I’m gonna get you for this Mundo. Inis niyang naisaloob.

 

MATAPOS makipagkita ni Resty kay Mundo ay tumungo siya sa Thurston. Sa mga oras na ito ay sarado na iyon, nakaalis na ang ilang empleyado at tanging ang supervisor na lang ang natitira. Gusto niyang makita ang sales nila sa araw na iyon kaya siya naroon katulad ng araw-araw niyang ginagawa.

Tatawid palang siya mula sa pinagparadahan ay may nahagip ang kanyang mga mata. Isang pamilyar na babaeng nakaupo sa isang bench at mukhang inip na inip na sa paghihintay. Nakasimagot na ang maganda nitong mukha, simple lamang ang suot nitong jeans at itim na blusa, hindi man hapit sa katawan ng dalaga ay mapaghahalata na may maganda itong pigura. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nananatili siyang tinitignan lamang ito. There was something in that woman that makes him curious.

Ilang sandali pa ay tumayo na ito. Nakita niyang dumating ang isang lalaki na sa palagay niya ay boyfriend ng dalaga. Wala naman kasi sa itsura nito na may asawa na. Hindi pa nakakalayo ang mga ito ay may dalawang lalaking lumapit. Kitang-kita niya ang takot sa mukha ng babae maging ng lalaking kasama nito nang maglabas ng patalim ang isa sa mga lalaking sumalubong sa kanila. Fear flooded him for the woman. Mabilis ang mga kilos na agad niyang tinungo ang mga ito.

“Pare may problema ba?” Sita niya sa isang lalaking mukhang hindi pahuhuli ng buhay.

“Ikaw ang problema! Umalis ka na kung ayaw mong madamay!” Matalim itong tumingin sa kanya na ini-amba ang patalim.

Nakita niyang marahas na hinatak ng isang lalaki ang braso ng babae. Napahiyaw ito sa takot at sa sakit samantalang ang lalaking kasama nito ay tila nanginginig sa takot na inia-abot na lamang ang gamit sa lalaking may hawak sa girlfriend nito. Pasimple siyang lumapit sa lalaking may hawak na patalim. Sa isang mabilis na kilos ay hinawakan niya ang kamay nito at pinilipit bago niya ito tinuhod. Nang matumba ito ay isang malakas na suntok naman sa panga ang pinakawalan niya sa kasama nitong may hawak sa dalaga. Bibigyan pasananiya ito ng tadyak subalit mabilis na itong tumakbo palayo kasunod ang lalaking kanina lang ay may hawak na patalim.

“ARE you okay miss?” tanong ng lalaking nagmagaling na magligtas kay Zari estemali sa kanila pala dahil nang lingunin niya ang katabing si Henry ay nawawala na ito. Kung nasaan? Hindi rin niya alam.

Matalim na tingin ang ipinukol niya sa lalaking nakialam. He was tall; more than six foot and with her five feet three inches height she looked like a dwarf.

“Pakialamero ka din eh ano?” Ngali-ngali niyang ihampas dito ang bag niyang dala. Gwapo ka sana pakialamero ka naman! Hayz! Gigil niyang naisaloob.

“Ikaw na nga itong iniligtas, ikaw pa ang galit.” Nagdikit ang kilay nitong tinitigan siya ng matiim.

“Kayang kaya ng boyfriend ko iyon, we don’t need your help.” Matapang niyang sagot. Napalunok siya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Huwag mo akong halikan! Kundi… kundi itong bag ko ang hahambalos sa mukha mo!

“At nasaan na ang boyfriend mo? Ayun at nauna pang tumakbo sa mga holdaper, nanginginig pa.” Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila nanghihina siya nang lalo pa nitong ilapit ang mukha sa kanya. Mariin siyang napapikit dahil ilang guhit nalang yata ang pagitan ng mga labi nila sa isa’t isa. Narinig niyang tumikhim ito. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, nasalubong niya ang mapanuksong mga ngiti nito sa labi.

“I will not kiss you don’t worry.” Narinig niyang sabi nito na tila nanunukso. Aba’t ang kapal! Ang kapal talaga! Feeling mo ang super duper gwapo mo? Gwapo ka lang pero hindi super duper! Apmf! Gusto niyang ipagsigawan sa mukha nito.

“Excuse me?” taas kilay niyang sabi.

“You’re boyfriend does not deserve you. Kung hindi ka kayang ipagtanggol ng boyfriend mong kasing payat ng tipaklong, iwanan mo na siya, I’m volunteering myself to be his replacement.” He winked.

The Face! Ang kapal! “Kahit payatot ang boyfriend ko, mahal ko ‘yun at mahal niya ‘ko! Period.” Zari said and walked away.

Gusto niyang kalmutin ang gwapong mukha ng lalaking basta na lang sumira sa moment niya. Ilang araw niyang pinag-ipunan ang pambayad sa mga inupahan niyang magpapanggap na ho-hold up sa kanya habang kasama ang boyfriend niyang si Henry. Pero hayun at inunahan na ng nagpapanggap na ‘Knight in Shining Armor’ ng mga damsel in distress. Bakit ba niya kailangang magpaliwanag dito? Ni hindi nga niya ito kilala!

“Magkikita tayo ulit miss, and you’ll be looking for me.” Habol ng lalaking nagligtas ‘kuno’ sa kanya. Ay! Hindi lang pala ito makapal, nuknukan ng kakapalan! Looking for me mo ang mukha mo!


About Louise

It makes me feel happy to share stories about love. Stories where we can learn about the importance of the word that makes the world keep spinning. For everyone that reads my stories; You give me more inspiration and confidence; hope, that all of us are loving and being love... Lets love life, and live with love.

Talakayan

13 thoughts on “Looking For Love — Chapter 2

  1. Like it much kilig heeee

    Posted by Eliza | Agosto 7, 2014, 1:56 umaga
  2. ang galing!
    nka2tawa naman ung tipaklong este c henry! per0 super imposible naman na pangit c henry kc bkt naman xa naging bf ng bidang babae…hmm

    Posted by jei | Oktubre 25, 2013, 12:00 hapon
  3. kilig much..ayeeh🙂

    Posted by Sherilyn | Hulyo 18, 2013, 1:08 hapon
  4. Napakaganda paki open naman s chapter 2

    Posted by Mayeth hambre | Hulyo 6, 2013, 9:26 hapon
  5. ai ang gnda ng st0ry ,nkakalig nman

    Posted by chritina m sale | Agosto 19, 2012, 3:15 hapon
  6. hahaha.. tumakbo si henry : ))

    Posted by itsgonnabeme | Pebrero 10, 2012, 4:03 hapon
  7. Ganda namaaaaaaaaaan. :’)

    Posted by Ara Luz | Pebrero 1, 2012, 4:26 umaga
  8. hahaha grave fafalicious talaga siya…. ako payag ako resty….. hehehe

    Posted by Vhang2 | Enero 29, 2012, 10:51 umaga
  9. YIIIIIEEEHIIIE😀 KINIKILIG AKO TALAGA

    Posted by Thea Jane | Enero 28, 2012, 8:12 hapon
  10. sobrang namiss ko c fafa resty ko, namiss ko ang magkakaibigan puro mga fafa, ahahaha alala ko una kilala ko ky fafa resty kla ng lahat aso ni fafa kyro.. ahahhaa loko kc c kyrie kla aso ang bantay niya… thanks lou.. next chapter na.. mwahhhhh

    Posted by sjyo0208 | Enero 26, 2012, 5:21 umaga
  11. nice story:-)

    Posted by shayanaember | Enero 24, 2012, 12:33 hapon
  12. Kala ko ipopost na lhat ng chapters

    Posted by darkangel | Enero 24, 2012, 12:25 hapon
  13. naku… hindi ko malilimutan ang kalokohan ni Zari😉
    ahehe… uyy, si Resty, ayaw pang aminin…
    na-miss ko tlga ‘to :))

    Posted by heidz | Enero 24, 2012, 8:03 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2012
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: