binabasa mo ang...
Looking For Love

Looking For Love — Chapter 1

WALANG ipinagkaiba ang araw na ito kay Zari, at sanay na siya. Umagahan palang ay katakot –takot na litanya na ang inaabot niya sa amang si Camilo. Mula nang maging nobyo niya si Henry ay nagsimula na ang kalbaryo ng buhay niya mula sa mga mapanglait na salita ng ama. Kahit ilang beses pa niyang ipagtanggol ang boyfriend mula dito at sa kanyang kuya ay walang epekto. Anong klaseng nobyo daw ba ang nadampot niya? Mukhang sa isang ihip lang daw ng hangin ay liliparin na ito. She pouted. Hindi naman basehan ang itsura ng tao at pangangatawan para sabihing hindi siya nito kayang ipagtanggol. Mahal niya si Henry, dito lamang niya nalaman ang kahulugan niyon at handa siyang nguyain at lunukin ang mga nakakabinging salita ng pamilya patungkol dito.

“Baka naman mamaya niyan Zari ikaw pa ang magtanggol sa boyfriend mong mukhang tipaklong?” tumatawang sabi ng kapatid niyang si Czed. Isang matalim na irap ang ibinigay niya dito. Imbes na maintindihan siya nito’y ginagatungan pa nito ang ama nila.

“Palibhasa kuya ang problema sayo hindi ka pa nai-inlove kaya ka ganyan.” Balik biro niyang sabi dito.

“Bakit? Paano mo naman nasabi na inlove ka nga sa tipaklong na ‘yun?”  natameme siya. Hindi din niya alam, basta mahal niya si Henry tapos! Napalabi siya. Kahit kailan talaga hindi ito magpapatalo pagdating sa buskahan.

“Mabuti pa ay bilisan mo na kumain riyan dahil baka sa gutom ni bulldog ay mapagkalamang buto si Henry.” Sabat ng ama na ang tinutukoy ay ang boyfriend na naghihintay sa balkonahe nila kung saan naroon din ang alaga nilang aso. Napanguso siya sa sinabing iyon ng ama. Ganoon na ba kapayat si Henry para pagkamalang buto? Napasimangot nalang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Kung magsasalita pa siya ay paniguradong hindi din titigil ang mga ito.

 

MASAMA ang loob na tila nagsusumbong niyang ikinuwento sa kaibigang si Lorie ang mga sinabi ng ama patungkol kay Henry. Kasamahan niya si Lorie sa restaurant kung saan siya nagtra-trabaho. Mula ng magtrabaho siya sa dito ay ito na ang kanyang naging matalik na kaibigan. Mabait ito at mapagkakatiwalaan sa kabila ng prangka nitong pananalita, at ang umagang iyon sa trabaho ay normal na ang kanyang paglalabas ng sama ng loob dito.

“Hay naku Zari kung ako kasi sayo palitan mo na iyang si Henry. May punto naman sila eh. Paano ka nga naman maipagtatanggol ni Henry, samantalang tingin palang ng ama mo eh takot na takot na. Biruin mo, anim na buwan na kayo pero kahit minsan ay hindi niya magawang pumasok sa loob ng bahay ninyo? Kung hindi sa labas ng gate ay masuwerte na siya sa balkonahe tuwing naghahatid sundo sayo.” Napairap na sabi ng kaibigan matapos niyang ikuwento muli rito ang nangyari kanina lamang.

“Pati ba naman ikaw? Akala ko ba kakampi kita?” Napabuntong hininga siya. Hindi lingid sa kanyang ayaw din nito kay Henry pero hindi naman ito tumututol sa relasyon niya sa binata.

“Ang sa akin lang naman ay ang katotohanan, dahil iyon ang nakikita ko. Baka dumating ang sandaling kailanganin mo talaga ng tulong ay mauna pang tumakbo palayo sayo si Henry imbes na ipagtanggol ka.”

“Ano bang klaseng pagpapatunay ang gusto ninyo para maniwala kayo na kaya ako ipagtanggol ni Henry, na mahal niya ako.” Tuluyan na yatang nasira ang umaga niya dahil sa sinabing iyon ni Lorie.

“Patulayin mo siya sa alambre habang buhat ka. O kaya, umupa ka ng holdaper at sabihin mong kelangan iligtas ka ni Henry.” Sarkastikong biro nito sa kanya. Napanguso siya sa sinabi ng kaibigan. Ganoon na ba talaga kapangit ang imahe ng nobyo sa pamilya at sa mga kaibigan niya? Na hindi siya nito kayang ipagtanggol? P’wes! Nagkakamali sila. Dahil sa sinabi ng kaibigan ay nagkaroon siya ng ideya. Napangisi siya sa naisip.Sanaay umubra ang kanyangplano, dahil maski siya ay gusto ring patunayan sa sarili na tama siya.

“Oy Zari, okay ka lang? Kulang nalang ihawin ko ang boyfriend mo ngumingisi ka pa dyan.” Sita sa kanya ni Lorie nang makita ang kanyang reaksyon.

“Wala may naalala lang akong nakakatawa,” pagdadahilan niya.

“Mabuti pa ihanda na natin ‘yung mga kakailanganin mamaya sa proposal ng kaibigan ni Sir.” Anitong tumayo at tinungo ang staff room, tinignan muna niya ang pinasukan nitong pinto bago nangdesisyong sumunod.

“Lorie.”

“Hmm?” Sagot nito sa kanya na hindi man lang tumingin habang inihahanda ang unipormeng gagamitin nito mamaya.

“Alam mo nagtataka lang ako, grabe naman mag-propose ‘yung kaibigan ng boss natin. Imagine! Buong resto inupahan para lang dun? Hay… Napakaswerteng nilalang niya.” Aniyang tila nangangarap nang banggitin ang mga huling sinabi.

Tinignan siya ni Lorie mula ulo hanggang paa. “Zari kapag ikaw hindi ka pa tumigil ng kakapanganarap mo ng gising dyan mawawalan tayo ng trabaho,” natatawang tinapik siya nito.

“Isa pa, wala tayo magagawa sa gusto nung tao. Aba! Mayaman eh! Kaya nagtatapon ng pera. Sigurado ako, tatanggapin ng babae ang proposal nung kaibigan ni sir.” Kumindat pang sabi ni Lorie.

“Kahit naman siguro ako tatanggapin ko.” Pakiramdam niya ay lumilipad din siya sa alapaap sa isiping iyon.

“Ang sweet noh?” Dugtong ni Lorie na matamis na nakangiti.

“Ang sweet niya, ang gwapopa.” kilig niyang sabi.

“Oo nga, kayatarana. Ihanda mo na iyang gamit mo dahil aayusin pa natin ‘yung set up ng piano. Kailangan ko ding i-check kay Oscar ‘yung set up ng ilaw at spot light,” anitong nagmamadaling lumabas ng silid.

 

MATAPOS niyang ihanda ang mga nakatoka sa kanya para sa okasyong iyon at tinungo niya ang ibang kasamahan na nagkwe-kwentuhan sa reception area. Bakas sa mukha ng mga ito ang ‘excitement’, natatawa siya dahil tulad niya ay kinikilig din ang mga ito sa mangyayari.

“Naku Lorie kapag ako nagkaroon ng boyfriend kailangan kasing gwapo ni sir Kyro at kasing romantic niya. Ayiiii!” kinikilig na sabi ni Glory isa sa mga kasamahan niya.

“Paranamang papatulan ka ng mga kasing yaman at kasing gwapo ni sir.” Pang-aasar na sagot ni Oscar dito.

“Hay naku tumigil na nga kayo. Malapit na mag – alas otso mamaya ay nandito na si sir Kyro. Oy, ikaw Glo, Oscar at Marine, ikaw din dyan Zari. Akala mo di ko alam kanina ka pa riyan ha?” anitong napuna pala siya. Tumikhim muna ito.

“Dahil wala si Ma’m Liza ngayon ako ang nakatalagang supervisor pansamantala sa araw na ito. Kaya utang na loob, make this day a dream day for sir Kyro and her fiancé. And please girls, huwag ninyong lamugin si sir Kyro kundi malilintikan tayo kay bossing,” anitong pinagsalikop ang mga palad.

“We will… we will make lamog sir Kyro! Ayiii!” Makulit na humagikhik si Glo.

“Gloria!” matalim ang tingin na sita dito ng kaibigan.

“Don’t worry Lorie ako na ang bahala kay Glo,” natawang paninigurado niya sa kaibigan.

“Ay ako mabait kaya, di ko kailangan ng bantay. Titigan ko nalang si sir habang naglalaway,” ngumising sabat ni Marine.

“Eww… Kadiri!” halos magkakapanabay nilang sagot sa sinabi ni Marine at nagtawanan.

“So, Oscar, ready na ‘yung spotlight ha? Dapat alam mo ‘yung tamang timing dun, baka mamaya eh imbes na ma-inlove si Ma’m Kairi eh matakot at tumakbo palayo kapag nailawan mo agad si sir.” Muling paniniguro ni Lorie dito.

“Weird din si sir Kyro noh? Bakit kasi kailangan pang patayin ang mga ilaw eh.” Ngumusong sabi niya. Pwede naman kasing mag-propose na nakabukas ang ilaw kung bakit kailangan pang madilim.”

“Nagtitipid sa kuryente,” singit ni Oscar na tumawa.

“Naku tumigil na nga kayo. Basta, sundin ang lahat ng bilin okay? Iyon ang trabaho natin kaya huwag na kayong madami pang eclavush dyan,” pagtatapos nito bago nagsipagtunguhan sa mga nakatokang gagawin ang mga kasama.

“Zari naihanda mo na ‘yung sushi ha?” paalala uli ni Lorie sa kanya.

“Kanina pa, pati ‘yung singsing na pinalalagay ni sir Kyro okay na,” she assured her.

“Okay, i-serve mo na sa mesa bago pumatak ang alas – otso. Dahil papatayin na ni Oscar ang mga ilaw by that time,” tumango siya bilang tugon dito. Bakas sa mukha ng kaibigan ang kaba.

“This will be successful don’t worry Lorie, nandito kami to help okay?” Batid niyang kinakabahan ang kaibigan nang malaman nito na sa kanya iniwan ng supervisor nila ang okasyong ito. Nagkaroon kasi ng emergency ang huli kaya naman hindi ito nakapasok ngayong araw.

“Salamat Zari,” kabado itong ngumiti sa kanya.

 

PAKIRAMDAM ni Zari ay nagtubuan na ang mga sangkaterbang varicose veins sa maganda niyang mga binti at hita, pero wala pa rin ang nobyong si Henry. Napabuntong hininga siyang umupo sa bench na naroon sa sobrang inis. Hindi niya malaman kung ang nararamdaman bang iyon ay para sa nobyo o para sa sarili dahil pakiramdam niya ay siya lamang ang bukod tanging nagtiya-tiyaga rito. Hindi naman siya pangit, katunayan ay sabi nga ng nanay niya noong nabubuhay pa ito ay napakaganda daw niya. Ang sabi din ng kaibigang si Lorie ay konting height nalang daw at pwede na siyang sumali sa binibining Pilipinas. O, di ba? Saan ka naman makakakita ng kaibigan na itataas ng ganoon ang self confidence mo?

Tiningnan niya ang sarili sa dalang compact mirror. Ang tila ginuhit niyang kilay ay natural at hindi na kinakailangan pang ayusin. Bumagay ito sa tila ‘almond shape’ niyang mga mata na ang kulay ay tulad ng kape. Matangos din ang may kaliitang ilong niya na perpekto sa may kaliitan din niyang mukha. Hindi man siya biniyayaan ng labing katulad ng kay Angelina Jolie ay masasabi namang ‘kissable lips’ ito. Napangiti siya nang mabistahan ang sarili bago muling napasimangot nang makita ang oras sa relos.

Mahigit kalahating oras na siyang naghihintay kay Henry at nauubos na ang pasensya niya. Dama niya ang kapal ng alikabok sa kanyang mukha na nagmistulang pulbos na niya sa kahihintay dito. Nagpakawala siya ng isang marahas na buntong-hininga. Ilang buwan pa kaya niya matatagalan ang ugaling ito ng nobyo?

“Zari nandito ka pa rin?” Naka-kunot ang noong puna sa kanya ni Lorie nang maabutan siya sa harap ng restaurant. “Natapos na lahat ng kailangan kong gawin sa loob nandito ka pa din.” Dugtong nito na umupo din sa bench kung saan siya naghihintay.

“As usual.” Tipid niyang sagot. Mahabang litanya na naman ang dadanasin niya mula sa kaibigan kapag nagreklamo pa siya dito kaya pinili niyang manahimik nalang.

“Honestly Zari, ayaw na ayaw kitang nakikitang ganyan. You are too pretty to be waiting for a guy who I think doesn’t deserve you,” sinserong sabi ng kaibigan na tumingin sa direksyon kung saan laging nanggagaling ang kanyang hinihintay. Sa araw-araw niyang kasama ang kaibigan ay kabisado na nito ang mga nangyayari.

Nakilala niya si Henry nang magkaroon ng okasyon ang opisina nito na ginanap kung saan siya nagtratrabaho. Nagpakilala ito sa kanya at nagkagaanan sila ng loob hanggang sa naging madalas na ang pasundo sundo sa kanya nito sa trabaho; mga panahong hindi pa siya nito laging pinaghihintay. She was so happy when Henry finally proposed, but not her dad and brother. Maaring nagseselos lamang ang mga ito dahil ang oras niya sa mga ito ay nabawasan bukod sa trabaho niya.

Her dad was a retired teacher and his brother was starting out a business. Tulad ng di pagsang-ayon ng mga ito kay Henry ay ganoon din sa kanyang trabahong napasukan. Her dad always says that she’s over qualified for it, but she insisted. Para sa kanya ay wala namang masama sa pagiging crew ng naturang restaurant. It’s one of the famous restaurants in the metro and she’s proud that she works there.

 

ANG malakas na balibag ng pinto mula sa kwarto ng kanyang kuya ang gumising sa kanya. Pupungas-pungas na bumangon siya upang alamin kung bakit ito tila nagdadabog. Nakasimagot siyang lumabas at tinungo ito at binuksan ang pinto.

“Kuya kung may problema ka pwede mo akong kausapin, pero please lang ‘wag ka namang mambulahaw ng natutulog.” litanya niya dito.

“Just leave me alone Zari.” Mahinahon ngunit ma-awtoridad na utos nito na inihilamos ang mga palad sa mukha. Sa itsura palang nito ay mahahalata na ang mabigat ng dinadala ng kapatid.

“K-kuya, what’s wrong?” Hindi niya maiwasang tanungin ito. It was her first time to see his brother like this and she can’t help but to ask him.

“I said leave.” Sa pagkakataong ito ay hindi na siya umimik pa. At bago pa ito tuluyang magalit ay umalis na siya.

Muli niyang tinignan ang nakapinid na pinto ng kapatid. Bakas sa mukha nito ang matinding sakit na nadarama. Gusto niyang tanungin kung anong nangyari, kung bakit ito tila nasasaktan pero minabuti na muna niyang iwan ito dahil sa tingin niya ay mas makabubuting mapag-isa muna ito sa ngayon. She knows that her brother will tell her soon.

“PARE, thank you. I’ll see you at my wedding!” Masayang kaway kay ni Kyro kay Resty bago ito sumakay sa kotse.

He smiled. He was always been good in helping his friends, and he feels so good because he’d been a part of their love story. Kinawayan niya ang papalayong auto ng may ngiti sa labi.

Masaya na siyang maging bahagi ng buhay pag-ibig ng mga kaibigan, pero aaminin niya sa sarili na iyon nalang yata ang wala sa kanya. He had few girlfriends before but none of them made him feel like how his friends were telling him. Pakiramdam tuloy niya ay maymalisa kanya. One of the reasons the women likes him is that because his pockets are thick. At doon siya nag-iingat; sa mga babaeng ang habol lamang ay ang laman ng kanyang bulsa.

Mula sa katapat na kalye ay pasimple niyang tinignan ang isang establisyemento na kanyang ipinatayo. Ang negosyong pinagbuhusan niya ng panahon ay kilala na ngayon sa buong kamaynilaan. He smiled in satisfaction as he looked at it with admiration. Nagsimula nang magpasukan ang mga customer nila, habang iginigiya ng isa sa kanyang mga empleyado ang mga ito. Then a familiar woman suddenly caught his attention, she was wearing a blue tank top paired with a skinny jeans and black heels. She was stunning even from afar. Lalapitan sananiya ito mula sa kinaroroonan subalit biglang may isang lalaking sumulpot at hinawakan ito sa siko bago pumasok. Man! You really are unlucky! Napangiti siya ng may panghihinayang sa mga labi. But I’m sure I’ll be meeting that woman again. He said to himself confidently as he crossed the street towards his establishment.

About Louise

It makes me feel happy to share stories about love. Stories where we can learn about the importance of the word that makes the world keep spinning. For everyone that reads my stories; You give me more inspiration and confidence; hope, that all of us are loving and being love... Lets love life, and live with love.

Talakayan

7 thoughts on “Looking For Love — Chapter 1

  1. Nakkatuwa nman to

    Posted by aliceni | Nobyembre 21, 2014, 1:48 hapon
  2. Gnda

    Posted by eli | Nobyembre 15, 2013, 6:32 umaga
  3. Na-miss ko din `to Ms. Louise. Hahahaha! Ang tagal kong hinanap `to. :))

    Posted by Ara Luz | Pebrero 1, 2012, 4:15 umaga
  4. YIEEE🙂 BET NA BET KO TO😀

    Posted by Thea Jane | Enero 28, 2012, 7:46 hapon
  5. I thought it’s categorized under top archives without spending gils, eh bakit po i need to pay 2 gils to access, yung chapter 4 nga 10 gils.

    Posted by Abbythe1 | Enero 28, 2012, 3:46 hapon
  6. :O magbabayad ako ulit T_T

    Posted by itsgonnabeme | Enero 27, 2012, 4:37 hapon
  7. na-miss ko tlga ito🙂
    galing niyo tlga ms. @louise🙂
    bigla kong naalala ang WHATEVER IT TAKES (naku, pi8naklig niyo po ako ng todo dito.. Hehe😀 )

    uulitin ko tlgang basahin…😉

    Posted by heidz | Enero 24, 2012, 7:20 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2012
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: