binabasa mo ang...
New Version of You and Me

New Version Of You & Me – CHAPTER 2

CHAPTER TWO

Stranded

Paulit-ulit pa ring nagpa-flash kay Victoria ang eksenang iyon, a day and a half later, habang nakatayo siya sa tabi ng mataas na steel and concrete railing sa rooftop ng GMS Tower. Pasado alas-diyes ng gabi at naroon siya upang mag-unwind mula sa maghapong pagbababad sa music studio para repasuhin ang arrangements ng mga kantang kakailanganin para sa ite-tape na episodes ng TCCS, at sa countdown concert nila sa Sabado. Sa nakalipas na taon ay doon siya lagi tumatambay upang mag-relax. Desigmed talaga na tila sa isang maliit na park ang rooftop, at minsan ay doon nagti-tape ang ilang programa ng GMS. May naglipanang benches nasa ilalim ng giant umbrellas. May mga malalaking potted plants, at mayroon ding fountain. Sa isang banda ay naroon ang helipad. It was a vast space, at mula sa puwesto ay parang ang liit nga ng tingin niya sa may limang baitang na hagdan patungo sa elevator.

She’s been there for half an hour already, at naka-focus lang ang tingin sa tanawin sa ibaba, at sa langit na wala naman kahit isang bituin. It’s the least she could do to try and clear her head of any thought of Paolo. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang ay naiisip niya ito. Sure, they talked while in the helicopter, and even spent more time with each other habang hinihintay nila ang service van ng GMS na maghahatid sa kanila sa mga bahay nila. Nagugulat siyang naging madali sa kanila ang mag-usap na tila hindi sila nauubusan ng topic. It was weird, considering that they barely knew each other until yesterday.

At hindi maalis sa isip niya kung paano siya nito tingnan, na parang may may nadiskubre itong napakagandang bagay na hindi nito basta mabitawan ng tingin. The way he looked at her made her feel like she’s beautiful, and like she’s the only woman in any place worth looking at. Hindi niya inaasahang mararamdaman ang ganon sa isang lalaking ni hindi naman niya gusto dati, at ni wala siyang interes na kilalanin ng lubusan.

“Victoria!” she heard an oddly familiar voice call out.

Ano ba iyon? Sa kakaisip niya kay Paolo ay kung anu-ano na ang naaririnig niya. She then heard a faint static, and a sudden flash. Pagtingin niya sa langit ay nakita niya ang pagguhit ng liwanag sa gilid ng mga ulap. Hindi niya maalalang may narinig na weather advisory tungkol sa pagsusungit ng panahon ngayong gabi. Muling kumidlat. Napaatras siya at bumitaw sa railing.

Ano ba iyan. Bigla-bigla naman. Niyakap niya ang sarili. Kahit may suot nang jacket ay naunuot pa rin sa katawan niya ang lamig.

“Victoria! What are you doing here?”

Takang lumingon siya at agad naramdaman ang tila pagtalon ng kanyang puso nanag makitang halos patakbong palapit sa kanya si Paolo. Tila kaakyat lang nito.

Bahagya siyang ngumiti. Hindi niya alam kung paano talagang magre-react sa presensya ng binata. Hindi rin naman siya sanay na may ibang nakakasabay na nagmumuni-muni sa rooftop. Karamihan ng mga taga-GMS ay tinatamad nang umakyat pa ng ganon kataas at sa halip ay sa mga fire exit, pantry o lobby na lang tumatambay. “Nagpapahangin lang.” sagot niya.

“Nagpapahangin?” kunot-noong sabi nito nang huminto sa tabi niya. “Hindi mo ba natanggap yung weather advsiory feed sa buong building na may inaasahang malakas na ulan ngayong gabi?”

Umiling siya. “Nagkulong kasi ako sa studio maghapon eh. Hindi ko na na-check ang monitor kung mayroon.” tinaasan niya ito ng kilay. “Ikaw, anong ginagawa mo dito?”

“Checking kung nailigpit nang lahat ang equipment. May taping kasi kami para sa isang segment sa Magnified kanina.” sagot ng binata na ang tinutukoy ay ang documentary program kung saan isa ito sa mga hosts at producer. “Sa tenth floor pa ang studio nyo ah. Umaakyat ka pa talaga dito para magpahangin?”

She shrugged. “Dati ko na itong ginagawa. Solo ko kasi at talagang nare-relax ako.” may idurugtong pa sana siya nang may maramdamang kung anong tumama sa ulo niya, at sa balikat. “Uh-oh…” inilahad niya ang kamay. Malalaking patak ng tubig iyon. Mula sa kalangitan.

Bago pa siya muling may masabi ay mahigpit na hinawakan na siya ni Paolo sa braso. “Let’s go!” ngunit tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan. At halos hindi na nila makita ang daan. Sa halip tuloy na takbuhin nila ang may kalayuan ring distansya patungo sa hagdan ay hinila siya ni Paolo sa isang bench, na may malaking payong.

Hindi makapaniwalang tumingin si Victoria sa paligid. The umbrella was just enough to protect both of them and the bench from the rain. “Grabe namang ulan ito.” nasabi na lang niya.

Halos yakap pa rin siya ni Paolo habang kapwa sila nakatayo at minamasdan ang malakas na ulan. He was holding her close to him, as if shielding her from the heavy rain. Lalong lumamig ang temperatura dahil sa ulan ngunit balewala iyon ngayon sa kanya. Standing there so close with a man who’s practically embracing her, Victria felt warm enough.

Paolo never felt any resistance when he grabbed her hand and pulled her close to him, as they stood under the huge umbrella, with heavy rain pouring around them. Siya pa nga ang nakaramdam ng kaunting pag-aalinlangan at pangamba kanina, dahil hindi niya kilala ang babaeng ito. Kahapon lang niya ito nakasama at nakausap. Malay ba niya kung sa pagkatapos nilang maghiwalay kahapon ay maaalala pa siya nito?

Ngunit agad na napawi ang pag-aalala niya nang wala itong ginawang anuman upang makaiwas. It was just him helping her get enough protection from the heavy rains, but he might as well be guarding her life with the way she held onto him as well.

Hindi niya alam kung bakit habang bahagyang nakasandig ito sa kanya, ay may kakaiba siyang nararamdaman. Strange how standing so close, holding this woman he barely knows gives him warmth and a feeling of… contentment. Na bumuhos man ng magdamag ang ulan, ay ayos lang siya dahil kasama niya si Victoria.

“Don’t you have to be somewhere at this time, Paolo? Wala ka bang ibang gagawin?” pagkuwa’ý tanong ni Victoria. Lumayo ito ng bahagya at tiningala siya.

“Well, gagawin ko na lang sana ang voice over ko para sa sususnod na episode ng Magnified. At titingnan sandali kung may dapat pa akong paghandaan para sa Wake Up Call bukas…” aniya na ang tinutukoy ay ang early morning show kung saan siya kabilang. “Ikaw? Bakit past 10 na ay nagtatrabaho ka pa?”

Napangiti ito, at ewan ni Paolo kung bakit tila hinaplos ang puso niya ng ngiting iyon. Kapag ngumingiti si Victoria, lumiliit ang mga mata nito at tila nagliliwanag ang buong mukha. At nakapako ang magagandang mga mata nito sa kanya, na para bang siya ang dahilan kung bakit ito napangiti ng ganoon. “Hindi ko na namalayan ang oras. I had such a blast in the music room that I just kept on working. Tumigil lang ako dahil medyo sumasakit na ang ulo dahil maghapon akong naka-headset. At nangangalay na rin ang mga kamay ko.”

He looked at her skeptically. He often wondered what someone like her is doing, working when she didn’t have to. Victoria came from old money. She’s a true blue heredera, na puwedeng tumunganga na lang at magpasarap sa buhay. “Do you really spend that much time here? Maghapon hanggang ngayong gabi?”

“At hanggang mamaya pa.” dagdag nito.

“But why?” hindi na mapigilang tanong ni Paolo. ”I mean, don’t get me wrong. Nakatira ka sa La Vista. In an estate. Puwede ko yatang ipasok sa bakuran ninyo ang buong bahay at lote ko…”

Tumaas ang isang kilay nito. “So? Hindi na ba ako puwedeng magbanat ng buto kung doon ako nakatira? Isa pa, bahay iyon ng mag magulang ko. Hindi sa akin. Nabili nila iyon noong 1970s at hindi pa ganoon kamahal ang mga lupa noon. Kung mag-iikot ka sa village, kami yata ang may pinakamaliit na property doon.”

“You live in the same street as CGMA….” nangingiting dagdag niya.

“At puwede mong ipasok ang bahay namin sa bakuran nila.” nailing na sabi nito. Then she looked straight ahead, watching the pouring rain. “Music is my life. Naisip ko dati, I want to do something that make a difference. Maybe change the world in a way… ayoko namang maging politiko. Hindi ko yata kaya ang maging abogado o doktor. Hindi rin ako magaling sa Math para makayang maging engineer o kahit anong may kinalaman sa pagtatayo ng infrastrcutures na makakatulong. So I thought, I would change mindsets… through music. Magsusulat ako ng mga memorable na kanta. Iyong kapag maririnig o maalala man lang ng mga tao, mapapangiti na sila. Gagaan na ang pakiramdam nila and in that way, they would have a better view of the world. Somehow.” she shared wistfully. Tila masyadong na-carry away sa sinabi ang babae na naihilig nito ang ulo sa balikat niya. Kumukumpas-kumpas din ang isang kamay nito habang nagsasalita. Na tila excited itong ibahagi sa kanya ang mga sinabi.

At hindi inaasahan ni Paolo na makakarinig ng ganoon mula dito. There seems to be fire in her eyes as she spoke. Tanda na para kay Victoria, hindi lang basta trabaho ang ginagawa nito kundi isang bagay na lubos na pinaniniwalaan at gusto talaga nitong gawin. “Wow…” iyon lang ang nasabi niya.

Napaangat ang ulo ng babae at takang napatingin sa kanya. “Wow! Kung maka-wow ka naman, parang ngayon ka lang nakarinig ng taong gusto ang ginagawa niya.”

He smiled. “Well, ngayon lang ako nakarinig ng taong ganoon ang pananaw sa ginagawa niya.”

Gumanti ito ng ngiti. Again, that made Paolo feel like the smile was entirely because of him. “Sa tingin ko, karamihan naman sa atin, ganon ang pananaw sa mga trabaho natin. We just don’t always have the chance to let others know.”

Marahan siyang tumango. “Then, I am glad you just gave me that chance to know those things about you, Victoria.” Napakurap si Paolo matapos iyong sabihin, hindi makapaniwalang lumabas ang mga iyon sa bibig niya. Pero wala siyang pinagsisisihan.

Lalo na at nakikita niya ng mga sandaling iyon ang pagkagulat sa mga mata ng dalaga, na sinundan muli ng isang magandang ngiti.

It was like having a piece of sunshine in the midst of the heavy puring rain.

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

12 thoughts on “New Version Of You & Me – CHAPTER 2

  1. 😉 gnda

    Posted by elI | Nobyembre 6, 2013, 12:40 hapon
  2. wow,tma kng anu tlga nararapat m0ng gwn ,dpt m0ng sundn,kng saan ang kya m0,kht mhrap o myaman,nce st0ry,

    Posted by Khrishna | Agosto 23, 2012, 7:35 umaga
  3. niceeeeee:)

    Posted by anne umali | Hunyo 29, 2012, 6:36 hapon
  4. naks… love ang cute nman. . .😀

    Posted by prettii_ren | Abril 16, 2012, 9:26 umaga
  5. Cant wait na mabasa ang 3rd chapter..ang ganda nga story🙂

    Posted by Ilovekram | Enero 29, 2012, 12:57 hapon
  6. Parang ayaw ko pang basahin ang chapter 3 for sure mabibitin akong kiligin hahahha but i couldnt let it pass titiisin ko nalang mabitin hehhehe more power to the writer

    Posted by blueboy | Enero 28, 2012, 4:39 hapon
  7. waah its so nice,i really like the story, . kinikilig ako.hehe.

    Posted by belle garcia | Enero 27, 2012, 10:59 hapon
  8. so sweet… knowing each other factor

    Posted by Vhang2 | Enero 27, 2012, 5:12 hapon
  9. Excited to read the next chapter=)

    Posted by arnhie mesa alcanices | Enero 22, 2012, 4:15 hapon
  10. first to comment🙂
    getting to know each other stage pa sina Paolo at Victoria at sana ay mabuksan ang magandang bukas para sa dalawa…
    looking forward for the third chapter …

    Posted by maritel go teves | Enero 21, 2012, 1:48 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2012
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: