binabasa mo ang...
Akio's Precious Tiffany

HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 6

Akio’s Precious Tiffany chapter 6

“Stay here.” Utos ni Akio sa kanya.

“Call our lawyer!” utos naman niya sa binata.

“Later, basta wag kang lalabas dito. Antayin mo akong bumalik ok?” Naguguluhan man sa asta ni Akio ay sinunod niya ito.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na rin ang binata. Dala-dala nito ang nanakaw niyang bag. “Check your valuables.” Ibinigay niya ang bag ni Tiffany.

Sa halip na sundin ang sinabi ay umiyak siya.

“Bakit ka umiiyak?”

“It’s all your fault.” Paninisi niya sa binata.

“I just told you to check your things.” Naguguluhan na si Akio. Patuloy lamang sa pag-iyak ang dalaga.

“May alcohol ka ba dyan?” Tanong niya habang humihikbi natawa naman si Akio. Kaya pala hindi nito hinahawakan ang bag. Gusto muna niyang idisinfect.

Sa halip na sumagot ay siya na ang bumuklat niyon at inilabas ang mga laman. May natagpuan siyang alcohol duon at iniabot sa dalaga.

“I thought I’m going to lose you.” Niyakap niya ang mga gamit matapos punasan ng may alcohol.

“Hey! Stop it!” saway ni Akio ng bigla na lamang siyang inisprayan ng pabango ni Tiffany.

“Ayan, mabango na siya chanel no. 5.” Kinausap niya ang pabango. “That’s my way of saying thank you Mr. Suplado.” Nginitian niya ng matamis ito.

“I don’t accept thank you.” Sumeryoso ito.

“Salamat sa pag-babalik mo sa akin!” She hugged him so tight. Nabigla ng husto ang binata. Panandalian itong natigilan. “Come on I’ll buy you a token of appreciation. And I won’t take no for an answer.” Umabrisiete siya at naglakad na sila.

“Just make it cash.”

“No way!”

“Let’s have lunch first.” Nagpunta sila sa isang fastfood.

“You know I don’t eat in here right?”

“It’s too expensive to eat in a fine dining restaurant.”

“Basta ayoko sa fastfood. Ayoko ng instant. I’ll pay for it. Basta sa fine dining tayo.”

Pinagbigyan na siya ni Akio. Tutal naman ay pagkain ang inaarte nito mas acceptable iyon.

“I never really thought na may puso ka.” Pinaghila si Tiffany ng upuan ng waiter.

“Sinong nagsabing wala ako nun?” naupo na rin ang binata.

“Ang sama mo kasi. Pero kanina na feel ko na lalaki ka rin pala.” Hindi siya pinansin nito at tumingin lamang sa menu. “Ayan! That’s exactly the reason why. You are too snob. Dinadaig mo pa ako.”

“Hindi lang ako pumapatol sa conversations na walang sense at ayokong umuulit ng sinasabi.”

“Well that makes sense, she flipped her hair.”

“Ang arte mo.”

“Yeah, I get that a lot. I’m happy with it. At least I’m not a snob.” Mas inartehan pa niya ang pagsasalita.

Naiiling habang ngumingiti ang binata. Pasalamat ka bagay sa iyo. Sa isip niya.

 

“Hoy, Akio! Bakit tumatawa ka mag-isa?” untag sa kanya ni PJ. Habang tumatambay sila sa studio nila ay nag-iisa ito at tumatawa mag-isa. Inisnob lamang niya ito.

“Bro, parang iba ang amoy mo.” Si Kenzie.

“Oo nga amoy babae ka.” Segunda ni PJ.

Nilapitan naman siya ni Martino. “Aha! Sinasabi ko na nga ba! Babae mo ang tinatago mo kanina sa prisinto. Natatakot kang mahulog siya sa aking alindog.” The lawyer accused. Ito ang tumulong kanina upang maretrieve ang nanakaw kay Tiffany at makulong ang snatcher.

“Asa ka.” Sagot niya.

“Alam ko ang amoy na yan. Chanel no. 5, yan din gamit ng ate ko eh.” Si Chad naman ang lumapit.

“Aba mamahalin ang taste niya. Pati ang bag kanina ay Hermes.” Kumento ni Martino.

“Magpapractice ba tayo o hindi?” Tumayo na si Akio sa kinauupuan.

“Umiiwas!” sabay-sabay na sabi ng kanyang mga kaibigan.

 

Maagang  pinuntahan ni Tiffany si Mr. Masaru ng sumunod na araw. May ibibigay raw kasi ito sa kanya na importante kay Akio. At least ay magiging patas na sila. Iyon ang ipambablackmail niya sa binata upang ibalik na nito ang kanyang sing-sing.

“Iha, eto ang pinakaiingat-ingatan ni Akio. Ipinagkakatiwala ko sa iyo.” Iniabot nito ang isang bagay sa kanya. “Nagpaka-ala mission impossible pa ang kuya niya para lang makuha iyan ng hindi napapansin ni Akio.”

“An ATM card?”

“Oo, iyan ang access niya sa sahod niya sa opisina. Kung wala iyan, wala siyang perang maiwiwithdraw. Laging walang balance ang bank account niya.” Malapad ang ngiti ng matanda.

“Hindi po ba ninyo siya binibigyan ng credit card? I mean wala ba siyang share sa earnings ng inyong mall?” taking tanong niya. Para kasi itong isang empleyado na sahod lamang ang nakukuha at hindi parte ng mga Masaru na siyang may-ari ng mall.

“Hindi ko ba alam sa batang iyon. Hindi siya nanghihingi ng pera sa akin mula ng gumraduate siya at puro sahod lamang ang inaasahan niya.”

“Isn’t that unfair? Ang mga kapatid niya ay tumatangap ng share sa earnings pero siya hindi?” Well it’s not like the socialite cares she’s just curious.

“No, no not at all. I created a trust fund for him at duon napupunta ang lahat ng shares niyang hindi niya ginagalaw. Maitanong ko nga pala iha. Ano nga ba talaga ang mahalagang bagay mo na nasa anak ko?”

“My ring.” Sagot niya.

“Oh, may family heirloom pala kayo na sing-sing.”

“No, it’s not a family heirloom. It’s my limited edition tiffany ring with a yellow diamond. You know how rare those diamonds are and it’s from tiffany and co.” And the old man thought it was as important as an heirloom.

Well bagay nga kayo ni Akio his most valuable thing is his ATM card and yours is a limited edition ring. That’s when the man decided to play cupid.

 

About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

21 thoughts on “HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 6

  1. Napakaganda tlga

    Posted by retsgerra | Nobyembre 10, 2014, 11:13 umaga
  2. graveh na to…..

    Posted by prettii_ren | Abril 16, 2012, 1:59 hapon
  3. cupid si dad dahil kuripot ang anak…….hehe

    Posted by Kj | Enero 30, 2012, 2:34 hapon
  4. wow. nice……tweetwet

    Posted by nicky | Enero 21, 2012, 10:20 umaga
  5. nakakatuwa naman ang father ni Akio he play cupid

    Posted by 78jhoy | Enero 18, 2012, 8:06 hapon
  6. kakilig! ang funny

    Posted by ladychic | Enero 17, 2012, 2:23 hapon
  7. wooh this is great! excited na ako sa next chapter.

    Posted by Steffi | Enero 15, 2012, 9:38 hapon
  8. weeee malapit na kupido.. hahaa : )) malapit mo ng tamaan si Akio, @sweetlemon07 adik rin ang mga main characters mo ah

    Posted by itsgonnabeme | Enero 15, 2012, 4:05 hapon
  9. weee!!! kakatwa nman! nakikini-kinita ko n ang ss. na mngyayari… hehe…

    Posted by Essay | Enero 15, 2012, 3:31 hapon
  10. kelan ilalagay yung next chapter ?😀

    Posted by Thea Jane | Enero 15, 2012, 1:59 hapon
  11. Haha.. An atm card??
    Limited ring design..
    Kalerky.. ~_~

    Posted by Skye | Enero 15, 2012, 3:21 umaga
  12. diz one chills me to d bones..nami gd kaayo:-)

    Posted by shayanaember | Enero 14, 2012, 4:18 hapon
  13. hahaha… nkktuwa tlg story nto..^_^

    Posted by mary | Enero 14, 2012, 1:59 hapon
  14. next chapter na!!!! heheheheh

    Posted by annamay | Enero 14, 2012, 1:11 hapon
  15. bat wala pang chapter 7?? :((

    Posted by Thea Jane | Enero 14, 2012, 12:54 hapon
  16. woow mabait naman pala ee ang kulit ng mga barkada ni akio🙂

    Posted by Thea Jane | Enero 14, 2012, 12:53 hapon
  17. Next chapter na:D

    Posted by darkangel | Enero 14, 2012, 10:05 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2012
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: