binabasa mo ang...
New Version of You and Me

New Version of You & Me – CHAPTER 1

CHAPTER ONE

Fly With Me

Victoria shielded her eyes with a free hand as she squinted against the morning sun. Halos kalahating kilometro din ang nilakad niya dala ang isang gym bag at gitara mula sa pinagbabaan sa kanya ng military truck na sinakyan. Palapit na siya sa parte ng isang unibersidad sa Iligan na ginawang pansamantalang runway ng mga helicopters na nagdadala ng relief goods at tauhan mula sa mga TV stations, gaya ng sa GMS kung saan siya konektado.

It is past nine in the morning, on Christmas Day, at pasado alas-tres ng umaga na nang bumalik sila ng staff at crew ng The Cleo Chavez Show sa tinutuluyang hotel na pag-aari din ng pamilya ng singer-actress and TV host na si Cleo Cassandra Chavez, na tubong-Iligan. Musical director siya at voice over talent sa naturang talk-variety show. Bilang Christmas gift kay Cleo, napagkasunduan nila ng buong staff na sumama ditong umuwi noong December 23. They visited communities armed not just with relief goods and noche buena baskets, but their time as well. Ang pinuntahan nila ay iyong mga komunidad na wala sa evacuation centers, at sinusubukan pa ring ituloy ang buhay kahit na sira na ang kanilang mga bahay at wasak na ang kabuhayan. Nakipag-usap, sinamahang magdasal at pagkatapos ay nag-party sila kasama ang mga ito.

The past couple of days has been very fullfilling for her, ngunit hindi na rin kinaya ng katawan niya ang pagod. Kaya naman nagpaiwan na muna siya sa mga kasama sa hotel. Nauna na ang mga itong bumalik ng Manila. Si Cleo ay umuwi naman sa isa pang bahay ng pamilya nito sa Bukidnon. She thought she’d just hitch a ride with military trucks and in one of their station choppers to get back to Manila. At iyon nga, patungo na siya sa sasakyang helicopter. Doon siya dinala ng text message ni Cleo na siyang tumawag sa mga taga-GMS sa Iligan upang masigurong makababalik siya ng Manila sa takdang oras. Nangako kasi siya sa Mama niya na hahabol siya sa Pasko.

Isang matangkad na lalaki ang naabutan niya roon na abala sa pag-iinspeksyon ng mga access panels upang ma-check ang fluid levels, wiring at kung ano pang dapat siguraduhing nasa ayos bago sila mag-take off. His strong-looking, steady built, those lean muscles, and swift, agile moves seem oddly familiar. Alam niyang nasa Iligan din ang ilan sa kanilang mga news force kaya marahil ay isa ito sa mga iyon. Pero hindi lahat ng mga mamamahayag nila ay ganito katangkad, kalakas at ka-formidable tingnan. Well, except for one man…

Itinuloy niya ang paglakad palapit. It was at the same time that the man climbed on top of the fuselage and so she was able to catch a glimpse of his profile. He had gorgeous tan skin and familiar, handsome face. No way! She couldn’t possibly be riding with Paolo Esquivel! Ngunit habang palapit ay lalong lumilinaw ang posibilidad na iyon. Wala siyang nagawa kundi bahagyang kumaway dito, kahit hindi naman sila close, at kahit hindi niya ito gaanong makita sa puwesto nito sa cockpit. Napansin niyang bumukas na ang pinto sa likod at doon siya dumiretso. Paakayat na sana siya at iuunang ipasok ang dalang bag at gitara nang may matitipunong brasong kumuha niyon sa kanya.

It was Paolo, who looked down at her with those bespectacled soulful eyes. Pagkakuha nito sa mga gamit niya ay agad nitong inayos ang mga iyon sa isang compartment, bago nito inabot ang mga kamay niya. She has never gotten this close to him, not in the past years that he has known the man, not in the past twelve months that they’ve been working in the same channel. Ni hindi pa nga niya ito nakakausap talaga. She only has heard things about Paolo.

Kaya nagtataka siya kung paanong habang hawak nito ang mga kamay niya at tinutulungan siyang makaakyat ay paramg iba ang kanyang nararamdaman. Habang inaalalayan siya nito at iginigiya sa co-pilot seat ay para siyang naiilang na kinakabahan. Hindi niya iyon maintindihan. Dapat ay wala siyang nararamdamang ganoon. Dahil hindi rin siya interesado dito sa kahit anong paraan.

Pero bakit para siyang kinakabahan na excited dahil laamang sa ilang sandaling pagkakalapit nila?

This is more than weird… she thought as she settled on the co-pilot seat. She turned her head to the left, then to the right. Ginigising niya ang sarili. Dahil ang ganitong kakaibang nararamdaman para sa lalaking ni hindi niya type ay imposibleng mangyari sa tunay na buhay.

Bitin siya sa tulog. At marahil ay hindi pa ganap na gising. Malamang ay nananaginip pa siya.

Just my luck. I am riding with a naive, sheltered, possibly whine-y princess. Gustong mapailing ni Paolo habang iniinspeksyon ang main rotor. From the corner of his eye, he saw Victoria fumbling with the four-point harness buckles. Well, at least, alam nitong kailangan nito iyong gawin.

“Uh, puwede bang ayusin mo at itulak papalayo ang mga iyan?” turo nito sa collective and cyclic, at sa mga anti-torque pedals sa harap ng upuan nito. “Baka mamaya masipa ko bigla at mag-crash pa tayo.”

Her speaking voice was soft and a bit husky, but it didn’t disguise that fact that she is slightly irritated. O marahil ay kabado. Tiningnan niya ito ng mataman. “Hindi puwede. Mahihirapan kang kontrolin ang mga iyan kung ilalayo ko masyado.”sabi niya bago siya na ang nag-adjust ng kinauupuan ng dalaga upang mas komportable nitong maabot ang mga controls sa side ng co-pilot, na sa pambihirang pagkakataong ito, ay walang iba kundi si Victoria Andrada.

Nanlaki ang kanina ay mukhang inaantok nitong mga mata. Hindi makapaniwalang nakatingin ang mga iyon sa kanya. “Kontrol? Bakit ko kakailanganing kontrolin ang mga iyan? You’re the pilot.”

He raised a brow. “All you’ll have to do is keep your altitude and speed and keep the level.” wika niya sa nasa-shock pa ding babae bago ipinako ang atensyon sa harap niya. They’re both bucked up and safe on their seats. He pressed the starter and the engine began to whir.

“No way!” tigas na umiling si Victoria.

“Yes way.” mariing sabi niya. Nagsimulang lumakas ang maingay na ugong ng makina at ng elisi na nagsisimula nang umikot.”If you’re going to fly with me, then gusto kong makasiguro na kaya mo rin akong tulungan kung magkakaroon tayo ng problema, okay?”

Natahimik lang si Victoria, tila naisip nitong wala naman itong pagpipilian. Pero hindi maikakaila ang takot at pangamba sa mukha nito habang tinitingnan ang mga controls sa harap.

“It’s easy. Alam ko namang hindi ka ganoon ka-clueless pagdating sa mga controls na iyan, at sa pagpapaandar ng aircraft. Cleo said one of your brothers is an airforce pilot and has often taken you for rides.” aniya sa babae bago sinimulang buksan ang mga switch at i-test ang mga caution lights. Binuksan niya ang radio at sinabihan ang babae na isuot ang headset nito. Tahimik na sumunod lang ito. “Relax. We’re taking off.”

Napapabuntunghiningang sumandal si Victoria sa kinauupuan. Patingin-tingin ito sa kanya habang tinatantiya niya ang galaw ng hangin at ilang sandali lang, ay settled na sila sa ere. Noon niya sinimulan ang pagtuturo sa katabi kung ano ang gagawin.

“Fine, so alam ko naman kung para saan ang mga controls na iyan. I just have a very limited understanding of how they actually work together.” wika nito habang binibigyan niya ng instructions kung paanong pananatilihin ang posisyon ng chopper sa ere, kung paano gagamitin ang anti-torque pedals, kung paano aantabayanan amg speed level at kung anu-ano pa.

He always thought Victoria is a bratty, pampered princess type who doesn’t appreciate being told what to do. Kaya nagulat siya nang malaman mula kay Cleo kanina na sa isang lugar na grabeng sinalanta ng bagyo pala ito nag-Pasko, sa isang lugar na sa ngayon ay walang kuyente at tubig, kapos sa supply ng basic commodities, at sa pangkalahatan ay depressing ang atmosphere. He knows Victoria went to exclusive schools, and lived in the posh La Vista subdivision. May-ari ng farms at ilan pang negosyo ang pamilya nito. He expected someone like her would either be a chronic partier, or jetsetter, or attending those posh charity balls and hobnobing with the elite.

Pero hindi iyon ang nakita niyang ginagawa nito sa nakalipas na taon, dahil regular at walang palya itong nagre-report sa GMS studios bilang musical director at voice talent. Wala pa naman siyang naririnig na kung anumang negatibo tungkol sa ugali ng babae, ngunit base sa nasaksihan na niya so far sa ilang beses na nakahalubilo niya ito, ay hindi niya masasabing impressed man lang siya dito in any way. Hindi rin niya gusto ang may pagkabruskong kilos nito. Naangasan siya dito. She has that over-confident, all-knowing air that irritates the hell out of him.

Ngunit ngayon, kung tumingin at makinig ito sa kanya ay tila siya ang may hawak ng susi sa lahat ng sikreto ng kalawakan. Victoria hung on to his every word, asked just the right questions, and seems to make sure that she does things right. Paolo can’t help but give her credit.

“Para pala itong juggling act noh?” malakas na sabi nito. Maingay na kasi ang tunog ng makina at elisi ngayong nasa ere na sila.

“Yeah! So okay ka na?” aniya sabay sulyap dito.

“Okay na.” she smiled. Her almond eyes became inverted half moons as she did so.

He never realized Victoria could be this pretty up close. Dati, ang tanging description niya sa babae ay: maputi. And sexy, because she really has a nice, slender body just right for her height of five feet and five inches. Pero sa kabila noon ay walang gaanong dating sa kanya ang babae. Physically, hindi rin ito ang tipo niya.

Kaya hindi niya inaasahan ang tila pagtalon ng puso niya nang ngitian siya nito. Mukhang appreciated talaga ang pagtitiyaga niyang turuan ito.

She looked at the controls. “Ay, hindi pala juggling. It feels more like playing the drums.”

“What?” hindi niya gaanong marinig ang sinabi nito.

Inilapit nito ang mukha sa kanya, habang naka-steady ang mga kamay sa controls na dapat nitong hawakan. “Ang sabi ko, it’s like playing the drums. Lalo na sa principle na dapat sundin. Iba-iba ang silbi ng mga parts, pero kapag maayos mong natimpla ang tunog, maganda at maayos ang kalalabasan.” paliwanag nito sa pinalakas na boses.

Paolo could feel her hot breath tickling the side of his face, and is very aware of how near she is. Hindi pa ito lumalayo, nakatingin sa kanya ang babae na tila kinukumpirma muna kung narinig na niya ng maayos ang sinabi nito. He slowly turned, and felt a sudden jolt within as he saw that she is indeed that near. At mukhang hindi man lang nito iyon namamalayan. “That’s… that’s an interesting comparison.” sabi niya habang kinakalma ang sarili. “But it makes sense.”

Muli tong ngumiti. “Thank you, Paolo.” sabi nito.

He met those lovely almond eyes with his own. “You’re welcome.” sabi niya. “And you’re too near I can’t help but look at you.” hindi mapigilang dagdag niya.

“What?” tanong nito, hindi dahil sa hindi nito narinig ang sinabi niya kundi dahil hindi nito iyon gaanong naintindihan. Napakurap ito, pero inilayo na rin naman ang mukha. Ngunit nanatili itong nakatingin sa kanya.

It’s now Paolo’s turn to smile. “We’re a thousand feet above the ground, Victoria. Hindi ko puwedeng pagsabayin ang pagpapalipad at ang pagtingin sa magandang katabi ko.”

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

14 thoughts on “New Version of You & Me – CHAPTER 1

  1. I think its a good story.. next chap na.. excited

    Posted by akkoooarianne07 | Nobyembre 14, 2014, 10:56 hapon
  2. Exciting to ah!

    Posted by elI | Nobyembre 6, 2013, 12:29 hapon
  3. i realy like this one. quality ung plot…good job po sa author!

    Posted by aileen | Oktubre 10, 2013, 10:06 umaga
  4. Hmmmmmm ganda mo teh

    Posted by Zyn | Mayo 15, 2013, 2:09 hapon
  5. wow ang ganda?

    Posted by rosanna29 | Setyembre 13, 2012, 8:15 umaga
  6. naks….. interesting. . . .XD

    Posted by prettii_ren | Abril 16, 2012, 9:18 umaga
  7. The author is one of the best here. Maayos na format at technicalities. di masakit sa mata. at maganda/malawak ang imagination!!! thumbs up!🙂

    Posted by Irish Ignacio | Marso 30, 2012, 11:13 umaga
  8. ang ganda weeeeee…. kakakilig……

    Posted by Vhang2 | Enero 27, 2012, 4:08 hapon
  9. wow .Such a nice story. I’m gonna love it.

    Posted by mercy | Enero 27, 2012, 2:58 hapon
  10. HAHAHa

    Posted by aiza | Enero 22, 2012, 4:45 umaga
  11. nag-comment na sa TOPPERS group pero gusto ko pa rin mag-comment dito… ang ganda ng story ni Victoria t ni Paolo… ang saya kaya sa himappawid,… sana ang tao rin nakakalipad…nagiging weirdo na naman ako… ayan, lumilipad na rin ang mga puso nila… ayyiiiee! kiliigggg is in the air… ♥♥♥

    thanks for the wonderful story ms. elisha(fb_100002591416517) 🙂

    Posted by heidz | Enero 21, 2012, 6:21 hapon
  12. oo nga concentrate kayo sa controls ng plane dahil ” a thousand feet above the ground ” ika nga at nakakalula iyon…nice one🙂

    Posted by maritel go teves | Enero 21, 2012, 1:28 hapon
  13. naka lagay sa top story without spending gils eh but kelangan magpay….

    Posted by Vhang2 | Enero 20, 2012, 7:58 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2012
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: