binabasa mo ang...
Akio's Precious Tiffany

HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 4

Akio’s Precious Tiffany chapter 4

Tiffany is walking gracefully on the red carpet of the hotel. Papunta siya sa party ng kaibigan ng kaniyang ama. Exclusive ang party na iyon. Piling-pili lamang ang mga guests at by invitation iyon. Hindi ka makakapasok kung walang invitation. Feel na feel niya ang paglalakad duon ng mamataan niya ang lalaking suplado.

“Hey you trickster!” Napatingin naman ito sa kanya. “Where’s my ring?”

“It’s currently on rent.” Naglakad ito papasok.

“What?!” hinabol niya ito. Hindi siya makapaniwala. Pinarentahan nito ang kanyang sing-sing? Anong klaseng lalaki ito? “Give it back! Give it back to me!” Hindi siya nito pinansin at nagtuloy-tuloy lamang ang binata hangga sa may entrada ng party hall.

“Miss, your invitation please.” Sabi ng in-charge.

Kinalkal niya ang kanyang purse ngunit hindi iyon mahanap. “I’m with him.” Inangkla niya ang kamay kay Akio.

“A party crasher I see.” Tinanggal ni Akio ang kanyang kamay at nginitian siya nito. That’s when he left her, shocked.

Nagdududa siyang tiningnan ng in-charge dahil kay Akio. “Sorry miss, but this is an exclusive party.” Sobra na siyang napapahiya. Pinagtitinginan na siya ng mga taong nasa likuran nila. She wants to vanish like a bubble in an instant. Tinawagan niya ang kanyang driver at maid nila sa bahay upang ipahanap ang kanyang invitation. Mabuti na lamang at sa sasakyan pala iyon naiwan. The instance na makapasok siya sa party ay ang hinayupak na lalaking iyon ang agad niyang hinanap.

Pagkakita niya ito ay agad iyang hinawakan ng mahigpit dahil baka talikuran at iwanan nanaman siya nito. Kung hindi lang siya galit sa walang hiyang ito ay baka naapektuhan na siya ng nakakatunaw na charisma na taglay ni Akio. “Give me back my ring.” Galit na saad ng socialera.

“Haven’t I told you to see me again after a month? Bakit ba hindi ka makapag-antay?”

“Mandurugas ka! Immitation lahat ng pinasuot mo sa akin!”

“May nawala ba sa iyo?”

“Yeah! You’ve ruined my reputation. Tiffany Havera never wears fake.“

So, you are Tiffany Havera. No wonder. “What reputation? Reputation for wasting money on buying someone’s signature?” Sa tagpong iyon ay may lumapit sa kanila.

“Kumpadre, mukhang magkakilala na ang ating mga anak.”It was Akio’s dad.

“Oo nga and they look to have known each other for a long time.” Sinundad ni Tiffany ang tingin ng kanyang ama at ito ay sa kamay niyang nakahawak sa braso ni Akio nakatingin. Magpagayun pa man ay hindi niya binitawan ito. Mahirap na madulas pa naman ang lalaking ito.

“Akio, hindi ko alam na kilala mo na pala ang anak ni Mr. Havera.”

“I don’t.” inalis niya ang kamay ni Tiffany at iniwan ang mga ito.

“Naku, mahiyain talaga ang anak kong iyon. Palibhasa’y madalang magsalita.”

Mahiyain? Ang kapal nga ng mukha nun eh! Tiffany wants to utter those words but she decided not to. “Excuse po. Kailangan ko lang siyang habulin.”

“Bakit anak?” Tanong ng kanyang ama.

“He is in possession of my precious thing.” Iniwan na niya ang mga ito.

“Precious thing?” naguguluhan si Mr. Masaru, ang tatay ni Akio.

“Maybe her heart, it is the most precious thing in this world.” Sabi ni Mr. Havera

“Oh, so my son enjoys the pleasure of trapping your daughter’s heart.” Natutuwa si Mr. Masaru. He loves the idea.

“I never thought my Tiffany could be this furious when it comes to boys, to love.”

“Mukhang tadhana mismo ang naglapit sa kanila.”

“Oo nga ano kaya ang nangyari kung hindi ako umatras nuon?” Mr. Havera wondered. Nuong pinagbubuntis pa lamang si Tiffany ay pinagkasundo na silang dalawa ni Akio, but for a specified reason ay umatras ang kanyang ama roon. At ngayon ay si Tiffany pa ang humahabol kay Akio. Hay, kung alam lamang nila ang totoong dahilan.

“Wait you rude, heartless monster.”  As usual ay  hindi nanaman siya pinapansin ni Akio. “How could you just broke-up with me over the phone?” nilakasan niya iyon upang marinig ng nasa paligid. Nagtagumpay naman siya sapagkat pinagtitinginan na sila. It’s working! Gaganti siya sa pagpapahiya nito sa kanya kanina. “Matapos ng nangyari sa atin and our four year relationship? How could you? Ganuon lang ba ang lahat sa iyo?” shocks mas maganda sana kung mapapaluha siya, but it’s hard. She’s not a good actress. “You will just text me and say that it’s over?” madamdamin niyang arte.

Nilapitan naman siya ni Akio. “Miss Havera, everyone in here knows that I’m a bachelor.” Bulong nito sa kanya at iniwan nanaman siyang nakatunganga.

Tiningnan niya ang paligid at mukhang nagsasabi ito ng totoo dahil siya lamang ang pinagtitinginan ng isang masamang tingin. Siguro ay crush ng mga ito ang binata kaya alam na alam kung may love life si Akio.

“Bwisit ka!” once again siya nanaman ang napahiya.

About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

17 thoughts on “HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 4

  1. ang ganda@@@kilig aq!!!

    Posted by alma | Setyembre 9, 2012, 10:08 hapon
  2. haha….. my gosh…..

    Posted by prettii_ren | Abril 16, 2012, 1:48 hapon
  3. war zone na sila…….

    Posted by Kj | Enero 30, 2012, 2:27 hapon
  4. hahahaha………..ang cute nila………

    Posted by hope | Enero 30, 2012, 1:37 umaga
  5. hahaha, ang kulet, nakakatawa, i was expecting na bibigay si Akio, yun pala talo pa rin si tiff… i wonder what’s next!

    Posted by annezhayne | Enero 22, 2012, 10:49 umaga
  6. wawa naman si Tiffany palagi na lang pinapahiya ni Akio

    Posted by 78jhoy | Enero 18, 2012, 7:35 hapon
  7. hahah!!!! so funny! like! ^_^

    Posted by Essay | Enero 15, 2012, 2:42 hapon
  8. kawawang tiffany :((

    Posted by Thea Jane | Enero 14, 2012, 12:39 hapon
  9. hAHAHAHA,, SAPUL SI TIFFANY

    Posted by lukaylovesme | Enero 12, 2012, 8:11 hapon
  10. bitin nman..

    Posted by mary | Enero 12, 2012, 4:37 hapon
  11. kawawang Tiffany.. haha si Akio nagpapakipot pa : )))

    Posted by itsgonnabeme | Enero 12, 2012, 1:20 hapon
  12. haist… sobrang bitin… huhuhu… kelan po ang next posting nito….

    Posted by Maria Kenneth Carabillas | Enero 11, 2012, 9:09 umaga
  13. kawawa naman si tiffany dear,.

    Posted by jonna | Enero 11, 2012, 12:53 umaga
  14. hahaha ang cute tlg nla

    Posted by Shantara | Enero 10, 2012, 12:53 hapon
  15. Hahaha lagi nlang npapahiya..

    Posted by darkangel | Enero 10, 2012, 10:34 umaga
  16. aw sakit *_^…. nabitin ako….

    Posted by riemha0814 | Enero 10, 2012, 9:22 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2012
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: