binabasa mo ang...
Akio's Precious Tiffany

HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 2

Akio’s Precious Tiffany chapter 2

Matapos mabendahan ang paa ay binigyan siya ng saklay. “Ayoko niyan.” Maarteng sabi niya sa doctor.

“But you need this.” Giit ng doctor ngunit inirapan lamang siya ni Tiffany.

“It’s ok doc.” Sabi lamang ni Akio at pinangko na ulit ang dalaga.

“I need to take a dip.” Sabi ni Tiffany ng makabalik na sila sa sasakyan ni Akio.

“Are you serious?”

“Bumagsak ako sa semento na tinatapak-tapakan at galing ako sa hospital. Hindi ko alam kung anong germs ang kumapit sa akin.” Maarteng paliwanag niya.

Hindi kumibo si Akio. Nagsimula na lamang siyang magdrive at may tinawagan sa cellphone.

“Hello? PJ, I need a room for two in your hotel.”

“Wow bro! that’s a first. Lagi for one lang ngayon for two na. Iba na yan.” Nag-aasar na saad ni PJ mula sa kabilang linya.

“Then make it your suite.”

“Sino bang kasama mo ha, Akio?” curious na tanong nito.

“Malapit na ako sa hotel ninyo. Siguraduhin mong pagdating ko ay ayos na ang lahat.”

“Ang sungit naman nito. Kung maka-utos ka daig mo pa ang VIP ah.”

“I am a VVIP.”

“VVIP na hindi nagbabayad. Kuripot!” pagkasabi niyon ay binabaan na siya ni PJ. Alam kasi ng binata na susupladuhan nanaman siya ng kaibigan. Sanay na rin naman ang mga kaibigan niya kay Akio. Ito ay ang pinakatahimik sa kanilang lahat at kung bubukas ang bibig ay dalawa lang ang aasahan, its either magsusuplado o magbibigay ng brilliant idea. Wala rin itong kasing kuripot. He sure earns a lot at stable rin ang kumpanya ng pamilya nito pero hindi nila alam kung bakit parang lagi itong nagtitipid ng pera.

Binabalak sana siyang alalayan ni Akio papasok ng hotel ngunit inangkla na ni Tiffany ang mga kamay niya sa batok nito. So he have no choice but to carry her. Pinagtitinginan sila ng tao kaya ihinilig ng binata ang ulo ng dalaga upang hindi makita ang mukha nito.

“Dulce and Gabbana.” Walang kaabog-abog na sabi ni Tiffany.

“What?”

“Your perfume, it’s Dulce and Gabbana.” She explained.

“I see you have the pleasure of sniffing my aroma.” He said with no facial expression at all. Papasok na sila sa pinto ng kwarto.

“You wish! I see you have the pleasure of touching my legs.” Nakasuot kasi si Tiffany ng mini shorts kaya naman hindi maiiwasang mahawakan ni Akio ang makikinis niyang hita.

Sa narinig ay agad siya nitong binitawan pabagsak sa kama. Mabuti na lamang at malambot iyon.

“You are really rude you know! Such an ungentle man!” Reklamo niya.

“The bathtub is ready so just do what you’ve got to do.” Sa halip ay sabi nito.

“Hello? Help me to get there.” Hindi na nagsalita pa ang binata at binuhat ito patungo sa banyo. Inupo niya ito sa gilid ng bathtub at iniwan duon.

“Hey! Are you there?” makalipas ang ilang minuto ay narinig niyang tumatawag ito. Hindi sumagot ang binata. “Hey! I need some help here! People!” nairita na siya.

“What!?” inis niyang bungad sa dalaga na naabutang nakababad sa tub. Natigilan siya. He is not used to see a lady soaked in a tub knowing that she is naked. Napalunok pa ang binata ng makita ang hita na nahawakan niya kanina pagkat naka-angat ang ankle nito dahil baka mabasa ang benda niyon.

“Paabot naman nung robe.” Nangmapansing hindi kumikibo ang binata ay natawa siya. “Don’t tell me ngayon ka lang nakakita ng kasing ganda ko na naliligo?”

“Oh, please. You don’t even tempt me.” Iniabot nito ang roba.

Nang makalapit si Akio ay hinila pa siya pababa ni Tiffany. “Oh really?” she allured him closer. Lalong natawa ang dalaga ng makitang natameme lamang ang binata. Dahil duon ay nakabawi si Akio at mabilis na inirapan siya at lumabas duon.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na sila sa parking ng hotel kung saan nagpasundo si Tiffany sa kanyang driver.

“You owe me.” Sabi ng binata. matapos siyang maiupo sa backseat.

“I’m going to pay you.” Kinalkal niya ang dalang bag ngunit 5000Php lamang ang kanyang cash at puro credit cards ang laman niyon. She knows hindi iyon sapat dahil utang niya sa binata ang lahat. Mula sa bills sa ospital, sa hotel hanggang sa mga damit na ngayon ay suot nito. Pati ang undies niya ay bago rin. Nagtataka nga siya dahil tamang-tama ang size niyon.  “This is my only cash now. Here’s my calling card.”

“That’ll do .” Tinuro nito ang singsing ng dalaga.

“Oh no! This Tiffany ring is one of its kind.”

“I don’t accept calling cards. I need collateral.”

“Oh darling believe me, my calling card is way too enough to be a collateral.”

“The ring.” Inilahad nito ang kanyang kamay at para bang wala ng makapagpapabago sa isip nito. Hinila niya ang kamay ni Tiffany upang hubarin ang sing-sing nito. Napanganga na lamang ang dalaga sa asta ng binata.

About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

27 thoughts on “HID Mini Series: Akio’s Precious Tiffany – Chapter 2

  1. Nice.

    Posted by akkoooarianne07 | Nobyembre 14, 2014, 10:02 hapon
  2. gash…so what’s next?

    Posted by Dianne Isabel | Pebrero 6, 2013, 2:05 hapon
  3. hahaha..naisahan bga…

    Posted by alma | Setyembre 9, 2012, 9:49 hapon
  4. ang cute nman. . .

    Posted by prettii_ren | Abril 16, 2012, 1:33 hapon
  5. Tiffany is so “fantasy”. but its great!

    Posted by Leezeeh | Enero 31, 2012, 10:24 umaga
  6. two thumbs up!

    Posted by annezhayne | Enero 22, 2012, 10:57 umaga
  7. kuripot at suplado…. akio at tiffany bagay talaga🙂

    Posted by 78jhoy | Enero 18, 2012, 7:18 hapon
  8. nice one ;P

    Posted by Thea Jane | Enero 14, 2012, 12:26 hapon
  9. hahaha!!! nice, nice! natameme ung suplado eh.. hehe… ^_^

    Posted by Essay | Enero 13, 2012, 3:13 umaga
  10. hahaha.. naisahan si TIffany.. adik!

    Posted by itsgonnabeme | Enero 12, 2012, 1:02 hapon
  11. wohoooo…!! wat a great story na nmn…🙂

    Posted by Carmela | Enero 8, 2012, 6:04 umaga
  12. Aww funny. Next chaptrr n pleaseeee

    Posted by stargirl | Enero 7, 2012, 3:40 hapon
  13. next chapter plzz…

    Posted by mary | Enero 6, 2012, 4:43 hapon
  14. te lemon” nakakatawa si ako bakit kaya guto niya yung sinsging? next chap na ate lemon”🙂

    Posted by Ikai08 | Enero 5, 2012, 8:30 hapon
  15. NEXT CHAPTER PLEASE…

    Posted by marslie | Enero 5, 2012, 6:52 hapon
  16. Next na :DD

    Posted by darkangel | Enero 5, 2012, 6:38 hapon
  17. wahh next pa,nkakatuwa aman nto hehe more more

    Posted by Shantara | Enero 5, 2012, 12:55 hapon
  18. haha,. adik talaga tong dalawang bida

    Posted by jonna | Enero 5, 2012, 10:24 umaga
  19. ahhhh… so nice!!!
    kailangan ko na ang next chapter please!!!!

    Posted by annamay | Enero 5, 2012, 9:06 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2012
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: