binabasa mo ang...
SERIES: Red Code

Red Code Series: Teaser

Dahil sa isang kahihiyang inabot ni Chloe Ashley Ramirez sa kanyang concert ay nagdesisyon siyang umalis ng bansa at magpuntang Amerika. She was pop icon in the music industry, hindi na ngayon. Matapos ang pagpapahinga at paglagay sa tahimik ay bumalik siya sa Pilipinas para magtataga ang isang boy group na nagngangalang “RED CODE.” Sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Brena, Carlo(Cassandra), Desyree, Erickha at Yuuna ay nahanap nila ang anim na miyembrong bubuo sa RED CODE.

ADAM SEVILLA – isang anak ng mayamang angkan. Lumaki sa layaw at ang tanging gusto lang niya ay mamuhay ayon sa kagustuhan niya. Singing and dacing is his passion pero tutol ang kanyang ama sa gusto niya. Kailangan daw niyang pamahalaan ang business empire ng pamilya dahil siya lang ang karapatdapat, dahil isa siyang lalaki. Nang matuklasan niya ang RED CODE ay hindi na siya nagpalampas ng pagkakataon.

BRYCE ALEXANDER MENDEZ – masasabing mas mahirap pa siya sa daga, abut-abot langit ang pagsisingil sa kanya ng kung anu-anong bayarin ng kanyang landlady. Gusto niyang yumaman dahil kung hindi niya mababayaran ang utang niya ay ipapakasal siya sa anak na alien ng kanyang landlady. Akala niya’y mawawalan na siya ng pag-asa, ngunit nang bumulaga sa kanya ang malaking poster tungkol sa nilulutong boy group ng bansa ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. He’s born to be a star.

 

RICHARD “CHAD” LOPEZ – sa lahat ng lalaki sa buong mundo ay siya na yata ang pinakakawawa. Sa ikaapat na pagkakataon ay nakipag-break sa kanya ang kanyang nobya. Nadala na siguro siya, dahil sa tulong ng nakababatang kapatid na si Hail ay nakilala niya ang pakulong boy group na RED CODE, dahil talented siya ay nag-audition siya. Gusto niyang ipamukha sa mga naging nobya niya na hindi siya talunan sa pamamagitan ng RED CODE.

 

DAVID REZZ VILLA -dahil napapansin niya na nalalaos na siya bilang artista ay kailangan niyang sumali at mag-audtion sa RED CODE. Maisasalba nito ang pride niya at kasikatan niya. And nobody can stop him.

 

EVAN RAMIREZ – gusto niya ng permanenteng trabaho, ayaw niya sa mga Korean dahil ilang beses na siyang niloko ng mga ito. Sa pamamagitan ng RED CODE ay hindi na siya masisipa sa trabaho. Basta kailangan niyang galingan. he is a nice person wag lang sa mga Korean.

 

JEAN CLAUDE LAREZZA – isang half-pinoy, half-spanish at half-japanese novelist. With his looks ay napagkakamalan siyang babae, ilang beses na rin siyang napag-trip-an ng mga kabaro niyang mga lalaki. He want to prove them wrong that he’s a guy, katulad ni Evan ay nice rin siya.

 

During their first step to have their goal, na-encounter na nila ang mga babaeng magpapatibok ng kanilang mga puso, kahit i-deny nila at aminin, hindi sila makakatakas sa salitang PAG-IBIG. Masasaktan sila ngunit hindi mabibigo, they could risk everything for the girl they love. At magsisimula iyon sa pag-o-audition nila bilang miyembro ng RED CODE.

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

2 thoughts on “Red Code Series: Teaser

  1. gusto ko ng basahin…for sure magaganda ang story nito…

    Posted by Dianne Isabel | Pebrero 6, 2013, 11:47 umaga
  2. TEASER PLNG GANDA. SNA MAPOST N ANG CHAPTERS NITO.

    Posted by belle | Pebrero 16, 2012, 4:02 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2012
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: