binabasa mo ang...
SERIES: Destiny

Stolen Kiss: The LOVE that Sealed with a KISS – END

Sealed with a Kiss

Sealed with a Kiss

Read Stolen Kiss – START first before reading this

“MISS, pwede bang tumingin ka naman sa dinaraanan mo!” singhal ng isang lalaki kay Grace.

Kasalukuyang patungo siya sa parking lot nang may makabanggaan siyang isang matipunong lalaki. “Hoy, mister–” naumid ang dila niya nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan.

“Talaga bang babalandra ka diyan? Hoy, huwag mong sabihing maganda ka. Pwes, hindi ako nasisindak sa kagandahan mo!” saad nito na ikinataas ng kanyang kilay. Ibinaon na nga ba talaga niya ko sa limot?

            “Limang taon ang lumipas ‘Neng!” singit ng kanyang konsensya.

            “Hindi rin! Tumaas lang talaga ang level ng beauty ko…”

“Alam kong gwapo ako, malapit na ‘kong malusaw sa titig mo! Saka, baka may balak ka namang tulungan akong pulutin ang nagliparang papers ko, ‘no?”

“Why should I waste my time helping a guy like you! It’s your fault, mag-isa ka diyan! Para sabihin ko po sa inyo, hindi rin ako nasisindak sa kagwapuhan mo!!!” balik niya rito sabay ismid.

“Talaga lang huh?” paghahamon nito na tuluyang lumapit sa kanya.

Nahigit niya ang sariling hininga dahil gahibla na lamang ang kanilang distansya. Kinabig pa siya nito palapit dahilan upang mapatili siya. “Manyak ka! Bitiwan mo nga ko! Wala kang–” hindi na niya nagawa pang dugtungan ang sasabihin nang sakupin ng binata ang kanyang matamis na labi. Sa una’y pumalag pa siya ngunit lalo lamang lumalalim ang halik nito hanggang sa tuluyan na siyang nagpatianod sa pangyayari. Nangnginig ang buong kalamnan niya nang magwakas ang mahikang halik na iyon. For the second time around, nanakawan na naman siya nito ng halik!

“Walanghiya ka!” anas niya sa lalaki nang makahuma.

“Didn’t you miss me baby? ‘Yan ba ang tamang pag-welcome?”

“Huh? Do you mean–”

“Of course baby! Malilimutan ko ba naman ang ONE AND ONLY LOVE ko?”

“Iwww kadiri! Baby ka diyan! Hanggang ngayon mabola ka pa rin ‘no, Blake? Pwe!” dura niya sabay punas ng labi.

“Yaks! Nahawahan mo na ko ng virus!”

“Kapal mo!”

“Aminin mo na kasing nagustuhan mo. Well, that’s the warmest welcome na nakuha ko sa pagbabalik ko,” may pilyong ngiting turan nito.

“Ang lakas din ng tiwala mo sa sarili, ‘no? Hoyyy Blake Serrano, habang lumilipas ang panahon, mas lalo kang nagiging mahangin!”

“Grace Fortez, kahit ano pang ilagay mong kolerete sa mukha mo, hindi ka pa rin nagbabago! Ikaw pa rin ang musmusing bestfriend ko!”

“Arrrggggghhhh! Asarrr! Okay, daanin na lang natin ‘to sa karera, iyon ay kung sanay ka pang mag-bike!”

“Anong akala mo sa’kin? Game! Kapag ako nanalo, you need to marry me.”

“What?! Sige, ‘yun ay kung mananalo ka! If not, magpakalayu-layo ka na ulit!”

“Let’s begin.”

INIS ma’y hindi pa rin naiwasan ni Grace ang pananabik sa muling tagpong iyon. She badly missed that moment. Sariwa pa sa kanyang alaala ang huling insidenteng hindi niya malilimot sa talambuhay niya.

Dahil nahulog siya sa sobrang pag-iisip, nalimutan na niya ang misyong talunin ang lalaki. She needed to win, she initiated the game. Nang kaunti na lamang at mararating na ang finish line ay biglang humarurot ng bilis si Blake at hinarangan siya. Huminto pa iyon at ngumiti sa kanya bago tuluyang nirating ang goal.

“Tama nga ako! Until now, loser ka pa rin! Nasaan na ang pinagmamalaki mo?”

“Alam mo, nakatsamba ka lang. May iniisip lang ako…”

“Ano naman kaya? Or should I ask, who’s beyond your thoughts? Ako ba?”

“Kung ibalibag ko kaya ‘tong bisikleta sa’yo, ano?” bruskong asik niya.

“Huwag mo namang basagin ang mukha ng future husband mo. Ang samaaa mo talaga!”

“At sinong may sabing pakakasalan kita! In your nightmare!” aniya sabay talikod ngunit bago pa man siya makahakbang ay niyapos na siya ng binata mula sa likuran.

“I love you Grace… I love you long before. Simula noon hanggang ngayon. Please believe me. You’re the one I’ve wanted to be with for the rest of my life.”

Pumiksi siya, “Iniwan mo na lang ako nang basta-basta Blake! Tapos ngayon, sasabihin mong mahal mo ko? Ano bang akala mo sa’kin? Bestfriend mo ko Blake! Maiintindihan ko naman kung kailangan mong umalis, ‘diba? Pero, bakit ‘di ka man lang nagpaalam?”

“Sorry…”

“Sorry? ‘Yan lang ba masasabi mo?”

“Because I love you so much Grace…”

“And then I’m sorry too, I’m already taken.” Mga katagang pumilas sa puso ni Blake.

“PINASAKITAN mo nga si Blake pero sarili mo rin ang sinaktan mo, friend! Talagang tinuloy mo pala ang plano?” ani Christine sa kaibigang si Grace.

“Siya ang kauna-kaunahan at kahuli-hulihang lalaking magpapasakit sa puso ko! Pinaghintay niya ko ng limang taon Tin…”

“Kung magsalita ka parang may commitment kayo, ah?”

“Wala nga pero bestfriend niya ko. I’ve changed myself para sa pagbabalik niya, lumuwa ang mata niya sa’kin but–”

“The other way around ang nangyari, tama? Paano nga kung sincere ‘yung tao. Hayaan mong magpaliwanag.”

“Ayoko.”

“Pero mahal mo?”

“Oo.”

“Then mag-usap kayo. Hoyy Blake, lumabas ka na diyan sa lungga mo! Ayusin mo ang gusot mo.”

“Tin?! Nakakabanas ka! So you mean, kanina pa siya nakikinig?”

“Yes, so you don’t have nothing to deny with me baby…” si Blake.

“O siya, mag-usap na kayong dalawa. Kaloka!”

“WHAT the hell are you doing here now?” si Grace.

“Trying to ask for your forgiveness.”

“Then apology accepted. Pwede ka ng lumayas…”

“Please Grace, sorry na naman,” samo nito sabay luhod sa kanyang harapan. Natutop niya ang sariling bibig sa inasta ng lalaki. “Tumayo ka nga diyan!”

“Hindi ako tatayo hangga’t hindi mo ko pinapatawad.”

“Oo na. Sige na.” payag niya na pagkaraa’y agad siyang sinalubong nito ng mahigpit na yakap at muling humalik ng mabilis sa kanyang labi.

“Nakakailan ka na ha! Abuso!” sabay pisil ng tungki ng ilong ng lalaki.

“A legal kiss is never as good as a stolen one.” Paliwanag ni Blake. “Halika na samahan mo na ‘ko…”

“Huh? Saan tayo tutungo?”

“Sa simbahan para makasama na kita habambuhay.”

“I love you Blake.”

“And I love you so…”

Muli ay nagtagpo ang kanilang mga labi. Maalab. Marubdob.

~WAKAS~

Author’s Note: When I’ve read this story, I’d been inspired kaya naisipan kong ipagpatuloy. I know may mga pagkakamali pa ako pero sana magustuhan ninyo ang nalikha kong pagsasara sa kwentong ito. Maraming salamat. -heidz-

About heidz18

i love reading romantic stories as well as i love writing stories.. to be a writer is one of my dreams :)

Talakayan

13 thoughts on “Stolen Kiss: The LOVE that Sealed with a KISS – END

  1. Ang Ganda Ng Story ! KakakiLig Pero Bitin Eii😀 Okeyy Na Sana Eii😀

    Posted by IvyqtSyryne | Oktubre 24, 2014, 9:10 hapon
  2. Super ganda heee

    Posted by Eliza | Agosto 7, 2014, 12:39 umaga
  3. wow/ang ganda!!!

    Posted by ARCHELYN | Marso 11, 2014, 2:09 hapon
  4. to heidz,.,

    hope na maging successful ang writing career mo,. thanks for your so romantic stories you’ve made,.
    nice job,., more power ,., may your dream be come true,., GODBLESS

    Posted by zyn | Mayo 9, 2013, 4:45 hapon
  5. where’s the other part po?

    Posted by mimi | Oktubre 29, 2012, 3:43 hapon
  6. hmmm, . .parang maz guxto que pu tong ending nato kesa sa una. .kc ang tlgang dpat gumagawa ng way eh. .ung guy =D

    Posted by pazawaiy_1901 | Mayo 30, 2012, 7:14 umaga
  7. hahaha. na-shock ako. ending na pala to! kc naman, click lng ako sa link nang hindi tinitingnan kung ano yun. anyways, congrats heidz. ang ganda ng ending. I just love the kissing part. nyahaha!

    Posted by Anjustin | Pebrero 17, 2012, 6:57 umaga
  8. ganda

    Posted by belle | Pebrero 16, 2012, 4:20 umaga
  9. Wow end every chapter

    Posted by goguma1234 | Pebrero 2, 2012, 4:34 umaga
  10. great story:-)

    Posted by shayanaember | Enero 1, 2012, 9:31 hapon
  11. dami namang ending ng story n to. .but i guess i like this more. .lalo na kung mejo mhaba pa. .haha. .

    Posted by zherfranz | Disyembre 31, 2011, 8:57 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2011
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: