binabasa mo ang...
The Shadow of your Smile

The Shadow of Your Smile – Chapter 4

The Shadow of your Smile

The Shadow of your Smile

“HOW I wish I could really tell you how much you mean to me, but I’m afraid to love, scared to get hurt… I hope that you will wait for me and pray that you will not get tired of loving me…” ani Yna sa kanya.

“I understand Yna… If you’re ready, I assure you that I’m still there waiting for you… What important now, nasabi ko na ang matagal ko nang nararamdaman para sa’yo… Whatever happens, mamahalin pa rin kita nang buong-buo…” sinserong tugon niya at pagdaka’y umupo na sila.

“Thank you Mike…” she said, in tears. He wiped her tears and whisphered upon her ears, “Please don’t cry, it’s hurts me more…”

Tutok ang lahat sa Emcee na nasa tanghalan. Sa wakas ay idedeklara na nito kung sino ang tatanghaling Prom Queen at Prom King. Ang pinapangarap ng lahat…

“I’m very happy to award the chosen Prom Queen and King of the Night. I have no more doubts with this couple. Napansin naman siguro ng lahat ang sweetness nila while dancing in the middle of the floor… Iba ang kilig factor niyo guys… Whom I’m referring to are Ms. Yna Veroza and Mr. Michael Soriano… Congratulations!”

Namilog ang mga mata niya nang iproklamang silang dalawa ni Yna ang siyang nagkami ng slot na iyon. He never expected! Napasulyap pa siya sa gawi ng dalaga at nagulat siyang nakatingin na rin pala iyon sa kanya. Smiling eyes!

Magkasabay at magkahawak kamay nilang binagtas ang stage para abutin ang parangal sa kanila.

“Ano ang request ng lahat? Make it louder!”pahayag ng Emcee. “Another promising dance ba? Kiss? Naku, huwag naman ‘yun… Yari tayo kay principal!” pagpapatawa nito.

Pinagbigyan nila ang hiling ng mga ito. Muli silang sumayaw, sa pntong iyon ay kasama na ang lahat. Kung sino ang gusto sumali, go!

“Pwede bang ako na lang ang maghatid sa’yo? Please…” samo niya.

“Okay.” she smiled, lovingly.

“Thank you.”

BAGO tuluyang makapasok na ang dalaga sa loob ng kabahayan ay naglakas-loob na siyang ibigay dito ang isang munting regalo. A gift from the heart.

“I have something to give you nga pala… Not so expensive but somehow I’m hoping na magugustuhan mo…” turan niya sabay abot dito ng isang parihabang kahon.

“Ito lang po ang gusto kong klaruhin Mike… Hindi ako mapiling babae, I’m not after the price, I’m after your effort…” sagot nito na pinisil pa ang kanyang palad.

“Hindi talaga ko nagkamali ng pagkakakilala sa’yo… You’re having such a nice personality. Kaya mas lalo kitang minamahal eh… You’re priceless…” makatotohanang pahayag niya.

“Wow! Tama na ang bola baka masyado na kong maniwala niyan… Anyways, may I open it now?” sabik na tanong nito.

“Sure…” sangayon naman niya.

She opened it slowly for suspense. Nang tuluyang buksan na niya iyon, bumulaga sa kanya ang isang silver necklace na may heart pendant. It’s her first time to received a necklace except her parents. She appreciates it, so much!

“Thank you so much…” napayakap na nitong wika sa lalaki.

Sa ikinilos ng babae ay mas lalong nanlambot ang kanyang tuhod. Tila anumang oras ay bibigay na iyon. Nag-uumapaw ang kaligayahan niya dahil nagustuhan nito ang mumunti niyang regalo. Iyon ang na rin ang nagtulak para iyakap na rin ang mga braso dito.

“Happy Valentines Day!” bati niya rito nang kumalas na iyon sa pagkakayakap sa kanya.

“You made my night a fairytale Mike… Thank you and happy hearts day!” taos-pusong pasasalamat nito at maya-maya pa’y ikinabigla niya ang naging sunod nitong hakbang. Mabilis iyong humalik sa kanyang pisngi at pagkatapos ay sibad ng pasok ng bahay.

Tila baga tumigil ang pagtibok ng puso niya, hindi siya makakilos, naparalisado ang katawan niya. How blissful his night was! A very remarkable Valentines of his life…

Nailagay na lamang niya ang nagyeyelong palad sa pisnging dinantayan ng halik ng dalaga. How tender, how sweet! Because of what happened, hindi niya tuloy nasabi rito kung ano ang purpose niya kung bakit isang necklace ang kanyang ibinigay. Iyon ay sa kadahilanang ang dalaga’y malapit sa kanyang puso. For him, his heart already belongs to her, no other than. Yes, he’s just sixteen of age pero para sa kanya, malalim na ang pag-ibig na inuuukol niya para sa dilag. Kung maaari nga lamang diktahan ang kapalaran, iyon na ang siyang gusto niyang pag-alayan ng pag-ibig habambuhay, iyon na ang babaeng gusto niyang pakamahalin at pakasalan.

BITTER-SWEET MEMORIES! Iyon ang maituturing ni Maycee sa mga sandaling iyon ng kanyang buhay. Bakit? Ang buong akala niya’y magtutuluy-tuloy na ang magandang daloy ng eksena hanggang sa isang balita ang gumimbal ng kanyang matiwasay na mundo.

On a very cold summer night, he received a text message coming from Yna. It goes like this: ‘Oftentyms we say gudbye 2 d 1 we luv w/o wanting 2. Though dat doesn’t mean dat we stopped loving dem or we stopped 2 care. Sometyms, GOODBYE is a painful way 2 say I LOVE YOU.’ He was also about to send a quote message then when suddenly another message pop-out in his cellphone.

Nang mabasa ang text message ay nagmamadaling bumaba siya at tumawag ng taxi. Kulang na nga lang, siya na ang magnipula ng sasakyan kung makapag-utos siya sa driver na bilisan ang pagmamaneho. Hindi niya naiwasang mapamura ng hindi makisang-ayon sa kanya ang kapalaran. Traffic! Hindi na siya makapaghihintay pa, usad-pagong ang daloy! Kaya minabuti na niyang bumaba at takbuhin na lamang ang nasabing hospital na pinagdalhan sa dalaga. Kung paanong nasa hospital ang babae, iyon ang hindi niya matukoy…

Humahangos siya nang makarating doon. Nangilabot ang buong katawan niya nang abutan na nire-revive ang dalaga. Mas lalo pang siyang nawalan ng lakas sa sinabi ng doctor.

“Time of death, 9:30 pm.” deklara ng doctor.

“NO!!!” sigaw niya, dahilan upang mapalingon ang mga taong nasa paligid. “Hindi pa siya patay… Doc, may pulso pa siya ‘diba? Hindi ‘to pwedeng mangyari… Not to my girl… Not to her!” paghihisterya niya.

“I’m very very sorry…”

“Hindi!!! Yna!!!” paghihinagpis niya. “Gumising ka Yna! ‘Diba sabi mo hihintayin ko pa ang sagot mo… Tumupad ka sa pangako mo!” yugyog niya sa walang buhay na katawan ng dalaga.

“You’re Mike right?” ani ng isang boses sa kanya.

Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng tinig, isang hindi katandaang babae ang siyang bumungad sa kanya. Hindi mapagkakailang iyon ang ina ng babaeng sinisinta dahil sa pagkakahawig ng mga ito. Tila pinagbiyak na bunga, hindi ka na magtataka kung kanino namana ng dalaga ang kagandahan nitong taglay.

“Yes Ma’am, I’m Mike… Paano niyo po ko nakilala gayong ngayon lang po tayo nagkita?” may pagtatakang tanong niya.

“You’re so formal iho… Just call me ‘Tita’ na lang… Hindi ka na rin iba sa’kin… I’ve known you for so long… Lingid sa kaalaman mo na parati kang naikukwento ni Yna sa’kin… Kung nakita mo lang kung gaano siya siyang-siya kapag nababanggit ka niya sa’kin kahit sino mahahawa… She’s one of your fans when it comes sa paglalaro ng basketball… Wala yata siyang pinalagpas na mga laro mo…” paglalahad nito.

Every word that she said touches his heart. Bakit hindi man lamang niya napapansin si Yna sa tuwinang may game sila? Paano iyon nakalagpas sa kanyang paningin? Ibig bang sabihin ay matagal na rin itong may lihim na pagtingin sa kanya? Paano pang mabubuo ang pagmamahalan nila kung wala na iyon? Muli, naglandas ang kanyang mga luha.

“Bukambibig ka ng anghel ko, simula noon hanggang sa mga huling sandali ng buhay niya. Ibinilin ka niya sa’kin, ako na raw ang magpaliwanag sa’yo ng lahat, hindi raw niya kasi kayang salubungin ang emosyon mo… You leave footprints in her heart, ganoon ka kahalaga sa kanya kaya nagawa niyang itago ang isang katotohanan sa pagkatao niya…”

Gusto na niyang magising mula sa bangungot na iyon. He couldn’t find the words to say. His mind was in a limbo. Ang daming katanungang umuukilkil sa kanyang isipan ngunit hindi naman niya maisatinig.

“Iho, gusto mo bang malaman kung bakit ‘di niya tinugon ang pag-ibig mo gayong mahal ka naman na talaga niya?”

“I know the reason why Tita…” he replied.

“Hulaan ko kung ano ang sinabi niya sa’yo… Maybe she told you that she’s afraid to love and scared to be hurt, do I get it right?” pahayag niyon na tanging sunud-sunod na tango lamang ang naibigay niyang sagot.

“Tama naman iyon kaso lang may mas malalim pang dahilan…” pagpapatuloy nito.

Habang tumatagal ang pag-uusap nilang dalawa ay mas lalo pang tumitindi ang hiwagang bumabalot sa paligid. Ano bang hindi niya alam? Ano bang talaga ang katotohanan?

“I’m puzzled…” salubong ang mga kilay na baling niya sa kaharap.

“Ilang buwan na lang kasi talaga ang itatagal niya sa mundo eh… I never thought na magiging ganoong kabilis ang pagkuha sa kanya…” lumuluhang saad nito sa kanya.

“I couldn’t understand… What do you mean?”

“Brain cancer ang gumupo sa buhay niya iho… Kailan lang namin nalaman ang tungkol sa bagay na iyan, just last December… Kung hindi pa siya nawalan ng malay at isugod sa hospital, hindi pa namin malalaman ang totoo. We couldn’t believe na sinuong niya ang sakit na iyon ng mag-isa. And that’s the worst, alam na pala niya pero hindi niya ipinagtapat sa’min… She’s just twelve years old then pero hindi siya nagpatianod sa mura niyang edad…” hindi na napigilan nito ang pagbugso ng damdamin.

“I can’t believe this! Bakit tinago niya?”

“Gusto kong magalit sa kanya, gusto kong saktan siya ng mga oras na iyon pero ng sabihin niya sa’kin ang dahilan, hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya ng ubod higpit. Alam mo ba ang sabi niya, ayaw niyang makitang nagdurusa ang mga mahal niya sa buhay nang dahil sa kanya. Ayaw niyang masaktan ang mga taong nagbibigay ng saya sa kanya, mas gugustuhin na lamang raw niyang angkinin na lamang ang lahat ng sakit…” tugon nito na basing-basa na ng luha ang mukha.

“You’re so selfish Yna! You’re crazy! You’re insane! Mas lalo mo kaming sinaktan!” baling niya sa walang-buhay na katawan ng dalaga. “Aaaaahhhhh!!!” tangis niya samantalang ang ina naman nito’y hinahagod ang kanyang likuran.

“Tinuruan mo ko kung paano magmahal, ipinaramdam mo sa’kin ang tunay na kahulugan ng pag-ibig pero may nakaligtaan kang ituro sa’kin… You didn’t teach me how to let go, how to say GOODBYE…”

Kahit pa sabihing labing-isang taon na ang nakararaan nang mangyari ang masaklap na gabing iyon ng kanyang buhay, tila sariwang-sariwa pa rin iyon sa kanya. Pain and bitterness overwhelmed him everytime he’s reminiscing the past.

Ang lahat ay pawang naka-move on na sa nangyari, tanging siya na lamang ang magpasahanggang ngayo’y hindi pa rin tanggap ang pagkawala ng babaeng pinakamamahal.

Nang tumuntong na sila ng kolehiyo, mayroong isang babaeng nahumaling sa kagwapuhan niya bagama’t maganda iyon at mabait ay hindi pa rin matutumbasan nito ang katangiang angkin ni Yna. Ipinangako niya sa sarili niya na si Yna ang siyang kauna-unahan at kahuli-hulihang babaeng pag-aalayan niya ng pag-ibig. So what do you expect? Basted ang naabot sa kanya ng babae.

Upang hindi na muli pang maulit ang naganap na iyon, minabuti niyang baguhin ang sarili. From Michael he became Maycee, ang maging isang bading ang natatanging paraan para wala ng sinumang babae na mahulog pa sa kanya o kaya nama’y masaktan niya. Ang lahat nga ng kababaiha’y nalaglag ang panga nang isiwalat niya ang bagay na iyon. Pawang nadismaya ang mga iyon. Sa gwapo ba naman niya, sinong hindi manghihinayang? Mabilis niyang natutunan ang magkilos isang bakla, iyon nga’y nakasanayan na niya. Natuluyan na nga yatang talaga siya!

“Until now, mahal na mahal pa rin kita Yna… Hindi na ‘yun magbabago pa…”

PINAWI ni Maycee ang mga luhang bumagsak sa kanyang mga mata dahil sa sunud-sunod na katok na gumambala sa pagsesentimyento niya. Isinaayos na muna niya ang sarili bago tuluyang iawang ang pintuan.

“Manang kayo pala… May kailangan po ba kayo sa’kin?” saad niya nang mapagtantong si Manang Ising iyon.

“May naghahanap kasi sa’yo iho este iha…” sagot nito.

“Sino naman daw po? Baka isa na namang pong asungot iyan ahh… I can’t handle another one again! Ang sakit sa ulo!” Naiiling na turan niya.

“Loka ka! Ako, asungot? Tadyak gusto mo?” iyon pa lamang ang umentrang salita ngunit agad niyang nahinuha kung sino ang sinasabing bisita.

“Tinzaaaaaayyyyy!!!” tili niya sabay salubong ng yakap dito.

“Now tell me, asungot pala ahh….” si Chris.

“Never mind that, may isang babae lang kasing sumira ng araw ko…” hindi pa man siya natatapos ay umentra na ng tukso ang babae.

“Uyyyy! A girl? Sino? Iyan na ba ang solusyon para bumalik si MICHAEL? Sayang, nahuli ako ng ilang oras, disin sana’y nagpang-abot kami…”

“Nangangarap ka naman girl! Siya nga ang dahilan kung bakit nalimutan kong darating ka ngayon eh…”

“Ouuuccchh! Nakakatampo ka na talaga… Pansin ko nga kasi you’re ignoring may text and calls.”

“Pasensya na talaga… Kasama mo ba si Berting dear?”

“Ayy hindi! Inaasikaso ang hotel na tutuluyan namin… Ang hirap nga palang matunton ng house na ‘to, in fairness! Muntikan na kong maligaw.” saad nito.

“Bakit ba naman kasi nawala sa loob ko… Ano ba ‘yan! Ayy teka, nga pala, si Manag Ising, katiwala ng bahay… Mabait ‘yan at mapag-alaga…”

“Please to meet you po…” magalang na bati ni Chris.

“By the way, siya naman po Manang Ising si Chris, the friend na nakukwento ko po sa inyo…”

“Siya pala iyon, ‘yung kamong masayahin at makulit…” pahayag ng matanda na ikinakamot niya sa ulo. Mamaya kailangan na niyang ihanda ang sarili sa lupit ng babae.

“Talaga ‘tong baklitang ‘to, walang preno ang bunganga! Ibuking daw ba ko?”

“Slight lang naman friend… Peace!”

“Lilipad talaga ‘tong heels na ‘to sa ‘yo mamaya… Hintayin mo lang…” anito na may nakapanlilisik na mga mata.

“See Manang… Parang dragon noh? Grabe magbuga ng apoy ‘yan…” wika niya.

“Nakakatuwa nga kayong panuorin eh…” turan naman ng matanda.

“Pasensya na po kayo ahh…” hinging-paumanhin ng babae roon.

“Ayos lang iha… Matanong ko lang, sinubukan mo na bang sumali sa Beauty Contest iha?” pagkuwa’y tanong nito kay Chris.

“Hindi pa po ehh and I’m quite sure na hindi ako magiging qualified…”

“Ang arte nito! Tangkad palang panalo ka na pwera pa ang kagandahan mo… Wais na wais ka… Gusto mong mag-model? Kailangan kasi namin ni Trish para sa boutique… May fashion show chorba kaming pakulo… Sali kita ha?”

“Huwag mo ng tanggihan iha… Para ngang nakatunghay ako sa isang Ms. Universe ngayon eh… Napakaganda mo iha…” papuri pa ng matanda.

“Blushing! Ayyiiieeee!” tudyo niya.

“Nahiya naman ako ‘dun… Thanks for the compliment po… Uhhmmm… Maycee, let’s talk about that later…”

“Okay.” tugon na lamang niya.

“O paano ipaghahanda ko na kayong dalawa ng meryenda…” si Manang Ising.

“Maraming salamat Manang!” masayang pasasalamat ni Maycee.

 

About heidz18

i love reading romantic stories as well as i love writing stories.. to be a writer is one of my dreams :)

Talakayan

25 thoughts on “The Shadow of Your Smile – Chapter 4

  1. Sana cla na ulit ni yna. .

    Posted by eli | Nobyembre 1, 2013, 11:55 hapon
  2. hahahah!! , . .biruin mu un!
    c meyceeng bading! . .
    Lalaki pla dti! . . .hahahah! =D

    pachorva nya lng pala ung bading-bading ever!
    wahahahahah!! =)

    Posted by pazawaiy_1901 | Hunyo 20, 2012, 6:30 hapon
  3. i”m excited kung paano mapabalik c maycee into michael hmmmmmm

    Posted by marlie | Abril 2, 2012, 6:06 hapon
  4. . .so ngchange lng pla ng maycee c michael bcoz of yna the first love of michael…so iba pla ung yna na kabangayan nya ngyn.let me see nxt chapter pero la nqng gils.hahay..kyln kya kta matatapos.

    Posted by dadhay21 | Enero 29, 2012, 7:54 hapon
    • dear… hindi mo na-receive ang gils na nai-donate ko??
      ano bang username mo dear @dadhay21?
      thanks po sa pagbabasa🙂

      Posted by heidz | Enero 29, 2012, 8:09 hapon
      • . .hnd q pa po nare2cieve eh,opo dadhay21 po.qng my matitira po sa idodonate nyo skn ba2shn q pa po ung A Voice Beyond The Silence,mukhang interesting po eh nbsa qna ung teaser free lng ung teaser eh.tnx po sna marecieve qna.

        Posted by dadhay21 | Enero 30, 2012, 7:02 umaga
      • hello dear @dadhay21 ! i thank you a lot sa pagbabasa ng THE SHADOW OF YOUR SMILE… ahm…. ang A VOICE BEYOND THE SILENCE ang unang series,… actually, pangatlo na itong binabasa mo sa series… pangalawa naman ang NO MATTER WHAT (doon mo mas makikilala si Maycee)🙂

        gils donated! enjoy reading po🙂

        Posted by heidz | Enero 31, 2012, 4:37 umaga
      • . .ahm kc po nauna qnang nbsa ang the shadow of your smile kaya tinuloy-tuloy qna..ahe ang ganda kc,bbsahn q dn po ung dalawa para mas makilala qng maigi ang mga character.slmt po..cge po bbshn q ang a voice beyond the silent..

        Posted by dadhay21 | Enero 31, 2012, 7:37 umaga
  5. ay, ang hirap pala ng pinagdaanan ni maycee. yung pala ang dahilan kaya siya naging bading.
    grabe touched ako. nakakaiyak tong chapter na to.

    Posted by mae | Enero 20, 2012, 10:35 umaga
  6. ohh now,I get it,
    medyo naiintindihan ko na ung storya,,
    kakaiyak nmn aberr,,
    ganda di cu na ma wait magtagpo uli ung landas ni ynah at mike shehe

    Posted by purvletlove | Enero 18, 2012, 4:12 umaga
  7. Ouch.. Hirap nman nun.. Facing your own sick alone..

    Posted by Skye | Enero 9, 2012, 4:47 hapon
  8. ganun pala yun,kaya pala..saklap ng ngyari’kawawa naman si michael..

    Posted by kat08 | Disyembre 14, 2011, 10:40 hapon
  9. really nice story..

    Posted by Khristine | Disyembre 14, 2011, 5:15 umaga
  10. how sadd…

    Posted by ashleygreenefanatic | Disyembre 8, 2011, 2:01 hapon
  11. kawawa naman sya =(

    Posted by Yen | Disyembre 5, 2011, 11:08 hapon
  12. kakaiyak nga po..hays pero lalaki pa din si maycee hehe

    Posted by aiza | Oktubre 28, 2011, 2:39 umaga
  13. kaiyak naman nun..
    ang bitter ng past nia😦

    now i know….
    touch ako kay yna…

    Posted by annei _1990 | Oktubre 27, 2011, 2:23 hapon
  14. Heheh, Di sya tutuong gay. I’m excited.

    Posted by kropek49 | Oktubre 23, 2011, 4:44 hapon
  15. Ay ganun, magkakaphobia ka nga talaga sa love nyan

    Posted by kropek49 | Oktubre 23, 2011, 4:43 hapon
  16. aww! it hurts! kaya pala ganun

    Posted by mane9185 | Oktubre 17, 2011, 3:15 hapon
  17. god! naiyak ako sa nangyari kay yna at mike😦

    Posted by rielle | Oktubre 9, 2011, 9:32 umaga
  18. how sad nmn pala ang nangyari sa kanila ni Yna now i understand
    mka relate ba hahaha..

    Posted by mjmercado | Oktubre 7, 2011, 11:46 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2011
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: