binabasa mo ang...
The Shadow of your Smile

The Shadow of Your Smile – Chapter 3

The Shadow of your Smile

The Shadow of your Smile

“HINDI ako aalis dito hangga’t hindi ko naririnig ang paliwanag mo Maycee.” Pahayag ni Trish sa kaibigan. Kanina pa siya nakatindig sa may pintuan ng kwarto nito ngunit hindi pa rin natitinag iyon sa ginagawa. Prenteng nakadapa iyon sa higaan habang may binubuklat na magasin at pakuya-kuyakoy pa ang mga paa. Tila nga nagdaang hangin lamang ang mga sinambit niya. Dahil doon, hindi na siya nagdalawang-isip pang lapitan iyon at saka hablutin ang bagay na pinagkakaabalahan nito.

“Ayy kabayo ni Adan nahulog!” bulalas ni Maycee. “Ano bang problema mo sister?”

“Ikaw, ano bang problema mo? Kanina mo pa ko napupuno… You’ve already reached the boundary level.” balik niya rito.

“Do I really need to explain my side? Magkakaaway ba tayo nang dahil sa asungot na iyon?”

“Hindi ko maisip kung bakit ganyan ka sa kanya, nakikipagkaibigan lang naman ‘yung tao…”

“Mantakin mo ba naman kasing sabihing manloloko ako, sino bang hindi magpapanting ang tenga? Besides, I think my friend is enough, marami na kayong kaibigan ko at ayaw ko na siyang idagdag pa sa koleksyon ko… She’s not a qualified friend.” pag-iinarte nito.

“Teka nga, baka naman ikaw ang nauna… Hindi ka naman siguro pagsasalitaan ng ganun kung pinakitunguhan mo agad ng maayos…”

“Sino bang kinakampihan mo, ako na kaibigan mo o siya na mang-aagaw?” anang Maycee.

“Wala akong pipiliin at lalong wala akong pinapanigan sa inyo… I just want to open your mind. Wala namang ginagawang masama ‘yung tao sa’yo kahit sa’kin pa, so there’s no reason para tratuhin mo siya ng ganyan…” paglilinaw niya.

“E sa hindi ko talaga siya feel eh! What can I do? Mas alangan naman kung makikipagplastikan ako, ‘diba?” anas nito.

“This is not our first time to meet her. We already witnessed how nice person she is…” pagbabakasakali pa rin niya.

“Mahirap nanag magtiwala sisterets! Malay ba natin kung pakitang-tao lang ang lahat? Saka, tumatak na sa utak ko na she’s a jerk… First impression last…”

“Hay buhay! Sa lahat ng sinabi ko, may nakalaan ka ring sagot. Hindi ka talaga patatalo… Ano bang gagawin ko sa’yo?”

“You have nothing to do sis. Let’s stop this argument. Hindi na talaga mababago ang tingin ko sa malanding babaeng iyon…”

“She doesn’t deserve those words of yours… To clear, hindi naman niya inagaw si Neil eh…”

“Ganun pa rin iyon!”

“Ito na lang ang pakiusap ko Maycee, kung hindi talaga panatag ang loob mo sa kanya, huwag mo ng ipaglandakan pa ‘yun… Please respect her. Hindi naman siya bato para hindi masaktan. Remember, she’s a woman…”

“Wala naman kaming pinagkaiba ah… Pare-parehas lang tayo,” banat nito.

“Ewan ko sayo!”

“Okay, I’ll try to be kind with her some other time but I can’t assure you… Isang maling galaw niya lang, malilintikan na siya sa’kin.” pagbabanta nito.

“Sana lang huwag kang gumawa ng eksena sa kasal ko,” nausal niya dahil imbitado si Yna sa pinaka-importanteng araw niyang iyon.

“Iyon naman ang maipapangako ko sa’yo… I will never ruin your wedding… Behave lang ‘to…” he said with assurance.

“Promise?”

“I promise… I swear, cross my heart…” wika nito na inilagay pa ang kamay sa tapat ng puso.

“Inaasahan ko ‘yan ahh… Kundi naku! Ewan ko na lang…”

“Oo nga! Maiba nga pala tayo, parating na nga pala rito ‘yung kaibigang naikukwento ko sa’yo…” pagbabago nito ng topic.

“Really? What’s her name again? Sa pagkakatanda ko, Tinzzay yata…”

“Pet name ko lang iyon sa kanya… Chris Thalia is her real name…” tugon nito.

“Cute name! Finally, hindi ko na kailangan mag-imagine kung ano ang hitsura niya…”

“Tama! At last!”

LUBOS ang pasasalamat ni Maycee nang matapos na ang usapan hinggil sa isyu sa kanilang dalawa ni Yna. Tumaas talaga ang presyon niya sa babae nang sabihin nitong isa siyang manloloko gayong wala naman iyon sa posisyon para pagsalitaan siya ng ganoon. Sino ba siya?

Nasaktan at natapakan nito ang kanyang ego kaya mistulang armalite ang bunganga niya sa katatalak at kasasabat kanina. One factor pa ang pangalan nito! Bakit kasi iyon pa ang pinangalan sa bruhildang babaeng iyon? Hindi pa ba sapat ang minsang may nakasagupa siyang ganoon din ang ngalan?

Ilang siglo man ang lumipas ay hinding-hindi na matatabunan pa ang isang malagim na alaala na kanyang sinusumpa sa buong buhay niya.

“Naks pare, napabilib mo ko! Napapadalas na ang pagkikita niyo ni Yna ahh… Kamusta na ba ang estado niyo? Napasagot mo na ba?” untag ng kaibigang si Paul sa kanya.

“Ang bilis naman niyon Paul! Kahit ako, gusto kong kilitasin akong mabuti ni Yna…” sagot niya.

“Gumaganun?”

“Dapat lang! ‘Di yata’t tinitingala siya ng lahat… By the way, kamusta naman kayo ni Lou?” siya namang usisa niya sa kaibigan.

“Nasa critic level…” may langkap pang buntong-hiningang saad nito sa kanya.

“Sinabi ko naman sa’yong parang dragon magalit ang babae, ‘diba?”

“Para biro lang naman eh! Kahit kailan, hindi ko siya magagawang ipagpalit.”

“Sa lahat ba naman kasi ng biro, iyon pang komplikado ang naisip mo… Luwag din ng turnilyo mo sa utak noh… Tapos, ang ituturo mo pang babae, iyon pang mahigpit niyang karibal… Sino bang hindi magpupuyos sa inis doon?”

“Kita mo ‘to, namomroblema na nga ang tao, ginatungan pa talaga! Anong klase kang kaibigan?” pagdadrama nito.

“Kasalanan mo naman kasi talaga…”

“Full charge ka, ang lakas ng gana mong mang-alaska eh! Palibhasa may Yna ka na…”

“She’s still not mine…”

“She will be yours soon… Malapit na Valentines ahh, oras na para dumiskarte ka… Tamang-tama, JS natin! Kailangang makuha mo na ang matamis niyang OO…”

“Ang korny mo!”

“Kunwari pa pero gagawin din naman…” naiiling-iling na sambit nito.

Sa ipinahayag na iyon ng kanyang kaibigan ay bigla siyang napaisip. Will he take it or not? If he will not grab the chance, may posibilidad na maunahan siya ng iba. Kailangan niyang makaisip ng tumpak na ideya na kahuhumalingan ng babae. What about dozen of red roses? Chocolates? Letter? What about a memorable kiss? Agad na napailing siya sa huling naisip. Tinanggal at binura niya iyon sa kanyang isipan. Hindi naman kasi siya katulad ng ibang lalake na mapusok sa mga hakbang. Hindi pa niya maaatim na angkinin ang malalambot na labi ng dalaga. They’re too young for that.

KABILANG sa dance troupe ang babaeng napupusuan niya.Sa pag-indayog ng beywang nito, sinumang lalaki’y mapapalingon. Nakaka-in love talaga! Nawawala tuloy siya sa konsentrasyon sa paglalaro ng basketball. Right, he’s the ace player of the varsity. Matinik siya pagdating sa paghawak sa bola kaya siya ang binabantayan maigi ng mga kalaban.

“‘Tol, focus on the game! Lumilipad na naman ang tingin mo…” gatol ni Paul na tinapik pa ang kanyang balikat.

Everyone is busy preparing for the Intramurals. This is one of the awaited events in the school year. At syempre, hindi mawawala ang iba’t ibang booths at ang mga hiyawan ng mga estudyante sa kani-kanilang bet na team mapa-basketball pa iyan, volleyball o kaya’y badminton. Ang JS Prom naman ang siyang magiging hudyat ng pagsasara ng programa na siyang pinakaaabang-abang ng ating mga Juniors at Seniors. Isa na siya roon!

After those happy-go-lucky moments, everything would be back to normal. Regular class na naman! Reviewhan na!!! It’s for the final examination. It means na kailangang lubus-lubusin nila ang maliligayang sandali nila. Dapat masulit…

“Game, practice!” masiglang aya niya sa mga ka-teammate.

JUNIOR-SENIOR PROMENADE. Lahat ay pawang abala para sa magiging makulay na gabi nila mamaya. Romance will going to fill the place. Ang iba’y dumarayo pa talaga sa parlor para maging bongga ang hitsura. Ang bawat isa’y nagnanais na magningning sa gabing iyon at naghahangad na masungkit ang “Prom Queen” at “Prom King”.

Siguradong-sigurado naman siyang si Yna ang siyang magwawagi, wala ng makakaagaw pa sa trono nito. He needed to caught her eyes but he knows to himself that he can’t take off of his eyes of her once he strared at her appearance. Ngayon pa lang nai-imagine niya na ang magiging ayos ng dalaga. So hot and sexy! Nasisiguro niyang mas lalo pang lulutang at mangingibaw ang kagandahan nito. Baka maging tuod na naman at hindi na masagawa ang inhindandang sorpresa.

“Michael Soriano, you can do it!” pagpapalakas-loob niya sa sarili na inayos pa ang pagkakabuhol ng tie sabay wisik ng perfume sa katawan.

“Ang sangsang naman sa ilong ng pabango mo anak… Kulang na lang, ipampaligo mo na ang pabango…” untag ng ina sa kanya.

“Ma, ito kaya ang pinakasikat na brand ng pabango…” tugon niya.

“Wala naman sa brand iyon eh…” sagot naman  ng ina.

“Alam ko po… Ma, how do I look?” may himig pag-aalalang baling niya dito.

“Isang ikot nga iho…” utos nito na tinalima naman niya. “Perfect! Namana mo talaga ang kagwapuhan ng daddy mo…Uyy, ang uniko iho namin, nagbibinata na! May pinopormahan ka siguro kaya conscious ka sa sarili tonight…” tudyo pa ng ina.

“I’m growing up Ma…”

“Asus, nothing to worry my darling, paniguradong magiging malakas ang tama sa’yo ng kung sino mang babae iyan… Don’t forget to introduce her to us ahh…” may pakindat-kindat pang bilin nito.

“Si Mama talaga… Nambobola na lang kayo eh…”

“Am I? Hindi kaya… O siya, lumarga ka na, baka ma-late ka pa niyan… Enjoy the night darling…”

“I look good talaga Mama ah…”

“Oo nga… Ang kulit talaga ng anak kong ‘to…” saad nito sabay pisil ng tungki ng kanyang ilong.

“Thanks Ma! See you later…” pamamaalam niya na humalik pa sa pisngi nito.

Naiwang iiling-iling na lamang si Mildred.

“WAITING for someone?” a familiar voice asked him. Sa kanyang paglingon ay ang isang maamong mukha ang kanyang nabungaran. Ang mala-anghel na mukhang kanina pa niya inaabangan ang pagsulpot.

“Yes.” may ngiti sa labing sagot niya.

“Who’s that lucky girl?” usisa nito.

“What if sabihin kong ikaw…. Maniniwala ka ba?”

“You’re freakin’ me out! Tell me, are you? Ilang oras ka namang naghintay?” natatawang saad nito.

“I’ve waited for you for so long…” matalinghagang tugon niya.

“Alam mo nagkulang ang nurse mo sa tinurok na injection sa’yo… Mabuti pa, pumasok na tayo sa loob… The cotillion is about to start.” pahayag nito sa kanya.

Lahat ng mata’y sa kanila nakatuon nang makapasok sila sa loob.He’s the luckiest man in the world to walk with this stunning girl. Isa pang ikinatutuwa niya ay ang makapareha iyon sa cotillion. Alam niya nang mga sandaling iyon na kinaiingitan siya ng mga lalaki dahil ang babaeng iyon ang siyang ka-partner niya na siya namang inaasam ng mga kalalakihan.

When they were about to dance, he breathe in and out. Sobra ang nerbyos niya, baka kasi siya pa ang magdala ng kamalian sa kanilang dalawa. Nalimutan na nga yata niya ang steps eh! How horrible!

“Relax ‘tol!” pagpapakalma ni Paul sa kanya.

“Here comes the most exciting part of being a highschool… We’re now presenting you our chosen dear Juniors and Seniors for the cotillion.” announced by the Emcee.

This is the moment!

Nang makalapit na siya kay Yna, muli ay nakita niya ang nakakabaliw nitong ngiti. When his skin touching hers, it feels like… Love is … running into his arms, colliding with his heart, and exploding into his soul… Hindi na nga niya napansin kung paano nagawa niyang tapusin ng walang mali ang sayaw na iyon. Wala na siya sarili!

“Wow! You’re improving… In fairness, hindi mo ko natapakan…” ani Yna sa kanya pagkaraan.

“Ohhh that’s good…” tanging nasagot na lamang niya dahil hindi naman talaga niya maalala kung ano ang nangyari. Ang bilis!

Sandaling natahimik ang lahat, galit-galit muna. Kainan time! After that is the moment of truth. Maisasayaw kaya niya ang dalaga? Pinangungunahan na naman yata siya ng kaba. Again and again!

“Absent-minded ka na naman bro! Napaghahalatang ang lakas ng tama mo kay Yna… Naks, bumibida kayo ahh… Star of the night…” si Paul.

“Naamo mo na ba si Lou?” pag-iintriga niya.

“Si iwas oh! Ayos na po kami… Kanina pa ko salita ng salita dito, ‘yun pala wala man lang pumasok diyan sa kukote mo… Pambihira ka talaga!”

“Pasensya naman…”

“Tsk… Tsk… Tsk… Malala na ‘yan pare…”

“Sira!”

“MAY I dance this gorgeous lady in front of me?” Michael asked while gazing at those little brown eyes of her.

“Pwede ba namang tanggihan ko ang ace player ng campus?” turan naman nito. Hindi niya alam ngunit medyo nakaramdam siya ng kirot sa puso. Iyon ay sa kadahilanang baka sumang-ayon iyon nang dahil lang sa pagiging sikat niya sa larangan ng basketball.

“Wala man lang ba siya kahit konting pagtingin sa’kin?” naisaloob niya.

“Why it seems na parang ‘di ka nasiyahan sa sagot ko? May mali ba?” tanong ng kaharap.

“No, it’s actually an honor to dance such a magnificent lady as you are…” saad niya na sinubukang salubungin ang mga mata nito.

“Kanina ko pa napapansin ang pamomola mo ahh…”

“Hindi naman talaga kita niloloko eh…”

“Sige na po naniniwala na ko… Halika na sa dance floor, sige ka baka magbago pa ang isip ko…” hatak nito sa kanya.

Sadyang mapagbiro ang kapalaran, nang nasa gitna na sila ng court ay bigla ba namang nagbago ang saliw ng tugtugin. It’s became more sweet, romantic music.

And even if the sun refuse to shine 
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart
Until the end of time
You’re all i need
My love, my valentine

“Yna…” panimula niya.

“Hmmmm…” she murmured.

“May ipagtatapat ako sa’yo…”

“Ako din may sasabihin sa’yo…”pahayag ni Yna na nagpabigla sa kanya.

“Okay, ladies first…”

       “Hindi uso sa’kin ang ladies first kaya ikaw muna ang mauna tutal ikaw una nagsabi eh…” anito na nagpanginig sa kanya. Naloko na, umurong yata ang dila niya… “I hate the way you look at me… Natutunaw ako…” pahayag pa ng dalaga.

“If I were an ice then you were the fire…” makahulugang saad niya.

“Ohhh… Do I make you warm?”

“You give heat to my heart Yna… Since grade one until now, I love you…” pag-amin niya sa tunay na damdamin.

“Too long… You hide your feelings for nine years… Ohh… I can’t believe this…” manghang tanong ng dalaga sa kanya.

“Yeah…”

I’ve dreamed of this a thousand times before 
In my dreams i couldnt love you more
I will give you my heart
Until the end of time
You’re all i need
My love, my valentine

Bumalot ang katahimikan sa paligid. Tanging ang mga mata lamang nila ang nangungusap sa isa’t isa. Hanggang sa putulin niya iyon.

“Loving you secretly is a hard thing for me to do,hoping, wondering that you will feel the same way too, but I can’t read your mind if you love me too. But whatever it is, I’ll still be loving you.” madamdaming saad niya.

About heidz18

i love reading romantic stories as well as i love writing stories.. to be a writer is one of my dreams :)

Talakayan

21 thoughts on “The Shadow of Your Smile – Chapter 3

  1. Nkakatouch nman

    Posted by eli | Nobyembre 1, 2013, 11:41 hapon
  2. aun barako nman c ateng nun bkt kya?

    word to notice lng po. jerk i think refers to a man not an adj for a woman..:)

    Posted by aileen | Oktubre 21, 2013, 11:48 hapon
  3. oooohhh, . .ang sweet nman😉

    hmmm. . .i smell smethng!!hahahahah!!!

    Posted by pazawaiy_1901 | Hunyo 20, 2012, 4:29 hapon
  4. ang sweet naman pla ni michael eh. . .. 😄

    Posted by prettii_ren | Abril 13, 2012, 6:23 hapon
  5. . .i remember my high school lyf,,,hahay ngkaron para ng pgtingin c maycee kay yna..bkt kya sya ngyn glt kay yna.next chapter la nanaman gils kht ung sang account q la na dn.ipon muna hay kakabitin naman.

    Posted by dhay2x | Enero 28, 2012, 2:41 hapon
  6. kilig. hopeless romantic palang tong si maycee nung michael pa sya e. hehe. galing.

    Posted by mae | Enero 19, 2012, 10:55 umaga
  7. ang drama mo bro,,kakakilig at ayan naiintriga na ko haha

    Posted by purvletlove | Enero 18, 2012, 2:14 umaga
  8. kilig

    Posted by amalto1 | Enero 5, 2012, 2:48 hapon
  9. kilig naman ako ate heidz…next chapter na,gusto ko malaman kung bakit naging maycee si michael..

    Posted by kat08 | Disyembre 14, 2011, 10:29 hapon
  10. grabe now q lang to nabasa sayang nman pala

    Posted by eirenecayne | Nobyembre 18, 2011, 4:14 hapon
  11. kilig naman ang sweet nila. . . .

    to @hiedz ahm parang sia pero parang hindi jjejeje..
    ill found it out…🙂

    Posted by annei _1990 | Oktubre 27, 2011, 2:06 hapon
  12. No other woman for him kaya sya magkaganun? They’re so cute

    Posted by kropek49 | Oktubre 23, 2011, 4:29 hapon
  13. kalurrrkey! may ganyan palang nalalaman si maycee noon eh haahahhaa… super uber traumatized cgro siya

    Posted by mane9185 | Oktubre 17, 2011, 3:01 hapon
  14. wow swit nmn pala ni maycee ay ni michael pala nung kabataan nya hihihi..

    Posted by mjmercado | Oktubre 7, 2011, 11:31 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2011
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: