binabasa mo ang...
The Shadow of your Smile

The Shadow of Your Smile – Chapter 1

The Shadow of your Smile

The Shadow of your Smile

“FRIEND, may gusto akong itanong sa’yo… Actually, dapat noon ko pa ito itatanong eh… Basta, without offense meant ah,” pahayag ni Trish sa kaibigang si Michael a.k.a Maycee habang karga ang munting anak na si baby Frank.

“Ito namang si sisterets parang hindi ko kaibigan, magkapatid na nga turingan natin eh! Sige lang, go lang! Basta ba mala-Beauty Queen ang question… Na-excite naman ako,” tugon naman ni Maycee.

“Is it a Q and A portion? Nakakaloka ka talaga! Kasi ganito ‘yun… Paano ko nga ba itatanong in a nice way? Ahhh… ehh…” medyo naaalangan na niyang turan.

“Ah, eh, ih, oh, uh… Sister naman eh, pabitin effect! Ano na?” naiiiling na bulyaw nito.

“Ssshhh… Volume mo, pakihinaan naman… Aba’t ang hirap yatang patulugin ni baby,” suway niya.

“Pasensya naman po… Peace!” Hinging-paumanhin nito sabay peace sign. “Ikaw naman kasi, ayaw pang diretsahin… Alam mo namang ayaw ko ng liguy-ligoy, ‘diba?” dagdag pa nito.

“Oo na… Eto na po…”

“Siguro mas maganda kung ibaba mo muna si baby Neil nang makapag-usap tayo ng maayos… Heart to heart talk.” Saad nito na agad naman niyang tinalima.

Nang maiayos na ang sanggol sa kuna’y kanyang binalingan naman ang kaibigan. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago napaupo sa couch na naroon.

“Magtititigan na lang ba tayo rito? Huwag mong sabihing may problema na naman kayo ni Neil… Ikakasal na lang kayo, magkakaaberya pa… Naku naman!” Anito na nasapo pa ang noo.

“Iba talaga takbo ng isip mo ‘no… Hindi tungkol sa’min… It’s regarding you… Kasi I just want to know kung paano mo narating ang stage na ‘yan? I mean, paano ka nag-start na maging gay, kailan mo naramdaman? Hindi naman marahil inborn ‘yan,” hinaluan ng biro na saad niya.

“Asus! Iyon lang naman pala… Wala namang kaso ‘yun sa’kin ‘no… Nothing to be afraid of…. How did I begin to be like this? Wala lang, kusa ko lang naramdaman… Ang hirap i-explain.” Sagot nito na napapakamot sa ulo.

“Baka naman kasi may real reason behind…”

“Gaya ng…”

“I don’t know, basta! Hindi ka man lang ba na-attract kahit minsan lang sa isang babae… Lalaki ka pa rin naman eh kahit bali-baligtarin mo ang mundo… Sa totoo nga, pwedeng mabulag sa’yo ang mga kababaihan, gwapo ka eh! Pati nga ko baka ma-fall out of love sa’yo…”

“Ano raw? Nakainom ka na ba ng gamot?” nangingiwing saad nito.

“I’m not telling a lie… Totoo nga…. Kung hindi lang talaga ko baliw sa pagmamahal kay Neil, nahulog na ang loob ko sa’yo noon…”

“Sabagay, kakaiba naman talaga karisma ko ‘no… Matagal na ‘tong maganda!”

“Final na talaga iyan? Hindi ba posibleng magmahal ka ng isang babae? Hindi ka ba na-in love noon?” usisa niya.

“Wow! Ayaw mo naman akong lunurin niyan sa mga tanong… Showbiz!”

“Serious nga kasi… Ngayon lang ako naglakas-loob oh kaya umayos ka diyan!” udyok niya.

“I’m happy to be this way… Hindi ba kayo masaya for me? Ayaw niyo ba? Saka, ayoko ng magpakalalaki, baka dagsain lang ako ng mga babae…”

“Ang hangin! Gumaganun? Haayyy! Sayang naman kasi mala-Adonis mong kakisigan,” bagsak ang mga balikat na saad niya.

“Huwag ng ma-sad… Bawal ang sumimangot lalo pa’t malapit na ang awaited wedding mo… Sa wakas!”

“I can’t wait Maycee… I’m so excited… Pwede bang hatakin ko ang oras?”

“Hahahahahahaha! Ilang tulog na lang naman… I’m really so happy for you… Congratulations!” Pahayag nito na hindi na napigilang yakapin ang kaibigan.

WALA sa kondisyon ang utak ni Maycee ng gabing iyon. Muli kasing nabuhay ang kumukulong dugo na nananalaytay sa kanyang ugat. Nagsimula iyon noong intrigahin siya ni Trish kanina. Hindi niya alam kung bakit muling nanaig ang poot na pinakatago-tago niya sa mahabang panahon.

Everything happens for a reason. Katulad na lang kung paano niya tinahak ang landas na kinasadlakan niya ngayon. Heto’t muli na naman niyang naalala ang nangyari noon na nagmarka sa kanyang pagkatao.

“May problema ba? Bakit mo ko pinapunta dito?” aniya kay Paul, his bestfriend for almost seven years.

“Kailan ka ba kasi kikilos ‘tol? Mauunahan ka pa niyan eh!” Sagot nito.

            “Pinapunta mo ko dito para lang sabihin sa’kin yan? Ang buong akala ko pa nama’y kakausapin mo ko para ayusin ang gusot niyo ni Lou, iyon pala hindi! Kakaiba ka rin talaga!” Nananakit ang ulong saad niya rito.

            “Ako na ang bahala kay Lou…  We have a deal, ‘diba? Pwes, gawin mo kung ano ang napag-usapan….” anas pa nito.

            “Naghahanap lang kasi ako ng tiyempo… Huwag kang atat!” Sagot naman niya.

            “May patiming-timing ka pa ngayong nalalaman… Nakakarami na ang iba, ikaw, bokya pa rin! Alam mo namang si Yna ang Diyosa ng campus, maraming nakahilera! Nasa pinakahulihan ka na!”

            “Huli man, di pa rin pahuhuli,” pilit niyang ipinakita sa kabigan ang kumpiyansa kahit pa sabihing ninenerbyos na siya.

            “Siguraduhin mo lang na sa una pa lang na paggalaw mo ay makakapuntos ka na… Baka puro hangin lang iyan… Bakit hindi mo subukang sa kanya magpalipad-hangin,” tudyo nito.

 

            “Hindi pa naman ako nagsasalita ng tapos ahh at lalong hindi ako nagyayabang… Darating din naman kasi tayo sa puntong iyon eh!”

            “Hindi nga makaabante eh… Walang nangyayari… Tsk. Tsk. Tsk.”

            “Matuto kasing maghintay?”

            “Tapos ano? Mauuwi din naman sa wala? Kapag oras na nakita ko si Yna, ipagduduldulan kita sa kanya para wala ka ng kawala pa…”

            “Wala namang ganyanan…”

            “Then make a move!” paghahamon nito.

            “Alam mo, daig mo pa ang babae kung tumalak! Ang sakit sa ulo!” napabuntong-hininga pang turan niya.

            “Speaking of, padaan na si Diyosa…” anito na nagpalingon sa kanya sa direksyon na tinitignan ng kaibigan.

            Yna is known to be the “Goddess” of their campus dahil sa mala-krema nitong kutis. Animo’y isa itong anghel na sinugo sa lupa. Nakakasilaw ang ganda! Sa tuwinang pagmamasdan niya iyon, pakiramdam niya lumulutang siya sa alapaap. Masilayan pa nga lamang ang maamong mukha ng dalaga’y kumpleto na ang araw niya! He’s been crazy of her ever since grade one until now. Kasalukuyang nasa ikahuling yugto na sila ng highschool. Nearly to graduate pero magpasagayunpaman ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng lakas ng loob na lapitan ni kausapin man lamang ang babae. Paano, sa tuwing susubukan na niyang dumiskarte agad naman siyang pinangungunahan ng kaba.

            Ang sabi ng ilan, may pagkamataray daw iyon ngunit binabalewala niya lamang ang mga iyon. Sa hitsura ba namang iyon, sino bang hindi mabibihag? Hindi niya paniniwalaan ang mga sabi-sabi hangga’t hindi pa niya iyon napapatunayan.

            “Uy, makukuntento ka na lang ba sa pasulyap-sulyap?” si Paul.

            “Bakit naman hindi? Smile pa lang nakakabusog na… Panalo!”

            “Mas maganda siguro kung harap-harapan mong sabihin sa kanya iyan… Anong ng plano mo ngayon? You’ll face her or else ipagtutulakan kita… It’s now your turn!”

            Hindi na siya nakakibo pa sa sinabing iyon ng kasama, tanging isang pekeng ngiti lamang ang kanyang naitugon. He knew Paul very much, kung ano ang maisipan nito ay talagang gagawin nito. Bago pa man siya lalong malagay sa kahiya-hiyang sitwasyon ay uunahan na niya iyon. Hirap man ay pilit niyang inilakad ang sariling mga paa upang marating ang pwesto ng babae.

            Nang makarating na siya sa tapat ng inuupuan nito ay sandaling napanakaw-tingin pa siya sa dalaga. Pinakatitigan niya iyon hanggang sa mag-angat na iyon ng mukha. Patay na! Huli!

            “Yes?” kunot-noong baling nito sa kanya.

            Nabibingi na yata siya ng mga oras na yaon, tanging ang pagkabog lamang ng kanyang puso ang namamayani sa kanya.

            “Hey, are you okay?” wika nito na ikinampay pa ang mga kamay sa tapat ng kanyang mga mata. Tila tumalab naman iyong ginawa ng dalaga upang magising ang kanyang diwa at makabalik siya sa realidad.

            “Ohh… I-I’m sorry… I just wanna ask if I can sit over here,” he finally asked.

            “Haaayy! Iyon lang naman pala! Akala ko naman, natulala ka ng talaga!”

            “So, is that means that you’re giving me the permission?” muli niyang tanong.

            “No problem,” she answered, a sweet smile curved her lips.

            “Thank you,” may ngiti sa labing turan niya. Today his life begins!

NAPANGIWI na lamang si Maycee sa sunud-sunod na pag-ring ng kanyang cellphone na siyang pumutol sa pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan. Hindi pa nga niya nararating ang climax eh! Parang teleserye lang, to be continued…

Wala sa loob na kinuha niya ang cellphone, hindi man lamang siya nagka-interes na sipatin kung sino ang Herodes na caller niya. Agad na lamang nitong pinindot ang call button.

“Hello…” walang ganang bati niya.

“Hello Maycee!!! Tama ang hinala ko na gising ka pa rin kahit disoras na ng gabi…” anang caller.

“Tinzayyyyy! Istorbo ka talaga kahit kailan!” Hiyaw niya rito.

“Ooopppsss! I’m sorry, naabala pala kita… O sige na ibababa ko na… Bye…” malungkot na saad ni Chris, malapit na kaibigan niya.

“May ganun? Na-miss lang kasi kita… Ito naman…” pampalubag-loob niya.

“If I know, nambobola ka lang!” Paghihinampo nito.

“Tama na nga ang drama… Bakit ba naisipan mong tumawag? Bakit gising ka pa? Hala, malalagot ako niyan kay sweet mo,” pahayag niya na ang tinutukoy ay si Robert, ang kasintahan nito.

“Hahahaha! I just brought you a good news na hindi na makakapaghintay pa…”

“Sounds exciting! What is it? Don’t tell me na napapayag mo na ang sweet mo na magbakasyon muna dito sa Batangas at maka-attend na rin sa wedding ng sisterets ko…” hinuha niya.

“A big big YESSSS! Tutulak na kami diyan bukas na bukas din! Invited talaga kami ahh… Ang kapal talaga ng face ko!”

“Ang saya-saya naman! Finally, maipapakilala na rin kita kay Trish…”

“Shy ako… Hindi naman kasi kami magkaanu-ano pero pinadalhan pa rin niya kami ng invitation… Engrande ang wedding ah!”

“Ngayon ko lang nalaan na may natatago ka pa palang hiya riyan sa katawan mo… Sus, wala namang kaso ‘yun kay Trish, when the two of you met, paniguradong magkakasundo kayo… Bonggacious talaga ang kasal, nakwento ko naman sa’yo ang nakakaantig na love story nila ‘diba?”

“Yeah… So inspiring… Basta kitakits bukas ahh… O siya, goodnight na, I mean mornight na pala! Ipagpatuloy mo na ang nabinbin mong gawain…” turan nito.

“Ang arte mo talaga! Wait kita tomorrow ahh… Matulog ka na! Sweet dreams… See you when  I see you!” Paalam niya.

“Okay. Take care!” huling katagang binitiwan ng kausap.

Pagkaraan ng pag-uusap na iyon ay nangingiti siyang napahiga sa kama. Malapit na kaibigan niya si Chris simula pa noong kolehiyo. Laking tuwa nga niya dahil hindi naputol ang komunikasyon nila sa isa’t isa eh! They actually know each other’s secret. Noon pa man hindi na lingid sa kanya ang pagtinging ipinupukol ng kaibigan para kay Robert a.k.a Berting kahit pa may gusto ang binata sa ate nito na si Claire na malapit din sa kanya. Chris was in a very complicated situation that pushed her to hide her feelings towards him. Kay tagal ding pinantasya iyon ng kaibigan bago naamin ng lalaki sa sarili na ito pala ang mahal niya. He’s very happy for the two of them.

Romance is in the air, full of bliss and love, iyan ang pumapalibot sa kanya. He became the witness of two couple’s lovely story. Sa susunod na linggo lang ay ikakasal na sina Trish at Neil and he expected that the next wedding bells that they would be hearing are for Chris and Robert.

Ako kaya, kailan muling magkakaroon ng kulay ang buhay?” makahulugang tanong niya sa sarili.

NAGSALUBONG ang kilay ni Maycee nang bumulaga sa kanya ang mukha ni Yna. Ang babaeng kaharap niya ngayon ay ang dating nobya ni Neil. Aba’y balak pa yatang humabol ng bruha sa eksena! Well, she’s too late dahil wala nang makapipigil pa sa pinakaaabangang kasalan ng bayan.

“Miss, kung may pinaplano kang hindi maganda, mabuti pang huwag mo ng ituloy dahil wala ka ring mapapala!” sarkastikong panimula niya.

Sa kanyang isinaad ay mababanaag sa dalaga ang pagkabigla. Hindi naman iyon ang unang pagkikita nilang dalawa. They’ve already met in the restaurant a month ago. He can’t forget that scene in his life! Ang pagbabalik niya sa pagiging isang lalaki!

            “Ako ipakikilala mong asawa mo? Lukring ka na talaga! Ayoko nga! Manigas ka…”untag niya kay Trish.

            “Please do me a favor… Sige na naman…” pagmamakaawa nito.

            “Sa lahat ba naman na maaaring ipakilala mong asawa mo ay ako pa ang napili mo… Hindi naman ikaw ang gusto ko noh… Si Papa Neil!”angal pa rin niya kung saan nakaani siya ng batok mula sa kaibigan. “Aray naman!”

            “Sundin mo na kasi ako… Ngayon lang naman…” pakiusap pa rin nito.

            “Nah!!!” pag-iinarte niya.

            “Please Maycee… Hindi na niya kailangan malaman pa ang tungkol sa baby namin…Besides, he’s having a new life… A life that doesn’t include me anymore…”

            Sa ipinahayag na iyon ng dalaga’y tila nahaplos naman nito ang kanyang damdamin kaya nagdesisyon siyang pagbigyan na ito.

            “Okay, sige na nga po… Huwag ka ng mag-drama diyan… I’ll gonna do this dahil friends tayo… Pero I want you to know na hindi pa rin ako sang-ayon sa gusto mo…”

            “Thank you Maycee… I love yeah…”

            “Tigilan mo nga ko… Bruha ka talaga!”

            “Ooopppsss! Watch your voice…”

            “Okay.” tugon niya sa panlalaking boses.

            “Perfect!”anito na pumalakpak pa.

Naiiling natatawa na lamang siya sa alalahaning iyon. Kung tutuusi’y mas malala pa ang mga sumunod na nangyari. Bigla pang nag-init ang dugo niya nang marinig ang pangalan ng sinasabing nobya ni Neil, Yna! Of all the names, iyon pa! Ayaw na ayaw niya nang marinig pa ang pangalang iyon!

“To tell you I’m not here para manggulo… I just want to talk to Trish…” paliwanag nito na nagpabalik ng kanyang diwa.

“Para sabihin ko sa’yo, kabisado ko na ang mga linyang ‘yan… Waring kakausapin pero may masama palang balak! Hindi mo na ko maloloko…”

“Excuse me, sino ba ang manloloko sa’ting dalawa? ‘Diba ikaw nga ‘tong nagpanggap na asawa ni Trish… Ang laki ko ngang engot dahil nabilog mo kami na lalaki ka…” asik nito.

“Aba, ang tabil din naman ng dila mo noh…Hindi mo alam ang buong istorya kaya wala kang karapatang pagsabihan ako niyan!” nanggagalaiting balik niya.

“Guys, what’s going on here?” kunot-noong saad ni Trish.

 

About heidz18

i love reading romantic stories as well as i love writing stories.. to be a writer is one of my dreams :)

Talakayan

22 thoughts on “The Shadow of Your Smile – Chapter 1

  1. Ganda ohh dahan dahan lang sa pag aaway. : )

    Posted by Yen | Pebrero 27, 2014, 7:49 umaga
  2. ay hehe go maycee..mas mataray ka pa kay yna huh.

    Posted by Sherilyn | Hulyo 31, 2013, 1:05 hapon
  3. kulit naman,hehe

    Posted by empty | Marso 30, 2013, 6:40 hapon
  4. ala ui… ang kulit. . . . lol

    Posted by prettii_ren | Abril 13, 2012, 6:05 hapon
  5. . .ahe marami pa aqng chapter na babasahin la na agad aqng gils interesting to grbe bangayan nla yna at michael este maycee.next chapter na pagiipunan q muna hahay..

    Posted by dhay2x | Enero 28, 2012, 1:28 hapon
  6. nakakatawa tong chapter na to. saka may lihim pala itong si maycee a.. hehe

    Posted by mae | Enero 19, 2012, 9:54 umaga
  7. kakatawa nmn ito haha!,,
    wait, pero medyo naguguluhan ako sa mga characters sa story,,

    Posted by purvletlove | Enero 18, 2012, 1:23 umaga
  8. Nakakatawa to😀 next chapter na🙂

    Posted by Thea Jane | Enero 8, 2012, 7:17 hapon
  9. nice ate heidz..:)

    Posted by kat08 | Disyembre 14, 2011, 9:59 hapon
  10. interesting…. mukang mapupuyat ako neto ah. wahahah. thanks for this chapter

    Posted by ashleygreenefanatic | Disyembre 8, 2011, 1:21 hapon
  11. nkakalito, pero exciting…🙂
    nakakatawa c maycee……

    Posted by annei _1990 | Oktubre 27, 2011, 1:04 hapon
  12. interesting basahin.. yung story ba nila Trish and Neil yung “NO MATTER WHAT”?😉

    Posted by iscuteme | Oktubre 27, 2011, 10:57 umaga
  13. He’s been crazy of her ever since grade one until now.

    -Maganda ang weaving ng story, it makes me want to read the succeeding chapters. One complain lang po.. Perfect ang tagalog. Pero kapag english na, may igaganda pa ang construction.. I’m sorry for sounding like a grammar police of some sort..😀 I just like the plot that in the midst of reading I don’t want to get turned off just because I want to correct/improve the sentence..

    No offense meant Miss Heidz.. All for the better!

    Posted by JiffyJephy | Oktubre 27, 2011, 3:35 umaga
  14. Magulo ata. Cno ang Yna noon ay ngayon?

    Posted by kropek49 | Oktubre 23, 2011, 2:05 hapon
  15. hahahah! nakakatuwa si maycee

    Posted by mane9185 | Oktubre 17, 2011, 2:39 hapon
  16. hay grabe riot itong kay Maycee.

    Posted by mjmercado | Oktubre 7, 2011, 10:55 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2011
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: