binabasa mo ang...
SERIES: Destiny

Stolen Kiss – START

Stolen Kiss

Stolen Kiss

SIMULA pagkabata ay crush na ni Grace si Blake.

Araw-araw silang magkasama, mula pagpasok hanggang sa pag-uwi galing sa eskwela. Ngunit nagbago iyon ng…

“Blake! Karera naman tayo! Kung sino unang makakarating sa dulo ng daan na to, siya ang panalo!” alok niya dito.

Patuloy naman ito sa pagpupunas ng bisikleta. Katatapos lang kasi nilang mag-treking. Medyo maputik ang daan kaya nadumihan ang sasakyan nila. “H’wag na. Baka matalo ka pa. Saka, di ka ba naaasiwa sa itsura mo? Ang dungis mo na oh!”

Tiningnan niya ang sarili. Tama nga ito. Inamoy niya ang kaniyang sarili bago niya ito nginisian. “Ok lang yan! At least, wala akong amoy. Di kagaya mo!”

Agad siyang sumampa sa bisikleta bago niya ito tinalamsikan ng putik gamit ang kaniyang paa. Katatapos lang kasi ng ulan kaya mamamasa-masa pa ito.

“A– anong sinabi mo!? Hoy! Bumalik ka dito!”

“Belat! Di mo ako mahahabol!”

“Pag nahabol kita! Lagot ka talaga sa akin!”

Nagsimula ang kanilang habulan. As usual, nanalo siya dahil dinugasan niya ito. Pero kung naging fair ang laban, siguradong matatalo siya dahil never pa siyang nanalo dito.

Siya lang ata ang hinihingal pagkatapos ng habulan. Nagpahinga siya sandali sa isang malaking puno sa gilid ng daan.

“Paano ba yan, nanalo na ako sayo? Di ka na makakabawi?” pang-aasar niya dito habang pinakikiramdaman ang tibok ng kaniyang puso. Mabilis ito.

Naka-ngisi lamang ito at parang hindi man lang ito napagod. “Sigurado kang di na ako makakabawi?”

“Oo! Loser ka ngayon, winner ako.”

Magsasalita pa siyang muli ngunit pinigilan siya nito. Hinalikan kasi siya nito sa labi kaya hindi na niya nagawang buksan ang kaniyang bibig.

Gustuhin man niyang itulak ito sa ginawa nitong pagnakaw sa kaniyang unang halik ay hindi niya magawa. Kusang napapikit ang kaniyang mga mata at nilasap ang matamis nitong labi.

Bigla ay tumigil ito sa paghalik bago ito ngumisi. “Sorry, binabawi ko na ang pagiging winner mo. Ikaw na ngayon ang loser.”

Nabigla siya dahil akala niya ay seryoso ito sa paghalik sa kaniya! Naka-iskor ang gago! Hahabulin sana niya ito pero ang bilis nitong nakalayo sa kaniya sakay ng bisikleta nito.

Napahawak siya sa kaniyang labi. Naiinis man siya sa ginawa nito ay hindi niya magawang magalit dito. Sa pagkakataong iyon, nakumpira niya sa sarili na mahal nga niya ito, noon pa man simula pagkabata nila hanggang sa ngayon ay teenager na sila.

“Humanda ka sa akin, makakaganti rin ako sayo!” bulong niya sa sarili.

PAGKATAPOS niyang mag-ayos ng sarili ay agad siya pumunta sa bahay ni Blake.

Inabot rin siya ng maraming oras bago siya natapos. Kung anu-ano kasing pagpapaganda ang ginawa niya. Nakakahiya naman kung medyo boyish pa rin ang dating niya after siyang halikan nito. Kahit gabi na ay desidido pa rin siyang maka-usap nito. Kung ano ang kahihinatnan ng pag-uusap nila ay bahala na.

Kung sasabihin nito na mahal siya nito, tatanggapin niya ito bilang boyfriend. Kung hindi naman, sasampalin na lang niya ito para quits sa ginawang pagnakaw nito ng halik sa kaniya.

“Tao po? Tita Maureen, gising pa po ba kayo?” sabi niya habang kumakatok sa pintuan nila Blake.

May dumungaw na babae sa bintana. Ito ang nanaya ni Blake, si Tita Maureen. “Oh Grace, ikaw pala. Teka, bubuksan ko lang ang pintuan.”

“Sige po.”

Pagkabukas ng pintuan ay agad siya nitong niyakap. “Buti napadaan ka. Kumain ka na ba? Tara, pasok ka sa loob.”

“Ay, hindi na po tita. Tapos na po akong kumain. Nandiyan po ba si Blake?”

Napatingin na lamang sa katulong nila Blake si Tita Maureen. Bakas sa mukha nito ang pagkalungkot.

“Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko Grace ha?”

“Ho? Bakit naman po ako mabibigla? Sanay naman po ako sa biglaan!” aniya bago siya tumawa na parang isang brusko.

Ngumiti ito pabalik sa kaniya. “Kaalis lang ni Blake papuntang Amerika. Biglaan talaga, pati ako nagulat din.”

“Ho!?”

“Kasi ang lolo niya, kailangan daw siyang makita kaagad. Magkasama nga sila ng tatay nila ngayon dun.”

“Eh kelan naman daw po ang balik niya?”

“Hindi ko rin alam. Pati nga ako nangangarag din kung paano ko sasabihin sayo at sa teacher niya ang nangyari.”

“Bakit di po siya nagpaalam sa akin? At saka, paano na po ang studies namin?”

“Hindi ko rin alam Grace. Sabi niya, ako na raw ang bahalang magpaliwanag sayo. Sinabihan ko siya na magpaalam sayo since mag-bestfriend kayo pero ayaw niya. Baka di mo raw siyang payagan.”

“A– anong oras ho umalis?”

“Mga two hours ago na. Sigurado, nasa highway na sila ngayon.”

Bigla ay tumulo ang luha niya. Naiinis siya dito! Kaya pala siya ninakawan ng halik nito kanina! Yun na pala ang sign ng pamamaalam nito sa kaniya! Shit!

Agad niyang kinuha ang cellphone mula sa kaniyang bulsa saka tinawagan ito. Kapag hindi talaga sinagot nito ang tawag niya, itaga niya sa bato, buburahin niya at i-bo-block niya ito sa friend’s list niya sa Facebook!

May narinig siyang tick sa kabilang linya. Agad siyang nagsalita. “Hello! Blake!”

“You have insufficient balance, please reload again.” sabi ng operator sa kabilang linya.

“Ga– gago! I hate you! Huwag ka ng babalik!” sigaw niya bago siya humagulgol sa pag-iyak.

Ramdam naman ng nanay ni Blake ang frustration niya. Ang tanging nagawa na lamang nito ay yakapin siya upang kumalma ang kaniyang sarili.

Question: Ano ang pangalan ng nanay ni Blake?
Answer: m _ u r _ _ _

Answer the question to read the ending here…
http://tagalogonlinepocketbook.com/destiny-series/stolen-kiss-end/

~

AUTHOR’s NOTE:

Ang pabalat ay hindi galing sa amin, pag-aari ito ng illustrator na hindi ko kilala. Kung kilala mo siya, paki-provide na lang ang link upang mabigyan siya ng sapat na kredito.

Ang istoryang ito ay hindi pa tapos. Though may naisip na akong ending para dito, mas mainam kung kayo na ang tatapos nito upang mabigyan ng ibang kapalaran si Grace (o si Blake). Kayo ang masusunod, basta’t ayusin nyo lang ang pagkakasulat. Kung ayaw niyo naman, eh di huwag, walang pilitan. Bleh!😀

After all, this is part of Destiny Series. A special feature in TOP where every story has their own different ending, may it be sad or a happy one. Happy reading.

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

41 thoughts on “Stolen Kiss – START

  1. Maganda ang story sana mabasa ko ng tapos. Nakakabitin

    Posted by Ylarich Arenio | Hulyo 24, 2014, 3:41 umaga
  2. lyk2 much the story_grace and blake

    Posted by hernalyn juaneza molina | Marso 30, 2014, 3:05 hapon
  3. nakakabighani ung kwento,. astig ni Grace HeHehEhE

    Posted by zyn | Mayo 26, 2013, 8:43 hapon
  4. kawawa naman si grace..😦

    Posted by Krisha | Disyembre 14, 2011, 12:55 hapon
  5. jejeeje… kulit!!!!🙂

    Posted by annei _1990 | Nobyembre 3, 2011, 4:10 hapon
  6. ganda ng kwento..

    Posted by bLue BirD | Oktubre 30, 2011, 5:56 hapon
  7. ganda ng kwento na kakaantig ng puso….

    Posted by reyel | Oktubre 13, 2011, 9:19 hapon
  8. danda naman ng pambungad,,,,kaso hindi ko aman mabasa yung kasunod,,haist ayaw tanggapin kahit nag enter na ao ng password,,,,huhuhu=<

    Posted by ayah | Oktubre 7, 2011, 12:23 hapon
  9. cute..nice story =))

    Posted by lalaloveseven | Oktubre 1, 2011, 10:07 hapon
  10. bakit ganun? pag ayaw tanggapin yung password na binibigay ko? help paano ko po mababasa yung ending…

    Posted by jeon | Setyembre 14, 2011, 9:13 hapon
  11. Asan ang kasunod?

    Posted by Amy | Setyembre 10, 2011, 11:24 umaga
  12. kakainis naman diko alam saan makikita ang kasunod

    Posted by Sharon | Setyembre 5, 2011, 6:52 hapon
  13. ang ganda i like it

    Posted by Sharon | Setyembre 5, 2011, 6:48 hapon
  14. bkt gnun ineenter q n un password para mabasa q un nxt chapter ayw nya tanggapin

    Posted by verlyann | Setyembre 4, 2011, 2:43 umaga
  15. i like the story! kilig, ganda tlga pg childhood sweetheart maraming unforgetable moments!!!

    Posted by marylyn | Agosto 25, 2011, 1:10 umaga
  16. weeee.. sign na un..

    Posted by itsgonnabeme | Agosto 23, 2011, 3:35 hapon
  17. feel sad for grace..

    Posted by itzmenhie | Agosto 21, 2011, 1:37 hapon
  18. Ang Ganda!
    Nabitin 2loy ako!!!
    tapusin mu na po master^^

    Posted by JeHanLyN | Agosto 12, 2011, 10:23 hapon
  19. pwede mag-try? hehe😀
    ang gandaaaa ng story eh!. Nice one kuya foo😀

    Posted by heidz | Agosto 11, 2011, 9:34 umaga
  20. ang ganda ! excited na kong basahin t0h .. pls tapusin nyo na

    Posted by eianna_1635 | Agosto 3, 2011, 8:35 hapon
  21. — ganda haha !

    Posted by phinkyaiz | Agosto 2, 2011, 2:05 hapon
  22. ang gnda tlga pangalawang beses ko na ‘tong binasa ang gnda ksi eh sana may magtapos na nito

    Posted by christine | Agosto 2, 2011, 11:07 umaga
  23. 2loy nyo nlng to hehhee gnda eh

    Posted by ghelay | Agosto 1, 2011, 6:48 hapon
  24. ganda nman taposin mo na lng sana,,,,pls po,,,,ang ganda tlga

    Posted by kyl | Agosto 1, 2011, 6:40 hapon
  25. hayyy… ang ganda nang picture…. nakaka frustrate lang dahil iisipin ko ngayon kung anong ending…. sanay dugtungan nlang….hehehe

    Posted by negiers | Agosto 1, 2011, 4:25 hapon
  26. toinks kala ko need pa ng gils di na pala.. na excite naman ako sa story

    Posted by cally23 | Agosto 1, 2011, 1:58 hapon
  27. mababasa din kita ipon pa ako gils

    Posted by cally23 | Agosto 1, 2011, 1:53 hapon
  28. new story na nmn aabangan, sana mabasa ko lahat ganda kc nakaka excite basahin at same time nakakabitin wala kc sapat na gills…

    Posted by mjmercado | Agosto 1, 2011, 11:30 umaga
  29. ganda@!!

    Posted by marylyn | Agosto 1, 2011, 4:49 umaga
  30. excited na ako nito…..
    im just a reader talaga…. hope d masyado mahal ang gils ha…. kc baka di ako makabasa nito….

    grrrrr…… ang dami ko gustong basahin pero sayang gils ko… baka di ko matapos clang lahat basahin…

    Posted by ghize | Hulyo 31, 2011, 11:05 hapon
  31. common story pero di nakakasawang basahin

    Posted by adriann010185 | Hulyo 31, 2011, 5:41 hapon
  32. ang gnda hehehe!!! hindi ako solve putol ksi eh!!! sna mei tumapos na jan pra mbsa ko na hehehe

    Posted by christine | Hulyo 31, 2011, 2:22 hapon
  33. Ang ganda naman🙂

    Posted by Zheirah | Hulyo 31, 2011, 10:54 umaga
  34. i want to read it pa. naexcite namnnako kay blake, may pakiss kiss pang nalalaman

    Posted by lukaylovesme | Hulyo 31, 2011, 10:18 umaga
  35. weeeeeeeee………….ganda! sana tapusin mo na lang ito foo.^^

    Posted by lilygirl15 | Hulyo 30, 2011, 11:58 hapon
  36. love it..nakakbitin nga lang..hehehe

    Posted by cutiektine | Hulyo 30, 2011, 11:19 hapon
  37. cute nman ng story

    Posted by mhayie | Hulyo 30, 2011, 3:34 hapon
  38. ganda naman…

    Posted by jermae | Hulyo 30, 2011, 1:18 hapon

Trackbacks/Pingbacks

  1. Pingback: Stolen Kiss – END – Tagalog Online Pocketbook - Agosto 3, 2011

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hulyo 2011
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: