binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes 2

Behind His Hazel Eyes 2- Chapter 6

Tinutulungan nya si Manang Lita habang nagbabalot ng lumpia. Nakisali na rin si Manang Laly.

They were doing that sa kusina habang nanonood ng TV.

“Bati na kayo ni Zack anak?” tanong ni Manag Laly.

She smiled, “O-opo…”

“Woohoo! Grabe ang away nyo siguro kahapon kasi ni hindi ka man lang nag-tanghalian at nagkulong ka sa silid mo.” ani Manang Lita.

“Oo,” sang-ayon ni Manag Laly, “Aba’y si Zack parang tumira sandali sa labas ng pinto ng kwarto mo at maya-maya ay aktong kakatok tapos hindi na naman…bitbit pa nga ang mga susi.” kuwento nito.

“Ganu’n po ba?” she smiled.

Tinitigan ni Manang Laly ang kanyang braso na tinamaan ng bala, mahigit isang buwan na ang nakalipas and it was already barely there. Naka-sleeveless kasi sya dahil puro ganun ang mga nandun na pambahay. Nagustuhan din naman nya dahil may kainitan ‘pag nasa labas ng kwarto.

“Ay para ka lang may biloy dyan sa braso,” nakangiting sabi nito, “Kumusta naman kayo ni Rafael matapos ka nyang mabaril?”

“Aksidente lang naman po ‘yun, magkaibigan naman kami.” she answered.

“Buti nga hindi sila nag-away ni Zack…masakit yan ha.”

Natawa lang sya saglit at napalingon sa TV nang magsimula na ang afternoon soap opera ni Mandy Krueger.

Oh my God! Si Mandy nga pala!

“Alam mo Mia, yang si Mandy in-love na in-love yan kay Zack…” kuwento ni Manang Lita.

“Hoy Lita, kung anu-ano yang sinasabi mo kay Mia ha.” pagsasabi ni Manag Laly sa kapatid.

Sige pa Manang Lita…’wag kang papipigil…

But to her dismay ay nagpapigil nga ito. But she has to know what happened about Zack and Mandy now. Kung naghiwalay na ba talaga ang mga ito.

“Kuwentohan nyo na lang po ako sa pamilya nya…kasi hindi namin ‘yun napag-uusapan eh.” tanong nalang nya.

“Saan mo naman gusto kaming magsimula anak?” tanong ni Manang Lita.

“Ummm…sa mga parents nya po, sa Amerika po sya lumaki hindi po ba?” tanong nya.

“Ahh oo…Amerikana kasi ang mama nya at kalahating Pilipino. Tapos ay kailangan pa na doon muna sya mag-aral. Pero madalas naman din silang dumalaw dito noon kaya para na ring dito sya lumaki. Malapit din si Zack sa mga pinsan nya dahil nag-iisang anak lang.” kuwento naman ni Manang Laly.

Habang inaayos ang pagkakasalansan ng mga natapos na lumpia ay nagtanong ulit sya.

“Ilan po ba silang magpipinsan?”

“Lima silang lahat, 5 years ago ay nalaman lang nila na may kapatid pala sa ama si Zack. Kaya anim na sila ngayon, ang ama ni Zack ang pinakamatanda sa magkakapatid na Salcedo tapos sumunod ang ama nina Rafael at Rachel. Ang bunsong babae naman nila ang ina nina Van at Dylan.” kuwento nito.

Napaisip siya sa mga sinabi ng mga ito.

So may kapatid pala sa labas si Zack. Kailan ko kaya siya makikilala? Ang pamilya ni Zack? Malamang ay nasa Amerika pa ang mga iyon.

At sya naman ngayon ang naging feeler at umaasa pa talaga hah!

 

HINDI umuwi si Zack that afternoon kaya para hindi ma-bore she decided na mamasyal na lang sa kakahuyan, hindi na siguro sya mababaril na naman. Isa pa, she wanted to go to Sta. Monica Lake…30 minutes siguro kung lalakarin nya.

She also wanted to have a walk para naman mas malibot nya ang ganda ng hacienda. Nagsabi sya kay Manang Laly na pasasamahan sana sya sa isa nilang katiwala pero tinanggihan na nya. Alam na naman kasi nya ang daanan dahil sinama na sya ni Rafael doon.

Along the way ay busog na busog talaga ang kanyang paningin sa ganda ng Sta. Monica.

And then she reached the lake.It’s still as beautiful just like she first laid her eyes on the lake. Kung siguro ay marunong lang syang magpinta ay ipininta na nya ang lake na ito.

But then again…’wag na lang siguro dahil baka hindi pa nya mabigyan ng justice ang lawa at magalit pa sa kanya si Mother Nature.

Bago maghapon ay bumalik na sya ng bahay.

 

MADILIM na pero wala pa rin si Mia. Ang sabi ni Manang Laly kanina nang tanungin nya ay nagpaalam ito na mamamasyal lang sa kakahuyan, at hindi na raw ito nagpasama pa sa kanila dahil hindi naman daw ito lalayo at pupunta sa hindi nya kabisadong lugar.

But that was six hours ago, now it’s already 6pm at nag-aalala na sya. Marami na ngayon ang naghahanap dito pero hindi parin sya mapakali.

What if she already left?

She left without her bag? And plus her phone and wallet is on his possession.

Perhaps she left without them…

Imposible, at papaano naman sya babalik ng Manila ng walang pera? Something came into mind.

What if something happened to her?

‘Wag naman sana, at pumunta sya sa kanyang silid at binuksan ang naka-lock na drawer kung saan nya inilagay and cellphone at pitaka nito. Nakahinga sya ng maluwang nang makitang naroon pa ang mga ‘yun.

Hindi pala nya nai-off ang cellphone nito kaya naroon at nakatatak ngayon ang 12 missed calls dito. There were 4 from Lucy and the rest were from Rafael.

He opened the Inbox dahil naintriga sya, and saw text messages from Rafael.

“Mia, where are you? Why are you not answering my calls? Nag-aalala na kami ni Lucy sayo.”

“Mia please answer my call and say your fine then I’d feel a lot relieved. I miss you already.”

Napataas ang kilay nya sa huling text nayun.

“Mia nasan ka? I’ll come and fetch you. I have to tell you something really important; something you’d have to hear personally. I’ve been dying to confess to you but I was scared, now I’ve finally had the courage to do so and you’re gone. Call me.”

Parang nanginig sya sa pagkakahawak sa cellphone and it felt like any moment ay madudurog na nya ‘yun.

Para syang sinapian nang i-delete nya ang mga mensahe ni Rafael doon at pati na rin ang pangalan nito sa call log.

So, Rafael hasn’t confessed yet? And he’s really in-love with Mia! He was right all along.

Napaupo sya sa kama at nailagay ang cellphone sa kanyang bulsa at saka napatayo narin ng marinig ang boses ng ilang tauhan nila sa labas.

“Hindi ho talaga namin sya makita Sir Zack at sobrang dilim na po talaga.” anito.

“And you stopped searching?” inis na tanong nya dahil sa aga ng pag give-up ng mga ito. “Please do not stop until you see her!” Napalakas ang boses nya nang sabihin ‘yun.

“Hindi na kailangan Zack, nakita ko na sya.” ani Manang Laly.

At dinala sya ni Manang Laly sa may pool area. Itinuro nito ang nakalimutan na nyang duyan doon na yari sa rattan at nakakabit sa dalawang magkatabing poste. At dahil sa madilim na at nakukublihan pa ng mga trimmed bushes and topiaries ay hindi klaro sa malayo.

Mia was there sleeping so soundly at nakapamaluktot pa ito para magkasya sa malaking jacket nito.

Nagpasalamat sya kay Manang Laly at umalis na ito. Nilapitan nya agad si Mia at kinarga papunta sa kwarto nito.

“Akin na.” nagsasalita pa ito.

“What?” What is she talking about?

“Pabili ng taho.” she whispered.

Tinitigan nya ito.

Could Mia possibly feel the same way for Rafael?

 

SHE wondered for a while how she got here in her room. Madaling-araw na pala. Pero nang malingunan nya sa kanyang tabi si Zack, her question was answered.

She smiled at their position. Katabi nya ito sa kama na himbing na himbing ang tulog. Nakayakap ang isang kamay nito sa kanyang katawan habang ang isa ay nasa likod ng kanyang ulo.

It felt really nice staring at Zack’s sleeping face…he looked so calm and comfortable.

Pakiramdam nya tuloy ay para na silang mag-asawa nito. This must have been the feeling of every couple waking up in the morning everyday. And she could be very lucky and happy kapag nangyari ‘yun.

It’s very confusing sa kanya how she really feels for this man before, maybe because she had never felt like this for a guy in her whole life. Sabi nga nila na you can only be hurt by the people that you love, and they were right. She was terribly hurt with what she heard from Zack that fateful night at the veranda.

She could not, at first, accept the fact that she was hurt…she was in denial when she returned to Manila. She kept convincing herself that she was not in-love…that it’s impossible to fall for just a couple of days.

She had an idea of love before this; she thinks that love is developed through time. She thinks that she should be friends with somebody first para naman ay mas makilala nila ang isa’t-isa na hindi pa sila boyfriend at girlfriend. And by then if love develops they will proceed to the next stage, and if not…then she will still consider herself lucky to have been able to find a new friend…

Kaya dati, kapag nililigawan sya ay binabasted nya agad. Gusto nya na maging magkaibigan muna sila.

It seemed really complicated but that was what she was looking for kaya until this age of 21 ay wala parin syang nagiging boyfriend. She was looking for someone who will not jump into a boy-girl relationship with her yet.

But that was not what happened with Zack…indeed you cannot expect how love goes…ayon nga sa kanta ‘di ba Love Moves in Mysterious Ways. And she is living proof of that…

Perhaps she fell in-love with his stare… and his kiss…

And then she heard something…something familiar mula sa kung saan. That was real familiar…mahina ang tunog nu’n pero naririnig nya talaga… tapos after two beeps ay nawala na.

That’s  my caller ringtone!

Pinili nyang ganu’n kahina ang ringtone nya dahil bawal ang phone sa opisina, tama lang yun sa pandinig nya…dalawang beses lang ‘yun tumutunog.

Bumangon sya para tingnan kung saan nanggaling ‘yun, she can’t be mistaken!

Tumayo sya mula sa kama at pumunta sa kabilang bahagi. There it is! Nasa likod ni Zack! Perhaps it slipped from his pocket.

Tiningnan muna nya ang mukha ni Zack and his breathing before she took her phone. Mahimbing talaga ang tulog nito.

Mabilis na pumasok sya sa CR at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Rafael!

Madali nya yung sinagot. “Hello?”

“Mia!” Napalakas pa ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. “Where are you? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag namin? Bakit bigla ka nalang umalis nang ihatid kita nung isang gabi? Lucy was looking for you, ako ang tinatanong nya dahil tayo ang huling magkasama.” dire-diretsong tanong nito.

“Hindi kasi ako makatawag dahil….” Nag-isip sya, she can’t just tell him that Zack took her phone. “Nawala kasi yung cellphone ko, ngayon ko lang nakita. May telephone nga rito wala naman akong na-memorize na phone numbers nyo.” nakangusong sabi nya. Alangan namang sa 911 sya tumawag?

“Eh nasan ka ba? Sino’ng kasama mo?” sunod nitong tanong.

“Kasi Rafael…” napakagat-labi sya. Hindi naman siguro masama kung sasabihin nya rito ang totoo. Isa pa malaki ang tiwala nya kay Rafael.

“Sabihin mo na, pupuntahan kita. I just really need someone to talk to. May sasabihin akong importanteng bagay sa’yo, importante sa akin ang sagot mo.”

“Importante ang sagot ko?” tanong nya.

Nahihimigan nga nya mula sa tinig at tono nito na mukhang importanteng bagay ang sasabihin nito. She knew Raf was about to say something nu’n pang nag-dinner sila. Alam nya na may gumugulo rito.

“Oo, Mia…this is about Charlize and you’re the only person I know who can understand me.”

“Talaga Rafael?” she smiled at the thought. She was always willing to be of help, especially because Rafael had been really nice to her. And she was always in favor of Rafael and Charlize. Gusto rin nyang i-prove kay Zack na hindi nya intension na paghiwalayin ang dalawa. “Sige, nandito ako sa Sta. Monica ngayon.” she said.

“Ano? Ano’ng ginag-“

Hindi na nya natapos pakinggan ang sinasabi ni Rafael dahil biglang may bumunot sa cellphone nya mula sa pagkakalapat sa kanyang tenga at marahas na itinapon iyon sa sahig! Nagkahiwa-hiwalay tuloy iyon.

Her eyes widened at the sight of her phone. Kahit hindi yun mamahalin ay very useful yun sa kanya at sa lahat ng phones na nagamit nya, ‘yun ang pinakamatagal mag-lowbat.

Napalingon sya sa napakadilim na mukha ni Zack. Gusto na nga nyang tumakbo sa nakikita na reaksyon mula rito. Pakiramdam nya ay gusto na sya nitong buhatin at gawin sa kanya ang ginawa nito sa cellphone nya.

Nakita din nya ang pagtiimbagang nito at ang pagyukom nito sa kamao nito. Napaatras sya.

“B-bakit mo ginawa yun?” nanginginig ang boses na tanong nya. She knew she had to speak up.

“Sinabi mo pa talaga kung nasaan ka?” matiim nitong tanong.

“At bakit naman hindi? Nag-aalala na sila sa akin, Zack.” she reasoned out.

“Hindi mo ba matiis si Rafael, ha Mia? Kaya kating-kati kang magpasundo sa kanya rito? Para once again you two will elope? Ha?” Bulyaw nito sa kanya.

Napaupo sya sa toilet bowl dahil sa lakas ng boses nito at nasa cr pa man din sila kaya halos sumabog ang utak nya nang sumigaw ito.

“Bakit ba talaga ayaw mo na magkita kami ni Rafael?” lakas-loob na tanong nya. She wanted to hear him say that he was just jealous.

“Because you’re a home wrecker!” Bulyaw ulit nito.

Napanganga sya sa tinuran nito.

Despicable dati at ngayon naman ay home wrecker?

“Hindi totoo yan!” Again she cried out loud.

“And what’s the truth ha, Mia? Rafael is falling for you!” Anito at lumapit sa kanya saka sya hinawakan sa magkabilang-balikat at pinatayo. Isinandal sya nito sa dingding.

Hindi nya magawang paniwalaan ang sinabi nito.

“Kaya mo ba ako dinala rito para matigil ang pakikipagkita nya sa akin?” her voice broke, realization came upon her and all she needs is a darn confirmation from this man.

“Oo, Mia!”

Gusto na nyang mapabulahaw ng iyak sa narinig.

“You know you can’t do that for long,” ngayon ay nag-iinit na ang sulok ng kanyang mga mata, “Bakit hindi sya mismo ang sabihan mo?”

Humigpit ang hawak nito sa balikat nya na sa sakit ay para bang madudurog na ang buto nya roon.

“I can’t because he won’t show-up. Ang tigas nyo rin ano? Bakit Mia? Mas magaling ba syang humalik sa akin ha?” anito na sobrang lapit na ng mukha sa kanya. “I can prove to you that I can do better.” sambit nito at mabilis na inangkin ang kanyang mga labi. Mapagparusa ang mga halik na yun, sobrang diin na para bang mapupunit ang kanyang mga labi.

 

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

52 thoughts on “Behind His Hazel Eyes 2- Chapter 6

  1. selos naman agad!

    Posted by vhenus | Mayo 6, 2013, 11:33 umaga
  2. selos na selos n c Zack….

    Posted by alma | Agosto 26, 2012, 11:33 umaga
  3. nagtataka lang ako bakit naisip ni Zack na mahal ni Mia si Rafael dahil gusto nito magpabili ng taho?

    Posted by rosa.azul | Marso 14, 2012, 11:41 hapon
  4. ayun n nmn oh, ngkasakitan ulet cla.hehe

    Posted by belle | Pebrero 13, 2012, 11:36 hapon
  5. suntukin ko kya tong si zack -_-

    Posted by itsgonnabeme | Enero 20, 2012, 4:30 hapon
  6. seloso masyado meaning mahal niya talaga😀

    Posted by Thea Jane | Enero 10, 2012, 6:47 hapon
  7. selosmuch kasi c zack eh… nku!!!

    Posted by dia | Enero 2, 2012, 6:30 hapon
  8. oh my goshness!!! c zack tlga! kainis parang gusto ko tuloy tulungan si mia na sapakin c zack…

    Posted by dia | Enero 2, 2012, 6:29 hapon
  9. ngek!ano ba yan!puro nalang selosan!asar ha..ang kikitid ng utak…

    Posted by jsjti | Disyembre 30, 2011, 7:16 umaga
  10. Hmmp, seloso!

    Posted by Abbythe1 | Disyembre 28, 2011, 4:33 hapon
  11. haysss selos lang kasi..d pa magtapat ng matapos na grrrrrr

    Posted by pilyasuplada623 | Disyembre 8, 2011, 10:06 umaga
  12. jumping into conclusion agad tong si zack e, d muna magtanong. ang nagagawa talaga ng pagseselos.
    can’t wait for the next chapter.🙂

    Posted by mae | Disyembre 1, 2011, 4:18 hapon
  13. jelous…. huhu!!!!

    Posted by Faige | Nobyembre 29, 2011, 7:39 hapon
  14. nakakainis naman bitin dahil wala kanang gils bakit kc me gils gils pang nalalaman… haist:((

    Posted by ana sophia | Nobyembre 23, 2011, 8:55 hapon
  15. tama…nakakakilig to!

    Posted by Roman | Nobyembre 23, 2011, 9:35 umaga
  16. ano beh….. sabihin mo na kasi ang totoo kay zack…..

    Posted by annamay | Nobyembre 8, 2011, 10:05 umaga
  17. hirap talaga pag di mo masabi feelings mo. hahahahahahahahahahahah

    Posted by khaye faeldonia | Nobyembre 5, 2011, 11:07 umaga
  18. waaah! i really hate zack! so much! nakakainis sya!

    Posted by rishelL_18th | Setyembre 28, 2011, 7:11 hapon
  19. ayan kasi, dahil sa selos, kung ano ano na lang ang naiisip..
    tsk! kasi naman eh, before you judge, dapat talaga magtanong muna kung ano ang totoo.
    yan ang main reason kung bakit nag aaway ang mga in a relationship.

    Posted by rose ghelaine | Setyembre 26, 2011, 2:43 umaga
  20. paano po ba magkaroon ng maraming Gils???

    Posted by Hannah Louise | Setyembre 25, 2011, 11:47 umaga
  21. bakit ba hindi na lang magtanong.?hay na lang..making your own conclusion talaga oh..

    Posted by cutiektine | Setyembre 17, 2011, 1:23 umaga
  22. hayyss sobrang bitin…

    Posted by aiza | Setyembre 7, 2011, 4:10 hapon
  23. hayyy pabasa naman po…plsss….panu ba magkaron ng maraming gils?

    Posted by aiza | Setyembre 7, 2011, 5:36 umaga
  24. grabe ha!! zack nako po kung malapit lang ako sau nabatukan, uppercut at kinalbo ko na yang kilay mo!! haynako ha!! >o<

    Posted by rielle | Agosto 30, 2011, 5:22 hapon
  25. oo nga… kapag engrossed ka talaga sa isang bagay tulad ng pagbabasa hindi mo mamalayan na kulang ka na sa gils heheheeh.. next chapter na!

    Posted by mane9185 | Agosto 28, 2011, 9:06 hapon
  26. oo nga… kapag engrossed ka talaga sa isang bagay tulad ng pagbabasa hindi mo mamalayan na kulang ka na sa gils heheheeh

    Posted by mane9185 | Agosto 28, 2011, 8:56 hapon
  27. bilis nmn matapos ng isang chapter haayy gils n nmn…

    Posted by mjmercado | Agosto 17, 2011, 5:46 hapon
  28. hirap ng mis communication iba talaga pag in love

    Posted by cally23 | Agosto 12, 2011, 7:35 umaga
  29. grabe naman kong makapag isip si zack..

    Posted by jermae | Agosto 11, 2011, 2:18 hapon
  30. a must be followed story

    Posted by adriann010185 | Hulyo 29, 2011, 4:10 umaga
  31. Its a nice story, very entertaining…

    Posted by adriann010185 | Hulyo 29, 2011, 4:09 umaga
  32. lagot mia..

    Posted by alaydah | Hulyo 25, 2011, 12:41 hapon
  33. oh my! Umi-eksena n si Rafael!!.. kelangan tlga may 3rd party for spices..but then again puro assumptions din sila e! .. ang init ng ulo ni zack,, hehe bagong gising kasi.. lumalabas ang pagka-hot niya -.-?

    Posted by bhai | Hulyo 17, 2011, 8:17 hapon
  34. ancute neto!!!ahaha grabe nakaka excite😀

    Posted by elaine18 | Hulyo 11, 2011, 8:23 hapon
  35. ahaha grabe nakaka excite😀

    Posted by elaine18 | Hulyo 11, 2011, 8:23 hapon
  36. ayee!!!!excited na ako sa susunod na mangyayari:)

    Posted by imortal | Hunyo 29, 2011, 7:44 hapon
  37. ganda na ng st0ry,,next chapter naman

    Posted by BIEBIE | Hunyo 21, 2011, 5:09 umaga
  38. bakit kasi di na lang aminin ni zack na nagseselos sya. tsk tsk. hahahaha!

    Posted by arabeybsxP | Hunyo 21, 2011, 4:26 umaga
  39. patay!!!!!nagalit c zack…..pero I’m sure mahal parin niya c mia….

    Posted by Gesela Mae | Hunyo 19, 2011, 11:41 hapon
  40. grabe! ayaw ko naman ng bf na ganyan. sobrang sweet pero nananakit.

    Posted by laramaeperez | Hunyo 5, 2011, 2:28 hapon
  41. masyado magselos si ZACK noh?

    Posted by jayselle | Hunyo 4, 2011, 11:04 hapon
  42. managinip ba nag taho?hehehehe favorite ni mia…ang cute!!!!

    Posted by jayselle | Hunyo 4, 2011, 10:43 hapon
  43. haay ! grabe talaga si zack kung makapagselos

    Posted by jeytil | Hunyo 4, 2011, 9:32 hapon
  44. ang mga lalake nga naman…nainis!!

    Posted by sam | Hunyo 4, 2011, 1:00 umaga
  45. waaahh zach ang seloso mo..umamin ka na kc para hindi na kau nahihirapan pareho ni mia!

    Posted by poopzy | Hunyo 3, 2011, 10:50 umaga
  46. subrrah nmen c zack……
    wawang mia….:(

    yan kc dapat hindeh inuuna ang selos,,…
    wag laging maging TH…
    TAMANG hinala

    Posted by clarkeys | Hunyo 3, 2011, 3:08 umaga
  47. OMG…

    Posted by Loveko | Hunyo 1, 2011, 5:15 hapon
  48. hala ka nagbintang na sya..huhu lagot ka magsisi ka sa mga sinabi mo hehehe…

    Posted by creative16 | Hunyo 1, 2011, 3:19 umaga
  49. _ haiztt.. kakatawa talaga c zack pag nag cclos parang ewan^^ hahaha…
    _buti nalng zack at mahal ka ni mia..🙂

    Posted by @jenz | Mayo 25, 2011, 10:53 umaga
  50. wah grabe na to! can’t wait to read ung kasunod agad sobra… ganda!

    Posted by macey_khet | Mayo 25, 2011, 5:32 umaga
  51. ang hirap nmn ng walang gils bitin!!! huhuhu…

    ang ganda ng story na to… tagal kong hinintay…🙂

    Posted by chubby | Mayo 20, 2011, 4:46 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: