binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes 2

Behind His Hazel Eyes 2- Chapter 4

You almost gave in there Mia…You should have been more carefull! Anang isip nya.

It won’t happen again! This door will never be opened until he returns my phone and wallet for me to be able to leave.

At kaya ba nito sya kinidnap para lang sabihang isa syang masamang babae dahil inaagaw daw nya si Rafael kay Charlize?

Kaya ba sinabi ni Zack kay Raf na she’s dangerous? Akala ba nito ay isa syang mang-aagaw?

He might be doing all these para mailayo sya kay Rafael for Charlize’s sake and not because he.

Loves you? Oh for Pete’s sake, Mia! Mag-ambisyon ka na lang ng iba.

Humahagulhol na inihiga na lang nya ang sarili sa kama. Niyakap niya ang kanyang unan as if she could get strength from it.

Nagising sya sa malalakas na katok mula sa pinto na ini-lock nya kanina. Hinawakan niya ang kanyang mga mata. Pakiramdam nya ay magang-maga ‘yun dala ng pag-iyak.

Nakatulog na pala sya sa kakaiyak at mukhang hapon na nga dahil papadilim na sa labas. So she slept for more than four hours?

“Mia! Open the door.” narinig nya ang boses ng isang taong ayaw na ayaw nyang makita ng mga sandaling ‘yun.

Umasim ang hilatsa ng kanyang mukha at nag-iba lang ng posisyon ng paghiga.

“Mia!” Tawag ulit ni Zack. “I bought you some clothes and you haven’t eaten anything for lunch yet.”

Sa sinabi nito ay saka lang nya naramdaman ang gutom nya. Kumulo pa iyon for effect. Nalimutan na rin nya na magpalit ng damit, nakatulog sya na tanging ang suot ay ang bathrobe at ang underwear nyang basa.Kahit ang buhok nyang basa ay hindi na nya alintana sa sobrang tindi ng naramdaman nyang inis kanina.

But she was determined not to open the door.

“Mia…” mahinang tawag nito. “Let’s talk…”

Sinipatan nya ng masama ang nakapinid na pinto na para bang tumagos ang paningin nya roon at nakikita nya ang pagmumukha ni Zack.

Manigas ka jan!

Nang wala na siyang marinig na ingay mula sa likod ng pintuan ay tumayo sya at pumunta sa banyo. Pagal ang katawan na tumayo lang sya sa harap ng salamin doon. Tinitigan niya ng sarili sa salamin. She stared at herself blankly.

She’s back in Sta. Monica now feeling like she used to feel and wanting to escape when she first thought that these people are bad people.

Aren’t they bad people for doing this to you, Mia?

“Are they?” nausal nya at saka nahawakan ang lalamunan. There was barely any voice as she spoke those words! “Oh my God! Boses ko!” Pilit parin nyang salita, sobrang garalgal at sobrang paos ang boses nya!

Not wanting to give up, she still tried to find her voice pero hanggang sa sumakit na lang ang lalamunan nya sa ginagawa ay wala pa rin.

Nanghihinang napasalampak siya sa sahig ng banyo at naiiyak na naman ulit na hinawakan ang ulo.

Wala naman akong balat sa puwet. Bakit pag minalas ako sunod-sunod na? I don’t deserve this,do I?

If I do, then what have I done to deserve this? Hindi naman ako masamang babae, hindi naman totoo yung pinaparatang ni Zack sa akin! Magkaibigan lang kami ni Rafael at kung binibigyan nya yun ng ibang kulay eh kasalanan na nya ‘yun!

Walang nagawa kundi sa isip na lang nya siya nagsasalita.

Biglang bumukas ang pinto ng cr at pumasok si Zack, akala siguro nito ay kung ano na ang nangyari sa kanya kaya mabilis sya nitong dinaluhan.

“Mia! Ano’ng nangyari sayo? Okay ka lang?” tanong nito at mabilis na hinawakan ang kanyang pisngi.

She was tired pero she still had the strength para maitulak ito, salamat sa unan.

“I guess I deserved that.” anito na nakaupo narin sa sahig at nakatingin sa kanya.

You deserved more!

While she, looking blankly at the toilet bowl sa dulo.Pilit niyang hindi pinansin ang lalaki para naman maisip nito na totohanan na ang kanyang galit.

“I’m very sorry sa nasabi ko,” simula nito.

You should be, and in fact you should also start acting like you really are.

Bumuntong-hininga si Zack at hinawakan ang kanyang kanang kamay na nakatukod sa sahig.

“Nahihirapan din ako, Mia.” Zack said now sounding like he really was sorry.

Paano naman ako? Kinidnap mo na nga ako, pinagdudahan mo nang masamang babae at pinagsalitaan mo pa ng masama! Nakuu…kung may boses pa sana ako ay babasagin ko ‘yang eardrums mo para makaganti ako!

Kinuha nya ang kanyang kamay na hawak nito.

“Magbihis ka na, baka giniginaw ka na.” sabi nito na nang lingunin nya ay nakatingin sa kanyang dibdib na nahantad dahil sa hindi nya nahigpitan ang pagkakatali sa tali ng roba sa kanyang baywang.

Mabilis na inayos nya ang roba at pinandilatan ito saka umaktong tutusukin ang dalawa nitong mga mata ng kanyang nakausling hintuturo.

She was even mouthing words na sya lang ang nakakaalam kasi hindi naman din nya mailabas ang kanyang tinig.

Napapangiting yumuko si Zack. “Seriously, you have to get dressed. Kaninang umaga nang nanggaling ako sa bayan I bought you clothes and some personal stuff. Pinalabhan ko na kanina agad ang iba kay Manang Laly.”

When she still did not responded ay tumayo na ito.

“Okay…nasa kama mo na ang mga gamit na binili ko and saluhan mo na ako sa dinner. I’ll be waiting.”

Pagsabi niyon ay lumabas na ito.

Paulit-ulit syang huminga ng malalim. And decided na tumayo na, nang makalabas ng CR ay napatingin sa kama kung saan naroroon ang ilang mga bagong biling mga damit pati ilang pares ng undies.

Sa dami nu’n, Zack just made clear to her na wala itong balak na paalisin talaga siya agad.

 

NAKAILANG buntong-hininga na sya at hindi pa rin bumababa si Mia. Pinatawag na nya ito kay Manang Laly kanina pa.

He knEW that he was probably the last person she would want to have dinner with at this moment. After what happened kaninang umaga ay hindi na nga sya nagtaka nang hindi ito bumaba para mag-lunch at hindi sya pinagbuksan ng pinto.

Kinailangan pa nyang kuhanin ang spare keys sa kanyang silid para lang mapasok ito.

He regretted what he told her this morning, and he was deeply sorry for it kaya babawi sya.

Ang maligo sa Jacuzzi kasama ito was not part of the plan. Parang nadala lang sya sa nangyari sa kanila sa putikan. He knows that Mia had no idea of what she did to him while having her sit on his lap.

Napangiti sya sa naalala. And then Manang Laly came and even suggested a better idea, na walang pagdadalawang-isip na sinunod naman nya.

He didn’t want to seduce Mia, but she was becoming really annoying and insulting as well. Parang wala man lang epekto rito ang kanyang katawan na parang nandidiri pa nga ito at halos maputol na ang litid sa kakasigaw.

He also remembered that look from her pretty face nang makita sya nitong nakahubad sa silid nya dati. After she ran away ay halos mamatay na sya sa kakatawa sa silid nya dahil sa hitsura nito na parang nahintakutan at nai-eskandalo.

Don’t I really have an effect on her?

Napatingala sya sa ceiling at naalala kung gaano ito kalapit kay Rafael. In such a short time she was already able to win Raf’s…

You’re not sure yet Zack.sambit ng isip nya.

He decided na sya na mismo ang pupunta sa taas para bumaba ito.

 

SHE will not come out.

Nakaupo sya sa silya na nilagay nya sa tapat ng bintana at inaaliw na lang ang kanyang paningin sa magandang langit. Napakadaming mga bituin ngayon and stargazing really calms her. Pakiramdam nya ay nasa kanya ang simpatya ng lahat ng mga bituin sa kalangitan.

Ipaglaban nyo nga ako dun sa lalaking ‘yun! Request nya.

Titiisin na lang nya ang gutom nya. Hindi talaga nya kayang bumaba at sumalo rito sa pagkain . Hindi niya kayang makipag-plastikan dito na para bang okay na sila…na okay na sya.

Ang akala ata ni Zack na madadala sya ng puppy dog eyes nito kanina? Hindi ‘no! Ano ganun-ganon na lang ‘yun?

I’m despicable? Eh ano sya! He is evil…

Napangiti sya sa naisip, Evil…tama nga naman.

Tama nga ba Mia? He didn’t bring you here for no reason at all.He brought you here para mailayo kay Rafael for Charlize’s sake…Only for that reason…

So what? He is still evil! Aba’t sya pa talaga ang pinagdudahan nito? She was an innocent bystander in Raf and Charlize’s love story!

Narinig na naman nya ang mga katok sa pinto nya, hindi na lang nya yun ini-lock dahil mabubuksan din naman ito ni Zack.

“Mia…” anito nang mabuksan na ang pinto.

Hindi naman sya natinag sa posisyon nya at nanatiling nakatingala sa langit.

Naramdaman nya ang presensya nito sa kanyang likuran. hinintay niya itong magsalita. Pero walang sabi-sabi ay lumabas na naman ito.

Nalilitong nilingon nya ang nakabukas pa ring pinto.

Ano’ng problema nun? Evil talaga…

And then she heard her tummy complain again. Napasimangot sya at hinawakan ang tiyan. Bakit ba kasi kailangan magpakagutom siya dahil lang sa nadarama nyang inis kay Zack?

After fifteen minutes ay bumalik sa silid nya si Zack. Ganun pa rin ang posisyon nya and still she doesn’t want to look and talk to him.

“I know you’re already hungry…’wag nang matigas ang ulo mo, Mia.” anito.

Napahigpit ang hawak nya sa barandilyas ng bintana. Still she didn’t move a bit.

“We’re going out for dinner tonight.” sabi nito.

Sa sinabi nito ay kamuntikan na nya itong malingon. Dinner outside?

At dadalhin pa sya nito sa bayan? No thanks.

“Come on,” anito at inilagay ang kamay sa balikat nya, pumiksi sya.

“Don’t make me carry you again, Mia.” mahinang banta nito.

Tumayo sya at pinaningkitan ito ng mga mata saka itinulak. She even raised her fist na parang isang bata na nang-aaway at aktong susuntukin ito.

Zack smiled.

Pumikit naman sya agad para hindi na nya makita ang ngiti nito and then she turned around. Bigla na lamang ulit na tumunog ang kanyang tiyan.

Naku naman! Timing na timing ah!

Pakiramdam na nga nya ay kinakain na ng large intestines nya ang kanyang mga small intestines sa gutom.

“Right! That’s my cue.” said Zack and immediately, to her astonishment, he lifted her up in the air and instantly laid her on his shoulders. Her head was hanging at his back.

As a reflex response, pinagkukurot nya ang likod nito. She tried screaming kahit na masakit na talaga ang lalamunan but no voice came out kahit extra effort na nya ‘yun at kahit magsiputukan na ang kanyang mga litid.

“Kung ayaw mong malaglag ay wag kang magalaw…don’t blame me pag nabitawan kita.” Zack warned her.

She was totally outraged, Aba’t pinangangatawanan na nga nito ang pagiging evil nito! Pasalamat kang loko ka na wala akong boses kundi!

Lumabas si Zack sa silid nya at nang pababa na ito ng hagdanan ay kumalma sya. Hagdanan pa rin ‘yun ano, at mataas pa! Hindi pa nya kayang ma-dead ng ganito kaaga…she’s just twenty one!

At nang makababa na nga ay pinagbabayo naman nya ang likod nito at impit na mga ungol na parang hangin lang ang nailalabas nya. Napalingon ang mga kasambahay pati na rin si Manang Laly na tinawag si Manang Lita sa kusina.

Binigyan pa nya ng tingin na humihingi ng tulong sa mga ito, but to her dismay ay napapangiti pa ang mga ito na wari ba ay kinikilig!

At ano nga ulit ang nakakakilig dito, aber? Hindi ako sako ng bigas para buhat-buhatin ng ganito para makarating sa ibang lugar! I have my feet and my feet was told by my brains na hindi sya sasama kay Zack! Nakakaloka…

Saan na ba sya dadalhin nito? Sa side door pa kasi sila dumaan, bumukal naman ang dugo nya dahil may ilan pa syang mga kasambahay na nakitang sumisilip sa kanila at ang mga ito ay tumatawa at kinikilig na hindi nya malaman kung nababaliw na ba ang mga ito o sya na mismo ang nababaliw na at kung anu-ano na lang ang kanyang mga nakikita.

She wagged her feet nang mamalayang papunta sila sa may pool area.

Swear to God pag inihulog nya ako ay ikamamatay ko ‘yun at mumultuhin ko talaga ang demonyong ito! Hindi ako marunong lumangoy!

Kung anu-ano na ang mga masasamang bagay na pumapasok sa isip nya kaya kinagat na lang nya ang likod nito na muntikan na nitong ika-bitaw sa kanya at ubod lakas na sumigaw.

Buti na lang talaga at hindi siya nito nabitawan at maingat pa ring naibaba siya.

“Shit! Why’d you have to do that?” ang mukha nito ay parang nalugi ng bilyon at hinilot-hilot ang likod nito.

Na-guilty naman sya dahil pati sya ay nagulat at napadiin ng sobra ang pagkaka-kagat nya.

Nang medyo mahimasmasan ito ay tiningnan sya.

“What are you looking at?” inis na tanong nito.

She looked down.

“Why don’t you turn around.” sabi nito at hinawakan ang kanyang mga balikat at pinihit sya paharap sa may pool area.

Nahigit nya ang kanyang paghinga nang makakita sa bermuda grass ng isang picnic set sa tabi ng swimming pool. Meroong mga food containers doon na pihadong ang mga laman ay mga pagkain talaga at meron ding wine bottle and two glasses. Meron pa talagang mga pillows din du’n.

“We’re going out for dinner tonight.” naalala nyang sinabi nito kanina.

What a romantic idea! Picnic under the stars! She suddenly heard angels singing in her head. Pero madali din naman nyang ipiniling ang ulo para mawala yun at nilingon ito.

Zack was smiling at her again. “Tayo na.” inilahad pa nito ang braso nito para umangkla sya du’n.

Nagdalawang-isip sya kung hahawak sya rito. At dahil sa nakikitang tinitigan lang nya ang braso nito ay inakbayan sya nito agad.

“Nahihiya ka pa eh.” he lightly said. At naglakad na sila patungo sa picnic set.

Sinubukan nyang kumawala sa akbay nito pero mas hinigpitan nito ang akbay at mas nasiksik sya sa mainit nitong katawan. Nasasamyo na naman nya ang mabango nitong amoy.She loved his perfume. Parang kinikiliti nito ang kanyang ilong. But what she loved most is his real scent…it makes her want to stick her nose into his neck and just smell him.

 

Naliliyong napatingala sya sa leeg nito.

Huminto na si Zack at namimilyo ang mga ngiti nito nang mapansin nya.

“Pinagnanasaan mo ako ano?” tudyo nito.

Bigla nya itong itinulak na kamuntikan na nitong ikinahulog sa pool kundi pa nya ito mabilis na hinila agad kahit halos ay madala na sya ng bigat nito.

“Hooh! That was close.” kunwari ay may pinapahid ito sa noo nitong pawis. At kinuha ang kanyang kamay, “Thank’s for saving me, my heroine.” at hinalikan nga nito ang likod ng kamay nya.

Hinila nya ang kanyang kamay nang makita na naman ang ngiti nitong naaaliw sa reaksyon nya.

Nauna itong umupo doon at tiningala sya, saka naman nito tinapik ang lap nito.

Ayoko nga! Baka may kung ano namang mangyari at may maramdaman na naman ako sa pwet ko.

Umarte syang sisipain na naman ito. But Zack just let out a loud manly laugh na baka hindi na naman magpatulog sa kanya ngayong gabi.

“Sadista ka na pala ngayon ha.Dito ka na lang nga sa harap maupo.” tinapik nito ang bakanteng puwang sa carpet.

Naupo naman sya doon at kaharap nya ito.

 

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

53 thoughts on “Behind His Hazel Eyes 2- Chapter 4

  1. kung knina dmi nya sigaw ngaun utak n lng nyj ngsasalita! hayyyy ksweet nman….gusto q dn un picnic under the stars..gonna do that on our 12th anniversary hehehe

    Posted by aileen | Oktubre 25, 2013, 2:46 hapon
  2. naku msakit yan s lalamunan. hehe. awayin mupa c zack.hehe

    Posted by belle | Pebrero 13, 2012, 11:14 hapon
  3. haha ang hirap kaya ng pa aksyon2x lng.. : )) deh makapagsalita

    Posted by itsgonnabeme | Enero 20, 2012, 3:30 hapon
  4. grave nka2inlove

    Posted by yuuna | Enero 13, 2012, 10:39 hapon
  5. kakakilig namn sila ang swerte namn ni Mia😀

    Posted by Thea Jane | Enero 10, 2012, 5:53 hapon
  6. same yata kami ng ugali ni mia… at same din ang physical appearance…maliit.

    Posted by dia | Enero 2, 2012, 5:22 hapon
  7. hay sana ganyan din luv stury kuh pro prang IMPOSSIBLE ata yan… tsk. tsk

    Posted by dia | Enero 2, 2012, 5:20 hapon
  8. hai nakakainggit…sakin ka nalang zack plz,,,,

    Posted by jsjti | Disyembre 30, 2011, 6:50 umaga
  9. wow na wow ang sweet ni zack.bumabwi ha.hahaha

    Posted by pilyasuplada623 | Disyembre 7, 2011, 8:12 hapon
  10. wow, ang sweet. picnic under the stars. kakainggit.

    Posted by mae | Disyembre 1, 2011, 2:27 hapon
  11. romantic indeed…..

    Posted by Faige | Nobyembre 29, 2011, 5:37 hapon
  12. ahhhh ang sweet…

    Posted by annamay | Nobyembre 8, 2011, 9:31 umaga
  13. awwww. how sweet🙂

    Posted by Khia Faeldonia | Nobyembre 5, 2011, 10:12 umaga
  14. how sweet naman…dinner under the stars…love it..

    Posted by Vina | Nobyembre 1, 2011, 10:57 hapon
  15. Hayyy…ang sweet ni fafa Zack.how i wish ako nlang c Mia.hehehe:)

    Posted by Riza | Oktubre 13, 2011, 6:34 hapon
  16. ayie.. ang sweet naman.. gusto ko ‘to.. kilig moments..😀

    Posted by rishelL_18th | Setyembre 28, 2011, 6:06 hapon
  17. haha, anoh toh ?
    kakainggit ha..

    Posted by rose ghelaine | Setyembre 26, 2011, 2:03 umaga
  18. romantic naman ng setting..;p

    Posted by cutiektine | Setyembre 16, 2011, 11:09 umaga
  19. kakabitin!! sobra

    Posted by emmie1327 | Setyembre 13, 2011, 4:16 hapon
  20. HAHAHA kakatawwa naman si mia…parang na pipi…

    Posted by aiza | Setyembre 7, 2011, 4:27 umaga
  21. ayyieeeeeeeeee!! nakakakilig naman cla ang cute grabe !!

    Posted by rielle | Agosto 30, 2011, 3:35 hapon
  22. sila na talaga ang sweet hahahaha.. na inggit LOL

    Posted by mane9185 | Agosto 28, 2011, 8:45 hapon
  23. haayyy zack love na kita…

    Posted by mjmercado | Agosto 17, 2011, 4:48 hapon
  24. moment kung moments

    Posted by cally23 | Agosto 11, 2011, 12:49 hapon
  25. grabe nakakakilig talaga…

    Posted by jermae | Agosto 5, 2011, 3:19 hapon
  26. awww sweet pa rin ni zack.. girl wag mo n siyang tikisin, cant you see.. he loves u! saka that’s not good for your health.. kita mo naman napaos ka pa talaga at his expense!
    bwehehe iba na talaga pag outsider.. can freely say and judge things differently..

    Posted by bhai | Hulyo 17, 2011, 7:49 hapon
  27. Ang cuculeT!.. ANg cucute! din!… haha

    Posted by louise-sama | Hulyo 17, 2011, 5:43 hapon
  28. waaaaahhhhhh i need more gils……..donate please…….

    Posted by yuuan23 | Hulyo 8, 2011, 3:06 hapon
  29. ayun naman! ang sweet ni zack. :”>

    Posted by arabeybsxP | Hunyo 21, 2011, 4:04 umaga
  30. like….

    Posted by wheng | Hunyo 20, 2011, 3:53 hapon
  31. next episode please..more more

    Posted by mayo | Hunyo 20, 2011, 3:41 hapon
  32. wow…………ang bait naman ni zack kahit kung anu-ano nang pinaggagagawa ni mia kalmado parin………may ganyang lalake parin kaya ngayon?

    Posted by Gesela Mae | Hunyo 18, 2011, 3:01 hapon
  33. wish i have a zack in my life

    Posted by lukaylovesme | Hunyo 13, 2011, 1:54 hapon
  34. so sweet;)

    Posted by alodia22 | Hunyo 12, 2011, 7:26 hapon
  35. Anu ba yan i Find it cute..nakakatawa silang 2…ahahaha kinkkilig tuloy ako..i love zack character so much.. :)))

    Posted by chasty23 | Hunyo 10, 2011, 1:45 hapon
  36. Haha nkakatawa sila

    Posted by darkangel | Hunyo 8, 2011, 10:37 hapon
  37. hahaha! oh i wish na sana ganyan talaga ang mga lalake

    Posted by laramaeperez | Hunyo 5, 2011, 1:48 hapon
  38. nakakakilig talaga😉

    Posted by jeytil | Hunyo 3, 2011, 10:27 hapon
  39. ay nako naman..hehehehe kainggit…san kaya ako makakakita ng gnyang lalaki..hhahahaha

    Posted by jayselle | Hunyo 2, 2011, 10:57 hapon
  40. Hay…. Sobrang nakakakilig naman silang dalwa, ang romantic ng gimmick ni Zack! haha. Sweet.😀

    Posted by BlueAngel05 | Hunyo 2, 2011, 9:26 hapon
  41. sweet^_^

    Posted by poopzy | Hunyo 2, 2011, 12:43 hapon
  42. .ang sweet ni zack😛
    hhahah

    Posted by nickejoe06 | Hunyo 1, 2011, 11:10 hapon
  43. how sweet naman nun dinner date nila..

    Posted by Loveko | Hunyo 1, 2011, 4:52 hapon
  44. Kilig naman… love it!! ^__^

    Posted by grace | Mayo 31, 2011, 8:34 hapon
  45. ang sweet nmen….
    isang sadista at isang masukista….
    whehehehehehehhe

    perfect…..

    Posted by clarkeys | Mayo 27, 2011, 1:37 hapon
  46. sweetness namn talaga ih!

    Posted by ryan | Mayo 26, 2011, 12:26 umaga
  47. so sweet talaga nila kulang ang sugar sa kasweetan nila hahahah

    Posted by macey_khet | Mayo 25, 2011, 4:59 umaga
  48. _hahaha ^_^ kakakilig…! ang kukulit^^

    Posted by @jenz | Mayo 24, 2011, 11:56 umaga
  49. ang sweeeeeeeeeet!

    Posted by rosan314 | Mayo 24, 2011, 3:01 umaga
  50. nkakakilig nmn cla…^_^kso need q p mgipon ng gils pra mbasa dis chapter.waaahhh!nkakaadik…

    Posted by rheana_jade | Mayo 21, 2011, 5:39 hapon
  51. hahaha ang kulit ni zack!!!ang sweet nman nla

    Posted by franchesca | Mayo 20, 2011, 2:15 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: