binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes 2

Behind His Hazel Eyes 2- Chapter 1

NAIINIS na naman sya, kung kelan kasi nagmamadaling makauwi ay wala namang jeep na dumaan! Nahuli na rin kasi sya sa oras ng labasan nila dahil inayos nya pa ang kanyang magulong mesa.

Napatirik ang mata niya sa papadilim nang kalangitan. And it wasn’t just getting dark…nagsimula na rin kasing pumatak ang hindi nya inaasahang maagang pagbuhos ng ulan.Nakatayo pa man din sya sa gilid ng kalsada talaga.

Una akala nya ay mahina lang ‘yun at kakayanin pa, sayang naman baka may dumaan na jeep at wala na sya du’n dahil nakasilong na. Nang bumuka na ang langit at pumatak na ang malakas na ulan ay napaungol sya.

“Perfect!”

She turned around para bumalik sa building nila, ginawa nyang pananggalang muna sa ulan ang hawak na mga folders pero nang maalalang hindi pala yun pwedeng mabasa ay niyakap na lang nya ‘yun.

Mabilis ang takbo nya at dahil sa nakatungo ay ‘di nya nakita ang isang bultong nasa daraanan nya.

Bam!

“Ay lamok na bakla!” nasigaw nya, ang uri pa ng pagkakasigaw nya ay parang si Narda na sumisigaw ng Darna!

Parang merong dalawang planeta ang nagsalpukan at nagsitalsikan ang hawak nyang mga papeles, medyo nahilo pa nga siya nang konti at dahil sa lakas ng pagkakasalpok niya dito ay paupo siyang natumba.

Napangiwi sya at umungol, “Naman…” at dinama nya ang pwet nya. Akala nya naipis na yung isa sa lakas ng pagkakabagsak nya.

Mabilis na tinanggap nya ang kamay na nakalahad at nagpahila dito para makatayo. She felt something like static electricity na gumapang mula sa kamay nito padaan sa kamay nya at papunta sa puso nya na naging dahilan para sandali yatang mabigla ang puso nya sa pamilyar init ng kamay nayun.

“I’m sorry, Mia,” anang boses na akala niya ay sa panaginip na lang niya maririnig.

The one that gave her restless and have sleepless nights.

Could it be him? Tanong nya sa sarili. Probably not.

But just to confirm! Kahit nagsimula na syang kabahan ay itinaas nya ang paningin mula sa dibdib nito patungo sa mukha nito nawindang siya nang pagtingala ay nakumpirma ang duda nya.

It’s really Zack! It’s his eyes, his oh so beautiful hazel eyes.

Nakatunghay ito sa kanyang mukha at tila namagneto na naman sya ng mga mata nito na kung makatingin sa kanya ay pakiramdam nya sya ang pinakamagandang nilalang sa paningin nito.

Which is not true.

“Zack?” She stuttered, her voice broke! She felt a sudden loss of power to support her to continue standing. Nanghihina sya…

A smile on Zack’s lips appeared, “I finally found the strength to come after you,” anito.

“Come after me?” hindi nya alam kung saan nanggaling ang boses na yun.

And then voices from her dreams started to ring in her head again… the same words spoken on that gloomy night at the veranda.

Kapag may naaalala syang masaya roon sa Hacienda tulad nung Easter Egg Hunting nila ay napapangiti sya, pero biglang nasasapawan na naman ng tagpong ‘yun sa veranda ang lahat at hindi na sya napapalagay. Tuwina ay iniiwasan na lang nyang isipin ‘yun pero pabalik-balik talaga sa isipan nya hanggang sa ‘yun at ‘yun na lang ang naiisip nya.

There were nights when nahihirapan syang matulog dahil paulit-ulit sa pandinig nya ang boses ni Zack na nagsasalita…mga salitang pumunit yata sa puso nya. Minsan naman, nakakatulog nga sya pero sa panaginip na naman nya yun maaalala at nagigising din sya at nahihirapan nang matulog ulit.

Parang napapasong hinila nya ang kamay na nananatiling hawak parin ni Zack. Lumayo sya rito at saka lang napansin na may hawak pala itong payong kaya pala hindi siya tuluyang nabasa ng ulan.

“What are you doing here?” tanong niyang hindi naikubli ng tono nya ang nararamdamang sama ng loob dito. Umatras pa sya palayo rito nang may maapakan syang kung ano. “Oh Great!” nausal nya at mabilis na pinulot ang nagkalat at nababasa na sa ulan na mga paper works nya na iuuwi nya sana.

Tinulungan sya nitong pulutin ang mga papers.

“I came to see you,” Zack said matapos nilang mapulot lahat at i-abot nito sa kanya ang napulot nito.

Kinuha nya yun, their fingers touched at muli ay mabilis na nahila nya ang mga kamay na ikina-kunot noo ni Zack.

“Something wrong? You seem…” tanong nito at lumapit pa sa kanya para makasilong sya sa payong nito dahil hindi na nya napansin na nababasa na sya ng ulan sa kaka-atras nya.

“Seem what?”

“You don’t seem like yourself,” diretsong sabi nito sa kanya.

She didn’t dare try looking at his eyes at baka matagalan na naman bago sya makabawi.

“Talaga? How well do you really know me, Zack?” Curious siya sa isasagot nito.

Para sabihin mo ang mga ganoong bagay na para bang isa akong masamang tao, isang masamang babae na hindi ka na mapakaling mawala ako sa hacienda? And why the hell did you show up now?

Nais nyang itanong ang mga bagay na’yun pero pakiramdam niya ikakamatay niya kung maririnig niya ng direkta mula sa bibig nito ang totoo.

Before a word even came out of Zack’s mouth ay pinigil na nya ito. Itinaas nya ang isang kamay sa harap ng mukha nito.

“You know what? Just…just don’t answer it, whatever you’re really here for, I don’t care. I have to go.”

Napatiimbagang si Zack sa malamig niyang tugon. Hinablot sya nito sa braso.

“Ano bang problema mo, Mia? A-ano’ng-” sparang ito din ay hindi malaman kung ano ang itatanong sa kanya.

“Zack, please!” Nawawalan na ng pasensyang sabi nya at iwinaksi nya ang kamay nito, nasagi nya ang isang kamay nito na may hawak ng payong kaya tumilapon sa unahan ang payong.

I can’t stand this anymore! Sigaw ng utak nya. ‘Pag hindi pa sya nakalayo rito ay baka umatungal na sya sa harap nito. Naiiyak na talaga siya, bumabalik na naman kasi ang sakit sa puso nya. She can’t let go of that night.

“How’s your arm? Does it still hurt?” instead he asked.

She turned to him dahil nagulat din sya sa tanong nito. And then she met his eyes again…She was seeing sadness…and concern.

Gusto nyang humagalpak ng tawa sabay atungal, for a while she thought she’s gone already crazy. How can she see lies in his eyes? In his beautiful eyes?

Napapikit sya sandali at marahas na huminga.

“Will you stop it?” bulyaw nya rito.

Zack was stunned at napaurong.

“Stop acting like you really care, ‘coz’ even if it’s real this time I wouldn’t believe you anymore.” lakad-takbo siya para makalayo agad dito. Kailangan niyang makalayo dahil baka magbago ng puso niya ang gusto ng utak niya. She need to be as far away from Zack as she possibly could.

 

“HACHU!”

Inis na suminga si Zack sa towel na binigay ni Dylan. Mula sa Makati ay dumiretso sya sa Green Meadows Subdivision sa Quezon City.

Aliw na aliw na nakangiti pa ang kanyang pinsan habang prenteng nakaupo sa sofa at nakapatong pa ang paa sa center table nito. He told him he went after a girl and that’s all.

“Do I know this girl?” Dylan asked, his very dark eyes which were as dark as the night darkened even more. Whenever it does, ibig sabihin ay may nararamdaman itong kakaiba.

Isang buntong-hininga ang pinawalan nya at nahilot ang sariling sintido. Nag-sisi tuloy sya kung bakit dito sya nagpunta at hindi sa nakatatanda nitong kapatid na mas kasundo nya dahil magkasing-edad lang sila nito. He needed some place to stay for a while but he didn’t want to stay in a building where Van lives. He never liked condos because they never looked and feelt like home to him, just a building, a box in a building.

Gusto tuloy nyang magsisi at hindi pa sya bumili ng bahay dito sa Manila. He just felt that he didn’t need one since he is not based here. He has the hacienda in Sta. Monica and a house in L.A.

Pag-aari ng pamilya Decerna ang elite subdivision na ito. Ang pangatlo at bunsong kapatid ng kanyang ama ay nakapag-asawa ng isang Decerna na ang negosyo ay real estate at construction firm. At ngayon ay si Dylan na isang Engineering graduate sa Brown University kung saan nag-aral din si Rafael, ang nagmana sa isa sa pinakamalaking construction firm sa bansa ang Decerna Builders. While Van, a cousin and his best bud who used to go in Yale Business School like him, got the Decerna Homes na ang sakop naman ay ang dalawang subdivisions sa Manila including Green Meadows,isa sa Cebu at limang condominium buildings sa Manila din at dalawa sa Cebu.

Their parents were actually forced into political marriage, but thank God it worked out. And now it’s Dylan’s turn for a political marriage.

“Have you met your soon to be wifey?” balik tanong nya rito na ikinapangit ng hilatsa ng mukha ni Dylan.

“Yes and I already slept with her,” nang-iinis na sabi nito.

“What the hell?” panunukat nya rito at nang makitang nakangiti ito ay naibato nya rito ang hawak na towel.

“Shit, Zack!” mabilis na tumayo ito at umiwas sa towel na siningahan nya.

“Magseryoso ka nga, Dy!” Singhal nya sa pinsan na sobrang mahilig talaga sa babae na halos lahat ng girlfriends nito ay napapaiyak nito bago paman matapos ang relasyon nila.

“Hey, Zack! Kay Rafael mo sabihin yan” pasa nito.

“I already did,” anya.

Dylan smirked. “And then?”

“I don’t know, Dy…he left Sta. Monica a month ago and I haven’t heard of him since.” he honestly spoked.

“Charlize is a great girl,” biglang sabi ni Dylan, “And plus even if she’s overprotected? I loved how she broke the rules for Raf. I honestly thought she’s the one for him.”

He was shocked at how serious Dylan was while saying those words.

“Are you in love?” bulalas nya rito na ikinatawa nito ng malakas.

“Oo naman, I’m always in love. I’ve a lot of love to give.  How about you, Zack?” he asked. He just shrugged his shoulders then Dylan stood and made a call at nagpa-deliver ng dinner mula sa isang restaurant.

Napaungol sya dahil kumirot ang ulo nya, namamangha pa rin sya sa inasal ni Mia kanina.

Nang pakatitigan nya ang mga mata nito ay mas natakot sya sa nabasa nya…there was pain, hatred and anger… And he was not expecting something like that. He will give everything just to be able to know what caused it…and why the hostility?

He will confront her again tomorrow, gagawa sya ng paraan para malaman ang dahilan.

Malas pa at naulanan sya, itinulak kasi nito ang kamay nya kaya tumilapon ang payong.

Hindi ikaw ‘yan Mia, something’s not right, something is really wrong.


“ANONG nangyari dyan sa mga mata mo, Cruz?” tanong ni Andy. Napadaan sya sa cubicle nito. Apilyedo ang tawag nito sa lahat kaya ang tawag din nila dito ay Apolinario na tinutukso nila na puro pangalan ang pangalan nito,

Para syang lumulutang sa hangin dahil isang oras at kalahati lang ata ang tulog nya dahil sa ginawa nyang report.

Naiinis talaga kasi sya dahil nagkamali-mali na sya dahil ‘di nya mawaglit sa isipan ang muling pagkikita nila ni Zack.

“Don’t ask,” wala sa mood na sabi nya dito.

“Sungit naman,” anang bakla.They were talking as if walang division ang nakaharang.

“Sorry, wala lang talaga akong tulog eh at medyo wala rin sa mood.” pabagsak na umupo sya sa swivel chair.

Isinandal nya ang likod sa malambot na backrest ng silya nya. Napapikit sya at ipinatong sa mesa nya ang mga paa. Tutal sobrang aga pa naman at half an hour pa bago mag-alas-otso kaya iidlip muna sya sandali.

“Idlip lang ‘to Apolinario ha? Gisingin mo naman ako.” pakiusap nya dito .

At hindi pa nga naman sya tuluyang nakakaidlip ay isang singhap ang narinig nya sa katrabaho at tumili ng ubod lakas na halos ikinabasag ng eardrums nya. Sa kanyang gulat ay naituwid nya ang kanyang mga paa ng hindi sinasadya kaya umatras ang kanyang swivel chair patungo sa dingding na nasa likod nya at nauntog tuloy ang kanyang ulo dun.

“Aw! Aw! Aw! Sakittt!!” hinapuhap nya agad ang kanyang ulo’t baka sakaling may crack. Inis na napatayo sya para dukwangin ang talandisay na bakla. Hihilahin sana nya ang buhok nitong mahaba at mas shiny pa ata sa kanya nang mapalingon sya sa tinitingnan nito. Nakanganga kasi ito at parang naglalaway pa.

“Wow ulam!” Kinikilig na tili nito at kinapa-kapa pa ang buhok na sinuklay ng kamay at ikinompose ang sarili. Saka pa-demure na nagtanong, “Sino’ng kailangan ninyo, Sir?”

Napatayo narin ang mga usyosero at usyosera niyang mga kasamahan, and random sighs filled the room.

Rafael smiled at saka dumako ang tingin sa kanya, “I’m looking for a dog.”

Nagsasalubong ang kilay na nilingon sya ni Apolinario.

“S-si Mia ba ang dog na’yan?” yungit na tanong nito.

Iningosan nya si Rafael, “Ano’ng dog?” at bumalik sa inuupuan nya.

Lumapit naman ito at umupo sa silya sa harap nya.

“Cute naman ng office nyo.” nilibot pa ni Rafael ang tingin sa kabuuan ng office pati ng cubicle nya.

She smiled, si Rafael ang naghatid sa kanya dito mula sa Sta. Monica. But since then ay hindi na nya ito nakita.

“How are you?” tanong nya rito.

“I will be fine if you give me your night tonight.” mahinang sabi nito na inilapit pa ang mukha sa kanya.

Natawa sya, napansin pala nito na tumahimik ang paligid at ibig lang sabihin ay nakikinig sa usapan nila ang lahat.

“Ano’ng night tonight?”

“A dinner! We have a lot to catch up on. Actually mabilis lang ako kasi I’m meeting someone near here kaya dumaan na ako para sabihan ka.” anito.

Nag-isip pa sya, although wala naman syang gagawin talaga. Pinaghintay lang talaga nya ito, which he patiently did kahit na makailang ulit na napapasipat ito sa relos nito.

“Alright, you’re the boss.”

Rafael happily stood, “Fetch you at around five here, okay?”

Sumimangot sya. “Aga naman, hindi mo man lang ako pauuwiin muna para magbihis?”

Sinipat nito ang kanyang suot.

“Aren’t you wearing clothes right now?”

She rolled her eyeballs, “Oo na…Mr. Bossy.”

At natatawang nagpaalam na nga ito.

 

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

75 thoughts on “Behind His Hazel Eyes 2- Chapter 1

  1. medyo nalito aq ha’. kala q kasi ‘yung Behind his hazel eyes (Legacy) ay iba sa Behind his hazel eyes 1 . eh. pareho lang naman pala , bale part 1 at part 2 lang pala ‘to . medyo naloka talaga ako . !!ahEhe !! pero . okay lang kasi i super love the story naman .

    Posted by jean | Oktubre 26, 2012, 10:41 hapon
  2. actually matagal ko nang nabasa ‘to…inuulit-ulit ko lang…hindi talaga kasi nakakasawa eh….ang sarap balik-balikan….

    Posted by gesela | Abril 1, 2012, 11:12 hapon
  3. sana may story din sina Van at Lucy🙂

    Posted by rosa.azul | Marso 14, 2012, 10:42 hapon
  4. god! i missed mia and zack ngaun ko lng na continue to ah😀

    Posted by itsgonnabeme | Enero 20, 2012, 2:42 hapon
  5. nice…

    Posted by yuuna | Enero 13, 2012, 2:30 hapon
  6. the best !!

    Posted by Thea Jane | Enero 9, 2012, 10:07 hapon
  7. wow! kung maidescribe yung mga guys parang perfect na sila… but amazing!… sobrang nice ng story!…

    Posted by dia | Enero 2, 2012, 4:05 hapon
  8. argh!akala ko si zack ung dumating…

    Posted by jsjti | Disyembre 30, 2011, 6:06 umaga
  9. Sana enough pa gils ko para matapos ko till chapter 9.

    Posted by Abbythe1 | Disyembre 28, 2011, 3:41 hapon
  10. sa wakas nakta q na dn karugt0ng.hahay kaka inlove,

    Posted by pilyasuplada623 | Disyembre 7, 2011, 4:12 hapon
  11. nice story. haba ng hair ni mia, pinag-aagawan ng magpinsang gwapo. hehe

    Posted by mae | Nobyembre 30, 2011, 4:29 hapon
  12. nice one again….

    Posted by Faige | Nobyembre 29, 2011, 4:10 hapon
  13. nice nmn..

    Posted by Roman | Nobyembre 22, 2011, 2:39 hapon
  14. cute nman umuulan cla nag kita kaya nga lan umiwas si mia

    Posted by eirenecayne | Nobyembre 10, 2011, 2:00 hapon
  15. ito na makakabasa na rin

    Posted by annamay | Nobyembre 7, 2011, 5:13 hapon
  16. kainis ngaun q lng nkita n may part 2 n pla, i miss rafael… Hahaha…

    Posted by jhovelle paunil | Nobyembre 6, 2011, 2:18 hapon
  17. …its is such a good story..!!!

    Posted by Vina | Nobyembre 1, 2011, 9:36 hapon
  18. Sa wakas nbsa ko rin.akala ko ndi ko na mabbsa ang continuation ni2.super gand @ nakkaklig.:-)

    Posted by Riza | Oktubre 13, 2011, 4:40 hapon
  19. wow ganda,like like

    Posted by John Lee | Oktubre 13, 2011, 4:00 hapon
  20. ang isa pang karibal.. duma-the moves na si rafael.. .kailangan na ring kumilos ni zack..😀

    Posted by rishelL_18th | Setyembre 28, 2011, 5:14 hapon
  21. haha, ewan basta nakakatawa and cute ang story..
    especially yung mga expressions.
    nakakatawa talaga.

    Posted by rose ghelaine | Setyembre 26, 2011, 1:30 umaga
  22. ang bongga mo Mia!!!

    Posted by sumoku | Setyembre 24, 2011, 3:25 hapon
  23. wow… nkaka excite ang susunod na mang yayayi!!!

    Posted by sumoku | Setyembre 24, 2011, 3:24 hapon
  24. ive been dying 2 read the continuation,,,,i love this story,,,,,i have 2 earn more gils (^v^)’

    Posted by bluegirl | Setyembre 21, 2011, 7:50 umaga
  25. ito pala yung mia and zach..

    Posted by cutiektine | Setyembre 16, 2011, 12:11 umaga
  26. wow nakaka-touch meron ng part 2 YES!!!

    Posted by rielle | Agosto 30, 2011, 2:29 hapon
  27. sa wakas nabasa ko din nung continuation :)))

    Posted by mane9185 | Agosto 28, 2011, 7:56 hapon
  28. babasahin ko ito next :))

    Posted by mane9185 | Agosto 25, 2011, 7:44 hapon
  29. YES…. kakakilig naman to!!!
    Sana nga lang walang plano si raf na pormahan c Mia😦

    Posted by Domo | Agosto 17, 2011, 7:37 hapon
  30. ang cute nmn kilig grabe nkkbitin ang next chapter si zack pala ang pinsan ni dylan sa baby & love…

    Posted by mjmercado | Agosto 17, 2011, 4:12 hapon
  31. syang nakakakilig na .. na miss ko ito.

    Posted by cally23 | Agosto 9, 2011, 12:38 hapon
  32. its nice to read this volume 2 of this story. tagal ko ng nabasa ang vol. 1 nito.

    Posted by jermae | Hulyo 30, 2011, 9:36 umaga
  33. nice chapter…. malapit n ang conflicts.. hehehe… cant wait…

    Posted by alain_desouza13 | Hulyo 19, 2011, 2:29 umaga
  34. naku hilig ko pa man ding mag compile ng stories for my personal collections at madaling balik-balikan pag may free time ako.. hehe mukang real pocketbooks nalang ang pede kong kolektahen.. pero ok pa rin.. kelangan kong kumayod to earn points:p uber! this will be my first paid gils sana matapos ko.. ang haba n tlga ng hair ni mia! two hot guys aiming for her! but of course i’ll still vote for zack!! finders keepers:p although technically c rafael ang unang nakakita kay mia, c zack nman ang unang naattract sa kanya..hehe may charlize n c rafael, kea dpat kay zack c mia!!

    haiissst pag nasa libro n ung mga stories ng TOP,, i’ll collect those pocketbooks tlga!!

    Posted by bhai | Hulyo 16, 2011, 2:53 hapon
  35. nakakakilig naman

    Posted by xian | Hulyo 3, 2011, 6:17 hapon
  36. hi panu ko po to mababasa? new lng po ako d2.. wala pko idea.. tnx

    Posted by hun23 | Hunyo 25, 2011, 12:20 umaga
  37. eto ang inaabagan kong story hehehe love it

    Posted by ronelyn | Hunyo 24, 2011, 6:49 umaga
  38. she’s torn between two lovers..

    Posted by rafaelnadal | Hunyo 22, 2011, 6:19 hapon
  39. pno q to mababasa
    hrap mgipon ng gils

    Posted by eirenecayne | Hunyo 21, 2011, 2:52 hapon
  40. matagal ko ding inabangan to. ngayon ko lang nalaman na meron na pala. hahaha! ganda ate athena. :>

    Posted by arabeybsxP | Hunyo 20, 2011, 7:28 hapon
  41. i so much miss this story,,this is what i waiting for,,,the part 2 of the story,,i loved the characters…

    Posted by mayo | Hunyo 20, 2011, 2:20 hapon
  42. G0D, ganda ng rt0ry, lipat mu na aq ehehe sa ibang chatpter

    Posted by chellut | Hunyo 15, 2011, 11:10 hapon
  43. ang cute ng story…ito yung favorite story ko sa lahat….parang may agawan factor yatang magaganap…nakaka-excite naman…

    Posted by Gesela Mae | Hunyo 15, 2011, 9:36 hapon
  44. weeeee…. basa na rin ako!!! hmmm.. medyo matagal ko nang nabasa yong 1 kaya hindi ko alam kung tama pagkaalala ko..🙂

    but, di ko pa man natatapos basahin lahat kinikilig na ko,.. hehehe…

    galing nito! ^^

    Posted by andy001 | Hunyo 14, 2011, 5:55 hapon
  45. finally.. mababasa ko na rin. i waited for this for months? maybe a year? hahaha. mabuti na lang naalala ko na gusto ko masubaybayan love story nina mia at zack. muntik ko ng malimutan. kinikilg na naman ako.

    Posted by lukaylovesme | Hunyo 13, 2011, 1:28 umaga
  46. super great story! i love it! :))

    Posted by annejulie | Hunyo 13, 2011, 1:12 umaga
  47. now lng ulit ngkaroon ng time pra makapagbasa…
    at last! finally! sa wakas!! hahahaha🙂
    matagal q din ‘tong hinintay,.. nabitin aq ehh,..🙂
    ganda talaga!🙂

    Posted by heidz | Hunyo 11, 2011, 2:30 hapon
  48. Ito n’a nga ung inaantay ko…after reading part 1 eto n’a….sana maraming twist an right now after reading chapter 1 is im super excited n’a for thé remaining chapters…sana dumami n’a gils ko…donation please :)))))

    Posted by chasty23 | Hunyo 9, 2011, 4:30 hapon
  49. Galing naman

    Posted by chasty23 | Hunyo 9, 2011, 4:28 hapon
  50. Ang ganda!!!!😀 Ang galing mo @AthenaShih!! parang pro writer!!

    Posted by j-anne lorezo | Hunyo 8, 2011, 9:24 hapon
  51. Ganda..ipon pa ng gils para sa sa chapter 2.haha

    Posted by darkangel | Hunyo 8, 2011, 7:00 hapon
  52. Hai ang konti plang ng gils.tagal pa bago ko mbsa to:'(

    Posted by darkangel | Hunyo 8, 2011, 2:08 hapon
  53. hahaha, katawa nman ang sagot ni rafael d2 tss….at c zack, prang wla manlang ka idi-idea sa dahilan ni mia, hahay…nga nman…:-/

    Posted by saien | Hunyo 4, 2011, 9:01 hapon
  54. yes! part two!!!

    Posted by melody | Hunyo 3, 2011, 1:35 hapon
  55. like! iipon muna ako gils para mabasa ung ibang chaptes;)

    Posted by poopzy | Hunyo 2, 2011, 10:51 umaga
  56. sa wakas makakabasa na ako nito 😀 Thanks Ms. Athena sa napakagandang kuwento…

    Posted by jeytil | Hunyo 1, 2011, 10:20 hapon
  57. to ms.Athena

    maraming maraming salamat at sa hinahaba haba ng aming paghihintay na mabasa ang karugtong ng BHHE ay eto na..ikaw na da best ka!:-)

    Posted by jayselle | Hunyo 1, 2011, 4:50 hapon
  58. im thinking kung gano ba talaga kagwapo si RAFAEL, DYLAN and ZACK>>>/…

    Posted by Loveko | Hunyo 1, 2011, 4:10 hapon
  59. .yey ! may kadugtong na pala
    antagal kong ina`abangan toh sa TOP.wordpress
    hehehe

    .ganda talaga !
    thank you po miss athena for posting !

    Posted by nickejoe06 | Mayo 25, 2011, 10:25 hapon
  60. naku ! may gusto ba si Raf kay Mia .. well, mabasa nga ang next capter.. GOSH ! ang ganda talga ng story. xD

    Posted by HaeRene010 | Mayo 25, 2011, 10:31 umaga
  61. wow! atlast andito na c Zack at Mia! super na miss ko sila hehehe

    Ms. Athena ganda talaga nito….super like ko talaga!🙂 excited na ako sa mga next chapz nyahahah atleast may naipon akong mga gils para sa story u…

    Posted by macey_khet | Mayo 25, 2011, 4:11 umaga
  62. I’m glad my cont. na.. excited nko mbsa ang nxt chap. ipon muna gils… ganda ..ganda…ganda ng story

    Posted by jikie | Mayo 24, 2011, 10:55 hapon
  63. _wow..! ang ganda^^

    _tnx to ms. athenashih🙂 d na kami nabitin🙂

    Posted by @jenz | Mayo 24, 2011, 10:19 umaga
  64. ganda!

    Posted by rosan314 | Mayo 24, 2011, 2:11 umaga
  65. awh…..bitin nmen….
    kelan p kea aq ulit maka2basa sa next chap.

    Posted by clarkeys | Mayo 21, 2011, 9:52 umaga
  66. sawakas nmen…

    maba2sa ko n itoh…
    tagal ko n itong inaantay…

    Posted by clarkeys | Mayo 21, 2011, 8:54 umaga
  67. wow sa wakas meron na rin ung ka2loy ndi kc ako mapakali kung anu ang naging ending nito kc d pa napo-post d2 ung final chapter im glad meron na pero sad ako wla na akong gils!!!😦

    Posted by rhein131 | Mayo 20, 2011, 5:36 hapon
  68. hehehe salamat naman po at ndugtungan na ito tagal ko na kasing hinihintay ito eh

    Posted by franchesca | Mayo 20, 2011, 1:31 hapon
  69. Hindi talaga ako makapaniwala na mabasa ko ito. Talagang ina-asam-asam kong basahin ito nuon pang libre pa ito doon sa archive. Ang naipon kung gils ay nakalaan pala sa story na ito. Ngayon back to zero na ako so, ipon na lang ako uli. Salamat sa TOP for finishing the story for us.

    Posted by ylen | Mayo 20, 2011, 10:56 umaga
  70. Thank u so much I been waitin for a long time for this story to come out…thank u thank u n thank u:)

    Posted by clarizjohn_16 | Mayo 20, 2011, 7:41 umaga
  71. wow… ang ganda nmn… ito b ang amature???🙂

    Posted by chubby | Mayo 20, 2011, 4:03 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: