binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes 1

Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 9

“Hello!”

Nagpapadyak sya, “Argh! Nakakainis!” bulong nya sa ere.

“Um, Hi?” ulit ng isang boses ng babae na sigurado syang bago sa kanyang pandinig. Nang lingunin nya ito ay nagulat pa sya dahil sa pamilyar na mukha ng kaharap nya.

‘Di yata’t ito ang sikat na Fil-Am actress na bida sa isang sikat na TV Series ngayon na si Mandy Krueger!

Mandy Krueger? Mandy…Mandy?! Ito ba ang girlfriend ni Zack?

 

The girl standing in front of her right now just made her have a girl crush on her. She kinda looked like the kind of girl na gugustuhin nyang maging ‘pag na-reborn sya at bigyan ng pagkakataong mamili ng mukha at katawan.

Mandy Krueger…who’d have thought na makakakita sya ng isang artista dito?

“I’m Mandy, pinsan ka ni Zack?” tanong nito at inilahad ang kamay.

Gusto nyang matawa ng matawa, hindi nga lang nya alam kung sa tanong nito o sa kanyang sarili mismo. Tanungin ba naman ng original girlfriend ang fake girlfriend ng ganu’n?

“No hindi nya ako pinsan, I’m Mia…” tinanggap nya ang kamay nito. For the first time ay nakahawak sya sa kamay ng isang artista! She smiled at her, “I’m a huge fan, ang ganda mo naman,” she stared at her looking like she just saw an angel.

Mandy liked it, kita nya sa mga ngiti nito. But she wasn’t kidding herself as well.

“Talaga? Maraming salamat kung gano’n,” anito at lumingon-lingon na wari ay merong hinahanap, “Pupuntahan ko lang si Zack sa kwarto nya ha? Sige!” at excited itong tumungo sa may hagdanan.

Sinundan na lang nya ito ng tingin.

Paano kung abutan nyang ganu’n pa rin ang hitsura ng huklubang yun? alalang sabi ng isip nya.

As if she’d never seen him naked before… sabi naman ng isang side ng utak nya.

Iniling-iling nya ang ulo dahil sumisingit na naman kasi ang hitsura ni Zack kanina. Nailakumos na naman nya sa mukha ang kanyang mga kamay as if it would erase that picture of the naked Zack on her memory.

“Dumating si Mandy?” tanong ni Rachel na lumapit sa kanya mula sa likuran.

She smiled and nodded. “Pinuntahan nya si Zack sa kwarto nito,” sabi nya at binuhat ang isang basket kung saan nakalagay ang ilang pagkaing dadalhin nila sa village.

Hindi makapaniwala si Rachel, hinarap sya nito na ang ekspresyon ng mukha ay parang hindi nya maipinta.

“You let that girl went up to your boyfriend’s room?” natitilihang tanong nito.

Napatda sya at naisip na ang alam nga pala ng mga ito ay sya ang girlfriend ni Zack. Pero paano na ngayon ‘yan at nandito na ang totoong girlfriend? Baka awayin pa sya ni Mandy at pagbintangan na mang-aagaw?

Iniiwas nya ang mga mata sa mga titig ni Rachel. She even just gave her another smile.

“Ano ka ba okay lang ‘yun ano. At saka wala naman siguro silang…” at napabuntong-hininga muna bago tinapos ang sasabihin, “…gagawing masama, at hindi naman ako selosa.”

Tumaas ang kilay ni Rachel at kulang na lang ay pingutin sya at sigawang Tanga!

“Are you for real, Mia?” Rachel continued confronting her.

“Bakit, Chel? Hologram lang ba ‘tong nasa harap mo?” lumapit si Rafael. “Tingnan ko nga…”at pinisil ang ilong nya.

“Aww, aww, aww ang sakit ha…” sambit nya.

Ngumiti si Rafael, “Hindi naman ah, naging aso lang…” anito na ikinatawa nalang nya.

Nameywang si Rachel sa harap nila at sinabi kay Rafael ang ginawa nyang pagpayag na sugurin ni Mandy si Zack sa kwarto nito.

Tiningnan sya ni Rafael at palihim nya itong sinenyasan ng tulong.

“Ang dumi naman kasi ng isip mo Chel, just let it go okay?” ani Rafael at kinuha sa mga kamay nya ang basket. “Ako na rito, tulungan mo na lang akong buksan ang pinto, Mia,” tawag nito. Saka dinala rin ang iba pang plastic containers na may pagkain din.

Mabilis na sumunod sya kay Rafael.

“Hooh! Muntik na ako roon. Bakit parang hindi gusto ni Rachel si Mandy?” tanong nya at binuksan ang pinto ng pick-up.

“Masyadong mapili sa tao yang si Rachel, ugali agad ang napapansin,” sagot nito at nilingon sya, saka sumandal sa sasakyan at ipinagkurus ang mga kamay sa harap nito.

Napaisip sya at nagulat sa pumasok na ideya sa isip nya.

“Ibig sabihin hindi maganda ang ugali ni Mandy?” at nagkibit-balikat lang si Rafael.

Sayang naman si Mandy, maganda pa naman sya at sikat. Halos nasa kanya na lahat including Zack ha! Ngumiwi sya sa huling naisip..

“Pero parang mabait naman sya kanina eh,” at ngumuso at ipinilig nalang ang ulo, “problema na nya yun”

Nang tingalain nya si Rafael ay muli syang naasiwa sa napakatiim na titig na ginagawa nito sa mukha nya. Napapiksi sya nang maramdaman ang kamay nitong humaplos sa pisngi nya.

“Ah! Titingnan ko lang si Tita Mildred sa kusina at b-baka may maitutulong pa ako” at iniwan ito doon.

Nang makalayo dito ay naisip nyang parang may kakaiba sa ikinikilos ni Rafael towards her. Weird!

Nang umakyat sya sandali sa silid nya ay kinuha nya muna ang kanyang dadalhing sling bag.

When she went out ay dumako ang tingin nya sa silid ni Zack na nakapinid ang pinto. Kung anu-ano na tuloy ang nai-imagine nyang ginagawa ng dalawa sa loob.

Mabilis na pinalis nya ang lahat ng masasamang ideyang pumasok sa kukote nya at bumaba na.

“Hindi na raw sasama si Zack sa Easter Egg Hunting kasi raw ayaw magpaiwan ni Mandy at ayaw naman nyang isama at baka pagkaguluhan pa ito ro’n,” nakaismid na balita ni Rachel sa kanila.

So, sila na lang palang apat ang pupunta. Nakaramdam sya ng hindi maipaliwanag na kalungkutan na hindi nya pala makakasama ngayon si Zack.

Dumating na kasi ang tunay nitong girlfriend at baka na-miss nila ang isa’t-isa kaya mas feel nilang magsarili muna.

Napakagat-labi sya sa nasa isipan nya. Bakit nagseselos ka Mia? Eh wala ka namang karapatan…

Nang dumating sila sa village ay natuwa sya at marami ngang tao ang naroon. Sa basketball court ginanap ang activity. Merong napakahabang mesa kung saan ay inilagay lahat ng handa nila, may mga balloons para sa mga bata, maraming mesa at nakakahawa ang festive mood ng lahat.

Nakita pa nya ulit si Lucy!

Inumpisahan ng isang panalangin ang kanilang pagtitipon nang araw nayun. At pagkatapos ay meron ding ibang mga nag-alay ng mga kantahin.

Meron pa ngang games na sinalihan ng karamihan. Pati si Lucy at si Rachel ay nakisali.

“Paper dance, let’s join? They need a pair at magaan ka lang naman,” aya ni Rafael sa kanya.

Siniko sya ni Lucy, “Sige na Mia…’Pag nanalo ka naman ay merong price, at least may souvenir ka pag-uwi natin sa Manila.”

Pati si Rachel at Tita Mildred ay kinukumbinsi sya.

“Sige na nga…”at tumayo na sya.

Pumunta sila sa gitna ni Rafael kasama ang ilang pares din. Una ay kaya pa naman nilang mag-share sa isang dyaryo pero nang lumaon ay kinarga na sya ni Rafael.

Tilian naman ang ilang mga kababaihan na pihadong may crush kay Rafael at kung nakakatusok lang ang mga tingin nila sa kanya ay para na syang pin cushion ngayon.

Sa huling bahagi kung saan ay dalawang pares nalang sya ay sobrang liit na ng papel at kailangang mag tiptoe ni Rafael habang karga sya.

Napatili sya nang kargahin ulit sya nito at hindi ito nakapagbalanse kaya natumba sila. And even before they both reached the ground ay niyakap sya ni Rafael palapit sa katawan nito para doon sya mag landing sa ibabaw nito.

Muli ay naalala nya ang isang kahalintulad na tagpo nang mahulog sila ni Zack mula sa ibabaw ng kabayo nitong si Cherry.

Napuno ng tuksuhan sa kanilang dalawa ni Rafael at nang pilitin nyang tumayo mula sa ibabaw nito ay pigilan sya nito. Nakayakap pa rin ang mga braso nito sa baywang nya.

“R-Rafael…tayo na tayo” sabi nya dito. Napatingin sya kay Rachel na nakakunot-noo at nakatingin kay Rafael, si Tita Mildred naman ay napapailing na nakangiti.

“Rafael!” Tawag nya rito na nilangkapan na nya ng tono ng pagkairita.

At pinawalan na sya nito. Mabilis na lumapit sya kay Lucy na nagulat ng konti.

Habang tumatagal ay hindi na nya nagugustuhan ang ipinapakitang weird na mga aksyon ni Rafael.

Nakabawi na sya sa naramdamang pagkapahiya kanina nang magsimula na nga ang egg hunting nila.

Base sa instruction ay nakatago ang golden egg sa isang lugar na hindi mo aakalaing doon ilalagay. Meron din namang ibang mga eggs na nakakalat na may iba’t-ibang kulay at ‘pag din ‘yun ay may consolation prize.

Hindi na sya naghanap pa at ipauubaya na sana sa mga taga village ang prizes. Pero lumapit si Rafael sa kanya at bumulong.

“Gusto mo ba ng egg? I know where to find it” anito sa kanya.

Pinandilatan nya ito. “Ay naku hindi na, ‘wag mo na kasing guluhin ang laro.”

Itinaas nito ang mga kamay na waring sumusuko.

“Fine…I just thought you might want to have a 50 thousand cheque.”

She made a face, “No way, Rafael…they deserve it better okay?”

Tumango naman ito at nagmasid na lang sila sa mga nakakahanap ng itlog.

Hanggang sa may isang bata ang nakahanap nun and she was happy for the kid.

“’San yun nakalagay?” pagkaraan ay tanong nya kay Rafael.

“Sa bulsa ng Sto. Niño dun sa kapilya,” sabi nito.

And then she smiled…Hanga sya sa bata at naisip nitong baka nga naroon lang ‘yun…Ibang klaseng faith ang meron ang bata at na-inspire naman sya.

 

“Ang saya naman dito sa inyo Lucy, nakakainggit ka,” sabi nya kay Lucy habang nakapila sila para kumuha ng pagkain. Sila na nga ang pinakahuli.

“Atleast na-experience mo naman ang gusto kong ma-experience mo rito sa Sta. Monica,” nakangiting sabi ni Lucy at pinataas-baba ang kilay nito.

Pinasingkit nya ang mga mata nya, “Hmm alin du’n?  ‘Yung mabaril? Isipin mo naman Lucy ang peklat nito habang buhay,” nagpapa-awa na sabi nya.

“Ay may mga scar remover naman d’yan. So, nag-sorry na si Sir Rafael sa pagkakabaril nya sa’yo?” tanong nito.

Mabilis na napalingon sila sa likuran nila nang may marinig silang singhap.

At naroon nga si Rachel na gulat na gulat sa narinig.

“Binaril ka ni Kuya Raf, Mia?” tanong nito at tiningnan ulit ang benda sa braso nya. “Kung bali lang yan hindi naman siguro magdudugo,” at hinawakan ni Rachel ang kamay nya, “Sabihin mo ang totoo Mia”

Napalunok sya at nagkatitigan sila ni Lucy. Patay…

 

Pinapapunta sya sa library ni Tita Mildred. Nagbihis lang sya sandali sa silid nya at lumabas muli nang ipatawag sa kasambahay.

Huminga sya ng malalim, dahil sa hindi pag-iingat sa bibig nya ay nabuko na sila.

At dahil masyado nyang pinapraktis ang sasabihin ‘pag tinanong na ni Tita Mildred ay halos mapatalon na sya nang may humawak sa kamay nya nang mapadaan sa silid ni Zack.

“Ano ka ba naman…” tutop nya ang dibdib.

Nangunot ang noo ni Zack. “Lagi ka na lang ganyan, kape ba ang tinitira mo o gatas?” at napangiti.

Tinitigan nya ito, the most beautiful man she had ever seen. ‘Pag nakaalis na kaya sya rito ay magkita pa kaya sila? And what about that kiss that they shared sa may pool area?

Nakasimangot na yumuko sya. “’Wag mo kasi akong ginugulat, at saka ano ba yung tawagin mo muna ang pangalan ko bago mo ako hawakan?”

“Right…come here,” at hinila sya nito papasok sa silid nito at mabilis yung isinara.

“Ano ka ba, pinatawag ako ni Tita Mildred” at akto nyang hahawakan ang seradura nang ilayo sya ni Zack sa pinto at paupuin sa kama nito.

Muli ay naalala nya ang nangyari kaninang umaga at napatingin sa katawan nito dahil nakikinikita nya ang hitsura nito kanina.

“Sexy much, huh?” ani Zack na mukhang nababasa ang nasa isipan nya.

Nag-init ulit ang pisngi nya, “A-ano’ng sexy?”

Lumapit ito sa kanya, “Come on…you were recalling what you saw earlier…and you liked it.”

Kunwari ay sobrang natawa sya na para na syang lukaret.

“Ang kapal kapal kapal kapal kapal mo talaga! Showboy ka siguro ano? Ang saya mo pang maghubad sa harapan ng ibang tao? Confident ka ha…” eksaherado siyang tumawa para pagtakpan ang kaba..

“I’m confident you got affected…” anito, “And just so you know, ikaw ang pumasok nang hindi nagsasabi, I forgot my towel in the closet. And confident enough that there’s just me in the roomso I went out like that,” paliwanag nito.

Inirapan nya ito, “Kahit na! The damage has  been done.”

Tumawa na naman ito. Klase ng tawang hindi nya maintindihan kung bakit parang naging musika sa kanyang pandinig.

Nagulat na lang sya ng bigla syang itulak nito pahiga sa kama at nasa ibabaw na nya ito. Their eyes met and she could no longer take her eyes off his beautiful hazel eyes. Staring and being stared by those eyes were just magical, it melts her heart.

“You’re right…” anas nito. She could smell his breath on his face, mabango at nakaliliyo.

“W-what do you mean?” she asked using some little voice she found.

“That the damage has already been done-“anito at kinuyumos sya ng halik.

Why is it na sa halik pa lang nito ay para na syang mawawala sa sarili? Without hesitation ay pinantayan nya ang intensity ng ginagawa nito.

Her mind went blank at parang na-drain na rin ang kanyang utak dahil nawalan na sya ng kapasidad na mag-isip. Mahigpit na niyakap nya si Zack, she needs to feel him…his warmth.

In a moment ay gumapang na ang mga halik ni Zack sa kanyang pisngi…sa kanyang tenga at pababa sa leeg nya.

Then three knocks on the door made her open her eyes kahit pa namimigat ‘yun. Naramdaman nyang hindi parin natitinag si Zack. At nang maulit-ulit ang pagkatok ay marahan nyang itinulak ito.

“Don’t worry I locked the door,” bulong nito at inangkin ulit ang mga labi nya. Napataas ang kilay nya rito, as if naman she was worrying about the door. Iniisip nya kung sino ang kumakatok at kung ano ang kailangan nito.

“Zack, are you there?”

Mabilis na naitulak nya palayo ng tuluyan si Zack at bumangon na. It was Rafael.

“Bullshit! Why does he have to come in the wrong time?” ani Zack at tumayo.

Nataranta sya nang mukhang bubuksan ni Zack ang pinto kaya napatakbo sya sa may CR nito. Then she was amazed, meron itong Jacuzzi at mukhang kakagamit nga lang nito nu’n dahil may mga bubbles pa roon.

Lumapit sya du’n at napunta ang atensyon nya sa isang red sexy thong na nakasabit sa dulo ng Jacuzzi.

Saka lang din nya napansin ang ilang mga rose petals na nagkalat sa sahig at ang limang patay na scented candles sa tabi ng lababo. Parang napapasong napabitaw sya sa pagkakahawak sa Jacuzzi.

Bakit ba nya nakalimutan? Si Mandy…she was here.

They were both here…in this Jacuzzi.. Them missing each other so much and spending the rest of the morning til this afternoon together. Ano pa ba ang ginawa nila?

Ano na naman ba ang nagawa nya? Alangan namang kay Zack ‘yung thong na’yun dahil hindi talaga bagay, swear to God.

Nang mauliningan nyang wala nang kausap si Zack ay lumabas na sya and then she realized na wala na rin pala ito sa silid.

 

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

12 thoughts on “Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 9

  1. super nakakaloka ang red thong haha

    Posted by khizmar | Enero 30, 2014, 10:44 hapon
  2. asan n c mandy???

    Posted by alma | Agosto 25, 2012, 6:48 hapon
  3. sino ba talaga si mandy sa buhay ni Zack? HAY😀 kakatawa ka talaga mia

    Posted by Thea Jane | Enero 9, 2012, 9:38 hapon
  4. ang kulit!the damage has been done…haha…eiw!red thong?haha…

    Posted by jsjti | Disyembre 29, 2011, 8:55 hapon
  5. Mukhang inlove si rafael kay mia, pan0 na si charlize,

    Posted by Abbythe1 | Disyembre 28, 2011, 3:10 hapon
  6. the damage has been done… haha…

    Posted by Faige | Nobyembre 29, 2011, 3:40 hapon
  7. malapit na ako matapos dito

    Posted by annamay | Nobyembre 7, 2011, 4:13 hapon
  8. uh-oh.. may karibal.. moment of truth na..😀

    Posted by rishelL_18th | Setyembre 28, 2011, 4:04 hapon
  9. GUSTO KUNG KALBUHIN SI ZACK NKKAINIS SYA

    Posted by sumoku | Setyembre 24, 2011, 2:38 hapon
  10. konti na lang at malapit ko na mabuo gils para mabasa ko na kasunod..ü

    Posted by sweet_orange1226 | Agosto 20, 2011, 12:30 hapon
  11. nice ang chapter na to…e xciting… can’t wait for the next one

    Posted by alain_desouza13 | Hulyo 6, 2011, 9:50 hapon
  12. g0sh i miz ths st0ry much!!!

    Posted by chellut | Hunyo 3, 2011, 8:39 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: