binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes 1

Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 7

Matapos ang hapunan at ligpitin ang pinagkainan nila ay inilabas naman ni Manong Kanor ang dala nitong lambanog, chicharong bulaklak at mani. Napaisip sya kasi parang alam ni Manong Kanor na darating si Zack.

Tumayo sya para mag-CR sandali. Nang hawakan ni Zack ang kamay nya.

“Where are you going?”

“Need to pee, sama ka?” napapangiting biro nya dito.

“Pwede ba?” sakay naman nito na nang ngumiti ay muntik nang tumunaw sa puso nya.

“Asa ka pa,” at tinalikuran nya ito.

Matapos mag-CR ay inabangan sya ni Lucy sa labas.

“I think he likes you,” anito at sinabayan sya pabalik.

“I think you have some storytelling to do, about the legend of this man named Van,” at umikot ang mata nito. Na ikinatawa nya nang sobra, at least may maitutukso na rin sya rito ngayon.

Nang makaupo ulit ay sinalinan sya ni Mang Kanor ng lambanog.

“Naku, ito na lang pong mani ang kakainin ko,” tanggi nya.

“Sige na Mia, uminom na nga ako. At mabuti na rin ‘yung paminsan-minsan ay may alcohol intake ka at ‘di lang puro gatas.” tukso ni Lucy.

“Baka naman ayaw mong payagan Zack?” tanong ni Aling Martha dito.

Tinitigan sya ni Zack, “Kung ayaw mo talaga okay lang naman,” at ngumiti ito, “I’ll just make sure to serve you a glass of milk before you sleep tonight, baby ka pa eh,” at saka bumulong sa kanya “Scaredy cat.”

Naningkit ang mga mata nya at bumulong din, “Alam mo hindi kita papatulan kasi mukhang lasing ka na.”

Natawa pa ito at bumulong, “I don’t get drunk easily sweetheart, that was just two shots,” ang sarap sa pandinig ang endearment nito sa kanya, “Ikaw lang naman ang inaalala ko, baka one shot lang ay tumba ka na,”

Tumaas ang kilay nya, “Ah talaga? Watch me then,” at mabilis na kinuha sa mesa ang basong sinalinan ni Mang Kanor na para sa kanya at inisang lagok ‘yun. Dahil sa naramdamang hapdi sa lalamunan ay napa-ubo sya.

Pinagtawanan naman sya nina Zack at Lucy. Hinagod ni Zack ang likod nya at pinainom sya ng tubig. “Ayan kasi, sabi nang gatas na lang,” biro nito.

Inismiran nya ito. “Nabigla lang naman ako ‘no!”

At muli ay humingi sya ng isa pang shot kay Mang Kanor, para lang patunayang kahit hindi sya sanay ay hindi din sya basta basta na matutumba.

 

Hinawakan nya ang baywang ni Mia para makaakyat ito sa truck nang bigla itong pumiksi.

“’Wag mo kasi akong hawakan dyan, nakikiliti ako!” at itinulak sya nito.

She was already drunk, dahil lang sa gusto nitong patunayan na matibay ito ay napadami ang shot nito ng lambanog. Kahit nga sinasaway na nya ito ay tinatabing nito ang kamay nya. Nagreklamo pa ito nang maubos na ang dalawang bote ng lambanog na bili ni Mang Kanor.

He was smiling half the time because no matter what Mia did, he just found it cute and amusing. Actually gusto nga nya itong makitang malasing kaya nya ito inasar dahil gusto nyang makita ang iba pang side nito. He wasn’t expecting to see a wild side pero mas nakikita kasi ang totoong kulay ng isang babae pag lasing sila. And this method was tried and tested.

Pero para lang itong mas naging childish, every act nito ay parang sa isang bata na madaling matawa at magtampo ‘pag hindi nasunod ang gusto. At pagnguso lang ang panlaban nito.

At ayaw pa nitong sumama sa kanya pauwi, muntik na nga silang mabuko ng mag-asawa nang masabi nitong ‘wag na daw syang magpanggap. Mabuti ay kinuha ni Lucy ang atensyon ng mga magulang. He knew that Mia already told Lucy the whole story. Hindi rin maingay si Mia kahit lasing, she only talks when asked tulad nang ‘pag normal ito. Ayaw na ayaw lang ata nitong hinahawakan dahil kundi sya natatampal ay itinutulak naman sya.

Binuhat na lang nya ito para maiupo sa truck na medyo may kataasan kahit pa nagpupumiglas ito. Saka nya pinaandar ang sasakyan. Ilang kasambahay navlang ang gising nang makabalik sila sa bahay, nakatulog sa daan si Mia kaya kinarga na nya ito patungo sa kwarto nito.

 

Nang maramdaman nya ang malambot na kama ay naalimpungatan sya. May mga brasong nakayakap sa kanya at may parang nakadagan sa kanya. Sandali nga at kanina lang ay nasa bahay sya nina Lucy. Mukhang napadami yata ang inom nya at sobrang sakit ng ulo nya kahit nakapikit sya pakiramdam nya umiikot parin ang paligid.

“Zack?” tawag nya sa pangalan nito nang maramdamang lumayo na ito matapos syang pahigain.

“Hmm?”

Wala naman syang masabi rito. Until she felt him holding her hand, hinihimas-himas nito ‘yon and it felt real good. Nanatili syang nakapikit dahil mas lalong umiikot ang pakiramdam nya pag nakadilat.

“Mia…” tawag nito all of a sudden sa pangalan nya.

“Hmm?” ginaya nya ang sagot nito kanina.

“Can I give you a goodnight kiss?”

Gusto nya itong batukan sa tanong nito, kailangan pa bang magtanong ito? Mas nakakahiya naman sa part nya kung sasaguting nya itong “oo naman”.

Perhaps because she was under the spirit of Manong Lambanog ay nakapikit pa rin na bumangon sya at nangunyapit dito. Hindi pa man nya nailapit ang mukha rito ay ito na ang tumawid ng distansya ng kanilang mga mukha.

The moment she felt his lips on hers pakiramdam nya nawala ang sakit ng ulo nya at ngayon ay para lang syang inilulutang sa ulap. She felt like she became bolder because she opened her mouth and let Zack explore inside it, she let him do this pleasurable thing without a hint of guilt and any reservation.

Zack’s kisses becamemore passionate habang tumatagal, urging her to give back her fullest. Gustong-gusto nya ang ginagawang paghimas ni Zack sa kanyang likod.

She loved his smell, his taste, pati na rin ang init ng katawan nito na ramdam na ramdam nya bagaman ay natatabunan ng kanilang mga damit. Sandali syang naubusan ng hangin kaya’t inilayo nya ang mukha kay Zack. Narinig din nyang naghabol ito ng hininga.

She suddenly felt him drawing her near him at maingat syang niyakap ng mahigpit saka binulungan.

“Are you drunk, Mia?” tanong nito bigla.

“Why?” balik tanong nya.

“I wanna make love with you right now, do you know that?” anas nito na wari ay nahihirapang huminga, “You make me ache so much, and it’s painful.”

Para naman syang natuka ng ahas at biglang nagising sa isang napakagandang panaginip.

“But I don’t make love with a drunk girl,” anito at maingat syang inilayo sa katawan nito.

But wait! Ayaw nyang umalis ito, unti-unti na naman kasing sumasakit ang ulo nya. O baka naman pakiramdam lang nya ‘yon? Gayunpaman, she can’t keep him beside her any longer without agreeing to make love to him. But is she really drunk?

Lasing ba talaga ako? Medyo lang naman pero nasa katinuan pa. Sana lasing na lang talaga ako ng sobra-sobra para automatic na lang ang lakas ng loob ko.

Siguro dahil hindi na sya nakasagot ay nagpasya na si Zack na umalis. The moment he let go of her ay nakaramdam sya ng kahungkagan, she never felt that empty in her whole life. At kahit litong-lito sa dapat na gawin ay inabot nya ang kamay nito.

Zack stood waiting for a word…

“I-I’m not drunk,” nasabi nya. Tama ba tong sinasabi ko?

The moment she was done talking ay muling inangkin ni Zack ang kanyang mga labi. With hunger, he kissed her with so much passion that she wanted to scream.

Naramdaman nya ang bigat nito nang sumalo ito sa kanya sa kama. With their lips locked, Zack’s hands were busy  undressing her.

“Aray! My arm…” impit na daing nya.

 

Zack stopped what he was doing, he was slowly coming to his senses.

What the hell are you doing, Zack?

This is not right, Mia is drunk…It wasn’t just unfair to her, he also prefered to make love to a sober girl. . So she can remember clearly how he sent her to heaven. He had tried making love to a drunken girl and it was no fun at all.

Mia clearly didn’t know what she was talking about. Nakapikit pa nga ito the whole time.

Marahan nya itong inihiga, at nang maramdaman nito ang tangka nyang pagtigil ay hinawakan nito ang manggas ng kanyang damit. He took a deep breath, ‘pag hindi sya nakapagpigil ay baka ma-rape na nya ito.

“Sleep tight, Mia,” anya at mabilis na tumayo. Halos liparin na nya ang pinto para lang mabilis na makalayo. Baka magbago pa ang isipan nya.

Parang sumakit naman ang ulo nya at bumaba sa kusina sandali para uminom ng malamig na tubig para mahimasmasan sya.

“Shit!” Muntik nang yang mabitawan ang baso nang paglingon nya ay may bultong nakatayo sa madilim na bahagi ng kusina. At nang matitigan nyang mabuti ay si Rafael pala yun.

“Ngayon lang kayo dumating, Kuya Zack?” tanong nito.

“Bakit gising ka pa?” nakakunot-noong tanong nya rito at inilagay sa lababo ang basong ginamit.

Lumapit si Rafael sa wine tray at kumuha ng isang bote ng California Red Wine.

“Hindi pa ako inaantok, wanna join me here?” anyaya nito at itinaas ang bote matapos buksan gamit ang cork screw at maupo sa high chair.

“Hindi na, pinainom kami ni Mang Kanor ng lambanog sa kanila” anya.

Nakita nyang inisang lagok ni Rafael ang halos mangalahating basong wine na inilagay nito sa baso.

“You and Charlize haven’t seriously talked yet?” tanong niya at naupo sa high chair na nakaharap dito.

“Nilasing mo si Mia?” tanong nito.

Tumawa sya. “She did the drinking, I just teased her,” saka nagtanong ulit, “So what’s the score? You know you have to quit being so indecisive Raf, you might regret it,” paalala nya dito.

Rafael was a very carefree guy, a certain type who loves women. He never ran out of them, he had dated several American girls in California. He also dated several girls from different races in his college years at his boarding school, the Brown University in Rhode Island. And then he met Charlize, nang umuwi ito sa Manila to take over their electronics company.

Charlize was the daughter of one of the Board Members of the company. She caught his attention and they started dating. He once told Raf that Charlize is just too young. Laughing, Rafael told him it’s nothing serious. That Charlize knows it’s not even a relationship, but pure having fun with each other. And then Charlize told Raf she’s pregnant and she demands that they get married or else his parents will kill her.

It was when Rafael started drinking too much, he even disappeared during both his and Charlize’s parents’ meeting. He was gone for 2 weeks, and then they found him here in Sta. Monica.

He said he wanted some fresh air, and that maybe it would wake him up from this bad dream. Alam nyang naduduwag ang kanyang pinsan, he is not ready to be tied at 24.

“Marami pa akong gustong gawin at marating, Kuya Zack. You know how much I wanted to be just like you.” anito nang kausapin nya ito pagdating na pagdating nya rito sa Sta. Monica. He just came from New York and closed a deal for their shipping company. Pinakiusapan sya ni Tita Mildred na puntahan si Rafael sa Hacienda and maybe spend the Lenten Season there.

“Just like me huh,” anya at natawa habang napapailing.

“Established, famous, respectable in the business-“ anito na sobrang ikina halakhak nya.“Hey! I’m serious here,” binato sya nito ng pinupulutan nilang mani while drinking vodka.

“That’s it Rafael, it starts with being SERIOUS,” sabi nya emphasizing that last word. Natahimik ito at iniiwas ang tingin. “And another thing, the most important thing… being RESPONSIBLE.”

“Nah! What can I do? You are perfect…it’s unfair,” nakangiting sabi nito.

“Man, you’re impossible!” tumayo sya. “Talk to me when you’re sober,” at aktong iiwan nya itong tumatawa. He knows those were fake…a fake laugh from a pretending-to-be-happy-with-his-life man.

“I don’t love her, Zack,” he said all of a sudden na nagpatigil sa paglabas nya ng kusina, habang nagsasalin ulit ito ng alak sa baso nito. Tinungga ulit nito yun.

That’s the problem.

“Do you really need to be in-love to take responsibility?” tanong nya ulit.

What’s wrong with Rafael is that he wanted people to take him seriously, pero ‘pag seryoso na ang mga bagay-bagay ay umiiwas na ito.

Sa wakas ay tumingin ito sa mga mata nya. “If I have to marry someone?? Yes! I need to be in-love,” tumayo ito, “And you’re right, I have to be serious from now on. Makikipag-areglo ako kay Charlize at sa parents nya. I will take responsibility for that child but getting married with his mother just because we were having a baby is not the solution,” at nilisan na nito ang kusina pabalik sa silid nito.

Napabuntong hininga sya. May pagka romantic naman pala itong pinsan nya, saka napangiti.

Poor Charlize…I already told you falling in-love with Rafael is dangerous, but you still did. And now, who’s to blame?

 

Sobrang sakit ng ulo nya sa dami ng nainom nya kagabi. And worse the last she could remember is asking Mang Kanor for her fifth shot!

Napakamot sya sa ulo nya at pumadyak.

May nagawa kaya akong nakakahiya sa paningin ni Zack? Baka na turn-off na sya sa akin…

Paulit-ulit syang huminga ng malalim. Lumabas syang pilit paring inaalala ang nagyari nang nagdaang gabi, pakiramdam kasi nya may mali talaga.

Pababa na sya ng hagdanan nang biglang may marinig syang sumisigaw at parang nagwawala. Napalingon sya sa may veranda, at dahil bukas naman ang sliding door du’n ay malinaw nyang nakikita si Charlize na umiiyak at binabayo ang dibdib ni Rafael. Sumisigaw ito sa mukha ni Rafael at pinapahinahon naman sya nito.

Nakita nya ang mga katulong na sumisilip sa may hagdanan.

“Naku wala pa naman sila Sir Zack at kasama sina Ma’am Mildred at Ma’am Rachel na namili sa bayan,” sabi sa kanya ng isa bago pa man sya makapagtanong.

Napahawak sya sa braso ng isa dahil kinakabahan na sya.

“Ano na ngayon ang gagawin natin nito?” tanong nya, alangan namang makialam sila? At saka wala syang lakas ng loob na mamagitan at pumapel dun samantalang complete outsider naman sya.

 

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

12 thoughts on “Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 7

  1. OH-Em ang ganda😀 as in nakakatawa si mia

    Posted by Thea Jane | Enero 9, 2012, 9:12 hapon
  2. haha…di na ako excited about raf…naman kasi…!mas nauna kong nabasa ung story nya…haizt…

    Posted by jsjti | Disyembre 29, 2011, 7:31 hapon
  3. Rafael and charlize of happily never after pala to.

    Posted by Abbythe1 | Disyembre 28, 2011, 2:48 hapon
  4. buti na lang gentleman pa rin si zack, di sya nag-take advantage sa pagkalasing ni mia.

    Posted by mae | Nobyembre 30, 2011, 11:40 umaga
  5. nyak.. talagang tinamaan si raf kay mia….. mag pinsan nga sila… idol nga ni raf si Zack e.. hehehe

    Posted by Faige | Nobyembre 28, 2011, 8:04 hapon
  6. malapit na maubos gils ko…..

    Posted by annamay | Nobyembre 7, 2011, 2:52 hapon
  7. ayie.. kilig much!😀

    Posted by rishelL_18th | Setyembre 28, 2011, 3:29 hapon
  8. WALA NA AKONG GILS……. gusto pa kitang mabasa!!!

    Posted by yukiya | Setyembre 24, 2011, 12:55 hapon
  9. paganda ng paganda ang takbo ng story :)))

    Posted by mane9185 | Agosto 25, 2011, 8:59 hapon
  10. i love this story so much..

    Posted by pepperschase | Hulyo 30, 2011, 9:13 umaga
  11. Super kilig naman..

    Posted by Loveko | Hunyo 1, 2011, 3:28 hapon
  12. nice storey…but it so bitin hope can get more gils.

    Posted by shan | Mayo 25, 2011, 3:51 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: