binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes 1

Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 5

“Sya ba ang sinasabi mong kasama ni Rafael na namasyal, Kuya Zack?” tanong nito.

“Yeah…um” nilapitan sya ni Zack at inakbayan. “She’s….my girlfriend, Mia,” anito na ikinagulat nya at napabaling kay Zack bigla. Pinisil ni Zack ang kanyang baywang, and she got it. He wanted her to go along with what he said, “I wasn’t able to come with them, I had to attend a meeting with the farmers.”Hinawakan nito ang kamay nya at hinila sya palapit sa mga babae.

“Oh! In fairness ngayon lang ako pumabor sa taste mo Kuya, good thing you changed your type,” ani Rachel at kinindatan si Zack.

“Your mouth, Rachel,” paalala ng ina nito na ikinatakip ni Rachel sa sariling bibig.

“Whatever, Chel. This is Rachel, my cousin and Rafael’s little sister and my favorite tita, Raf and Chel’s mom Tita Mildred.Ladies, I would like you to meet my Mia.” pakilala ni Zack.

Yumukod sya at saka nakangiting tinanggap and kamay ni Rachel.

“Nice to meet you,” anya rito at kinuha ang kamay ni Tita Mildred at nagmano rito, “Pleasure to meet you din po, Mrs. Salcedo”.

“Aw, I love this kid. Kita nyo Raf and Rachel? Nagmamano ang mga bata sa nakakatanda,” anito na ikina-ikot ng mga mata ni Rachel. Hinawakan ni Mrs. Salcedo ang balikat nya, “Call me Tita Mildred honey, okay?” anito at napansin ang kanyang braso, “What happened to your arm?”

Mabilis na sumagot si Zack. “Accident…she fell from the stairs at work.”

Tumango-tango naman sya. “Y-yeah, I’m really clumsy sometimes.” May katotohanan naman na sabi nya.

“Oh you should be extra carefull next time hija, okay?” ani Tita Mildred.

Tumawa si Rachel. “Just like me mom! Basta magaganda talaga may pagka-clumsy.”

Hinawakan ni Zack ang ulo ni Rachel. “Asa ka pa, hindi ka naman clumsy eh. You’re a duffer.” biro ni Zack na ikinanguso ni Rachel at inisnab ang pinsan.

“Sige, awayin mo pa ako at malalaman ni Mia ang deepest and darkest secret mo, hah!” pang-aasar naman ni Rachel.

Natawa na lang sila ni Tita Mildred.

“And also, Mia meet Charlize…”pakilala ni Zack sa babaeng katabi ni Rafael, “Raf’s girlfriend.”

Napangiti naman sya, kaya pala kakaiba ang tingin nito kay Rafael. Bagay nga ang dalawa dahil pareho silang gwapo at maganda.

Nginitian din naman sya ni Charlize. “Hi!” anito.

Tinanggap nya ang kamay nito. “Hello, nice to meet you.” anya.

“Alright, why don’t we all proceed to the dining room now? Dinner is ready, come on,” ani Tita Mildred na nginitian sya, “It’s nice you’d be spending Semana Santa dito hija. First time mo ba rito?” tanong nito.

Sinabayan sya nito papuntang dining room.

“Opo, first time ko po rito sa Sta. Monica. Ang ganda po pala, sa bintana pa lang ng bus talagang excited na ako kasi super breathtaking talaga ang scenery,” kuwento nya.

Napakunot-noo naman ang Ginang.

“Nag-commute ka lang? Didn’t Alexander fetch you or came with you?”

Tumigil yata sandali ang paghinga nya at saka may naisip na dahilan.

“Um, kasi when he invited me, I was not sure na makakapunta ako kasi may trabaho po ako. Pero, it was later announced na may break kami. Eh nauna na sya rito, kaya sumunod na lang ako.” Pakiramdam nya ay pinagpapawisan na ang ilong nya sa kaba..

Totoo ‘yun, late na nag-announce ang kompanya na pwede silang mag-break. Nag-file naman ng leave in advance si Lucy kaya nakauwi ito at hindi na nga sana sya sasama rito kundi lang sayang ang five days na mag-isa lang sya sa boarding house dahil lahat ay umuwi sa probi-probinsya nila. Sya naman ay sobrang layo naman ng uuwian at plano nyang sa Pasko na lang umuwi ulit at ipadala na lang ang pera kesa ipamasahe.

Magkatabi pa talaga sila ni Zack ng upuan at nasa harap nya ulit si Rafael at katabi nito si Charlize. She noticed na parang hindi mapakali si Rafael at mukhang bumalik ang mood nito kaninang hindi pa sila nakakapag-bonding. Nalilito na talaga siya at naging girlfriend naman sya bigla ni Zack. Although she loved the idea na girlfriend sya nito, kaso lang  hindi totoo.

 

During the whole dinner ay tanong ng tanong sina Rachel at Tita Mildred sa kanya. Buti na lang at sumasabat minsan si Zack pag nahihirapan na sya.

Lumabas siya ng kanyang inuukopang silid dahil gusto nyang makausap si Zack. She needed to clear things with him. It was three hours after their dinner na, pagkatapos ng dinner ay nagpahinga narin ang mga bagong dating dahil pagod sa byahe..

Tinanong nya ang nakasalubong na kasambahay kung nasaan si Zack and she said na nasa pool area daw ito. Sinamahan sya nito sa pool area dahil ngayon lang nya nalaman na may swimming pool pala rito. Pano ba naman kasi hindi pa naman nya nalilibot ang buong bahay pati ang paligid nito.

Nasa right side pala ang napakalaking pool area, there were lamp posts sa gilid. Katabi ng pool area ang garden ng bahay. ‘Yung dinaanan pala nya kaninang back door ay side door pala pa-kaliwa. Gusto na nyang malula sa laki ng bahay na ito. Nakita nyang nagpapabalik-balik sa paglangoy si Zack.

Iniwan na sya ng kasambahay at mag-isa na lang syang lumapit sa pool. Nang makita sya nito ay lumangoy ito sa side nya at umahon. Spellbinding pala talaga ang katawan ni Zack, gusto nyang magtulo-laway sa nakikita nya. He’s got his muscles on their perfect places, the water dripping from his hair looked like they were dripping in slow motion., Habang papalapit ito sa kanya pakiramdam nya ay sumisikip ang dibdib nya.

“I know you wanna talk to me,” untag nito sa kanya.

She tried to control her ragged breathing. Sobrang gulat nya sa sarili, hindi nya aakalaing magkakaroon sya ng ganito ka-erratic na mga reactions kay Zack. Tuwina’y sari-saring banyagang damdamin ang nadidiskubre nyang lumalabas sa kanya everytime she looks at him.

“Y-yeah…” at yumuko sya.

Mukhang napansin naman ni Zack na uncomfortable sya sa hitsura nito at inabot nito ang bathrobe at isinuot. Nagpunas narin ito ng tuwalya sa buhok.

“Come here Mia,” anitong umupo sa lounge chair  at tinapik pa ang espasyo sa tabi nito para dun sya umupo. Alumpihit na lumapit sya rito at umupo, “Alright, I know that you are wondering why I told them you’re my girlfriend.”

Tumango sya.

“You see, Charlize is here. Wala si Rafael nang dumating sila buong maghapon because he is with you. Ayokong magduda sila na meron kayong relasyon,” pagtutuloy nito, “Charlize and Rafael’s relationship is on the rocks and they have to fix it before it’s too late.”

“S-so hindi na tuloy yung unang deal natin?” tanong nya.

Nilingon sya nito. “I thought you just ditched that deal when you became so friendly with him,” anito na pinakatitigan sya.

“Pasensya na, it’s just not me. Pero I’ll still try to help, alam ko may problema si Rafael.”

“And how can you help him?” dudang tanong nito.

“He doesn’t need to be pressured Zack, what he needs is a friend. And I can be that person,” sabi nya.

Tumango-tango si Zack. “You’re right. That’s why I’ve decided na habang nagpapagaling ka dito, you’ll continue to play as my girlfriend as long as Charlize, Rachel or Tita Mildred is here.”

“P-pero kailan naman ako pwede nang umalis Zack? I only have five days for vacation.” paalala nya dito.

“Like I said, you are not going anywhere until you have completely recovered. And that means you will stay here under my responsibility until you can fully use your arm again.” pagkaklaro nito.

Surprised as she is ay namilog ang mga mata nya.

“Hindi pwede, may trabaho ako.”

“Hindi ka rin naman makakapagtrabaho ng ganyan ‘di ba? Might as well dito ka na magpagaling at mas maaalagaan ka rito. Wala pa naman dito ang pamilya mo.”

Naikuwento nya kasi kanina na taga-Davao nga sya originally.

“P-pero Zack kailang-“

“Shh…” inilapat ni Zack ang daliri nito sa labi nya, “I don’t wanna hear you complain, this is for your own good.”

Hindi na naman ulit nya maintindihan ang sarili nya. Hindi nya napigilan ang manginig lalo pa at nakatingin sya ngayon sa nangungusap na mga mata ni Zack. His finger felt so hot! Pero hindi yung tipong nakakapaso na gusto nyang tanggalin agad. Nawala na sa mga labi nya ang daliri nito, pero lumipat naman sa pisngi nya ang kamay nito at hinaplos ‘yon.

Hindi nya nakayanan ang makipaglaban ng titigan dito kaya sya napayuko, pero itinaas nito ang kanyang baba para lang titigan ulit sya. Unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kanya and her heart beated faster in anticipation.

As if merong sariling pag-iisip ang kanyang mga talukap at biglang pumikit nalang ang mga ito. She felt his warm hand on her cold cheek, at naramdaman nyang napunta na sa likod ng ulo nya ang isa pang kamay nito at nadama nalang nya ang isang mainit at malambot na kung ano na dumidiin sa kanyang mga labi.

He kissed her! The idea and feeling made her feel like she is floating in the air.

When Zack felt no objection from her ay gumalaw ito in such a manner na napaka-gaan at napaka-banayad. Gusto na yatang magwala ng puso’t kaluluwa nya sa napakasarap na pakiramdam na hatid ng halik nito.

So…this is it? This is how a kiss feels?

Napakasarap naman pala ng pakiramdam nang mahalikan. Masarap sa puso na kung siguro may sakit lang sya sa puso baka gumaling pa sya. Teka naman! Nakakakilabot naman na paulit-ulit nyang ginamit bilang description ang salitang masarap!

Zack urged her through his kiss na para respond siya. How this kissing thing started, she didn’t  care anymore. She can just mimic Zack’s movements, right?

And when she did, suddenly Zack’s way of kissing deepened. Napunta sa likod nya ang mga kamay at braso nito and when he pulled her closer to him ay napahiyaw sya.

“Aww!” awtomatikong naitulak nya ito dahil naipit ang braso nya.

“I’m sorry I completely forgot about your arm,” anito at nakatitig sa mga mata nya.

As if nabuhusan sya ng nagyeyelong tubig ay napasinghap sya at naitakip ang kamay sa bibig na nakaawang. Ano nga ulit ang nagawa ko? Naitanong nya sa sarili.

Pahiyang-pahiya sya sa nagawa nya, hindi sya dapat nagpadala sa nangyari. Mabilis na tumayo sya nang nakayuko at lalagpasan sana si Zack nang hawakan nito ang kamay nya.

“You’re leaving me just like that now, Mia?” tanong nito.

Gusto na nyang magpalibing ng buhay ng mga sandaling iyon dahil sa sobrang kahihiyang nadarama nya.

“I-it wasn’t supposed to happen…mali ‘yon!” nakapikit na sambit nya dahil ayaw nyang makita pa ang kung anumang reaksyon nito.

Zack stood and drew her close to him, this time ay maingat na ito. He hugged her!

Inay ko po! Bakit naman po masarap ang halik at yakap nito? Nagkakasala na po ba ako?

Kasalanan? Hindi ah! People kiss and hug because of emotions.

Pero ang problema ay wala naman talaga silang relasyon para gawin nila ‘yun.

“Hindi ‘yon mali, Mia. I was the one who wasn’t able to stop myself. But I won’t apologize for doing that,” sabi ni Zack.

She doesn’t want him to apologize for it either because that would only mean na mali nga talaga ang nagawa nila.

But what happens next?

Hinaplos-haplos nito ang mahaba nyang buhok sa likod nya. Marahan sya nitong inilayo sa katawan nito at hinarap sya.

“Ihahatid na kita sa kwarto mo. You have to sleep early dahil tayo na mismo ang bibisita kina Mang Kanor bukas.”

At hawak ang kamay nya na pumasok sila sa bahay at inihatid nga sya nito sa kanyang silid.

Before she even opened the door at hinatak sya nito at maagap na sinakop muli nito ang kanyang bibig. For the second time around ay hindi na naman nya nagawang kontrolin ang sarili at pinabayaan ito sa ginagawang paghalik sa kanya. She even responded to him once again.

Nakangiti si Zack sa kanya nang imulat nya ang mga mata. Pinamulahan sya ng pisngi.

“I found out something about you,” sabi nito.

Kumunot-noo sya, “A-ano yun?”

Yumuko si Zack at bumulong sa tenga nya, “I’m your first kiss,” anito na nakakaloko ang ngiti sa kanya.

“Ha?” para lang syang nawalan ng sasabihin.

Zack’s smile just made him more wickedly handsome. “I know, I’m lucky,” sabi nito at binigyan sya ng smack, “Goodnight!” at tumakbo na ito papunta sa sarili nitong kwarto.

Hindi nya mapigilan ang mapangiti.

Is it possible to fall in-love in less than 24 hours?

Nilakasan ni Zack ang shower para mas lalo syang magising at mahimasmasan sa kakaibang pakiramdam nya kanina lang. He felt so surprisingly hot.  Hindi sya nakapagpigil nang mahawakan ang napaka-lambot na maliliit na mga labi ni Mia. Parang may kakaibang electricity na biglaang gumapang mula sa pagkakalapat ng daliri nya sa labi nito na nagtutulak sa kanya para halikan ito.

Unang beses nyang matitigan ang mukha nito ay nang nilapatan nya ang sugat nito ng first aid and he was totally fascinated. Hindi ito yung tipong sobrang ganda na very noticeable.. Although she has a white complexion ay simpleng-simple ang taglay nitong ganda.

Though you may only have to take a second look at her to appreciate, but once you do she can become the most beautiful girl you may have ever laid your eyes on.  He noticed she is just simple, tama lang siguro ‘yon dahil kung mag-effort lang ito ng sobra para magpaganda tulad ng ibang babaeng kaedad nito ay baka hindi pa sya ang naging first kiss nito.

Napangiti sya sa naalala. Her lips were the sweetest of all, and he knows an experienced girl through her kiss. Naramdaman pa nga nyang nanginig ang mga labi nito sandali. But the moment she responded to him, kahit pa alumpihit ito sa ginagawa it created a fire inside him. Some kind of urge to take her that instant at wala syang pakialam kahit nasa pool area pa sila. And he never felt that way before towards any of the girls that he dated.

Kundi lang ito nasaktan nang maipit nya ang braso nito ay hindi pa sana sya matatauhan.

Pinatay nya ang shower at sumandal sa dingding saka bumuntong-hininga. Kani-kanina lang ay nakapag-isip na syang pabayaan na lang itong umalis dahil mukhang hindi naman ito effective sa deal nila. At first parang kaya naman nito pero mas magaling yata itong makipagkaibigan kaysa mang-away.

Pero dumating sina Tita Mildred at Rachel, isinama pa ang girlfriend ni Rafael na tinakasan nito sandali para magpalamig.

At alam nya na maaaring pagdudahan ng mga ito si Mia na third-party ni Rafael kaya he decided in an instant na papaniwalain ang mga ito na sila ang mag-nobyo. Though he didn’t felt good saving Rafael, hindi naman nya pwedeng i-compromise din si Mia.

Anyway ay hindi naman magtatagal ang at pagkatapos ng Semana Santa ay siguradong balik syudad din ang mga ito.

But he will not let Mia go until he decides on what to really do with her, or as he had told her…that is, until she had fully recovered.

 

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

15 thoughts on “Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 5

  1. ang ganda.kakakilig..

    Posted by tianna | Abril 16, 2013, 10:10 umaga
  2. gsto ko maging part ng salcedo family!! haha!! grabe!!!

    Posted by mhaj | Hunyo 5, 2012, 12:22 hapon
  3. may 1st kiss n cla.hehe. kakakilig

    Posted by belle | Pebrero 13, 2012, 8:45 hapon
  4. kilig 2 d bone.-ayiiih.-

    Posted by yuuna | Enero 13, 2012, 12:42 hapon
  5. Kakakilig namn :”>

    Posted by Thea Jane | Enero 9, 2012, 8:39 hapon
  6. first kiss!🙂

    Posted by jsjti | Disyembre 29, 2011, 6:48 hapon
  7. Wow! Spellbinding body talaga, yummy!

    Posted by Abbythe1 | Disyembre 28, 2011, 2:04 hapon
  8. kakakilig. hehe

    Posted by mae | Nobyembre 30, 2011, 9:33 umaga
  9. abababa.. abduction yan ah.. haha

    Posted by Faige | Nobyembre 28, 2011, 7:39 hapon
  10. KINIKILIG ako.
    waaahhh. Hahahaha!:))

    Posted by agashijang | Nobyembre 10, 2011, 11:56 hapon
  11. AAAHHHHH….. kilig much…..

    Posted by annamay | Nobyembre 7, 2011, 2:27 hapon
  12. wow naman.. naka-score agad si zack.. first kiss pa ha.. kiligness..😀

    Posted by rishelL_18th | Setyembre 28, 2011, 1:47 hapon
  13. girlfriend??? front ba yan???

    Posted by mane9185 | Agosto 25, 2011, 8:56 hapon
  14. nakakakilig!!! worth it ang 50 gils ko… Haha

    Posted by Ledeiran | Agosto 18, 2011, 5:58 umaga
  15. “I found out something about you,” sabi nito.
    Kumunot-noo sya, “A-ano yun?”
    Yumuko si Zack at bumulong sa tenga nya, “I’m your first kiss,” anito na nakakaloko ang ngiti sa kanya.
    “Ha?” para lang syang nawalan ng sasabihin.
    Zack’s smile just made him more wickedly handsome. “I know, I’m lucky,” sabi nito at binigyan sya ng smack, “Goodnight!” at tumakbo na ito papunta sa sarili nitong kwarto.
    Hindi nya mapigilan ang mapangiti.
    Is it possible to fall in-love in less than 24 hours?

    >> every part of this is super like! grabe😄 kinilig ako sa gestures at lines ni Zack♥♥

    Posted by bhai | Hulyo 16, 2011, 12:00 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: