binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes 1

Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 4

“S-sakin? Ano yan, compensation?” malditang sumbat nya rito.

Napalingon si Zack sa kanya at si Rafael naman ay sobrang nagulat.

“Buti sana kapag kinain ko na yan, kinabukasan ay magaling na ‘tong braso ko. You know what I need right now, Mister?” nilapitan pa nya ito at itinaas ang kilay. She just copied a facial expression from a kontrabida in the TV. Umatras ng konti si Rafael, “I need an overnight miracle para makabalik na ako ng Manila without THIS!” at itinaas nya ang kanyang braso. “Hindi ako kaliwete and I work in an office, sa tingin mo makakapagtrabaho ako ng ganito, ha?”

“I’m…I’m sorry, promise I will do anything to make it up to you.” Mabilis na sabi nito.

She managed a fake and insulting smile. “Like what?”

Natuliro naman ito at hindi makaisip ng tama. “Basta I’ll come up with something, for now please let me just take care of you.”anito at hinawakan ang kanyang braso.

Naawa naman sya rito at parang sa nakikita nyang guilt sa mukha nito ay nagdalawang-isip syang palayugin pa itong plano ni Zack. Nilingon nya si Zack for help dahil naubusan na sya ng sasabihin.

Nakita nyang nakataas ang sulok ng labi ni Zack while amusingly staring at her. Tila ba gustong-gusto nito ang ginawa nya.

“Alright, you two can talk about your issue later. For now, papasukin mo na muna kami, Raf. It’s so hot out here and let us have lunch after we freshen up,” Zack said and looked at Rafael, “Why don’t you get Mia’s bag kay Cherry at ihatid mo sa guest room?”

“Sure,” ani Rafael at pinuntahan si Cherry sa labas.

Inakbayan sya ni Zack at muntikan na syang mapatalon lalo nang bumulong ito sa tenga nya.

“Good job, I knew I could count on you,” at pinisil pa nito ang kanyang balikat.

“Aray!” nakalimutan ata nito ang kanyang sugat.

“Oh, sorry!” hinimas nito ang balikat nya na mas lalong nagpailang sa kanya kaya lumayo sya dito.

“H-hindi okay lang…”anya.

Saka lumapit ulit si Rafael.

“Sige dadaan muna ako sa kusina, see you in a minute at the dining room,” nagpatiuna na si Zack. Nang mawala ito sa paningin nila ay napatingin siya kay Rafael na asiwang-asiwa yata sa kanya.

“L-let’s go,” anito at sumunod sya dito.

 

Their lunch was like a feast. Ang kaso ay tatlo lang sila sa mesa. She just realized how rich these people were. Akala nya ay sa TV lang nya nakikita ang mga mayayaman na habang kumakain ay merong mga kasambahay na nakatayo sa gilid at nanonood sa kanila. It made her feel uncomfortable. This house was really big, kanina lang nya mas nalibot ng tingin sa kabuuan habang inihahatid sya ni Rafael sa kanyang kwarto. There were like more than a dozen room sa dalawang palapag na bahay na yun, every bit of the furniture  is worth a small fortune.

Nasa dulo si Zack at kaharap naman nya si Rafael na hindi ata mapalagay ang mga mata. He didn’t feel comfortable around her, na ikina-guilty naman nya.

“Don’t you like the food?” pansin ni Zack sa kanya nang wala pa syang inilalagay sa kanyang plato habang sumusubo na ito at si Rafael.

“Umm…” napatingin sya sa mga kasambahay na nakatingin narin sa kanya, “Mukhang masasarap nga eh…” she smiled hesitantly at inabot ang relyenong isda. But Zack lifted it at ito pa ang naglagay sa kanyang plato, pagkatapos ay nilagyan ng kanin ang kanyang plato.

“You want chopsuey? Masarap ‘to, Manang Lita cooks the best at ito ang binabalik-balikan naming magpipinsan dito,” pagmamalaki ni Zack sa kanya, “Gusto mo subuan kita?” tanong nito.

Napansin nyang nagsitaasan ang kilay ng ilang mga kasambahay.

“S-sige ako na lang…” pero mabilis na kinuha naman nito sa may banda ni Rafael ang chopsuey at nilagyan ulit ang plato nya.

“Salamat,” at tinikman na nga nya saka ngumiti, “hmm…sobrang sarap nga!”

She saw the maids smile at her kaya naman mas ginanahan syang kumain. Ang sasarap naman talaga ng mga nakahandang pagkain.

 

Matapos nilang kumain ay inaya sya ni Rafael na mag-kape sa veranda. Maybe he wanedt to talk to her about what happened.

“Look, hindi ko talaga sinasadya ang nangyari. I really thought na baboy damo ‘yung gumagalaw sa bushes. I shouldn’t have fired too early.”anito.

She tried to take his every word negatively para medyo magalit sya. Lalo pa at nakasilip si Zack sa likod ng pinto ng veranda.

“Ano’ng gusto mong maramdaman ko ngayon, Rafael? Ma-guilty ako dahil napagkamalan mo lang naman akong baboy-damo at kasalanan ko pa na nabaril mo ako?”

Umiling ito at nilakumos ang mukha ng dalawang kamay. Hirap na hirap na ito nakikita nya.

“I’m really sorry…kung alam mo lang kung gaano ko kagustong makipagpalit ng sitwasyon sa’yo ngayon Mia, I’m too willing to do that.” Seryosong sabi nito na ikinaubos naman ng pambala nyang mga salita dahil naaawa na talaga siya dito.

Nilingon nya si Zack pero wala na ito roon. Ano na nga ba ulit ang dapat nyang sabihin? Yumuko na lang sya at lumunok, she can’t continue to play someone that is not her. She decided to use her own way para mapa-realize dito ang dapat nitong ma-realize kahit na she doesn’t exactly know kung ano ‘yun.

“M-may problema ka ba?” tanong nya.

Bumuntong-hininga ito, he really does look like somebody who’s like in the middle of a devil in the deep blue sea. And she never liked seeing someone like that. Hindi ito umimik at huminga ulit ng malalim.

“I’m sorry for being so rude to you, I can see na meron kang problema at dinadagdagan ko pa ng pagsumbat-sumbat ko sayo.” mahinang sabi nya.

Rafael looked at her in an instant because of her sudden change of tone.

“No, I am the one who’s at fault here kaya you don’t have to be sorry. I deserved your anger. Marunong ka naman sigurong sumuntok ano? Suntukin mo na lang ako, bugbugin mo ako kung gusto mo,” pahayag nito.

Natawa sya, “Tingin mo mabubugbog kita ng ganito? Isa pa sa liit kong ‘to para lang akong sumusuntok sa pader, masasaktan pa ang kamay ko,” she continued to laugh at the thought.

“Mag-isip ka na lang ng kung anong gusto mong gawin o ipagawa sa akin, promise I will willingly do that for you,” insist parin nito, “Binigyan kita ng problema bukod pa sa sakit ng katawan kaya feel free to torture me.”

She smiled at him. “Hindi naman ako ganyan ka brutal ano. Madadaan naman lahat sa magandang usapan eh, hindi ba? Kaya pag-iisipan ko muna kung anong gusto kong gawin mo for me.”

Rafael smiled at her for the first time.

“Ayan! Ngumingiti ka naman pala eh, mas masarap kausap ang taong nakangiti kesa busangot ang mukha ng ganito…” ginaya pa nya ang paghilamos nito ng mukha nito kanina at paulit-ulit na pagbuntong-hininga, “…tapos namimilit ka pa ng tao na maging sadista…masokista ka siguro ano?”

Tumawa naman ito sa sinabi nya.

Napabalik si Zack sa pinagkukublihan kanina habang nakamasid at nakikinig sa usapan nina Rafael at Mia. He was surprised to hear Rafael laughing again, hindi nya ito nakitang ngumiti man lang mula nang dumating ito.

Napakunot-noo siya dahil kanina lang ay naririnig nyang inuusig ni Mia si Rafael, and suddenly ay napatawa na nito ang pinsan nya? What had he missed? Binali ba ni Mia ang kanilang deal at nakikipagkaibigan na ito kay Rafael?

Kinastigo nya ang kanyang sarili, siguro his idea was wrong. Mia can’t portray what he wants her to be for Rafael. Masyado atang mabait ang babaeng ‘yon at hindi magawang magalit o makasakit.

Maybe its time that he let her go, he does not want to take too much of her time. But she sure deserves a good compensation no matter what.

 

Inaya sya ni Rafael na libutin nila ang hacienda ng mga ito. She was hesitant at first pero he insisted. Kaya inilabas nito ang truck nito at pinasakay sya.

“Hop in!” nakangiting sabi nito.

Napalingon-lingon sya. “Hindi ba tayo magpapaalam kay Zack?” tanong nya rito.

“’Wag na…” at inilapit nito ang bibig sa tenga nya at bumulong. “Medyo boring na tao yun eh.” anito at kinindatan pa siya.

Pinaandar na nito ang sasakyan at sinimulan sya nitong ilibot sa manggahan ng mga ito. Napakalaki ng manggahan ng mga Salcedo, ayon pa rito ay meron ding tubuhan sa kabila Meron ding palayan at mga cultured bangus at tilapia business dahil sa isang may kalakihang lawa sa south part ng Sta. Monica. Malaking bahagi ng lupa ng Sta. Monica ay pag-aari ng pamilya Salcedo at sila rin ang major source of employment sa bayan na ‘to. Rafael talked as if it was just a shallow topic, with no hint of boastfulness or anything. Kaya ngayon ay meron na syang ideya kung gaano ka-maimpluwensya ang mga ito.

Dumaan sila sa tubuhan ng mga ito, at ang huling destinasyon nila bago mag hapon ay sa lawa.

“Beautiful, right?”ani Rafael. “It’s called Sta. Monica Lake, this goes up to the other side of that hill,” turo nito sa pangatlong hill na nakikita nila mula sa kinatatayuan nila ngayon. It’s actually nostalgic standing right where they are and seeing the lake water turns into orange as it reflects the color of the sky during sunset.

She smiled in adoration of the beauty of nature in front of her. It’s like that lake in the movie Lake House, though it’s bigger.

“And on the left side of this lake is where we culture bangus and tilapia. Do you wanna see the fishcages? I’ll bring you there tomorrow, papalubog na kasi ang araw.” anito.

Nginitian nya ito. “Talagang feel na feel mo ang pagiging tourist-guide mo ha.”

Tumawa ito. “You know what? You are just surprisingly fun to be with. I feel light talking to you” he said.

“Oo nga, nakakasilaw ka na eh,” at umakto nga syang nasisilaw dito.Rafael laughed so hard at her joke.

Natuwa naman sya that she made him feel light, kasi mukha talagang pinagsukluban ito ng langit at lupa sa hitsura nito kanina. Both of them were siting in the front hood of his truck and facing the beautiful and captivating Sta. Monica Lake.

“Pareho kayo ni Zack na matatas mag-english at may accent pa talaga kayo, sa ibang bansa ba kayo lumaki?” tanong nya.

Tumango ito. “I was born here but raised in California, Zack on the other hand was born and raised there. After college lang sya bumalik dito para mamahala sa business namin.” kuwento nito.

“Mabuti naman at marunong pa rin syang mag-Tagalog ano?”

“Syempre sa bahay ay ‘yun ang ginagamit, kahit naAmerikana ang lola nya. His mom is half-american half-filipino. From time to time din dati ay nagbabakasyon naman kami rito.”

Kaya pala mas mestisuhin si Zack at kaya pala ganun ang kulay ng napakagandang mga mata nito.

“So ikaw pure Filipino? Only son? Puro kayo mga guwapo ha, san ba nag-originate ang lahi ninyo? Ang mga ninuno nyo ba nakatira dati sa Mount Olympus?” biro nya na ikinatawa naman nito ng sobra.

“You really got me there ha. Bakit hindi ba gwapo naman ang mga Filipino? Tingin ko nai-enhance lang ‘pag nahahaluan ng ibang dugo siguro,” at natawa ito, she knew she made him feel uncomfortable, “We had Spanish ancestors, pero ilang generations na ‘yun at puro pinoy na lahat kaya, yeah I am pure Filipino and proud to be,” at nilingon naman sya, “How about you Mia? Maputi ka, you have mestiza features too,” pansin nito.

Natawa naman sya. “Bakit? Magaganda naman ang mga pilipina ah! Haha, siguro pinaglihi lang ako sa maganda o mestiza ‘di ba? Local na local kaya hitsura ko,” she said at nag make-face pa na ikina-ngiti ulit ni Rafael.

“What makes you so bubbly? Para kang isang bolang puno ng puro positive energy,” anito at hinawakan ang kamay na may bandage, “I’m terribly sorry about this”.

“Ano’ng puro positive energy eh kanina lang nasumbatan kita. Pasensya na kasi hindi pa kita nakikilala ng lubos. Now I know na mabait ka naman pala at hindi ka murderer.”

“Natural lang naman na magalit ka sa akin, pero sana mapatawad mo talaga ako.”

“Oo naman.”

 

Sumilay ang isang ngiti sa mukha ni Rafael.

Ngayon lang yata sya nakakilala ng isang babaeng tulad ni Mia. Napakasarap nitong kasama at kausap. And not only that, she was very kind as well. Bigla ay napagaan nito ang loob nya, for a while ay nalimutan nya ang kanyang mga problema.

Alam nyang hindi basta-basta ang nagawa nya rito, hindi lang naman sugat ang problemang dala ng pagkabaril nya. Maaapektuhan din ang trabaho nito kaya he has to do something to make it up to her.

 

Pagkarating nila ni Rafael sa mansion ay nakita nya si Zack sa may hallway na may kausap sa telepono. Tamang-tama naman at natapos ang pakikipag-usap nito at namalayan nito ang pagdating nila.

He looked pissed while looking at her. Saka nilapitan sila ni Rafael na kakapasok pa lang. Madilim na rin kasi.

“Where have you two been?” tanong nito na kay Rafael nakatingin.

“Nilibot ko lang si Mia sa hacienda. Actually hindi pa tapos kaya itutuloy na lang namin bukas” paliwanag ni Rafael.

Nilingon sya ni Zack at napayuko sya dahil he looked like he was in a very bad mood..

“Rachel and Tita Mildred are here…” anito kay Rafael na napalingon sa kanya.

“Really? Where are they?” Zack was looking directly into Rafael’s eyes as if trying to send a silent message.

“Upstairs…”sagot ni Zack at saka tinapik ang pinsan nito, “She’s with them.”

Sa pahabol na salitang yun ni Zack ay napansin nyang tila tinuka ng ahas si Rafael.

“Ano? Holy Shi-“ naputol ang sasabihin ni Rafael nang may tumawag dito.

“Raf!”

Napalingon silang tatlo sa pinagmulan ng boses. She saw a girl that appeared from the stairs. Nakatingin lang ito kay Rafael at isang ngiti ang namutawi sa maninipis nitong mga labi. Nagmadali itong bumaba at patakbong sinalubong ng yakap si Rafael.

“Nandito na pala si Raf, Mom.” at muli ay may nakita syang bumaba na dalawang babae, another one around her age and the other one is older. Perhaps by the way they look, and plus with the younger girl just mentioned, the woman was her mother. They must be Rachel and their Tita Mildred.

Nang makababa ang mga ito ay tiningnan sya ni Rachel. She smiled at her and she also smiled back.

 

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

12 thoughts on “Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 4

  1. c cassie b ung ksama din nina rachelle?

    Posted by alma | Agosto 25, 2012, 5:48 hapon
  2. c charlize n un. hhe. un pla,don pla cla unang ngkita.

    Posted by belle | Pebrero 13, 2012, 8:36 hapon
  3. ang cute…hmmm…bagay ang personality nila..hehe

    Posted by jsjti | Disyembre 29, 2011, 6:25 hapon
  4. I like mia, super bubbly!

    Posted by Abbythe1 | Disyembre 28, 2011, 1:08 hapon
  5. grabe ang bait ni mia…

    Posted by mae | Nobyembre 29, 2011, 4:20 hapon
  6. nag iisip na ko na baka si mia at si raf, nakalimutan ko na may nabuntis nga pala sya. hehe

    Posted by Faige | Nobyembre 28, 2011, 7:14 hapon
  7. grabe ang yaman nila….

    Posted by annamay | Nobyembre 7, 2011, 2:08 hapon
  8. tapos na agad ang pagpapanggap.. hehe.. ang bait naman ni mia..

    Posted by rishelL_18th | Setyembre 28, 2011, 1:30 hapon
  9. KUNG GANYAN LANG AKO KAYAMAN

    Posted by yukiya | Setyembre 24, 2011, 11:56 umaga
  10. nice may ganyan bang bahay sa Pillipinas

    Posted by yukiya | Setyembre 24, 2011, 11:55 umaga
  11. pano b to di qoh n tanda san aq ngstop……………

    Posted by necolee_mediana | Agosto 30, 2011, 10:18 hapon
  12. i smell love in the air heheheh

    Posted by mane9185 | Agosto 25, 2011, 8:54 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: