binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes 1

Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 3

Now that his face was this close to hers ay mas malaya nyang nakikita ang magandang kulay ng mga mata nito. Isa pa, he was holding her hand tightly like he didn’t  wanna let her go. Iwinakli nya ang kamay nito sa laking gulat nito.

“Shut up and let go of me, you liar!” Sigaw nya sa mukha nito. Pagkalitoang nakikita nyang bumadha sa mukha nito. “That’s right…alam ko nang ikaw ang bumaril sa akin, Rafael! Kaya ‘wag mo nang bilugin pa ang ulo ko. Pinagamot mo ako dahil nakokonsensya ka ha? Buti naman, kaya quits na tayo. Because you owe it to me, you psycho! Kaya hayaan mo na akong makaalis!”

Naningkit ang mga mata nito at saka sya marahas na hinila papalapit dito. Ang isa nitong kamay ay nasa likod ng baywang nya at ang isa ay nakahawak sa batok nya. Mariin ang pagkakahawak nito sa kanya that it hurt. But feeling his body against hers was  surprisingly much harder.

“How dare you call me a liar and a psycho?” tanong nito sa kanya, mata sa mata na hindi malaman kung matatawa o magagalit, at higit sa lahat dahil sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha ay naliliyo na sya sa mabango nitong hininga.

Pero lumaban sya ng titig dito. “Bakit hindi ba totoo naman? Pinagtatakpan mo ang kasalanan mo by making me believe na you saved my life.” sagot nya rito. Nahihirapan na sya sa paghinga dahil nanginginig sya sa sobrang higpit ng pagkakahapit nito sa kanya.

“For your information little missy, you are now talking to Alexander Salcedo.” anito sa kanya, “Now, does my name have any Rafael in it?” nahugot nya ang hininga nya. “And just so you know, I can be very cruel sometimes but not to the weak. And most of all, if I were a psycho you surely wouldn’t be breathing anymore. I am capable of killing someone with my bare hands in less than a minute.”

His eyes were displaying something she couldn’t figure out but she would die not knowing.

“A-ang sakit na ng leeg ko,” reklamo nya at mabilis na pinakawalan sya nito, “Eh sino pala si Rafael ha? Narinig ko yung mga tao sa bahay mo na ang Sir Rafael nila ang bumaril sa akin”

“Correction, nakabaril at hindi bumaril. Hindi ba sinabi ko naman sayo na we will deal with the real culprit after you are done eating and all? Ang kaso matigas ang ulo mo kaya ngayon you are getting the wrong information.”

Medyo napahiya nga sya ro’n and to think pinagbintangan pa nya ito. Pero parang nabunutan naman sya ng isang malaking tinik sa dibdib sa nalamang mali pala siya.

“I’m sorry,” nasabi nalang nya at napayuko.

“You should be, ngayon ay bumalik na tayo sa bahay at ihaharap ko sayo si Rafael.” anito at sinipolan si Cherry na lumapit sa kanila.

“Maglalakad na lang ako,” anya rito nang sa bigla nya ay mabilis na buhatin sya nito. Napatili sya at pumiksi. Pero he was definitely stronger kaya matagumpay na napasakay sya nito sa likod ni Cherry. Nang gumalaw ang kabayo ay napatili sya at napayakap sa kabayo, “Naku! Baka dito na ako matuluyan, please pababain mo na ako dito. Aray! Ang braso ko!” pagmamakaawa nya dito.

“Don’t make harsh movements kung ayaw mong tumakbo si Cherry,” anito at pumuwesto na rin sa likuran nya.

 

Napasinghap sya nang maramdaman ang mainit nitong katawan sa likod nya. And now like in every girl’s fantasy, she was riding in a white horse with her Knight. Pero ang tanong, Knight nga ba nya ito? Ilang sandali pa ay marahan nang tumakbo ang kabayo.

“Um…paano mo ba ako natagpuan? Sa kakahuyan?” naitanong nya. She was trying to divert her attention into talking from the different kinds of feelings she is having right now just by being this close to him. Sa tuwing may pagkakataon na nagkakadaiti ang kanilang katawan ay naninigas talaga siya. It was a new feeling for her, never in her life has she been this close to any man. Because she never allowed them and most of all, she never allowed herself to.

“Rafael carried you home. At saka kita dinaluhan…hindi ka na namin dinala sa ospital dahil napakalayo pa nu’n and you need immediate attention so instead we called for a doctor from the Village Clinic,’’ paliwanag nito, “He was bird hunting, he said he hit one and so they looked for the dead bird. The dogs were barking and were running after something, akala nya baboy damo ang hinahabol ng mga aso so he fired a shot.”

Sumasagi sa braso nya ang kamay nito sa tuwing hihilahin nito ang renda ni Cherry.

Biruin mo pinagkamalan pa syang baboy damo? Hindi nya malaman kung maiinsulto o matatawa. “S-so, kaanu-ano mo itong si Rafael?” tanong nya.

“He’s my cousin. Actually, I want to make a deal with you.” anito. At pinahinto na muna ang kabayo.

“Deal?”

“Yes, gusto kong pahirapan mo si Rafael.” anito.

Nagulat sya sa sinabi nito. Of course, that Rafael deserved some harsh words and treatment from her. Bakit hindi? He nearly killed her. Although now it was clear enough to her na isa lamang iyong aksidente ay hindi naman nya makapa sa sarili ang galit dahil nga wala namang may kasalanan at ang totoo ay wala naman masisisi because it was unanticipated.  Isa pa, why would this man want her to do such a thingif he was Rafael’s cousin?

“Pahirapan? Why would you request something like that? He is your cousin, right?” naitanong ulit nya.

Matagal bago sumagot ito, pero huminga muna ito ng malalim.

“Rafael is really troubled right now. All you have to do is to make him get out of his shell and step out of the boundaries he set for himself. We all wanted him to stand up and be responsible for his actions, or else he will never learn and realize what he needed to realize,” paliwanag nito. He sounded so ‘Kuya’ to her, this man clearly had good intentions for his cousin though his plan seemed a bit harsh, pero nalilito pa rin sya, “Hindi mo ba sya pagbabayarin? Okay lang sayo na mabaril?”

Umiling sya. “Hindi ah!, ang kaso lang kasi it was an accident. Saka hindi naman ako marunong magpahirap ng mga tao lalo pa hindi naman talaga ako galit sa Rafael na ‘yun kung sino man siya.” sagot nya.

 

Napatitig si Zack sa babae kahit na ang batok lang nito ang nakikita nya dahil nakatalikod ito sa kanya. Kaninang umaga pa nya napapansin na hindi naman masyado nitong iniinda ang sugat nito, lalo na ang pag-abalahan pang kilalanin ang nakabaril dito. Mas importante pa rito na mahanap ang bahay ng sinasabi nitong kaibigan nito dahil daw baka nag-aalala na ito.

Hindi na, tingin mo magpapakita pa yun? Isa pa hindi naman ako taga-rito, suwerte ko na nga at buhay pa ako ‘di ba? Naalala nyang sagot nito kanina nang tanungin nya kung wala ba itong balak pagbayarin ang nakabaril dito. Ano bang klaseng babae ito na mukhang hindi ata marunong magalit?

“So, you will just let him get away with it?” paniniguro nya. “Pwede mo naman syang hingan ng malaking halaga kapalit ng hindi mo pagpapakulong sa kanya, isa pa sinadya o hindi attempted murder pa rin ‘yun and it’s punishable by law,” he tried convincing her.

“Gusto mong ipakulong ko ang pinsan mo? Akala ko ba gusto mo syang tulungan, hindi naman kita maintindihan eh,” reklamo naman nito. She sounded like a little kid when she talks and he found it cute.

“Alright, here’s my proposition. You just have to pretend to be sdepressed and in real pain. Blame him hard, make him feel your anger. Threaten him na ipapakulong mo sya, make him feel terribly guilty. And in return to that favor I will pay you.”

 

Napaisip si Mia, will she be able to do it? Pero hindi pwede, hindi naman sya pumunta dito para magtrabaho.

“Hindi pwede Mr. Salcedo, hindi naman ako magtatagal dito. I’m only here for a vacation, I only have five days and day one has already been very  memorable. Me souvenir na ako, oh.” nilingon na nya ito dahil itinaas nya ang braso na may bandage na sa sobrang kapal ay pwede na sigurong matawag na cast. “Minalas na nga ako aabalahin mo pa ako sa proposition mo? Sabi mo nga aksidente ‘yon so there is no reason to blame him for this.,” tanggi nya rito, “In fact, hindi na nga ako sasama sa’yo. Bababa na ako at maglalakad na lang ng 10 kilometers kahit pa umagahin ako. Kailangan ko lang talagang makarating sa Village,” anya at yumuko at hinanap ang apakan para makababa na.

Pero mabilis na hinawakan nito ang kanyang kaliwang braso.

“Please, kahit ilang araw lang. And isn’t Hacienda Salcedo a perfect place to spend your vacation?”

Napatitig sya sa mga mata nito. Parang nangungusap ang mga mata nito, and she was slowly being convinced. But she shouldn’t be, kahit alam na naman nya ang pangalan nito ay stranger pa rin ito.

“I’m sorry..”hinila nya ang braso mula rito, pero napalakas yata ang paghila nya dahil na out of balance siya at naramdaman na lang nyang mahuhulog na siya mula sa ibabaw ng kabayo. But he was fast enough to grab her arm again pero nahila nya tuloy ito at ngayon sabay silang babagsak!

To her surprise hinila sya palapit sa katawan nito at niyakap sya ng mahigpit at bago pa sila bumagsak sa damuhan ay pinihit sya nito paitaas dito. Kaya naman nang bumagsak sila ay nakapatong sya sa katawan nito. She knew he did that para hindi siya masaktan lalo pa at may sugat pa sya. Impit na napahiyaw ito sa impact ng kanilang pagbagsak lalo pa’t ito ang sumalo sa bigat nya.

“Naku! I’m so sorry!” sabi nya at napatingin sa mukha nito upang mapatda lamang dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila. Siguro isang maling galaw lang at maglalapat na ang kanilang mga labi.

Sandali silang nagkatitigan at pinilit nyang makabawi saka bumangon sa pagkakadapa nya sa katawan nito. It felt weird being above a guy, nakakawala sa katinuan. Bumangon na rin ito at pinagpag ang mga damong dumikit sa damit nito. “Thank you…”

Tinitigan sya nito. “What’s the name of this friend of yours again who lives in the Village?” tanong nito.

Napakunot-noo sya. “Lucy, Lucy Mendiola. Bakit?”

He smiled. “Anak pala ni Mang Kanor yang tinutukoy mo eh. I will invite Lucy here tomorrow para makita ka nya at hindi na sya mag-alala sayo”.

“You know her family?”

“Why wouldn’t I? Si Mang Kanor ang pinagkakatiwalaan namin sa aming maggahan, and he is a good man.” kuwento nito.

Saka lang rumehistro sa kanyang isip kung bakit kailangan pa nitong imbitahan si Lucy sa bahay nito. Ayaw talaga sya nitong paalisin.

As if he had just read her ay kinumpirma nito ang naisip nya.

“Please stay for a while. I really need your help. Rafael’s parents and my family would appreciate your cooperation on this. This will have positive impact on Rafael’s life. I will try and make your stay here worthwhile, like you were on an actual vacation,” lumapit ito at hinawakan ang mga kamay nya, “Please?”

Matiim ang pagkakatitig nito sa kanya, animo’y nahihipnotismong sumangy-ayon siya..

“Alright Mr. Salcedo, pero sandali lang talaga ako rito ha?” pagpayag nya.

At hindi naman nya pagsisisihan ang desisyon dahil  sa ngiti pa lang na nakikita nya sa mukha nito ay nagagalak na sya. Ewan at parang excited pa nga sya.

“Thank you, and quit calling me Mr. Salcedo. Hindi ko sigurado kung ako, ang papa ko, si Rafael o ang ibang mga pinsan kong lalake ang tinutukoy mo dyan. Zack na lang,” he extended his hand bilang pagpapakilala.

Natawa siya at tinanggap naman ang kamay nito.

“Okay, Mr. Zack…and I’m Mia”

“Try Zack only,” turo pa nito. “Well, we better get going.” anito at muli ay isinakay sya sa kabayo nito at pinatakbo na si Cherry.

 

Napakunot-noo si Rafael at makailang ulit na ipinikit-dilat ang mga mata. Shoot! He wasn’t mistaken, nakikita nyang paparating si Zack at kasama nito si Mia. Hindi nya malaman kung matutuwa at napabalik ni Zack ang babae o manghihinayang at hindi pa ito tuluyang umalis.

Mia saw someone standing in the main door; he was the same man she saw at the gate kanina. The guy was staring at her straight into her eyes. Grabe naman makatitig ang mga tao dito! Could this man be…?

“That’s Rafael.” bulong ni Zack sa tenga nya na ikina-panindig ng balahibo nya.

It’s as if Rafael was really waiting for her and Zack. Pinahinto ni Zack si Cherry sa mismong harapan ng main door.

Napahugot sya ng hininga, should she start pretending that she was mad at him now? Oh no, hindi nya alam ang sasabihin! Help!

“Raf, where have you been?” tanong ni Zack sa lalake.

She was trying to give Rafael a fierce look para naman ma-intimidate ito na mukha namang tumalab talaga dahil nakikita nya na parang takot ito sa kanya. Yumuko ito agad habang papalapit sila at tiningnan lang si Zack.

“S-sa bayan lang, bumili lang ako sandali ng mga prutas para kay…” anito at tumingin sa kanya, “…k-kay Mia”

She was surprised. Rafael was trying to make it up to her. The man was young, siguro the same age as hers. Malambot ang ekspresyong ng mukha nito kaya mas lalo syang na convince na hindi naman nya ito dapat sisihin ng sobra dahil he seemed not capable of killing naman.

Napapiksi sya nang maramdaman ang kamay ni Zack na tumapik sa likod nya. She knew he wanted her to start already.

 

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

14 thoughts on “Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 3

  1. like n like ko ang kuwento…love, love, love

    Posted by alma | Agosto 25, 2012, 5:32 hapon
  2. ito n ung akala n rafael n inlove xah ky mia.hehe

    Posted by belle | Pebrero 13, 2012, 8:28 hapon
  3. si mia ba yung iniiyakan ni rafael dun sa baby and love?😀

    Posted by Thea Jane | Enero 9, 2012, 8:09 hapon
  4. hmmm…something’s fishy…hehe

    Posted by jsjti | Disyembre 29, 2011, 6:02 hapon
  5. Bait naman ng mia, kung iba tao lng tiyak mgdedemanda

    Posted by Abbythe1 | Disyembre 28, 2011, 1:31 umaga
  6. ang galing na kuya ni zack tinuturuan nya si rafael maging responsible.

    Posted by mae | Nobyembre 29, 2011, 2:59 hapon
  7. torture to ah… haha

    Posted by Faige | Nobyembre 28, 2011, 7:00 hapon
  8. AHHH… like it na talaga

    Posted by annamay | Nobyembre 7, 2011, 1:51 hapon
  9. ahhhh! superb!

    Posted by Selphieya | Nobyembre 6, 2011, 9:32 umaga
  10. ahahahah, naiimagine ko si Mia na parang hirap na hirap sa ginagawa n’yang pag-arte! ahihih^__^*)””

    ps: nagpaka-ipon ipon ako ng ils para mabasa ito, knowing na 50 gils per chapter ang kailangan…at natutuwa ako kasi ‘di naman pala, 10 lang! laking tipid nito! ahihih..^__^*)””

    Posted by talynhaga | Oktubre 28, 2011, 12:17 umaga
  11. nice naman ni zack.. kuyang-kuya ang dating..

    Posted by rishelL_18th | Setyembre 28, 2011, 1:06 hapon
  12. grabe sobrang coward nman ni raf pero atleast gusto nyang bumawe kay mia

    Posted by yukiya | Setyembre 24, 2011, 11:33 umaga
  13. hyper magreact si Mia.. sabagay ikaw ba naman ang mabaril accidentally

    Posted by mane9185 | Agosto 25, 2011, 8:53 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: