binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes 1

Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 10

Mabilis na pinuntahan niya si Tita Mildred sa library. And she was there with Rachel.

Completely decided as she is, she told them the truth excluding her intimate moments with Zack.

“I’m sorry sa pinag-gagawa ng dalawa sayo, Mia,” hinging paumanhin ni Tita Mildred.

“Accidents happen at hindi ko na po iniisip ‘yun, kahit po ganito at least I met all of you at masaya naman po ang stay ko rito,” sabi nya.

“Mabuti naman hija, salamat din sa pag-intindi mo sa sitwasyon…but your arm,” alala paring sabi nito.

“Nagagalaw ko na naman po eh,” she smiled to show she’s fine.

Pinakatitigan sya ni Rachel.

“Kaya pala wala kang pakialam nang dumating si Mandy,” nasabi ni Rachel.

Nahihiyang nginitian nya ito. “Kasi wala naman talaga akong karapatan, Chel,” anya.

“Hindi ka man lang ba na-develop kay Kuya Zack?” nanghihinayang na tanong nito.

Mukhang nahulog na nga ako eh, kaya kailangan ko nang umalis dito. Para mas maaga ay maputol na ang ilusyon ko at maiwasan ko pa ang masaktan.

Kunwari ay natawa sya. “I-imposible yun,” may kahinaan nyang sabi, actually it was also for herself…her feelings couldn’t possibly be love, she was also trying to convince herself na imposible.

“Imposible?” ulit ni Rachel sa sinabi nya.

“Hindi naman ako ang tipo ni Zack at…siguro kung naging darker lang sya ay okay na…masyado syang maputla. At masyadong mahirap na basahin, hindi mo maintindihan tapos ang presko pa. Napaka-insensitive pa, baka makunsumi lang ako. Ibibigay ko nalang sya ng buong puso kay Mandy.” litanya nya.

Natawa si Rachel at Tita Mildred.

“Saka magpapaalam na rin po ako. Sinabi kasi ni Manang Laly na maagang-maaga bukas pupunta ng bayan ang pick-up nyo kaya sasabay na sana ako. Kailangan ko na kasing bumalik ng Manila kaso ayaw naman akong payagan ni Zack.”

Hinawakan ni Mildred ang kamay nya.

“Kakausapin ko si Zack hija, but of course you’re free to leave. Hindi ka nila pwedeng pigilan, but you are also free to come back okay?”

“Naku pwede po bang saka nyo na lang sya kausapin ‘pag nakaalis na ako?”

Pumayag naman ang mga ito. Nang bumalik sya sa silid nya ay napatingin sya sa labas ng bintana.

Come to think of it, she really had a great time here. Tama lang for the kind of vacation she needed to refresh her. And it’s time to leave before it’s too late. She should not allow herself to be as close as possible to Zack dahil meron na nga itong nobya.

As for those kisses? They meant nothing to Zack, that’s for sure.

After dinner ay biglang umalis sandali si Zack, anito ay susunduin lang nito si Mandy sa bayan. Namili raw ng gamit nito si Mandy sa bayan dahil hindi nito napaghandaan ang desisyong manatili ng ilang araw sa Hacienda.

She was watching Zack leave from the veranda. Itinaas nya ang mga kamay na iginalaw-galaw pa ang mga daliri, naiimagine nya kasing nilalakumos nya si Zack. Naiinis sya dito dahil parang wala namang kahulugan para dito ang halik na pinagsaluhan nila.

“Pervert talaga!” Sabi nya sa hangin at huminga ng malalim. At para syang nag e-air boxing at sa balintataw nya ay sinusuntok nya si Zack. “Pangit! Pervert! Insensitive! Demonyo! Walanghiya! Kainis!”

Ang napakalakas na halakhak ni Rafael sa likuran nya ang nagpahinto sa nakakahiyang ginagawa nya. Napaupo sya sa silya at parang dahon ng makahiya na tumiklop.

“Practicing huh?” sabi nito. “Was-was that for me? ‘Yun na ba ang naisip mong finally gawin sa akin?” tanong nito at lumapit saka pumikit. “Sige na, treat me like a punching bag…I won’t mind”

Napangiti na lamang siya.

“There…there, that’s what I wanted to see,” sabi nito at umupo sa tabi nya.

They both just sat there and enjoyed the silence for a long while then Rafael reached for her hand at pinisil yun.

Nilingon nya ito at sinalubong ang mga titig nito.

“I know about your plan tomorrow. Rachel told me.”

Ngumuso sya, “Bakit? Ayaw mo rin ba akong paalisin? Kundi’y tutusukin kita,” itinaas nya ang kamay na nakausli ang hintuturo para kuwa’y tutusukin ito.

Hinawakan ni Rafael ang kamay nya at hinila sya nito palapit dito at niyakap ng mahigpit.

“R-Raf?” tawag nya dito after a while.

“Ihahatid kita bukas if that’s really your decision,” sambit nito.

It made her smile. “Thank you.”

Panandalian syang inilayo ni Rafael at tinitigan sa mga mata. Inilapit nito ang mukha sa kanya na mukhang hahalikan sya.

Namilog ang mga mata nya, konting hibla na lang at dadapo na sana sa mga labi nya ang labi ni Rafael nang ilihis nya ng konti and mukha at sa gilid lamang ng labi nya ito nakahalik.

Napapangiti nalang na lumayo si Rafael at tumayo.

“I don’t like competitions, Mia. Lalo na laban sa isang kadugo,” matalinghaga nitong sambit, “But I decided to sign upfor it…’wag lang dito mismo.” Hinawakan nito ang ulo nya. “Sleep early, I’ll wait for you at four sa baba,” and left her there.

Kung makakunot noo naman sya para bang mag-aabot na ang noo at nguso nya. Poetic pala si Rafael?

But one thing is certain to her, may ipinahihiwatig ito.

 

It was probably 12 am already and she still couldn’t sleep. Kailangan nyang uminom ng gatas talaga para makatulog sya. Kaya she decided to go downstairs at ipaghanda ang sarili ng gatas. This morning kasi ay nakahingi sya ng gatas for breakfast.

Maingat ang mga hakbang na tinungo nya ang madilim na kusina. At dahil nakaabang sya kanina habang nagtitimpla ang kasambahay ay alam na nya kung saan nakalagay ang lata.

Matapos magtimpla ay mabilis din nyang inubos ang gatas at hinugasan ang baso and then she went back upstairs.

Pinikit-dilat nya ang mga mata nang makitang bukas ang sliding door sa veranda. And then she heard voices, and she was not mistaken it was Zack and Rafael. She doesn’t know what they’re doing pero she heard her name mentioned kaya napilitan syang making sa usapan.

“Alam na nila?” at kahit di nya nakikita ang mukha ni Zack at base sa boses nito ay alam nyang nagulat ito.

“What do you plan to do with Mia now that there’s no more reason for you two to continue pretending to be lovers?” tanong ni Rafael.

Bumuntung hininga si Zack.

“Really I don’t know Raf,” sagot ni Zack.

“What do you mean? Are you starting to feel something for her?”

Matagal bago nagsalita ulit si Zack.

“No…I actually want her to leave immediately.”

Napantig ang tenga nya sa narinig.

Narinig nyang natawa si Rafael. At may nakakatawa ba du’n?

“Seriously, Kuya Zack…”

“She’s…she’s dangerous Raf. That’s why she had to get out of this house before things worse. “

Napakunot-noo sya. Ako dangerous? Totoo ba ‘to?

“I have to find a way to make her leave. I have to talk to her tomorrow,” anito.

“You like her?”

Patlang.

“…I don’t know. All that I know right now is that I can’t stand being near her…It’s like if I won’t-“

She found herself running back to her room.

Bakit Zack? Bakit parang nandidiri ka sa akin ngayon? How about our kiss?

I’m sorry to burst your bubble, Mia, but your fantasy is OVER! She cursed herself. That kiss was not real, a huge fantasy or probably just plain lust. And what she just overheard is REALITY.

Damnit! But why am I crying? Why does it hurt so much?

Naiinis sya sa mga luhang walang tigilkung mag alpasan sa mga mata nya na para bang tinutudyo pa sya.

 

It’s been a month and Mia still thinks of him. And the days she spent in Sta. Monica were perhaps the longest 5-days of her life.

And today was the first time she’s going to office without the bandage reminiscent of her unforgettable Lenten Season experience.

Ang tama nya ng bala sa kanyang braso ay malapit nang maghilom, sabi nga ni Lucy na habang tumatagal ay nagiging mukhang dimples yun. Para kasing medyo lumalim yun, pero halos nawawala na nga ang peklat at medyo namumula na lang. But it feels completely fine already, nu’ng unang nagreport nga sya sa office ay nakakaya na nyang magsulat at mag-type sa computer.

Trying to hide the wound was never a problem to her, she doesn’t wear sleeveless dresses…kaya hindi naman nahahalata na meron pala syang sugat doon.

As usual she was busy again, and she liked being busy kahit noon pa. At mas lalo na ngayon na meron syang ayaw na sanang isipin pa pero pauli-ulit na bumabalik sa isipan nya ang mga alaala nya sa Sta. Monica. Lalong-lalo na ang mukha ni Zack at ang…

Shoot! Heto na naman po ako…Erase, erase, erase…delete, delete, delete and then empty the Recycle Bin! Okay back to work!

Nahugot nya ang hininga at hinawakan ang LCD monitor ng kanyang computer.

“Oh my God! Nawawala ang mga files sa folder ko!” Natatarantang binuksan nya ang Recycle Bin at nailakumos sa mukha ang sariling mga palad. The Recycle Bin was empty!

“Naman eh! Nandun pa naman ang mga isasubmit kong report!” Mangiyak-ngiyak na napasandal sya sa swivel chair at hinawakan ang kanyang ulo na kumikirot.

Pinaglamayan ko pa naman kagabi ‘yung report na’yun…Looks like may paglalamayan na naman ako ulit…Timing na timing naman kasi eh!

Nagpakawala na lamang sya ng malalim na buntong-hininga at hinilot ang sariling sintido.

Maya-maya ay merong kumatok sa division ng kanyang cubicle at sumilip si Lucy. Nawala ang ngiti nito nang makita ang ayos nya na nakapikit pa at nagkalat pa ang mga patong-patong na paper works nya.

“You’re not ready yet?” tanong pa nito as if hindi nakikita ang sitwasyon sa mesa nya. Lumapit ito at umupo sa silya sa harap nya.

“Sorry, hindi ako pwede ngayong gabi. Na-delete ko kasi yung report ko, ipapasa ko na ‘yun ngayong Friday” alalang sabi nya sa kaibigan.

“Na-delete mo?” ulit nito.

“Please sis, wag mo nang itanong kung bakit nangyari yun,” sabi nya at isa-isang niligpit ang mga nagkalat na papers at isinilid sa expandable envelopes at sa mga folders.

Pinaikot ni Lucy ang mga eyeballs nito. “Fine! Pero pano yung binili mong gift?” tanong nito. Sabay kasi silang bumili ng regalo para sa new baby ng isa nilang kaibigan dito sa opisina at dahil kakapanganak lang nito 3 days ago ay ngayon na ang handaan para i-welcome ang baby.

Sa bahay lang naman nila ang handaan, but she has to start early para matapos na nya ito kinabukasan dahil first quarter auditing na ng lahat ng expenses ng kompanya at sya ang may hawak ng records ng expenses sa technical department.

Then she remembered the gift, “Right!” Saka sya dumukwang para maabot ang bag na nakalagay sa dulong gilid ng mesa nya at kinuha mula roon ang maliit na gift box. It was a set of cotton socks na maraming kulay. She gave Lucy a smile, kasi she will be asking her a favor. “Pakibigay na lang oh…” anya.

Inisnab sya nito, “Oo na, oo na,” nakangusong kinuha nito sa kamay nya ang gift, “Windangkasi kaya wala sa sarili,” bulong nito.

“May sinasabi ka, sis?” tanong nya sa magandang kaibigan.

Lucy faked a smile, “Nothing…aalis na nga ako para makauwi ako ng maaga eh…”

“Pasundo ka na lang kasi kay Van,” tukso naman nya rito na pinagalaw-galaw ang kanyang mga kilay.

She finally met Vander Allen Decerna a week ago nang bigla na lang itong sumulpot sa boarding house nila at sinasabing may lagnat ito at kailangang alagaan daw ito ni Lucy bilang future wife nito.

Nilingon nya si Lucy na hindi makatingin sa kanya ng diretso. Tiningala naman nya si Van na napapansin nga naman nyang nangingitim ang gilid ng mga mata at malamlam iyon. Siniko nya si Lucy.

“Hey Lu, wag mo nang paghintayin,” may halong panunukso nyang sabi kay Lucy, she had an idea na nagkikita na ang mga ito prior to this incident.

Van was waiting for Lucy’s answer as he stood impatiently sa hamba ng main door ng kanilang boarding house.

“Ah, excuse me…padaan,” sabi ng ilang ka-boardmate nila na papalabas na pero dahil nakatayo sila sa may pinto ay naaantala tuloy ang mga ito. Tumabi naman si Van at ginantihan ng ngiti ang ilang mga nag-‘hi’ dito.

May mga kasamahan din silang nakasilip mula sa mga kwarto nila at ang ilan ay nakakapit pa sa barandilyas ng hagdanan para lang makita si Van.

His presence in their place is very hugely felt, puro kasi sila babae lahat at hindi naman everyday and perhaps ngayon palang may dumating na ‘sing gwapo ni Van.

Sa wakas may lovelife na rin si Lucy! Just like her before ay nakabibingi ang katahimikan ng puso nito, but now that Van is here ay sa wakas naman may iba na itong pagkaabalahan bukod sa pagkahilig nito sa pag-gagantsilyo ng kung anu-ano. Marami na nga syang natatanggap na scarf, bonnet at sweater mula rito na gusto din naman nya kasi creative talaga ito.

“Argh! She’s really gonna make me wait in vain here…” napahawak sa ulo nito si Van.

Hinila nya si Lucy, “Excuse us a bit…” sabi nya kay Van at pabulong na pinagsabihan si Lucy. “Lucy naman eh…alam ko namang matagal mo syang hinintay kaya now that he’s here na…at least tinupad nya ang pangako nya kahit mga bata pa kayo dati  ‘di’ba?” at nilingon si Van, sa ngiti pa lang nya ay ipinaparating nya sa kaibigan kung gaano sya kakilig. “Look at him…kawawa naman oh! Mukha nang lantang gulay tapos hindi mo pa aalagaan?”

Tinitigan nga ni Lucy si Van mula sa kinatatayuan nila. She saw her eyes sparkling and it made her heart smile. Her bestfriend is in-love!

At napapayag naman nya itong sumama kay Van para asikasuhin daw ni Lucy sa unit nito. And that same night, Lucy was not able to come home…

What’s wrong with Lucy is that she is very secretive at hindi pala kwento, buti na lang at medyo madali para sa kanya ang basahin ito.

Namula na naman ito.

“Ayan! ‘Yang ilong mo kamukha na ng kay Rudolph!” she teased.

Tumawa naman ito. “Ay naku, makakaganti rin ako sa’yo. If I know fan ka ng kantang I’ll never get over you, getting over me….” papalayong tukso nito.

Napapailing na lamang sya.

 

A/N: This is my first romance story so please bear with me if it looks sooo amateur hehe ^_^

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

26 thoughts on “Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 10

  1. medyo nalito aq ha’. kala q kasi ‘yung Behind his hazel eyes (Legacy) ay iba sa Behind his hazel eyes 1 . eh. pareho lang naman pala , bale part 1 at part 2 lang pala ‘to . medyo naloka talaga ako . !!ahEhe !! pero . okay lang kasi i super love the story naman .

    Posted by jean | Oktubre 26, 2012, 10:46 hapon
  2. Hindi pang amateur ang novel mo po..super ganda nga…

    Posted by alma | Agosto 25, 2012, 7:01 hapon
  3. may story ba sila lucy and van ? anong title?

    Posted by Thea Jane | Enero 9, 2012, 9:53 hapon
  4. nah…i like it…katuwa magbasa..

    Posted by jsjti | Disyembre 29, 2011, 9:19 hapon
  5. Tama ka nga mia, zack is pangit! Pervert, insensitive, dem0nyo, walanghiya. Hehehe

    Posted by Abbythe1 | Disyembre 28, 2011, 3:23 hapon
  6. ang ganda. thanks ms. athena. bbhe2 na ko..

    Posted by mae | Nobyembre 30, 2011, 3:58 hapon
  7. so excited sa ending.. nice story ms. athena..

    Posted by Faige | Nobyembre 29, 2011, 3:53 hapon
  8. grabe amateur pa to!!!! da best nga ehhh

    Posted by annamay | Nobyembre 7, 2011, 4:24 hapon
  9. amateur?! not at all!

    Posted by Selphieya | Nobyembre 7, 2011, 5:03 umaga
  10. parang ang cute ng love story nina lucy at van.. sana meron din sila..😀

    Posted by rishelL_18th | Setyembre 28, 2011, 4:47 hapon
  11. wlang ending…………..

    Posted by sumoku | Setyembre 24, 2011, 3:00 hapon
  12. ito din ba ung nasa lumang top nbasa ko n din kc yun kaya lang bitin wala sya ending meron na ba dito…

    Posted by mjmercado | Agosto 16, 2011, 11:42 umaga
  13. nabasa ko na pala ito dati kaso may nadagdag lang at ng konti fresh pa yung mga scene dun sa lumang TOP kakakilig pa din

    Posted by cally23 | Agosto 8, 2011, 7:20 hapon
  14. ms athena, pwede po ba bumili ng gils imbes na mag-ipon? gusto ko po kasi makita yung ibang chapters nito kaya lang kasi matagal kung mag-iipon ako.

    Posted by topreader | Hulyo 17, 2011, 7:33 hapon
  15. tagal ko nag wait pero worth it…

    Posted by wheng | Hunyo 20, 2011, 3:18 hapon
  16. Gils.gils..pengeng gils.hahaha

    Posted by darkangel | Hunyo 8, 2011, 3:56 hapon
  17. Sna may totoong Zack..rarr..

    Posted by Charmaine Joy C. Javier | Hunyo 1, 2011, 1:40 hapon
  18. sa wakas nakita ko din ang karugtong nung nasa lumang site…matatapos ko na din to…and mukha nga maganda ang ang takbo ng story…at worth ang paghihintay

    Posted by creative16 | Hunyo 1, 2011, 12:43 umaga
  19. GOSH ! ang ganda ganda talaga ! hindi ako maka-recover .. xD I LOVE IT !!!

    Posted by HaeRene010 | Mayo 25, 2011, 9:54 umaga
  20. AT LAST AFTER FIVE MONTHS I WAS ABLE TO READ CHAPTER 10 OF THE STORY.. I WAS JUST CONFUSED KASI HINDI KO GAANONG MAALALA ANG KUWENTO TAGAL N RIN KASI HEHEH THEN AYOKO NMN ULITIN BASAHIN
    O PAG-IBIG NGA NAMAN
    IKAW ANG TANGING DAHILAN
    KUNG BAKIT ANG MUNDOY
    SADYANG MAKULAY
    IKAW ANG DAHILAN
    KUNG BKIT AKOY
    MASAYA
    IKAW ANG NAGBIBIGAY NG PAG-ASA
    SA BAWAT NILALANG

    Posted by edomilies | Mayo 22, 2011, 5:00 umaga
  21. ramdam na ramdam ang emotion. and ramdam ko rin ang kagwapuhan ni Zack. Great job.😀

    Posted by innocent | Mayo 21, 2011, 2:45 hapon
  22. hi to Ms.Athena..eto din po ba ung sa chapter 10 na nasa lumang TOP..hehehe…kya lang behind his hazel eyes 1 na to eh..magkaiba ba un?

    Posted by jayselle | Mayo 20, 2011, 10:13 hapon
    • yeah, ito yung chap 10 sa wordpress dati… part 1 yung nandun… so since you have read the first part doon na ay sa BHHE 2 chap1 ka na… unless you want to read it all over again hehe…

      Posted by AthenaShih | Mayo 20, 2011, 11:22 hapon
      • hehe thank you po at mababasa ko na din yung buong kwento ng BHHE…kaya lang marami raming gils ang kakailanganin ko hehehe..but anyways, salamat po ulit

        Posted by jayselle | Mayo 21, 2011, 1:22 hapon
  23. ang ganda kaya nong story nila ni zack… inaabangan ko nga to eh… sana may new chapter na ulit…🙂

    Posted by chubby | Mayo 20, 2011, 3:35 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: