binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes 1

Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 1

Napasinghap si Mia sa napakagandang tanawing bumungad sa kanya pagdating na pagdating pa lamang nya sa bayan ng Sta. Monica. Para itong isang paraiso, ang view ng bundok mula sa bus was totally breathtaking. Napakasarap sa ilong ang malamig at sariwang simoy ng hangin. She was from a province in Davao kaya  she will never get tired of this kind of scenery as she is a nature lover at heart.

Siyam na buwan na siya sa Makati, nagtatrabaho bilang book keeper sa isang local newspaper company. Hindi lamang dahil sa hirap ng buhay kaya sya dumayo para  magtrabaho, at matutong maging independent. Gusto nyang masubukan ang buhay na hindi umaasa sa pamilya nya, gusto nyang i-explore ang mundo sa labas ng mundong kinalakhan nya. Alam nyang may ibang klase ng buhay pang naghihintay sa kanya. At tama nga siya, sa siyam na buwan nya na malayo at mag-isa ay maraming bagay syang mas natutunan sa sarili nya at alam nyang mas marami pa syang matututunan. Mas nakilala nya ang sarili nya at mas naintindihan na nya kung bakit hindi na sya masaya dati.

Maayos naman ang pasweldo sa kanya,  Me pera sya para sa pagkainat renta. Minsan ay nakakapagpadala pa sya ng konting halaga sa Davao para sa kapatid nyang nasa kolehiyo na. Hindi naman sya maluho at natural na matipirin kaya  madalas ang mga kasamahan pa nya sa boarding house  ang lumalapit kapag nauubusan ang mga ito ng pera.

Naging pinakamalapit sa kanya ay si Lucy  dahil kasamahan din nya ito sa trabaho. Mabait ito at tulad nya ay homebody din ito. Madalas pa nga ay sila lang dalawa ang naiiwan sa boarding house at kung lumabas man sila ay kundi sa supermarket ay sa palengke ang trip nilang pag-shopping-an.

Ngayon nga at semana santa naman ay inimbita sya nitong bumisita sa kanilang probinsya sa Quezon, sa bayan ng Sta. Monica na sobra palang layo. Kung kasama nya ito sa byahe ay hindi sana sya nagka ligaw-ligaw. Nauna kasi itong umuwi para raw mapaghandaan nito ng mabuti ang pagdating nya. Ayon dito ay magugustuhan nya ang kanilang lugar. At hindi naman ito nagkamali, she felt at home. It was Ash Wednesday but thinks that she will sure have a good time here.

Kaninang pagkababa nya ng bus sa unang bayan akala nya’y nasa town site lang ang address na sinasabi ni Lucy. Isinulat pa nga nya yun sa papel para ‘di nya malimutan.  Purok Maluwalhati, Salcedo Village, Sta. Monica.

 

“Naku ineng kung maaga-aga ka lang dumating ay inabutan mo sana ang second trip ng jeep paroon. Medyo malayo ang Salcedo at iilan lang ang pasahero kaya dalawang byahe lang ang jeep doon. Eh, alas kuwatro y medya na,wala nang biyahe,” anang tindera ng mga candy sa may terminal.

Naman! Sinabi nga pala ni Lucy na habulin nya ang first trip ng bus pa Sta. Monica. Ito pala ang dahilan.

“Pero hindi po ba Semana Santa naman ngayon, Manang? E di marami po ang mga umuuwi sa kanila o mga bakasyunistang tulad ko,” anya na umaasa pa talaga.

“Dito kasi sa probinsya namin ay pinapahalagahan talaga namin ang Semana Santa, kaya mas kakaunti ang bumibiyahe dahil mas pinipili na manatili sa bahay at gunitain ang Semana Santa. Hindi nyo din ba ginagawa iyon sa inyo?” tanong nito.

Bumuntong hininga siya. Ano ngayon ang gagawin nya? Hindi naman pwedeng bumalik na lang sya ng Manila dahil wala na ring bus, bukas pa ang susunod na biyahe.

“Eh, Manang wala na po bang ibang paraan para makapuntangSalcedo Village? Kasi wala na po akong choice talaga at hindi naman na ako pwedeng bumalik ng Manila ngayon kasi wala nang bus,” pagmamakaawa nya rito.

Tinitigan sya ng babae pati narin ang dala nyang sling bag at hand bag. She was so ready for a five days vacation! ‘Wag naman sanang malasin.

Napalingon-lingon ito. “Merong pick-up na pag-aari ng Hacienda Salcedo ang dumaraan dito tuwing hapon. Nagde-deliver ito ng mga produkto mula sa pataniman at mga pinapamili sa pamilihan. Paparahin ko at subukan mong makiusap na makisakay.” anito.

Napangiti siya at nagmukhang anghel ang babae sa paningin nya. Napagsalikop nya ang mga kamay sa sobrang saya.

“Talaga po? Salamat po Manang…” anya.

Ngumiti din ito.

“Manang ka ng Manang sa akin eh beinte otso palang naman ako, mukha na ba talaga akong Manang?” tanong nito na ikina-guilty nya. She really looked older than her age; she thought she was already at her forties.

“Naku sobrang sorry po talaga, Ate.Hindi ko talaga sinasadya” yumukod pa sya sa harap nito. “Pero konting lugay lang ng buhok at pulbo saka lipstick, konting-konti lang naman…ay! Kamukha mo na si Maja Salvador, Ate.Tingnan ko lang kung hindi ka pag-agawan dito.” Kinindatan pa nya ito.

Tumawa naman ito. In fairness  me pagka-Maja Salvador nga ito, konting ayos lang ang kailangan.

“Ikaw naman.” Namula pa ito bago napalingon sa isang pick-up truck na papadaan sa kanilang harapan. “Oh! Nandito na, teka! Sandali lang, Lando!” tawag nito sa driver at kinakawayan pa.

Huminto nga sa harap nila ang sasakyan. May mga gulay na dala at ilang mga pang-kusina.

“Ano yun, Ester? Nagmamadali ako kasi dumating na ang mga amo namin.” anang driver na tinawag ni Ester na Lando.

Sya na ang nagsalita. “Naku, Kuya, pwede mo po ba akong pasakayin? Papunta po kasi akong Salcedo Village sa Purok Maluwalhati po… kaso wala na pong sasakyan eh.”

Tiningnan sya nito sa mukha. “Mapapasakay kita pero hanggang kanto lang ako hindi ako didiretso sa Village. Pakaliwa ang hacienda at diretso naman ang sa Village.”

“Okay na okay lang yun, Kuya!” anya na natuwa naman.

Nagpasalamat sya kay Ester at sumakay na, sa passenger’s seat  Dalawampung minuto pala ang biyahe, buti na nga lang at sementado ang daan.

“Kung sa Village ka pupunta suwerte mo na kung may trisikel pang nakaabang dun ngayon. Bukod pa sa pa-gabi na ay Semana Santa pa. Malamang ay nagpapahinga na ang mga magta-trisikel. ” Sabi nito.

Ngumuso sya.

“Kung lalakarin ko, Kuya, tingin mo gagabihin ako?” pagbabakasakali nya.

“Kung sa sementong daan ka daraan ay malamang mapapalayo ka pa. May shortcut sa Village kaso dadaan ka sa kakahuyan. Pero mas madali talaga roon.Dire-diretso ka lang naman at

makikita mo na ang Village. ”Nang dumating na nga sila sa crossing ay itinuro nito sa kanya ang lubak-lubak na daanan sa kakahuyan. Alas singko pa lang naman kung bibilisan nya o tatakbuhin nya ay makakarating agad sya.

 

Nagpasalamat siya kay Lando na nagmamadali ring umalis. Ayon pa rito ay maihahatid sana sya nito kung hindi lang ito nagmamadali. Naiintindihan naman nya ito, hindi rin naman sya ang tipong nang-aalanganin ng ibang tao.

Lakad-takbo nga ang ginawa nya. Grabe naman itong vacation nya, maagang penitensya! Kanina pa nga nya pilit tinatawagan si Lucy kaya lang ay walang signal pagpasok pa lang ng Quezon province angTM..

Biglang may narinig syang tahol ng aso, lumalakas iyon na ibig sabihin ay palapit sa kanya. Nang lumingon sya ay nasa likod nya ang isang napakalaking itim na aso! Nakatingin ito sa kanya na para bang isa syang naglalakad na buto. Bigla ang kaba sa dibdib nya at naalarma nang may marinig pang isang boses ng tumatahol na aso. Aba’t dalawa pala sila!

“Diyos ko naman! Tulong naman dyan oh…Hi! Hindi naman ako kalaban eh… peace!” anya at saka bumirada ng takbo. Imbes na dumiretso ay tumitiling kumanan siya upang makahanap ng puno na aakyatin sana nang biglang makarinig siya ng isang malakas na putok.

Ano yun? tanong ng isip nya. At bigla-bigla nalang ay parang may kung anong matigas at masakit na bagay ang bumaon sa kanyang kanang braso.

Aray! Ang sakit…nahawakan nya ang kanyang braso at laking takot nya nang malamang tuloy tuloy ang pagdugo nun. Dumagdag pa sa takot nya ang narinig na tahol ng papalapit na mga aso.

Oh God…why do I have to die here? Please have someone find me here…hindi pa tapos ang obligasyon ko sa pamilya ko. Marami pa sana akong gustong gawin…pero ito na ba talaga?… So this is how it feels…this is how a dying person feels.


“Kuya! Kuya Zack!”

He just came from the woods, kasama si Cherry, ang three year old nyang white Stallion. It’s been six months since he last rode Cherry and she still ran as fast as the wind. “Good job, Girl!” hinimas nya ang alaga at saka natuon ang pandinig sa boses ni Rafael, his cousin.

Sinundot siya ng kaba pagkakita sa pinsan na takot na takot ang mukha, and what he was carrying was terrifying.

Rafael was carrying a bloody girl on his arms. Walang malay ang babae at nakasunod kay Rafael ang alaga nilang dalawang Labrador.

Agad nyang nilapitan ang nakababatang pinsan.

“Shit! What happened, Raf?” taranta rin nyang tanong at mabilis na kinuha mula rito ang babae.

“Hindi ko sinasadya, Kuya” nanginginig ang boses ni Rafael nang sabihin ‘yun.

“Explain later, call Dr. Mercado fast!” anya sa pinsan at patakbong iniakyat ang babae sa itaas.

Napatingin at naalarma ang mga kasambahay na nakasalubong nya. “Maghanda kayo ng malinis na tubig at towel!” utos nya.

He already had an idea of what happened. This afternoon inaya nyang mag horseback riding si Rafael but he prefered to go bird hunting. But dang! This girl was no bird.

Malayo ang ospital  mula sa hacienda. Sa Village ay meron silang maliit na clinic na kung saan si Dr. Mercado ang nakatalaga. Kaya ilang sandali lang ay darating na ito.

Inilapag nya sa kama ang babae, magaan lang naman ito at hindi naman gaanong katangkad. He knows first aid; he had training about this inCalifornia. First he cleaned her wounds at tinalian nya ang braso nitong tinamaan ng bala para maampat kahit na paano ang pagdurugo.

Nang umungol ang babae ay napatingin sya sa mukha nito. He found himself reallystaring at the girlShe was young and looked so defenseless. He felt terribly sorry for her. She was like a fallen angel.

Dumating na si Dr. Mercado at sinimulan na nga nitong tanggalin ang bala sa maliit na braso ng babae. He just right beside Dr. Mercado and assisted him. The girl was lucky na hindi tinamaan ang buto nito sa braso at kahit maliit ang braso nito ay sa muscles pa rin nito tumama ang bala. Mataposlagyan ng dressing ni Dr. Mercado ang sugat ay nagreseta ito ng antibiotic at gamot para sa mabilis na paghilom ng sugat.

Napatitig sya sa mukha ng nahihimbing na babae, she didn’t look familiar. At base sa dami ng dala nito, alam niyang dayp ang dalaga. Maputi ang babae at me pagkamestisahin. She had a small nose and lips. Maliit din ang korte ng mukha nito. He was wondering how she could sleeep so soundly after what happened. What she was doing in the wood?s They’ll know when she wakes up. In the mean time he had to deal with Rafael.

 

Palakad-lakad at hindi mapakali sa patio si Rafael, he was waiting for Dr. Mercado and Zack to come out. He knew he had some serious explaining to do.

“Raf.” Tawag ng doctor sa kanya.

“Dok! Kumusta na po sya? Okay naman po sya ‘di ba?” tanong nya.

Tinapik sya nito. “She’s fine. She’s one strong little girl. She will recover in two to three weeks but she had to take medications para madaling maghilom ang sugat at para hindi nya maramdaman ang sakit and she has to rest of course. At saka kinapalan ko ang dressing sa braso nya para kahit gumalaw sya ay hindi masyadong magalaw ang sugat nya, she doesn’t need to wear a cast though. ” anito.

Napahinga siya ng malalim. Nang makita nya ang babaeng duguan kanina he felt the urge to run away. But he stopped himself; the last thing that he wanted to do now was another life-changing mistake. He was here because he made a mistake and his parents want him to realize and acknowledge it pero heto na naman siya, in the middle of a big one.And this is not just a mistake,it was a crime! Kapag nagising ang babaeng iyon at nagsumbong sa pulis, tapos na talaga siya.

Nang makaalis ang doktor ay nilapitan nya si Zack na kakalabas pa lang ng guest room.

“What should I do, Kuya Zack? Makukulong ba ako?” takot na takot na tanong nya sa pinsan.

Zack looked at him fiercely. “You know the answer, Raf, you’re smart. The least that you could do is to be there for her. Make sure you are the first person she sees when she wakes up and apologize to her. Makipag-areglo ka, do it like a man.” anito at iniwan na sya.

Zack had always been his idol, kahit nung mga bata pa sila. Napaka-responsible na nito kahit noong eight years old pa lamang ito. Ung ang unang beses na nagkasama sila. He was always careful with his decisions and at sa edad na disisais ay sinanay na itong mamahala ng negosyo nila. Lahat ay hanga rito, parang hindi nga ito nagkakamali. At imbes na magalit o mainggit siya dito dahil sa tuwina ay lagi syang ikinukumpara dito ay naging hero pa nya ito. Tagapagtanggol nya ito sa mga bullies sa school nila dati. Matapang din ito, pag may gusto ito ay madali nitong nakukuha iyonggamit lang ang utak at charm nito.

Charlize, his 18 year-old girlfriend is almost two months pregnant. At dahil sa takot sa galit ng ama ay umuwi sya ng Sta. Monica. Tinakbuhan nya si Charlize! Hindi pa talaga siya handa at ngayon ay nandito sya sa hacienda para abalahin ulit si Zack. Sinabi na nito na hindi naman daw nya kailangan ng tulong kahit kanino, dahil sya lang daw ang makatutulong sa sarili nya.

 

“Aw, sakit ng ulo ko” naisambit ni Mia. Marahan nyang idinilat ang mga mata upang magulat lamang sa isang magarang silid na kinaroroonan nya. May nagbukas kasi ng kurtina kaya medyo nasilaw sya sa liwanag.

A warm hand touched her head. Nilingon nya ang may ari ng kamay na ‘yon and she was totally mesmerized. Nakatunghay sa kanya ngayon and pares ng napakaganda at nakaka-hypnotize na mga mata. There’s something about the color of his eyes, it was not brown…It’s a lighter shade…yes! He’s got hazel eyes!

May kung ano sa tingin nito na pakiramdam nya ay mina-magnet ang kanyang mga mata para dito lang din tumingin. It was not a soft stare, nanunukat at parang tagos sa kanya ang tingin nito.

“Sino ka?” tanong nya rito. Ngayon ay ‘di na lamang sya sa mga mata nito malayang nakatingin, ang mukha nito ay parang perpekto! Ang makapal nitong kilay bagaman nagiging dahilan para maging mukhang galit ito ay ayos lang naman dahil kahit siguro pandilatan ka lang nito basta matingnan ka lang ay solb na. He has a perfect pointed nose and thin naturally pink lips. Sure syang hindi nasasayaran ng sigarilyo and his cleft chin complimented the shape of his face.He was white pero hindi maputla. Kahit mas  gusto niya ang mga moreno ay pasado na rin ito lalo na’t bumakat ang magandang porma ng katawan nito sa suot na putting t-shirt. Tao ba ito or Greek god?

 

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

28 thoughts on “Behind His Hazel Eyes 1- Chapter 1

  1. namissss ko to promise

    Posted by khizmar | Enero 30, 2014, 9:17 hapon
  2. nice one:)

    Posted by khizmar | Agosto 28, 2013, 10:16 hapon
  3. interesting…..

    Posted by tianna | Abril 15, 2013, 10:33 hapon
  4. wow sa wakas mbabasa ko n ang story nina mia at zack…

    Posted by alma | Agosto 25, 2012, 4:56 hapon
  5. sino kya una niyang nakta

    Posted by belle | Pebrero 13, 2012, 8:11 hapon
  6. nadbasa kuna yung kina raf and charlize

    Posted by Thea Jane | Enero 9, 2012, 7:17 hapon
  7. wow naman😀 HAHAHA

    Posted by Thea Jane | Enero 9, 2012, 7:16 hapon
  8. hehe…mas nauna ko pa nabasa ung kay raf…hmmm…sana series nalang to…title salcedo clan para di mahirap hanapin…haha…

    Posted by jsjti | Disyembre 29, 2011, 5:16 hapon
  9. Teka, diba po ang ash wednesday is days/month pa before semana santa, ala lng napansin ko lng. Anyway, ganda plot ng story!

    Posted by Abbythe1 | Disyembre 28, 2011, 1:03 umaga
  10. naumpisahan ko na to dati pero di ko natapos. umpisahan ko na lang ulit kasi di ko na matandaan kung anong chapter ako huminto.

    Posted by mae | Nobyembre 28, 2011, 3:58 hapon
  11. greek god.. haha

    Posted by Faige | Nobyembre 27, 2011, 5:29 hapon
  12. NICE!!!

    Posted by annamay | Nobyembre 7, 2011, 12:48 hapon
  13. prang pangPHR po,, hehehe.. really nice umpisa p lng,, very interesting!!

    Posted by Selphieya | Nobyembre 6, 2011, 8:50 umaga
  14. maganda to!

    Posted by naughty4 | Nobyembre 4, 2011, 9:27 umaga
  15. funny! kababayan ko pa lang ang girl. Lol!

    Posted by damereveur07 | Oktubre 29, 2011, 12:54 umaga
  16. ito yung story na hindi ko na nabasa sa wordpress.. babasahin ko na sana kaya lang saktong nalipat na pala dito.. .sayang naman..😀

    anyway, dapat pala ito yung una kong binasa.. magkakadugtong pala mga stories ni ms. athena..

    Posted by rishelL_18th | Setyembre 28, 2011, 12:16 hapon
  17. bka Greek God nga ang nakita nya hehehe…

    Posted by yukiya | Setyembre 24, 2011, 10:57 umaga
  18. nabasa ko na to -.- sayang yung gils!!!!

    Posted by lexcel valle | Setyembre 18, 2011, 6:54 hapon
  19. hala..ito pala iyong hinahanap ko..

    Posted by cutiektine | Setyembre 15, 2011, 11:38 hapon
  20. awtttsssss,,, kinakabahan aq dito eh,, alam ko kac may nabasa na kong ganito dati ehh,,😦

    Posted by rielle | Agosto 28, 2011, 9:56 hapon
  21. buti nabasa ko na ito nung nhindi pa kylangan ng gils heheh… pero babasahin ko ulit recop ;)))

    Posted by mane9185 | Agosto 25, 2011, 8:49 hapon
  22. Sana noh maisip ng may pakana ng gils gils na to.. Kung gano kalaki ang masasayang na gils kung nabasa na pala natin ito b4:/ sayang lang effort na mkapag earn ng gils

    Pinaywriter : Ipinalagay po namin ang kwentong ito dito dahil ang mga BAGONG toppers ay hindi ma-access ang part 1 sa lumang wordpress. Pasensya na po kung me kalituhang naganap dahil dito. Para po ito sa ating lahat. Happy reading po! ~ EIC Pinaywriter

    Posted by Ledeiran | Agosto 17, 2011, 6:55 umaga
  23. “interesting ang chapter1..
    excited na ko basahin ang kasunod :))

    Posted by akoaikaimatt | Hulyo 27, 2011, 5:28 hapon
  24. Huhuhu me too nabasa ko n’a Din to before huhuhu sayang ung gils ko…kala ko kc continuation to nun unang nabasa ko ehh.sayang naman :(((

    Posted by chasty23 | Hunyo 9, 2011, 4:12 hapon
  25. awww nabasa ko na to…..sayang gils ko…huhuhuhuhu

    Posted by ekis | Hunyo 2, 2011, 5:37 hapon
  26. wow ganda e2..greek God daw =)

    Posted by poopzy | Hunyo 1, 2011, 4:43 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: