binabasa mo ang...
SERIES: Destiny

If I Didn’t Love You: Crossroads – END

Read If I Didn’t Love You – START by Calla first

EXCITED si Johnny dahil natuloy ang date niya kay Naomi!

Naglakas loob siyang mag-text dito kahit alam niyang fifty-fifty ang chance na papayag ito. Inihanda na rin niya ang sarili upang tanggihan siya nito ngunit hindi sa halip na “I’m not available” ang isagot nito ay “Yes, I’m free” ang ini-reply nito sa kaniya.

Nagpa-salon na rin siya para magmukha siyang malinis at maging bagong tao sa paningin ni Naomi. Buti na lang ay nakalabas pa rin siya ng buhay dahil pinag-piyestahan siya ng mga bading. Ang iba pa nga sa mga ito ay halos ikadena siya dahil ang akala ng mga ito ay si Sam Milby ang nagpa-salon sa kanila.

Sa mall sila nagpunta at talagang pinag-planuhan niya ang bawat itinerary na gagawin nila para sa araw na ito. Mula sa restaurant, movie at maging sa ruta na kanilang lalakaran ay isinet niya upang huwag mapahiya dito.

“Th—thank you for coming with me today Naomi.” Panimula niya pagkatapos nilang maupo sa isang restaurant na naghahain ng iba’t-ibang uri ng cuisine. “What food would you like to try?”

Ngumiti ito sa kaniya bago kinuha ang menu na inilagay ng waiter sa kanila. “I’m not really fond into meat and seafoods kasi may allergy ako sa kanila. I’ll go for Chopseuy na lang para at least vegetable siya diba?”

“Ch—chopseuy? I like it! In fact favorite ko yun!” sagot niya dito bago binulungan ang sarili. “Pa—patay! Eh ako ata ang allergic sa vegetables eh! String beans lang ata ang kinakain ko dun!”

“Talaga? That’s good to hear. Buti naman.” Anito bago na naman siya nginitian.

Sa tuwing nakikita niya ang ngiti nito ay para siyang yelo na natutunaw. Teka, wait. Gasgas na ata ang line na ito para ipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Let’s try something new. Eherm! Sa tuwing nasisilayan niya ang ngiti ni Naomi ay parang may diosang bumaba mula sa ibang kaharian upang siya ay pasayahin. “Oh Naomi…”

“Ye—yes Johnny?”

“Ah eh, wala-wala. I mean, it’s nothing.”

“Uhm—ok. By the way, I’ll just get a glass of water for my drinks, ikaw?”

“A—ako? Ikaw na lang. Este, water na rin pala.”

Naitakip na lamang i Naomi ang mga kamay upang takpan ang pagtawa nito. “Nakakatawa ka talaga Johnny. I think I like you.”

Natulala siya sa narinig mula rito. “Me? You like?”

“Oo naman. Akala ko mahirap ka pakisamahan, nagkamali pala ako ng hinala. Thanks to Dens, at least nagkakilala na tayo.” Anito pagkatapos na magpasalamat sa waiter pagkakuha ng kanilang order.

Naikamot na lamang niya ang kaniyang kamay sa ulo pagkatapos na marinig ang sinabi nito. Si Niss pala ang dahilan kung bakit parang magaan na agad ang pakikitungo ni Naomi sa kaniya. Thank goodness! “Nissy! Hulog ka ng langit!” bulong niya sa sarili.

“Hindi naman ako mahirap pakisamahan. And yes, thanks to Nissy, at least, naging tulay siya para matuloy ang pagkikita natin.”

“Nissy? Yun ba ang tawag mo sa pinsan kong si Denise?”

“Oo.”

“Ang cute naman!”

“Gu—gusto mo, bigyan din kita ng nickname?”

“Ah wag na. Ok lang ako Johhny. Just call me by my name na lang.”

“Ahm, ok Denise. Sige.”

Nagpatuloy ang date nila ni Naomi at lahat ng tips na ibinigay ni Denise sa kaniya ay sinunod niyang lahat. Mula sa yellow rose, scented candles, bear collections nito at maging sa pag-uugali na kaniyang ipapakita dito ay planadong-planado lahat.

PAGDATING nila sa harapan ng bahay ni Naomi mula sa kanilang date…

“Thanks Johnny, I really had a wonderful time.” Anito pagkatapos siya nito bigyan ng isang halik bilang pasasalamat.

Kusang pumikit ang kaniyang mga mata sa pag-aakalang sa labi siya nito hahalikan pero nagkamali siya, sa pisngi lang tumama ang lips nito.

“T—thanks!”

“You’re welcome. Bye, ingat ka.” Anito pagkatapos na magpaalam at isara ang gate ng bahay.

Just like that, natapos ang kanilang date.

In some point, bigla niyang naaalala ang mga pinagdaanan nila ni Denise. Hindi niya naiwasang magkumpara sa dalawa. At nainis siya sa naging resulta ng kaniyang pag-iisip pagkatapos na makasakay at maka-andar ang kaniyang sasakyan!

Si Denise, care-free at tomboyish while Naomi seems like a perfect lady.
Si Denise, pag kumain parang buwaya while Naomi seems like a moderate lady.
Si Denise, sobrang busisi pag namimili ng damit while Naomi seems like a not-so lady.

Ang hirap i-explain pero isa lang ang gusto niyang tumbukin, mas magaan pa rin talaga ang loob niya kay Denise tuwing kasama niya ito. Si Naomi ang girl of her dreams pero parang nagsinungaling siya sa kaniyang sarili nang kaharap niya ito dahil hindi naman iyon ang totoong ugali niya na ipinakita dito.

HINDI niya alam kung saan pupunta habang nagmamaneho. Parang walang direksyon ang pag-andar ng kaniyang sasakyan. Maya-maya pa ay wala sa sarili niyang binuksan ang stereo at natapat ito sa isang one-on-one conversation between sa DJ at sa caller. Hindi na niya ito inilipat dahil parang interesting ang topic na pinaguusapan nila.

“Papa Jack, tulungan mo ako…”

Hindi siya sigurado pero parang natunugan niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon! Kaboses iyon ni Denise! Pero agad din niyang isinantabi ang hinala niyang iyon dahi hindi lang naman ito ang may tomboyish na boses sa earth.

“Lam mo, babatukan na kita. Obvious naman na may love problem lahat ng mga tumatawag dito eh kaya go! Sige, sabihin mo na ang problema mo.”

Maya-maya ay umiyak ang caller. “I’m in love with my bestfriend po kasi!”

“What!? Ok, di ako nabigla. Ipagpatuloy mo darling”

“Ka—kaya lang po, hindi pwede kasi may iba siyang mahal.”

Napabuntong-hininga si Papa Jack. “How can you be so sure na mahal nga niya yun?”

“Eh sinabi niya po sa akin kasi. Worst, ako po yung naging tulay para matuloy ang date nila.”

Biglang napasigaw si Papa Jack at halos mawala siya sa tamang lane habang nagmamaneho. Buti na lamang at wala siyang kasunod sa likod o sa gilid dahil kung hindi ay tepok na siya ngayon. “Ang tanga mo kasi!” sagot niya sa babae gamit ang kaniyang isip.

“Alam mo iha, ang tanga mo.” Sagot ni Papa Jack. Sapul! Pareho sila ng sagot nito! Pakiramdam niya tuloy ay tumaas ang self-esteem niya ngayong gabi.

Hindi na nakasagot ang caller dahil humagulgol na talaga ito ng iyak. Damang-dama niya ang pagiging heart-broken ng caller and if there’s anything he could do, he would be glad to be there for her to comfort her somehow.

“Pasensiya ka na iha sa sinabi ko ha pero nasa reality po kasi tayo eh. Obvious naman na mahal mo yung bestfriend mo pero despite of that, nilakad mo pa rin siya sa isang tao na alam mong makakapaglayo sa kaniya sa iyo. Gets mo?”

“Pe—pero Papa Jack—“

“Teka, di pa ako tapos! Eherm! Worst, ngayon na sa tingin mo eh nagkaka-mabutihan na sila, saka ka ngayon nag-e-emo diyan at nagsisisi dahil magiging masaya na sila at ikaw, eh nasan ka? Nasa wala dahil ibinigay mo ang iyong bestfriend sa iba, tama ba?”

“Hay nako talaga! Yan ang ayoko sa mga bestfriend’s lover story eh. Hoy kayo diyan mga repapips na merong may pagtingin sa bestfriend nila! Kung sa tingin ninyo mahal kayo ng bestfriend niyo o ikaw mahal mo ang bestfriend mo at hindi pa niya alam, it’s high time to make the first move! Sa malamang o sa hindi, sa love pa rin mauuwi yan at less percentage lang sa friendship!”

Sa narinig niyang iyon ay parang may kumurot sa kaniyang puso. Tinamaan siya sa sinabi ni Papa Jack at mabilis siya nag fast-rewind sa mga nangyari sa kanila ni Denise. Nang matapos ang flashback niya ay sa wakas nakakuha siya ng sagot. Isang sagot na dapat noon pa lang ay nakita na niya.

“I guess Papa Jack is right after all. I—“

Bigla ay may nag-text sa kaniyang cellphone. Pagkakita niya kung sino ang nagpadala nito ay nabigla siya nakita. Maya-maya pa ay may nag-text ulit sa kaniya at agad niyang pinaharurot ang sasakyan upang mabilis na makarating sa kaniyang pupuntahan.

Read Naomi's Ending

Read Naomi's Ending

 

Read Denise Ending

Read Denise Ending

About foobarph

lamp developer. foss apprentice. ink&lens squire

Talakayan

17 thoughts on “If I Didn’t Love You: Crossroads – END

  1. ayan ndamay p 2loy c papa jack!

    asan po ang ending?

    Posted by aileen | Oktubre 23, 2013, 7:00 hapon
  2. aaaaaaaaahhhhhh!!!! nabitin akuh don ha………………

    Posted by annei _1990 | Nobyembre 3, 2011, 4:39 hapon
  3. waaaaa!..bitin ako!..

    Posted by Aimee Kristine Umblas | Oktubre 16, 2011, 1:48 hapon
  4. wow ….great story

    Posted by riza | Oktubre 1, 2011, 11:33 umaga
  5. ang cute,, tinamaan ang marami..hahaha

    Posted by Marichel | Setyembre 17, 2011, 7:04 umaga
  6. ganda nman hehehehehe,,, kilig ako sa kanila,,, hahahahha,,, nice story po,,, more power

    Posted by kyl | Agosto 3, 2011, 10:03 hapon
  7. syempre mas gusto ko yung kay nissy..nice one..short one nga lang..

    Posted by cutiektine | Hulyo 30, 2011, 11:53 hapon
  8. Helo guys! Panu ba malaman kng ilan ang gils mer0n aq d2 sa fate, newbie lng poh aq..

    Posted by frencheart | Hunyo 29, 2011, 6:35 hapon
  9. Nkakabitin naman.haha

    Posted by darkangel | Hunyo 9, 2011, 10:13 umaga
  10. ang cute..😀

    Posted by rishelL_18th | Hunyo 5, 2011, 9:34 umaga
  11. wow, pano ba mababasa 2, kulang kulang gils q.. hahaha

    Posted by happy_heart18 | Mayo 27, 2011, 8:44 umaga
  12. more! more! more!🙂 thanks! ang ganda-ganda foo. ehem..inspired tayo ah? super like ko! lalo na yung kay denise🙂 habaan mo pa foo. excited ako sa next chapters!🙂

    Posted by callalily | Mayo 9, 2011, 6:47 umaga
    • nyek, wala na pong next chapter yan since short collaboration story lang ang destiny series, ahehe (not unless kung may balak ka pa ring ituloy at gawing kumplikado yung ending, haha!)

      naaawa kasi ako kay naomi kasi normally, sa mga story na ganito, ang nagkakatuluyan sa huli ay yung mga mag bestfriends eh. hindi ko na masyadong nilagyan ng details at nagsalita na lang ako gamit ang perspective ni denise at naomi.

      cute sila noh? haha! i wonder kung ano itsura ni johnny. lolz

      Posted by support | Mayo 9, 2011, 10:58 umaga
      • ang cute nga! akala ko may karugtong pa.. sana may dumugtong pa. i really like it! kawawa nga si Naomi.. si Yael na lang sa kanya..hahaha! si Johnny, kamukha ni Donghae ng SuperJunior..ahehe

        Posted by callalily | Mayo 10, 2011, 6:03 hapon
  13. next chapter na po ganda eh ehehe

    Posted by totzkie2 | Mayo 8, 2011, 2:10 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: