binabasa mo ang...
SERIES: Dangerous Girl's Club, The Perfectionist's Karma

DGC: The Perfectionist’s Karma – Chapter 8

The Perfectionist's Karma

The Perfectionist's Karma

PAGPASOK pa lang ni Mariz sa opisina ay naamoy niya agad ang amoy ng mga bulaklak. Amaze na tiningnan niya ang paligid. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

Simula nang manligaw ito sa kanya ay palagi na lang niyang nadadatnang may bulaklak sa kanyang mesa. At ngayon hindi lang mesa kundi buong opisina niya pa. Para siyang nasa garden ng sandaling iyon. Ay naku, nakakakilig!

May nahagip siyang bagay sa kanyang mesa. Naglakad siya papunta roon at nakakita ng isang napakagandang orchid. Ito ay ang Lc. Pink Spice Carmela, isang cattleya hybrid. It has a medium size clusters of cattleyas heavily ruffled, color white with pink splashes which has a wonderful aroma. At may kasamang note pa iyon…

“For every word you say,
another piece of my heart you take.

For every smile you give,

my mind go insane.

For every laugh you share,

the world around me shakes.

For every time we’re together,

my feelings for you continue to grow…

If love is great, and there are no greater things, then what I feel for you must be the greatest of all. ”
I love you.

-your phantom,

Angel

My god his so sweet! Mas lumapad pa ang kanyang ngiti. Inamoy niya ang orchid. At bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok doon si Andrea.

“Wow! Kailan pa naging gubat itong opisina mo? ” bungad nito. Napansin nito ang note na hawak-hawak. Kinuha nito iyon at binasa. “Oh my! H-he’s courting you?” lumaki ang mga mata nito sa gulat.

Tumango siya habang nakangiti. “Wait! What’s with that smile, Ma-an? May balak kang sagutin siya ‘no?”

“Yup. Pero kailangan pa niyang patunayan ang sarili bago ko siya sagutin.”

Hinampas siya nito. “Padalagang Filipina effect hah,” tumawa ito.

Nakitawa siya. “Sort of.”

Ilang minuto rin silang nagtawanan. Tumigil lamang iyon nang marinig nilang may tumili. “Ma’am Mariz! May napakaguwapong lalaki roon sa labas. Hinahanap kayo.” Patuloy pa rin sa pagtili ang kanyang sekretarya.

Dali-dali siyang naglakad palabas. “Ma-an ang dalagang Filipina effect,’wag mong kalimutan,” tumatawang paalala ni Andrea.

Oo nga ‘no. Binagalan niya ang paglakad.

Nadatnan niyang pinagkakaguluhan ang dalang pagkain ni Angel. Ganito ang senaryo tuwing lunch time. Nalilibre ang mga empleyado niya dahil dinadalhan ng pagkain ni Angel.

“Ma’am, ang bait-bait talaga nitong soon-to-be-boyfriend ninyo,” sabi ng isang empleyada niya.

“Oo nga, ma’am, sagutin niyo na para hindi lang lunch, baka kasali na ang snack,” segunda ng isa.

“Hay naku, magkano ba binayad niyan sa inyo?” nakangiting sagot niya sa mga pang-aalaska ng mga ito.

Nagsitawanan naman ang lahat ng employees niya. Nakangiting lumapit sa kanya si Angel. “Like the flowers and the orchid?”

Gumanti siya rito ng ngiti. “Yeah, they’re nice.”

“Naglunch ka na?”

“Oo, tapos na akong naglunch.”

Hindi na sila parang aso’t pusa pero nang-iinis at nantitrip pa rin ito, na kanya lamang tinatawanan. Simula ng manligaw ito sa kanya ay naging sobrang close na sila. Nalaman rin niya ang mga magagandang katangian nito… mabait, maalalahanin, mapagbigay, sweet at napakasarap kasama.

“Samahan mo naman akong maglunch, Maze. Kain ka na lang ulit.”

“Ayaw ko. Baka tumaba ako eh at saka busog na ako. Sasamahan na lang kita.” Kapag ito ang kasama niya ay nadadagdagan talaga ang kanyang timbang. Ang dami kasi nitong inoorder. Masasarap pa naman at pawang mga paborito niya.

“Ikaw busog? E, dalawa tiyan mo eh,” pang-iinis nito. Oo na, oo na… malakas na akong kumain. “Pero kahit naman tumaba ka ikaw pa rin ang pinakamaganda sa akin,” seryosong sabi nito. “Malabo kasi mata ko eh,” bumuhakhak ito ng tawa, she pouted. Pabirong hinampas niya ito sa balikat.

“Aba, nanghahamon ah. Sige, suntukan na lang tayo p’re.” Itinaas niya ang manggas ng blusa at itinaas ang kamao para makipagsuntukan. Si Angel at ang mga employees niya ay walang humpay na tumawa hanggang sa may namuo ng luha sa mga mata.

Tumikhim si Angel. “Huwag na, hindi na kailangan. Knock-out na ako eh. Noon pa nang una kong masilayan ang kagandahan mo,” sabi nito. Nang dahil roon, tinukso sila ng mga tao sa paligid.

ANONG ibig sabihin nito?” nagtatakang tanong ni Mariz. Nakatakip ang kanyang mga mata at pinagtutulungan siya ng mga kapwa DGC members.

“You’ll see. Maghintay ka na lang, okay?” narinig niyang sabi ni Destiny.

“Oo nga, Ma-an. It will be so fun tonight,” Andrea shriek.

Naramdaman niyang wala ng tao sa kanyang tabi. “Oy! ‘Wag naman kayong magbiro ng ganito girls oh. I-it’s not funny,” nababahala niyang sabi.

“Untie the blindfold, Ma’an!” sigaw ni Andrea sa ‘di kalayuan. Sinunod niya ang sinabi nito and she wished she didn’t. Napakadilim ng paligid at wala siyang makita. Hinaharap niya ngayon ang pinakatatakutan at kalaban simula pagkabata… ang dilim.

May biglang tumugtog ng piano. Dahil sa sobrang takot ay hindi siya makagalaw. Horror ba ito? Pinagpawisan siya ng malapot sa naisip.Please dear god, no! Hindi nga siya nanonood n’on eh.

May spotting light na umilaw. Sumentro ito sa taong tumutugtog sa piano. It was a man with a black angel get-up. May maskara ito kaya hindi niya makita ang mukha nito.

Nang matapos na ito sa pagtutugtog ay lumapit ito sa kanya. Ang mumunting liwanag sa paligid ay sumusunod dito.

Tumigil ito sa harapan niya. At doon niya nakita na nakasuot siya ng isang napakagandang damit. Okay, what the hell is happening?

Umilaw ang paligid kasabay ng ingay ng mga taong kumakanta ng ‘happy birthday’. Oh great, birthday niya and she totally forgot about it.

“Happy birthday,” bulong sa kanya ng lalaki at hinalikan ang kanyang kamay.

“Mr. Angel Mercado, isn’t it?”

“Yeah, Mrs. Mariz Anne Mercado este Ms. Mariz Anne Torres.”

“And what’s with that get-up?” she narrowed her eyes at his clothes, pretending to look unpleased.

“Hey! Don’t show that kind of look,” angal nito, “ang guwapo-guwapo ko kaya sa get-up na ito. Hunk na hunk, tignan mo.” Nagpose ito na parang isang modelo.

“Hmph! Ewan ko sa’yo,” inirapan niya ito upang hindi nito makita ang ngiting kumuwala sa kanyang mga labi dahil sa pagkaloko-loko nito.

“Galit ka ba?” Nabahala ang mukha nito.

Inirapan niya ulit ito. “Oo nuh. Muntik na kaya akong atakihin sa puso.”

“Sorry na Maze. Sige ito na lang, bibigyan na lang kita ng candy.”

“Tse! Ano ako bata!”

“Hindi pero isip bata, oo.”

“Diyan ka na nga.” Iniwan niya ito at pumunta sa mga DGC members.

“MAZE.” Nasapo niya ang dibdib dahil sa gulat.

Pagagalitan niya sana ito pero hindi niya nagawa nang makita ang dala nito. “Ano yan?”

“Birthday gift. Mamaya mo na tignan. Care to dance?”

“Walang music nuh.”

“Pwede naman tayong sumayaw kahit sa musika lang ng tibok ng puso ko eh. Pero pasensya na dahil mabilis, baka hiphop masayaw natin,” tumawa ito, “Pagbigyan mo na ako, hindi kita naisayaw kanina dahil mabenta ka eh.” Tumawa ito.

“Sira ka talaga,” tumawa na rin siya.

Kinuha nito ang isa niyang kamay at pinaikot siya. “Ano ba, nahihilo ako,” angal niya. Pinaikot pa siya ng isa. Nang tumigil na sa pag-ikot ang kanyang paningin ay nagtama ang kanilang mga mata. A magical and enchanted feeling surrounded them as they gaze at each other.

“Have I mentioned that you’re so beautiful tonight?” bumulong ito sa tenga niya. Nagdulot iyon ng kakaibang sensasyon at nagpabilis sa tibok ng kanyang puso.

Namula ang kanyang pisngi kaya ibinaling niya sa ibang direksyon ang kanyang tingin. “H-hindi pa.”

Malakas na tumawa ito. “Wala rin naman akong balak eh. I’m just asking, nagblush ka naman agad,” tukso nito.

“Nakakainis ka. Pero okay lang, no need na dahil alam ko dati pa na maganda ako.”

“Conceited, aren’t we? But kidding aside, you’re really beautiful Maze.”

Mas mapula pa siya ngayon kaysa kanina. “Thank you. You’re handsome yourself, too. Your like an angel. They say Angels don’t exist, so why are you here? And where are your wings?” tanong niya nang mapansing wala na ang mga pakpak nito kanina.

“One need not look forward towards Heaven to find an angel, for I am right here, to watch over you. I am an angel sent from God above. So, when you’re sad and feeling down and don’t know what to do. Just remember that I care for you and love you too. And finally, I am an angel who has lost his wings because I never knew it was a sin to love a woman like you.”

Hayyy “You’re the maze of my life. Who confuses my heart every time I think of. I always got lost whenever you smile. You’re a complicated path that is so hard to get myself out to. I’m in love with you Mariz. You’re the only one who changed me and I’m glad that I’ve found you.”

Oh my god! Can I faint right now? “Close your eyes for a moment,” utos nito habang nasa lala land pa siya. She blinked bago tuluyang pumikit.

“Open your eyes now.”

Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Kulang ang salitang gulat at amaze upang idescribe ang nangyari sa kanya nang makita ang sariling nasa painting. “W-wow! Ang ganda nito. Who p-paint this?”

“Me, myself and I,” sagot nito with a smile. Niyakap niya ito at ilang ulit na pinasalamatan.

“You really made my birthday, a memorable one Angel. You planned this party and even put all of your efforts to paint this very beautiful painting.”

“The pleasure is mine, Maze. I want to see you happy so I did it. But there’s more,” mysterious na sabi nito.

“What?”

He moved his hand towards the part of the painting that has a very beautiful necklace. Nang ilang sandali ay nakita na lang niyang nasa kamay na nito ang nasabing necklace.

“Gosh! How’d you do that? Teach me, oh come on teach me Angel,” niyugyog niya pa ito.

“Secret,” ngumiti ito. Ang nguso naman niya ay pwede nang masabitan ng kaldero. “I’ll put this on you. Could you turn around please?” Tumalikod naman siya. ” Tulad ng inaasahan ko, it looks great on you.”

Ang necklace ay hugis puso. May black diamond ito sa gitna at sa kilid ay may mga puting diyamante.

“Hindi ko matatanggap ‘to. Ang mahal-mahal nito An-” hindi na niya natapos ang sasabihin nang ilagay nito ang hintuturo sa kanyang labi. Alam niyang ang intensiyon nito’y patahimikin siya pero nang dahil naman sa ginawa nito, ang puso niya’y nag-iingay at pabilis nang pabilis ang kabog.

“Keep it as a sign that my feelings for you are true, and my intentions were pure,” sabi nito.

“I knew that already. Kaya hindi mo na kailangang bumili ng mga mamahaling regalo. Tulad nito.”

“Trust me; all pennies were all worth it. It’s not expensive as much as you mean to me Maze. I want to give everything to you even my life.”

“Ayan ka na naman eh. Kaya naiinlove ako lalo sa’yo,” bulong niya na umabot pa rin sa pandinig nito.

“Sorry? What did you say again?” his face lightened. Bukas sa mukha ang pag-asa.

“Sabi ko, I love you Mr. Angel Mercado,” napangiti siya. Panahon na rin para sagutin ito. Napatunayan na rin nito ang sarili sa kanya. Ayaw na rin niyang patagalin ang paghihirap ng lalaking minahal niya na. Finally, inamin mo na rin!

“Oh God! Am I dreaming? Yes, this must be a dream! Kung panaginip man ito ayaw ko ng magising. Pinched my cheeks para malaman ko na hindi ito isang panaginip lang, Maze,” parang tangang sabi nito.

Kinurot niya ito tulad ng sinabi nito. “Ouch! Why did you do that?”

“Sinabi mong kurutin ka eh, kaya ginawa ko,” she smiled apologetically. “O, nasaan na ang I love you too ko?” Umarte siya na parang nadidismaya. Na parang pinagsisihan niya na ang sinabi kanina.

“I love you too, Maze ko. So,” hinalikan siya nito sa mga kamay niya, “so,” sa cheeks niya, “so much!” and finally his soft lips landed on her forehead. Nabigla na lang siya nang maramdamang nasa may ere na siya. “Hooo!” Pinaikot-ikot siya nito. She laughed as she saw his happy face. This really is a memorable birthday for her. At ang saya-saya niya. Muli niyang tinignan ang masayang mukha ni Angel. He’s the one. She’s definitely sure that she found the karma of her life.

Chapter 9 password question: Who is Mariz’ cousin? 

Hint number 1: s_ev_n (all in small letters)

Hint number 2: He is the husband of Ava Hernandez. One of the main character of the story Beauty is the Beast?

AUTHOR’S NOTE: Chapter 9 needs password for you to read. Please go to my facebook fan page and hit “LIKE” to know the password of the next chapter. Thank you.

Link: http://www.facebook.com/pages/Marysol-Grace/187504164610525

 

Talakayan

24 thoughts on “DGC: The Perfectionist’s Karma – Chapter 8

  1. Reblogged this on retsgerra and commented:
    Bigyan nyo mn ako ng gills

    Posted by retsgerra | Nobyembre 10, 2014, 11:20 umaga
  2. nice story..luv it

    Posted by cathy | Abril 15, 2014, 2:46 hapon
  3. kilig nmn..

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 11:17 umaga
  4. pasword po pls
    Bitin po q sa pag
    Basa tnx ng marami
    God blez u

    Posted by hayathie | Oktubre 20, 2013, 6:27 hapon
  5. anu po password ?:)

    Posted by chinxzl | Hunyo 10, 2013, 3:24 hapon
  6. Anu po ung hudyat .?

    Posted by Angel | Abril 15, 2013, 7:50 umaga
  7. ano po password..name ng anak ni steven at ava??
    pls…

    Posted by mich | Hunyo 12, 2012, 1:34 hapon
  8. wow…. ang ganda talaga… super. . . .

    Posted by prettii_ren | Abril 15, 2012, 4:34 hapon
  9. where can i read the story BEAUTY IS THE BEAST?
    pls pls pls…

    Posted by heart | Marso 22, 2012, 4:31 hapon
  10. anu poh ba ang hudyat

    Posted by rose | Marso 21, 2012, 8:25 umaga
  11. bakit d nman mabasa ang mga endding bakit anu ba yung hudyat

    Posted by rose | Marso 21, 2012, 8:24 umaga
  12. grabeh ang sweet nmn n angel.hehe

    Posted by belle | Pebrero 10, 2012, 1:05 umaga
  13. kakakilig how i wish ganito din birthday ko…hahaha,,,,,char lng..

    Posted by Marsha Balanag | Setyembre 29, 2011, 11:04 hapon
  14. Kakakilig nmn nito…. Ang Ganda ng story… I love it🙂

    Posted by jam | Agosto 20, 2011, 10:34 hapon
  15. sobrang kilig hehehe
    ayos n ayos

    Posted by ronelyn | Hulyo 2, 2011, 10:27 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: