binabasa mo ang...
SERIES: Dangerous Girl's Club, The Perfectionist's Karma

DGC: The Perfectionist’s Karma – Chapter 7

The Perfectionist's Karma

The Perfectionist's Karma

Parang tanga na nakangiti si Angel habang nakatitig sa wallpaper ng kanyang cellphone. Tinignan niya ito sa kahit anong anggulo. “Napakaganda talaga niya oh. Kahit saang anggulo tignan, maganda pa rin,” sabi niya. He secretly took that picture of her. Wow! First time rin niya itong maging stalker ah! Masaya pala.

Naalala niya ang nangyari sa kasal ng kanyang pinsan. Kapag sinuswerte nga naman. Akalain bang pinsan ito ni Steven. Meant for each other? Napasandig siya sa silya. Parang teenager siya na kinikilig. Mukhang tinamaan talaga siya. And he can’t seem to fight this feeling anymore. It is time for him to face it and stop depressing his self. Mahirap rin kasing pigilan ang damdaming tuluyan nang umusbong sa kanyang puso.

The scene where they were dancing flash through his mind. Naalala niya, walang humpay ang pang-iinis niya habang sumasayaw sila. Nakakaganti lamang ito sa pamamagitan ng pagtapak ng kanyang paa. Pero siyempre, hindi siya nagpatalo. Tinapakan niya rin ang paa nito.

Nakasentro ang isip niya sa litratong hawak kaya hindi niya namalayan ang mga magulang na nasa likuran. Naramdaman niya na lang na may kumuha sa kayang cellphone. Paglingon niya, nakita niya ang mga magulang. Kapwa tinitignan ang kanyang wallpaper. Sinubukan niyang agawin ang cellphone ngunit pinagpasa-pasahan lang ng mga ito iyon. Napabuntong-hininga siya. Alam niyang hindi siya mananalo kapag nagsanib-pwersa na ang dalawa.

“Whose this beautiful lady in the picture, son?” nakangiting tanong ng kanyang ina.

“No one, mom, just a friend of mine. By the way, when did you two arrived from your second honeymoon?” pagchechange topic niya.

“A while ago then we saw you smiling here alone. The trip was fun. And I guessed you had fun here too?” Ang papa niya na ang sumagot dahil busy ang ina sa pagtingin sa wallpaper niya.

“I told you, she’s just a friend. Not a fling nor a girlfriend. F-R-I-E-N-D,” he spelled out.

“Then, you’re in love with her?” aniya ng kanyang ina. Wala siyang maapuhap na sagot. “Don’t deny it dahil nakita ko ang kinang sa mga mata mo kanina.” Napakamot siya ng ulo. Parang bata siya na nahuli sa isang kasalanan.

“Slight?”

Binatukan siya ng ina, “Slight ka diyan. May slight bang in love na abot tenga ang ngiti habang tumitingin sa picture ng isang babae?”

“Aray mom! Alam niyo bang bawal manakit ng isang bata? Irereport ko kayo sa bantay bata 163,” he pouted.

“Bata ka diyan. Damulag ka na kaya.Teka, bakit nagchange topic ka? Hala, so in love ka nga! Hindi slight,” buska ng ina niya. Napahagikhik ang kanyang ina, alam nitong nahuli na siya nito sa akto.

Umiwas siya ng tingin. “Slight lang kay—” naputol ang kanyang sasabihin dahil tumawa ng malakas ang kanyang ama. Sabay silang napatingin ng ina rito. “Dad, may bad side effect ba ang pagsama mo kay mama? Bakit yata nahawa ka sa pagiging loka-loka ni mom?” Binatukan siya uli ng ina.

“I was already infected, son,” nakangiti ito.

“Isa ka pa,” binatukan rin ito ng kanyang ina.

“Then, why are you laughing dad?” nakakunot-noong tanong niya.

“Remember the time when I said that when you’ll fall in love I will be the first one who to laugh at you. Kaya ito na,” tumawa ulit ito at sa pagkakataong iyon, sinamahan na ito ng ina. Napapailing na lang siya. Baliw na talaga ang mga ito.

May naalala siya bigla. Kaya kahit naaaliw pa siya ay kinailangan niyang putulin ang pagkabaliw ng dalawa. “Dad, can I still work in your company?” Gulat na gulat na nagkatinginan ang mag-asawa. Na parang nakakita ang mga ito ng malaking milagro.

“Nagdedeliryo kaya siya?” sabay na sabi ng mga ito.

Ang kanyang ina ay sinapo ang kanyang leeg at noo. Ang ama naman niya ay tinignan kung may pinsala ang kanyang ulo.

“Stop it. Wala akong lagnat at hindi rin ako na aksidente,” sumimangot siya, “I know, it’s too impossible for me to say that dahil alam niyo naman ayaw kong magtrabaho.”

“What made you changed your mind, son? Sa totoo lang hindi talaga ako makapaniwala kaya gusto kong malaman kung ano o sino kaya ang nakapagpabago ng isip mo?” curious na tanong ni Angelina.

Napatigalgal siya, hindi makasagot sa ina. Nanumbalik sa kanyang isipan ang naging usapan sa kasal.

“Ang sweet ninyong tignan habang nagsasayaw kayo kanina ah,” nagulat siya ng may magsalita sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya si Steven na nakangiti.

“Ikaw pala cousin-in-law.”

Umupo ito sa tabi niya. “Diretsahan lang Angel ha. Gusto mo ba si Mariz?” tanong nito.

Bumagsak ang kanyang panga. Direct to the point nga. And he’s speechless. “I’m very close to Mariz. And I really do care for her. I know you’re a playboy kaya gusto kong malaman kung ano ang feelings mo sa kanya. Para mapanatag ako na hindi mo siya sasaktan,” pagpapatuloy nito.

“I- I don’t know,” pabulong niyang sagot. “Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Ang tanging alam ko lang, sa simula nang makita ko siya ay hindi siya mawalay sa aking isipan.”

Steven smiled genuinely. At ngayon alam niya na kung bakit ito nagustuhan ni Ava. “Just to warned you, she’s really tough yet so delicate and sensitive inside.” Tumayo na ito at lumapit sa paparating na si Ava.

Nag-usap ang dalawa sandali. Hinalikan nito ang kanyang pinsan bago lumapit sa kanya si Ava. His cousin looked mesmerizing. Happiness is clearly shown in her eyes.

“Guess you two had a very serious conversation about Mariz.” Tumango siya. Giganap nito ang kanyang kamay. “Couz, your in a confusing state. We both know that your feelings for her are new to you. You like her. I even think you’re in love with her-”

“-A piece of advise. Grab her and don’t let her go. Don’t hurt her too because you’ll be dealing a lot of fist if you do,” pagbabanta nito.

“She hates my guts, Av” malungkot niyang sagot na ikinatawa nito.

“It seems to me that she’s in a confusing state too. Tulad mo, parang bago rin ito para sa kanya. Bagay na bagay kayong dalawa. At alam kong kayo ang itinakda para sa isa’t isa. Just be your sweet, funny and kind self. And before you knew it, mahuhulog na ng tuluyan si Mariz sa’yo at hindi na makakaahon pa.” She smiled reassuringly.

Niyakap niya ito. “Thank you Av.”

Iniisip niya ng ilang beses ang sinabi ng pinsan niya. At kagabi ay basta niya lang napagpasyahan na magtrabaho. Sino ba namang babaeng magkakagusto sa isang lalaking walang trabaho ‘di ba? Isa pa, gusto niya kung sakaling magkatuluyan silang dalawa na siya ang magtatrabaho. At ito ay mabubuhay ng isang reyna.

Tila nabasa ni Angelina ang kanyang iniisip. “Can’t wait to meet my future daughter-in-law then!” excited na tugon nito.

“Ako rin. And son, welcome to the world of real men. You can start any time you want. I’ll give you some documents for you to study before you start working.” Alam niyang proud sa kanya ang ama sa mga oras na ito.

“I can start next week dad. Please give me the documents tomorrow.” Tumango ito. “But before that, give me back my cellphone,” wika niya bago pa makalayo ang mga magulang. Malay niya baka umupa ang mga ito ng detective para hanapin si Mariz. Malaking gulo kapag nagkataon, dahil alam niyang personal na makikipagkita ang dalawa para mamanhikan at magpasalamat sa himalang nangyari sa kanya.

NAGLILIWALIW si Mariz gamit ang kaniyang motor. Ganito siya sa tuwing depressed… naguguluhan at bad mood.

Naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman kay Angel. Bad mood siya dahil ilang linggo nang hindi nagpapakita ito at ni hindi man nagtitext o tumatawag man lang. Wait! You sound like a woman in love Ma-an, pinagalitan niya ang sarili. Damn that man! Bakit ba hindi na ‘yon nagpaparamdam?

Malalim ang kanyang iniisip kaya muntikan na siyang mahagip ng isang mabilis rin na motor na Softtail FAT BOY LO na Harley-Davidson na black and white. Sa tingin niya, racer ang muntikang makahagip sa kaniya.

“Hey!” galit na wika ni Mariz habang hinimpil ang motor sa gilid ng Hi-way. Ito rin ang ginawa ng nakasakay sa Harley-Davidson.

“I’m sorry,” sabi ng babae na inalis ang helmet at tumingin na parang wala man lang nangyari sa kaniya.

“Rim-Z, may problema ba?” tanong ng isa pang dumating na Harley-Davidson din ang gamit. VRSC NIGHT ROD SPECIAL ang motor na kulay black with mirage orange racing stripes.

“Nothing, Ink” sabi nito sa kasamang dumating at pagkaraa’y binalingan siya “I’m sorry ulit hah? Nagmamadali kasi ako”

Kinuha ng babaeng nagngangalang Rim-Z ang maliit na pitaka sa bulsa ng black harem pants at iniabot sa kaniya ang isang card.

“Tawagan mo ako kung may nasagi man ako sa baby mo, okay? Sorry talaga, urgent eh” Sabi nito na tinutukoy na baby ay ang kaniyang motor.

“Tara na, baka gabihin tayo,” aya ng babaeng kasama nito na nagngangalang Ink.

Humingi ulit ng paumanhin ang babaeng muntikan nang makahagip sa kaniya ngunit hindi na siya nakasagot pa dahil busy siya sa gusot-gusot na card dahil hindi niya mabasa-basa ang papel. E ano naman kung basahin niya? Sapat na ang paumanhin ng babae sa kaniya.

Hmm, Rim-Z J sabi niya sa sarili. Iyon pala ang pangalan ng babae na siyang nabasa niya sa papel.

NILAGAY niya ang helmet sa table at humiga sa kanyang kama. Nahagip niya ng tingin ang kanyang laptop. Naisipan niyang i-on ‘yon at maglog-in sa YM niya.

Nakalog-in na siya at may biglang nagpop-out na message. Napangiti siya nang makita na galing iyon kay Darkangel. May naligaw na kaluluwa ah.

Darkangel: hi🙂

Beautyme: Hello. How are you doing? It’s been a while huh? ^_^

Darkangel: Yeah. Uhm, hey I realized, we’re chatting for almost a year now but we haven’t seen each other. You know, I’m really curious on how you look.

Beautyme: Same here.

Darkangel: Can we meet? If that’s okay with you?

Beautyme: Sure. I’m free tomorrow.

Darkangel: Great then. Let’s meet at coffee hearts café, 2pm.

Beautyme: Okay🙂

Darkangel: Hey, gotta go. I still have something really important to do.

Beautyme: Goodluck on that something. See yah🙂

BUMABA na siya sa kanyang kotse. Tinignan niya ang nasabing coffee shop at na impressed siya sa ganda nito. Pumasok na siya sa loob. Umupo siya sa bakanteng table at hinintay si Darkangel.

“Nice to see you beautyme, or let me say, Ms. Mariz Anne Torres,” napalundag siya sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses na ‘yon.

Lumingon siya at nakita niya itong nakangiti ng maluwag. “Y-you’re darkangel?”

“Hi Maze,” he smiled again showing his white perfect teeth. Darkangel and Angel made sense. How can she just realize it now?

NATAWA si Angel dahil gulat pa rin si Ma-an. Hindi pa rin ito makapaniwala na siya at si darkangel ay iisa. Pareho ang naging reaksiyon nila. Nagulat rin siya nang malamang ito at si beautyme ay iisa noong humingi siya ng YM nito kay Andrea.

Tignan mo nga kung paano maglaro ang tadhana. Umupo siya sa harap nito. “Hey, it’s not the time for daydreaming about my gorgeous body Maze. We can save that for later,” pilyo siyang kumindat dito.

She composed her self. Tinaasan siya ng isang kilay at sinabing- “Feeling ka talaga.”

May dumating na waitress sa kanilang table at kinuha ang kanilang orders. Ilang sandali pa ay bumalik na ito kasama ang kanilang mga inorder.

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Kapwa sila nagpapakiramdaman.

Nang hindi niya na nakayanan ang katahimikan ay nagpasya siyang magsalita. “Do you also think that it was such a coincidence? Our cousins were married. We were chat mates and some of our interests were the same? Sounds like we’re destined for each other, right? So, how about we cut the long process and just be in a relationship already?” diretsang sabi niya.

Si Mariz na papainom sana ng kape ay napaso ng wala sa oras. “Init!”

Tumakbo siya sa counter at bumili ng malamig na tubig. Binalikan niya ito at pinainom iyon dito.

“So?” tanong niya ng mahimasmasan na ito.

“What?”

“Tayo na?”

“Swerte ka. Ligawan mo muna ako,” supladang sagot nito. Mukhang mahihirapan ako dito ah, he smiled at the realization. But it will surely be worth it.

Talakayan

17 thoughts on “DGC: The Perfectionist’s Karma – Chapter 7

  1. Nice story…

    Posted by morena | Setyembre 28, 2014, 8:57 hapon
  2. Pwede ko po malaman alpassword ng chapter 9 pls

    Posted by myrah baliguat | Hulyo 17, 2014, 3:16 hapon
  3. ahhaha..tama,ligaw muna…

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 11:03 umaga
  4. kakaaliw ang story! d q n mbitawan fon q nto…

    Posted by aileen | Oktubre 18, 2013, 8:57 umaga
  5. hahaha…ang cute..

    Posted by alma | Agosto 28, 2012, 9:33 hapon
  6. wahahaha! ibang klase din si angel eh no ?

    Posted by tintin | Agosto 23, 2012, 12:41 hapon
  7. grabeh gusto q tong story n ito kanina p ako ngiti ng ngiti dto n ng iisa.hehe. grabeh

    Posted by belle | Pebrero 10, 2012, 12:54 umaga
  8. Hahaha ntawa naman ako kay darkangel…diretsahan talaga :DD

    Posted by darkangel | Setyembre 15, 2011, 10:33 hapon
  9. huhuhuh…kabitin…why kailangan pa nang gils to view the stories??…how can i earn more gils?…200 nalang gils ko and i can’t read anymore the succeeding chapters…huhuhu…donate aman kayo jan.. I’ve been waiting this story so much…thank you author for such beautiful story!…keep on writing and God MAY BLESS YOU ALL THE TIME…and your FAMILY …

    be happy and always smile/…

    amping……..

    Posted by chayenne | Hulyo 5, 2011, 10:37 umaga
  10. hay wala na akong gils kaasar nman!!!d ko 2loy alam kung kailan ko pa mbabasa nxt chapter n2

    Posted by jasmine13 | Mayo 24, 2011, 11:30 umaga
  11. hay love is in the air!!!ang gling naman ni ate marysol….ang bilis ni angel grabe

    Posted by jasmine13 | Mayo 24, 2011, 11:30 umaga
    • Yeah, love is really in the air🙂 Naku, nahihiya naman ang bangs ko! hehe. Pero maraming salamat jas sa compliment. Mabilis talaga yan, racer eh hahah.

      Thank u sa pagbabasa. God bless.🙂

      Posted by Marysol Grace | Mayo 26, 2011, 8:04 umaga
  12. kakaiba tlga ang lalaki pag na inlove so much obvious hehehe

    Posted by alexandrace | Mayo 21, 2011, 1:04 hapon
    • Hehehe. Oo nga. Kasi naman, hindi basta-basta mainlove ang mga lalaki. Pero kapag natamaan talaga. Naku! Gagawin lahat para makuha si Girl hehe.

      Thank u po sa pagbbasa. God bless!🙂

      Posted by Marysol Grace | Mayo 26, 2011, 8:00 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: