binabasa mo ang...
SERIES: Dangerous Girl's Club, The Perfectionist's Karma

DGC: The Perfectionist’s Karma – Chapter 5

The Perfectionist's Karma

The Perfectionist's Karma

“If I should die before I wake. Its cause you took my breath away. Losing you is like living in a world with no air,” pagsisimula ni Mariz sa kanta. Napatigalgal siya. Napakaganda ng boses nito. Parang nahiya tuloy siya sa pinagsasabi tungkol sa boses nito kanina. Pasimple niyang tinignan ito. Ang ganda nito kahit saang angulo tignan. Tuloy mas lalo siyang naiinlove. In love?! At kailan ka pa nagsimulang mainlove sa kanya aber? Naramdaman niyang may sumiko sa kanya. Nagising ang kanyang diwang nakatulog pansamantala. Part na pala niya sa kanta. Mabuti na lang at mabilis niyang naagapan ang pagkatulala.

SI Mariz naman ay napahanga sa boses ni Angel. Kahit kanina nang kumanta ito ay hindi niya maiwasang mapahanga sa boses nito. Huli na nang malaman niyang nakangiti na pala siya. Masarap itong kaduet, ‘yun bang madali lang makasundo ang boses nito. Ang ganda ng boses nito. Napakalamyos. Kung naging artista ito, paniguradong sisikat ito. Guwapo, napakaganda ng boses at magaling pang maggitara. This man seems interesting right Ma-an? kutya ng isip niya. Interesting your face!

“No air,” at nagblending ang boses nila.

Naghiyawan at palakpakan ang mga tao. “Isa pa!” sigaw ng mga Dangerous Girls. Nilingon niya ang mga ito at masamang tiningnan. Lalo na si Andrea na alam niyang pasimuno.

“Hmm, your voice was okay,” pang-iinis ni Angel. Okay lang ang boses niya? Ang sarap sapakin nitong bwesit! Naku! “Isa pa daw, o. So, ano na Maze? Should we sing again?”

“Maze?” nakakunot-noong tanong niya.

“Maze… short for Mariz Anne. Cute, right? I’m going to call you that from now on,”at ningitian siya ng mala-anghel.Waaahhhh, call 911! Baka atakihin ako sa puso! sabi ng bahagi ng kanyang utak. Tumigil ka nga diyan nakakahiya ka!

“I-I d-don’t want to sing anymore with y-you nuh!” now, why is she stuttering? “One song is enough!” mataray na wika niya para mapagtakpan ang pagkabulol kanina. Ibinigay niya sa kasamahan nito ang mic at magmamartsa na sana. Ngunit, hindi sinasadyang natapilok siya. Ipinikit niya lamang ang mga mata at hinintay na tuluyang bumagsak sa ibaba ng stage.

Laking pagtataka niya nang walang naramdamang sakit. At nang may mapadaing ay napadilat siya. Nabungaran niya si Angel. Hindi maipinta ang mukha nito dahil sa sakit. At nasa ibabaw siya mismo rito! Nakakahiya! Asus, nagugustuhan nga niya ito. Kunwari pa. Aminin! pang-iinis na naman ng bahagi ng utak niya. Na sinang-ayunan ng kanyang malanding puso. Sumasayaw pa yata! At parang ayaw siyang paalisin sa ibabaw ni Angel. Ang sarap na nasa ibabaw ng hunk na ito. Ang sarap kainin ng buo. Yum, yum! Ang bango-bango pa. Huwag ka na lang kaya tumayo at dito na lang sa mga bisig ng anghel na ito?

“Bakit palagi ka na lang natatapilok ah? And how come you’re so heavy when you have a petite body?” nakangiwing tanong nito. Doon lang niya naalala na umalis sa ibabaw nito.

“Mahilig akong kumain. Pero kahit anong kain ko, hindi ako tumataba.” pabalang na sagot niya. Buhat doon ay tumawa ito. Hay… this is the first time that I heard your laugh. Angelic mo talaga, kinikilig na naman ang malanding bahagi ng utak niya. Stop it! Una ‘yung dibdib, ngayon naman ang tawa! sita niya. Tse! In denial pa ‘to. If I know, you feel the same way too. Ayieeehh! Nakakaloka! Ititigil niya na ang pakikipag-usap rito bago pa masabunutan ang sarili.

“Stop laughing will you!” asik niya.

Tumigil ito sa pagtawa. At nagging seryoso ang mukha. “Is that the way you say thank you to the one who saved you?”

“I’m sorry,” mahinang sabi niya.

“Ano nga ‘yun?” pagbingi-bingihan nito. Aba ang loko-loko, pinauulit pa siya. Pero nunca niyang uulitin iyon. “Ano na?”

“Sorry nga. At saka thank you na rin sa pagsagip mo sa akin.” Ngee? Kasasabi lang niya na hindi uulitin ‘yun, ngunit bakit sinabi niya pa rin? Sa totoo lang, hindi niya rin alam.

“Apology and thank you not fully accepted.”

“Bakit na naman? Nakakadalawa ka na. Una sa club, ngayon naman ayaw mong tanggapin ang sorry ko!”

“Your sorry and thank you is not enough. How about you repay me with a date? And I want something from you,” sabi ni Angel sa kanya. May naglalaro pang kapilyuhan sa ngiti.

Napasinghap siya. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa dibdib. “Ano ang ngiting iyan? Sasapakin talaga kita kapag ‘yun ang hihilingin mo,” babala niya rito.

“Oy, hindi tayo talo pare nuh,” patawa-tawamg sabi nito. “I just want your cell number that’s it.”

“Number lang pala eh. May pangiti-ngiti pang ganun,” bulong niya sa sarili.

“May sinasabi ka?”tanong nito.

“Wala! O, ito number ko para matapos na,” pagmamang-mangan niya. At sinabi rito ang number niya.

“I’ll text you the time and place,” sabi nito na nakangiti. “Oh, just as least let me do this,” bago pa siya makasagot ay nahalikan na siya nito sa pisngi. At mabilis nakalakad palayo bago pa niya masampal.

“Urgh! Manyak ka talagang anghel na demonyo ka!” galit na wika niya.

Nagvibrate ang celphone niya. “Don’t be mad, Maze. It’s a part of your sorry. Smile🙂 And by the way, you look gorgeous tonight,” ang sabi doon sa message. At paniguradong si Angel ang may-ari ng number. Napapailing na lang siya habang nakangiti. Ibang klase talaga ang lalaking ‘yun. Pagkatapos manghalik sasabihan siya na maganda. Tsk, tsk, tsk.

“Hey! Bakit ngumiti kang mag-isa diyan? Don’t tell me… you’re already in love with Angel?” tukso ni Andrea sa kanya. Hindi niya namalayan na kanina pa pala ito sa kanyang tabi.

“I’m not inlove with him, okay! So stop teasing me,” pagsusuplada niya.

“Weh? Are you sure? Bakit iba ang nakikita ko?” patuloy na panunukso nito.

“Yes, I’m sure. Eh kasi naman kahit maliit na bagay binibigyan mo na ng meaning. Tigilan mo na nga ako.” Naagaw ang atensiyon niya sa papalapit na si Lemuel. Napangiti siya. Nakaisip ng paraan upang tantanan siya ni Andrea. “Imbes ako ang pakialaman mo, iyang paparating ang asikasuhin mo,” sabi niya at ininguso si Lemuel.

“Hi babe!” sabi nito in a coolly way.

“Tse! Sorry, but I don’t talk to aliens,” supladang tugon ng kaibigan niya. Saka inakay na siya palayo roon.

“Grabe ka. Kawawa naman ang babe mo. Sige ka baka humanap ‘yun ng iba,” pang-iinis niya rito.

“Stop it, Mariz. And don’t mention the word babe, kinakilabutan ako. ‘Di maghanap siya ng iba, wala akong pakialam!”

“Oy, ‘wag ka namang magsalita ng ganyan sa boyfriend mo,” patuloy na pang-iinis niya.

“Stop it! Stop it! Stop it! How many times do I have to tell you. Hindi ko siya boyfriend! Kaya tigilan mo na ako,” babala nito. Inis na inis na talaga ito. Pumupula na kasi ito eh.

“Ang high blood mo naman, my bab—” tinignan siya nito ng nagbabalang tingin. “I mean, Andrea,” at tumawa siya na may halong pang-iinis.

“Whatever, Ma-an.”

KINABUKASAN, sa bahay ng mga Torres…

Si Mariz ay busy sa paghahalungkat ng mga damit sa cabinet. Pumipili siya ng susuotin sa magiging date nila ni Angel. Nakatanggap na siya ng text mula rito. Ngayong 7pm ang kanilang date.

“Manang anong susuotin ko? This Black one or itong pink?” tanong niya kay Aling Conching. Ang mayordoma nila. Matagal na itong naninilbihan sa kanila. Hindi pa siya ipinanganak, nandito na ito sa bahay nila. At ito ang itinuturing niyang pangalawang ina.

“Aba’y malay ko. Matanong lang kitang bata ka. Kailan ka pa naging concious sa susuotin mo? Hindi ka naman ganyan dati ah. ‘Wag mong… sabihin na sa wakas tinamaan ka na ng pana ni kupido?” panunukso nito.

“Hindi manang nuh. Uhm, gusto ko lang pong mag-ayos ng mabuti para—para.. basta! ‘Wag na kayong magtanong manang.”

“Hmm, may something talaga ah. Ayieeh! Ang alaga ko, in love na! Matagal ko na ring gustong makita kang nalalakad sa aisle.”

“Manang naman eh! Nag-aadvance ka na diyan sa pag-iisip. I’m still young, beautiful, and wild. Hindi pa ‘yan iniisip ng intelligent brain ko,” tumawa siya. Tumawa rin si manang Conching.

“Iyan ba ang nagagawa ng pag-ibig sa’yo? Machika nga ito sa mommy at daddy mo. Sigurado akong matatawa ang mga ‘yun.”

“Manang!” nakangusong reklamo niya. Minsan, may pagkaisip-bata talaga siya. Gumagalaw at nagsasalita ng parang bata sa mga kaclose niya.

“Joke lang. Sa tanong mo kanina, iyang black ang suotin mo. Mas babagay sa’yo. Sige lalabas na ako para makapaghanda ka na. Mukhang hindi ka na kasi makapaghintay na masilayan ang kadate mo,” ningitian siya nito nang may panunukso.

“Hindi kaya!” sabi niya bago makalabas ito. Ngumiti lamang ito.

AS Angel watched the woman who gave him sleepless nights, he can’t help to be amazed of her beauty. She’s really gorgeous. Like an angel alluring with such charms. She has a perfectly shaped eyebrows that complimented those expressive dark brown eyes that can make any man crazy and stumble inside. He remembered the kiss they’ve shared when his eyes landed on her natural red lips. Her soft skin is white as a snow and has a body of a goddess. The only thing he can describe her is ‘perfect’. Damn! This is the first time he had given much attention to a woman. He hadn’t felt and acted like this with any of his past girlfriends and flings.

Since the day he met her, he had experience so many first times. First time being starstrucked. Being sleepless by thinking of their kiss, he even thought it as his first. First time smiling stupidly by himself just of thinking of their arguments. And his first being a fool looking at a girl’s face. Ito ang unang babaeng tumatak sa kanyang isipan well expect for his mother though.

Sa lahat ng babaeng nakilala niya. Ito ang namumukodtanging nakakapagtulala sa kanya. He can’t say that it is love already because its just a week that he had known her. Come on, is it possible to fall in love in that short time? He thinks not.

Tumayo siya. Ipinagtulak ito ng upuan. Nagpasalamat ito at ngumiti. “Like the place?” panimula niya.

“Yeah, it’s so nice in here.”

KANINA nang makita ni Mariz ang lugar ay hindi niya naiwasang mapasinghap. The place is too beautiful, so lively and romantic! Sinundo siya ng Limosine nito. Doon pa lang ay pakiramdam niya na parang siyang prinsesa. She felt so important. Mas lalo pa nang makita niya ang destinasyon ng kanilang date. The said restaurant was floating on the sea! Exotic flowers was also on it that beautifies the clear blue sea water even more. The moon is shining brightly, it even made their date more romantic. And the wood pathway was surrounded with exotic flowers as well. And there, there’s candles na nagsisilbing daan para mas makita niya ang nilalakaran.

Kung humanga na siya sa labas ay mas humanga pa siya sa loob. Nag-iisa lang ang table na nakikita niya. Nakaupo roon ang kanyang napakaguwapong date. So fresh looking in his white polo. And his chinky eyes were directly looking at her. Oh my, how could a man be so handsome and cute at the same time?

“Like the place?”

“Yeah, it’s so nice in here,” tugon niya at ngumiti. Pinasalamatan niya ito nang pinaghila siya ng upuan. “Hindi ka na lang sana nag-abalang magprepare sa lugar,” she frowned. Kabisado niya na ang ganitong klaseng lalaki— pa impress para makuha ang naiinteresang babae. But she must admit, sa lahat ng nakadate niya ito pa lang ang nakaprepate ng ganito.

He smiled dazzlingly. “I want to make everything perfect for a perfect woman like you,” simpleng sagot nito. Lately, hindi na niya maunawaan ang sarili. Bakit sa tuwing nakikita niya ang lalaking ito palagi na lang nagwawala ang kanyang puso? She’s been like this since the day that he kissed him. And it’s terrifying. This feeling is very terrifying for her.
As crazy as it seems, she suddenly felt an urge to taste those lips again. To feel the wonderful feeling once again. Nagtama ang kanilang mga mata. There’s a strong force pulling them closer to each other. But when they’re only one inch in each other’s lips. The door opened.

“Angel, honey,” sabi ng isang sophistikadang babae. Naglakad ito papalapit kay Angel at nanguyapit dito. “Is she one of your girls, hon?” sabi nito in a rude way. The woman don’t like her, she felt it. She got pissed, lalo na sa kamay nitong nakapulupot na parang sawa kay Angel.

Humiwalay ang lalaki mula sa pagkakayap nito. “What are you doing here Kriz? You’re not even invited.” Hindi maitago ni Angel ang iratasyon at pagkadisgusto rito.

“Honey naman, don’t be like that. Sorry if I came early sa oras ng date natin. But, I’m so touch talaga upon seeing the place. It’s romantic and you deserve a kiss.”

Hahalikan sana nito si Angel sa labi ngunit umiwas ang binata. “Anong ibig sabihin nito?” asik niya.

“You’re here pa pala. Well, we have a date in the same place right after your date with him,” at binalingan nito si Angel. “You haven’t change talaga, pinagsasabay mo ang dates mo. But still, you never failed bringing those girls in bed just like you intended,” Kriz smiled seductively. Gross! She suddenlly wanted to puke right there, right now.

“Don’t make up stories, Kriz!” singhal ni Angel.

Nanlilisik ang mga mata na tumayo siya. Kinuha niya ang kanyang bag at hinampas dito. “Jerk!” Naglakad na siya palayo roon.

“Maze wait,” hinawakan nito ang braso niya. “She’s lying, believe me.”

“You know what, I don’t care. Let go or else-” bago pa niya matapos ay tumunog na ang kanyang celphone.

“Hello? What?! Okay, okay I’ll be going there,” iwinaksi niya ang braso mula sa pagkakahawak nito. At nagmamadali para pumunta sa hospital.

Talakayan

19 thoughts on “DGC: The Perfectionist’s Karma – Chapter 5

  1. Dapat talaga may asungot…

    Posted by morena | Setyembre 28, 2014, 8:32 hapon
  2. anyare..sno naospital?

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 10:27 umaga
  3. sarap sabunutan ni kriz. . .

    Posted by vhenus | Mayo 3, 2013, 5:52 hapon
  4. yeah!

    Posted by tintin | Agosto 23, 2012, 12:16 hapon
  5. help, ndi ko po makita ang episode 4

    Posted by krizza | Pebrero 25, 2012, 11:30 hapon
  6. grabeh .hehe. nice ng story

    Posted by belle | Pebrero 9, 2012, 11:59 hapon
  7. May kontrabida pa.

    Posted by darkangel | Setyembre 14, 2011, 3:17 hapon
  8. shit n mlgkit!!! nmn epal!!!!

    Posted by zelle | Setyembre 14, 2011, 12:45 umaga
  9. bwisset nman 2ng kriz na 2 kontrabida pa!!!!hmmm kaasar

    Posted by jasmine13 | Mayo 24, 2011, 10:57 umaga
  10. thank you miss marysolgrace kya pla naging 300 may nag donate na anghel thank you very much po tlga enjoy ko po ung story promise…..

    Posted by rhein131 | Mayo 12, 2011, 12:10 hapon
  11. kaasar may umiksena pa ang ganda na eh…

    Posted by rhein131 | Mayo 12, 2011, 11:55 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: