binabasa mo ang...
SERIES: Dangerous Girl's Club, The Perfectionist's Karma

DGC: The Perfectionist’s Karma – Chapter 4

The Perfectionist's Karma

The Perfectionist's Karma

“Wake up, my little Angel. Its morning already,” sabi ng ina niya at itinaas ang mga kurtina sa kanyang kwarto. Tumatama ang sinag ng araw sa kanyang gwapong mukha. Inidilat niya ang mga mata na may pagkachinito. Nakita niya ang nakangiting mukha ng ina.

Ang ganda talaga nito. Hindi mapagkakamalan na malapit nang maging singkwenta dahil mas mukha itong 30. Ang kutis at katawan nito ay hindi napabayaan. At kahit ganito na ang edad ng ina ay napapanatili pa rin nito ang slim figure at ang kutis na kay kinis.

Ngumiti siya rito. “Hi mom, when did you arrive from Germany?”

Naglakad ito papunta sa king size bed niya at hinalikan siya sa noo. Nagmano siya rito. “Last night, my Angel. But, when I went here at your room you weren’t here.”

Bigla siyang tinakasan ng antok sa narinig. Patay na! Napamulagat siya at pinagpawisan ng malapot.

Tumawa ito ng pagak. “Aha! Got you! You went out yesterday night, am I right? To tell you honestly, I just got home earlier around 4 A.M.,” wika nito. Tinapik-tapik nito ang pisngi niya at sinabing- “My Angel, kailan mo ba susundin ang iyong ama? Always remember, what me and your father were doing ay para sa ikakabuti mo. Kaya sundin ang mga payo namin sa’yo. My child, you need to change that attitude of yours. Oh I know! Find your soulmate. I mean, find a woman that you’ll have a serious commitment with, no other girlfriends and flings. The woman that you’ll spend your life with. Your true love, the one you’ll love so much and give everything you have.”

“Mom, there’s no such thing as soul mates and true love. Mom, there are a lot of people saying their in love, they have found their soulmates and true love but what happens when time passed? Feelings vanished and it change. Kaya nga maraming taong nasasaktan because of that stupid thing. They’re making a fool out of themselves because of that love. But that won’t happen to me, never! Hindi ako magpapakatanga sa isang tao and I can’t let myself be hurt.”

“Let’s just say that your right, but being hurt is part of love, honey. Soul mates and true love are real, and each one of us has a soulmate. Your father and I is the living proof to that. The first time I have met and saw him, there’s magic. You know, things slows down, can’t hear my surroundings and the only person I can see is your father. And when we kissed, the first time we’ve kissed, I have never known that electricity was real. That kiss was so electrifying, so strong… my heart was beating wildly and there’s a feeling that lit inside my heart that I can’t give meaning. But I came to realize, its love and his my soulmate, my true love that God had chosen for me,” matalinghagang wika nito. And there she is again, in her fantasy and own wonderland. Nakasaklop pa talaga ang kapwang palad nito ah. Parang bumalik sa pagiging teenager, kilig na kilig habang binabalik-tanaw ang nangyari rito at sa asawa. Pero nakuha ang atensiyon niya ang sinabi nito about ‘the feeling that lit inside her heart when they’ve kissed’.

“Don’t tell me? No way!” bulong niya pero kahit ganoon man, narinig pa rin ito ng kanyang ina.

“What do you mean about that?” excited na umupo ito sa gilid ng kama at parang bata na matiyagang naghihintay sa sasabihin niya. Nang hindi pa siya nagsalita ay nagdabog ito. “Hey! What do you mean about what you said earlier, Angel? Am I thinking, what you’re thinking? Oh my God! My son is now in love! I’ll definitely have a thanksgiving mass right now. Hallelujah, praise the lord!”

“Please, don’t exaggerate mom! Stop saying that I’m in love, okay? Its so horrifying and it gives me chills.”

Sumimangot ito at ngumuso. “Sorry if your mother is exaggerating, OA, or whatever you call it,” nagtatampong sabi nito. Aba ang ina niya, nagdrama at nagpapacute na naman. Isip-bata talaga ito kahit kailan, at parang bata rin kung kumilos.

“Mommy talaga, come here nga,” hinila niya ito at niyakap. Sweet at close talaga sila nito, para lang silang magbarkada eh. Ito ang kasundo niya, ‘di tulad sa kanyang ama na minsan lang magkasundo.
“Bakit lahat kayo gusto akong mainlove?”

“Hmm, dahil gusto naming magtino ka?” nakangiting hayag nito. “At saka, I want you to get married para mabigyan na ako ng apo.”

“You want grandchildren, mom? Well I can give you thousands even if I’m not married,” biro niya. Hinampas siya nito sa balikat, hindi nagustuhan ang naging biro niya.

“Iba pa rin kapag anak sa totoo mong mahal, Angel. You can have many girlfriends but not wives because the only one you can marry is the one you truly love.”

“Ang sweet-sweet naman ng mag-ina ko, baka langgamin kayo niyan.” Napakislot sila pareho nang marinig ang boses ng ama mula sa likuran. Sabay na binalingan nila ito ng tingin. Nakangiti itong nakatingin sa kanilang mag-ina.

“Oh honey, you’re here? I thought you have a business trip in Rome?” tanong ni Mrs. Mercado. Nilapitan nito ang asawa at hinalikan sa pisngi.

Hinapit nito ang kanyang ina at niyapos. “I have but when I found out that you’re going home, I rushed in and cancelled all my appointments for three days. So that we can have a family bonding together, the three of us,” nakangiting paliwanag ng kanyang ama. Nakangiting umiiling na lang siya sa nakitang reaksiyon sa ina, nagbablush! Kahit malapit nang mag-50 ang dalawa at malapit nang magmenopause ang ina ay hindi pa rin nawawala ang sweetness ng mga ito. They really amaze him. They’re the perfect example of two persons who are really in love. And his very thankful to that. Kahit kailan hindi niya nakita at narinig na nag-away ang mga ito. At kahit kailan hindi nagkaroon ng iba. They’ve manage to maintain their love and loyalty to each other despite of not frequently seeing each other. That’s why he’s scared. Iba siya, he’s not like his mother and father… he can’t love someone. And he can’t take the risk of loving someone and getting hurt.

“Oh by the way, hon. Can you forget about the punishment of our Angel? Can he finally get out from the house?” hinging pabor ng ina. Biglang napalis ang ngiti ng kanyang ama. Nang tatanggi ito ay inunahan na ito ng asawa ng pamatay na ‘please’. Nakapuppy eyes ito. Kapag ganito na ang ina niya ay paniguradong walang makakatanggi, especially his dad.

“Oh okay! So please stop showing those eyes, its killing me.”

Tumawa lamang ang salarin. “Honey naman, I’m just making myself cute to you. Don’t frown, honey. Sige ka baka I’ll found another man,” biro nito.

“Let’s see about that. I’m the only one who can manage that attitude of yours. And I know that it won’t happen because your head over heels in love with me, honey.” patawa-tawang sagot ni Mr. Mercado.

“Well, well, well. May isang assuming diyan.”

“Oh please. Mom, dad, stop that. My room is full of ants and the view that the both of you presenting is bad for my innocent eyes.”

“Innocent? What part? If we know, you’re just jealous,” sabay na sabi ng dalawa at tumatawang lumabas ng kwarto habang nakaakbay sa isa’t isa. Pailing-iling na bumalik ng higa si Angel na pangiti-ngiti. Ganyan din kaya sila ng magiging asawa ‘pag tatanda na sila pareho?

PUMAILANG-LANG ang disco music sa lugar, sayawan doon, inuman dito ang mga tao sa loob ng naturang bar.

“Why the long face, Ma-an? Aren’t you happy of Allison being the world’s tennis champion?” tanong ni Andrea.

“Of course I’m happy for her. It’s just that I’m busy thinking about the wedding of my cousin,” walang ganang sagot niya.

“Really? Mariz, the perfectionist is having a difficult time?” buska ni Allison sa kanya. Allison is one of member of DGC, a tennis player well-known around the globe. As a matter of fact, ito ang bagong binansagang world’s tennis champion in singles division. Ito rin ang tinatayang pinakacontroversial tennis player sa buong history ng tennis.

“I already sort out about the plans, and I also made the preparations already. The only problem is… the bride is missing!” napabuntong-hininga siya ng malalim.

“Baka ayaw maikasal sa pinsan mo. Oh, what cousin are you referring to?” ani Andrea.

“Steven.”

“Steven?” sabay na sabi ng dalawa. Kulang ang salitang gulat upang ilarawan ang reaksiyon ng mga ito. Kilala ng dalawa ang kanyang pinsan. Actually, walang taong napapabilang sa alta-socialidad ang hindi nakakakilala sa isang Steven Sandoval. Sino naman ang hindi? Steven is one of the extraordinary bachelors in the country. Good-looking, intelligent, basketball captain back in high school, gentleman, always present in any charitable events and loyal to his first love. Kaya nakapagtataka na ang isang babae ay ayaw maikasal dito.

“Hello there. You three want to join us to another bar?” tanong sa kanila ni Destiny. Ang founder ng DGC. Lahat ng members ng ay sobrang nirerespeto ito, tinitingala at nagsisilbing role model na din nila. Napakabait nito, caring at thoughtful kaya kahit sinong kaibigan nito ay napakaswerte.

“Why the hassle? We’re already here at the bar, so why bother go to another bar?”

“We want to try another environment? Nakakasawa na rin hearing the same style of music. So we want to hear ballad, R&B, and mellow songs,” paliwanag nito. Nagkatinginan silang tatlo at sabay na tumango.

PAPASOK SI ANGEL sa loob ng bar na pagmamay-ari ni Johnny. Gwapong-gwapo ito sa suot na faded blue jeans at nakalacoste shirt. Pumasok siya sa pinto at lahat ng taong naroroon ay napapatingin sa kanya lalo na ang mga babae.

“O, Angel pare” tawag pansin sa kanya ni Lemuel, kumaway naman ang iba pa niyang bestdudes na sina Laurence at Johnny. Himala may naligaw- si August.

“May naligaw yata dito. Mayo pa naman tayo ngayon ah,” pang-iinis niya nang makalapit sa table na inuupahan ng mga ito.

“Devil, ‘wag mong inisin ‘yan… broken hearted ‘yan, baka kagatin ka niyan. Sige ka,” nakatawang sabi ni Laurence.

” Since we’re already here, let’s rock the place!” aya ni Johnny. Nagsitayuan na ang tatlo at pumunta na silang lima sa stage.

“Good evening. Together with my friends, we will rock the house. Let’s go guys,” ani Johnny sa napakasiglang boses. Pumuwesto na silang lima sa kani-kanilang instrumento. Si Laurence sa drums; si Johnny sa rhythmic guitar; si August sa piano; si Lemuel sa base guitar; at siya sa lead guitar at sa mic stand.

He pluck the string of the guitar and sang the song ‘Nothing On You’. Nagtitilian ang mga kababaihan nang marinig ang very soothing at angelic voice niya. Napadako ang tingin niya sa grupo ng magagandang babaeng nakaupo sa may gilid. Nang mamukhaan ang isang babae na matamang nakatingin sa kanya ay kinindatan niya ito. At bilang tugon, inirapan lang siya nito. Ang ganda talaga ng babaeng ito kahit masungit, nakakagigil!

“This song is for the beautiful ladies,” kumanta naman siya ng beautiful girls ni Sean Kingston. Nagtilian na naman ang mga babae at nag-aagawan sa rose na binibigay nila.

“We would like to request one lady in the crowd, to come in stage. Who wants to volunteer?” tanong ni Laurence. Nagsitaasan naman ng kamay ang lahat ng babae sa lugar pwera na lang sa grupong kinabibilangan ni Mariz.

“Ito o, she wants to volunteer,” boses ito ni Andrea na pilit itinataas ang kamay ni Mariz. Kahit binibigyan na ito ng matalim na tingin ng kaibigan ay nagpatuloy pa rin ito.

“Okay, the girl in white please come on stage,” wika niya, at nakangiti. Showing off those perfect white teeth like those models in a toothpaste commercial. At muli, nagtilian na naman ang mga babae.

“Mariz! Mariz! Mariz!” sigawan ng mga kaibigan nito. Walang nagawa ang babae kundi pumunta sa stage at samahan siya sa pagkanta.

“Nervous?” bulong niya rito.

Kumunot ang noo nito saka tinaasan siya ng kilay. “Baka kasi kinakabahan ka sa boses palakang tinig mo. Don’t worry, I’m here to accompany you,” bulong niyang muli na may halong pang-iinis. Tinapakan nito ang kanyang paa. Impit na pinipigilan niya ang mapasigaw sa iniindang sakit ng paa.

“Masakit ba? You deserve it, yabang mo kasi! O ano, kanta na tayo para makaalis na ako. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo!” ganting bulong nito. Umayos na siya at tinanong kung ano ang kakantahin nila.

“Ikaw bahala,” at nagkibit-balikat ito. Binulungan niya ito kung ano ang kakantahin nila. Na ikinatango lamang ng huli.

At sinimulan na niya ang paggigitara sa intro.

Talakayan

15 thoughts on “DGC: The Perfectionist’s Karma – Chapter 4

  1. Wow kilig much

    Posted by morena | Setyembre 28, 2014, 7:56 hapon
  2. tweet nmn..

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 10:14 umaga
  3. no wonder spoiled c angel,binebaby pa kzng mommy nya ehhh.

    ayan na ang soulmate mu angel hehe

    Posted by aileen | Oktubre 17, 2013, 11:00 hapon
  4. hahahHahahaha

    Posted by vhenus | Mayo 3, 2013, 5:36 hapon
  5. grabeh ang sweet ng parents n angel.hehe.

    Posted by belle | Pebrero 9, 2012, 11:49 hapon
  6. grabe nilalanggam ako dito..kakakilig tong chapter na to….grabe..

    Posted by venus | Setyembre 29, 2011, 10:19 hapon
  7. Ang sweet naman…ng mga magulang nya.hahaha

    Posted by darkangel | Setyembre 14, 2011, 2:53 hapon
  8. love it!!!

    Posted by zelle | Setyembre 14, 2011, 12:28 umaga
  9. pra tlga clang aso’t pusa!!!hehehe

    Posted by jane23 | Mayo 24, 2011, 10:24 umaga
  10. malapit ng maubos gils ko haytsss…..nakakabitin ung story superb ganda tlaga galing mo tlaga …marysol grace

    Posted by rhein131 | Mayo 12, 2011, 11:42 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: