binabasa mo ang...
SERIES: Dangerous Girl's Club, The Perfectionist's Karma

DGC: The Perfectionist’s Karma – Chapter 3

The Perfectionist's Karma

The Perfectionist's Karma

“WHERE are they, Lemuel? I need to go back home as soon as possible. If dad finds out about this, I’m totally dead. 1 year of being grounded! I’ll surely kill you if that happens,” inip na sabi niya sa kaibigan.

Tumingin ito sa kanya mula sa pagtanaw-tanaw sa malayo. “Just wait for a little while, Angel. They’re coming, I can feel it,” nakangiting tugon nito. Napailing-iling na lang siya, oh-oh, parang natamaan na rin ang isang ‘to. Ano bang nangyayari sa mga kaibigan niya? Una si August, ngayon naman si Lemeul. Tsk, tsk, tsk, sino na naman kaya ang susunod? That deadly virus is currently circulating among his friends. What the heck?!

“Man, you totally lost it. What happen to the world? Don’t tell me, you also got the deadly virus? August must have been like that when he met Monday,” wika ni Laurence, also known as The Casanova Billionaire, isa ring babaero. Sa isang pikit-mata, nakukuha ni Laurence ang natitipuhang babae ng walang pawis. He’s a natural charmer and move from lover to lover. Using flowery and flattering words, every woman he targets, are all head over heels in love with him. At ang babaeng natitipuhan nito ngayon ay si Destiny Laurette Rivera, ang founder ng Dangerous Girls’ Club.

“Well look Mr. Casanova, imbes na pakialaman mo ako. Asikasuhin mo na lang kung paano mo makukuha si Destiny,” balik pangungutya ni Lemeul dito.

Ilang sandali pa ay may narinig na silang ingay mula sa isang motor. Its a 2009 Yamaha FJR 1300AE:liquid-cooled inline 4-cylinder; DOHC, 16 valves. Bumaba mula doon ang nakaangkas na napakaseksing babae. Nakadenim shorts at naka-hanging blouse na dahilan upang makita ang malalim na pusod nito at nakakalaway na kurba ng katawan nito.

Tinignan silang tatlo ni Lemuel ng masama. May halong pagbabanta.”I’m warning the three of you, hanggang tingin lang kayo. No touch, and no move,” babala nito.

Tumawa naman silang tatlo sa narinig buhat dito. Tsk, tsk, tsk malakas na talaga ang tama ng isang ‘to. Hindi naman nila masisisi ang kaibigan. Napaka-attractive naman talaga ng babae.

“Oo na, hindi na po namin didiskartihan ‘yan. You know what Lemuel, your acting like a child. And I can’t believe that you became one because of love. Kung ganyan lang ang mangyayari, mas mabuti pang ‘wag na lang akong mainlove,” kutya niya dito.

“Yeah right, Devil,” Laurence sarcastically said to him, and turned to Lemuel and then patted his head with a smirk on his face. “Hello baby Lemuel, you want some lollipop? Or you want milk?” patawa-tawang buska nito.

“You want to pee? Do you want to have some mamam (pagkain)?” ani Johnny.

“Gusto niyo ng sapak Anghel, Ence at Jon?” inis na sabi nito. Ganito kasi ang tawag nila sa isa’t isa kapag naiinis na talaga. Dito ay Lemo samantala kay August ay Augusto.

Nabaling ang kanilang atensiyon nang marinig ang boses ng kinababaliwan ni Lemuel. “Oh hello, honey. Yeah, I’ll be there at 8. What? Oh okay, see ya,” sabi nito at nakangiting isinara na ang cellphone. Binalingan sila nito ng tingin. “Shall we start the race?”

“Yeah sure, my honey bunch. I guess you’ll meet up with someone after this,” walang kangiti-ngiting wika ng kaibigan niyang si Lemuel.
Umikot ang mata nito. “It’s none of your damn business, Lem. So back off! Stop acting like you’re my boyfriend. And please, don’t call me honey bunch or whatsoever because I always got chills whenever you’re calling me with stupid endearments,” supladang tugon nito. Hindi na nakasagot ang kaibigan niya nang tumalikod na ang babae. Dumilim ang mukha nito at nagtagis ang mga bagang. Mukhang nakahanap talaga ng katapat itong kaibigan niya.

Hinawakan niya ang balikat nito. Alam niyang hindi ito sanay na hindi nakukuha ang gusto. And he’s sure, ito ang unang pagkakataon na tinanggihan ang kaibigan ng isang babae.

“You okay?”

“I’m okay now. Sooner or later, she will be mine. Lahat yata ng gugustuhin ni Lemuel Alzarcon nakukuha niya,” possessive na hayag nito. Oo nga naman. Everything his friend wants, he gets. Ano na lang ang silbi ng kapangyarihan at yaman nito, kung isang babae lang hindi niya makuha.

“That’s the spirit! Iyan ang kilala naming Lemuel, makapal ang mukha,” biro ni Laurence.

“That’s the spirit! Iyan ang kilala naming Lemuel, makapal ang mukha,” biro ni Laurence. Tumingin ito ng makahulugan sa kanilang dalawa ni Johnny. Nakuha naman nila ang ibig ipahiwatig nito.

“1, 2, 3-” The three of them tackled Lemuel at the ground. Napaaray ang kaibigan nila dahil sa bigat nilang tatlo. “You crazy people. Get off me,” sita ni Lemuel. Tumatawang tumayo silang tatlo.

“Hoh! Kunwari pa. Gusto nga niya ‘yon eh. Di’ba babes?” kumindat si Johnny kay Lemuel.

“Tumahimik ka nga. Loko-loko ‘to oh, baka isipin ng mga tao magkarelasyon tayo. Gross!”

Johnny faked tears. “Kinakahiya mo pala ako Lemuel, my babes.Huhuhu.”

Napasinghap siya.”All this time you’re cheating on me? How could you honey!”

“Dapat talaga kayong iadmit sa mental. Tigilan niyo na nga kabaliwan ninyo diyan para masimulan na ang karera.”

“Okay, whatever you say babes.” Binatukan ni Lemuel si Johnny. Na ikangisi ng huli.

“Okay, let’s start the race,” anunsiyo niya. Sumakay na siya sa dalang motorsiklo at pumuwesto sa starting line. Sumunod naman ang magiging kalaban niya doon.Ang seksing babae ay pwumesto sa harapan at ang hawak na tela ay itinaas sa ere. And with a count of 1,2,3 the woman waves it in the air. Siya at ang kalaban at mabilis na nagdrive paalis sa starting line.

Hindi biro ang kalaban niya. Isa yata itong professional dahil kahit lamang siya ng ilang metro ay agad itong nakakahabol. Minsan ay nalalampasan pa siya.

Parang bar graph ang statistics niya, taas, baba, taas, baba. Ngayon ay nasa itaas na naman siya. Ahead siya ng 3 meters dito ngayon. Malapit na siya sa finish line. Nang tignan niya ang kalaban sa side mirror ay nakita niyang ganoon pa rin ang distansiya nila. Naging panatag ang kalooban niya. Walang duda na panalo na siya. Pero laking gulat niya nang isang metro nalang siya sa finish line ay nalagpasan siya nito.

Inis na hinampas niya ang kanyang motor. Paano? Impossible! Nakasimangot na binalingan niya ang sino mang hudas sa likod ng helmet na iyon. Nakita niyang masayang nilapitan ito ng babaeng kinababaliwan ng kaibagan.

“What happened, Angel? You were very close. How come in the last minute your competitor went ahead of you and won?” dismayadong bungad sa kanya ni Lemuel pagkababa niya sa motor.

Hindi niya ito pinansin bagkus inalis ang helmet , inilagay sa motor iyon at naglakad papunta sa kinaroroonan ng nakatalo sa kanya. Hindi niya matanggap ang pagkatalo. Isa malaking kahihiyan sa kanya! Sigurado siyang dinaya siya nito. Hihingi siya ng rematch, hindi siya papayag na hindi maibalik ang nawalang karangalan.

Nang marating ang kinaroroonan nito ay parang slow motion na tinanggal nito ang helmet at parang shampoo effect na inayos ang buhok. Napasinghap siya nang mapagsino ito. Para siyang nanliit sa natuklasan. Babae ang nakatalo sa kanya! Mas malaking kahihiyan ito sa kanyang ego. Wait. I think I recognize her.

“Well, if it is the careless woman the other day. If I have known, hindi na sana kita pinagbigyan ni katiting na pag-asa para manalo,” pagpaparinig niya.

Nagpantig ang tenga nito pagkarinig sa sinabi niya. Tumingin ito sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “Pinagbigyan o nagpabaya ka lang? Now, who’s careless? So shut up if there’s nothing good in what you’re saying, Mr. Pride Chicken. If I know, hindi mo matanggap na natalo ka ng isang babae,” mataray na sabi nito. Headshot! Pero nunca niyang aaminin dito iyon.

“You know him, Ma-an?” tanong ng kaibigan nito.

“Yeah, Andrea, We’ve met from your bar. Remember the inconsiderate hypocrite man I was telling you?” sagot nito.

“Hypocrite? Woah, I think someone should put some sense in that little brain of yours.”

“Are you saying that I’m a moron? Do you know the word ‘respect’? Well, I think you should have one. Just like I said earlier, ‘di mo matanggap na natalo ka, at sa babae mismo. Don’t act like your almighty and so good. Poor you, being proud of yourself na wala namang binatbat,” ngumiti ito ng nang-aasar. “Oh well, if I may excuse myself, I have something better to do than to talk to some worthless creature,” dagdag pa nito. Ang mga daliri ay naisuklay niya sa buhok dahil sa nararamdamang inis. Kailangan nitong turuan ng leksyon.

Walang sabi-sabing hinapit niya ito at hinalikan sa kay pulang labi nito. May naramdaman siya sa halik na hindi niya mabigyan ng pangalan. Isang kakaibang damdamin na gumigising sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao. That even the void inside his heart was filled instantly in just one kiss. He felt complete. At hindi niya mapigilan ang damdaming sinindihan ng pagdampi ng kanilang mga labi. Hindi niya mabigyang pangalan ang damdaming iyon. Hindi niya kilala sapagkat ito’y bago, tunay na estangero para sa kanya.

Sa kadami-daming mga labing nahalikan na niya, dito lamang siya nakadama ng ganitong damdamin. Yes, he have dated a lot and countless of beautiful and pretty women. Pero nakakapagtataka na dito lamang niya naramdaman ang kakaibang damdamin na ito. Maraming beses niya nang naririnig na kapag may naramdaman ka raw na sparks at electricity sa isang halik. You have found your soulmate. Hindi kaya ito na ang kanyang soulmate? You don’t believe at that crap, remember? Hindi niya pinansin ang mumunting tinig na iyon. Ang tanging pinapakinggan lamang niya ngayon ay ang dinidikta ng kanyang puso. Na huwag itigil ang paghalik rito sapagkat gusto niya pang maramdaman ang mga binubuhay nitong damdamin. Gusto niya pa ang sparks at electricity na binibigay ng halik.

SAMANTALA, sa kabilang dako naman ay nararamdaman rin ni Mariz ang kakaibang damdaming binubuhay ng halik na ito. Huli na nang malaman niyang tumutugon na pala siya sa halik nito. Ilang minuto ring sumasayaw ang kanya-kanyang labi sa isa’t. Ayaw nilang tumigil. Afraid that when the kiss stops they will feel the void that where once in their hearts.

Have she found the one? Oh God, please no! Not with this man. Anyone but not him please? ‘Wag sa antipatikong lalaking ito. Itinulak niya ito at binigyan ng malakas na sampal sa pisngi. Sa paghiwalay nilang dalawa. Tila pakiramdam niya’y kulang ang kanyang pagkatao. Nanumbalik ang kahungkangan sa kanyang puso.

Tulalang sinapo nito ang pisngi na sinampal niya. “You deserve it, you… you pervert!” inis na inis na asik niya dito.

Nagising ito sa tila mahimbing na pagkakatulog. “Talking about pa inis effect. Huhulaan ko, that’s not what you truly feels,” tudyo nito.

“Shut up!” itinapon niya ang helmet dito, na sinalo lamang ng bruho. Damn! Narinig niyang tumawa ng pagak ang kaibigan. Inis na binalingan niya ito, sabay sabi- “I’ve done my part here. Aalis na ako, kung ayaw mong sumakay, maiwan ka dito!”

“Ma-an, relax. Masyado ka namang high-blood eh,” tugon nito at umangkas na sa kanyang motor.

“Wow pare, nice move. Ang bilis mo talaga. You’re like a thunder,” wika ng mga kaibigan nito at nag-appearan pa ang mga kumag! ‘Ang sasarap tadyakan. Magkakaibigan talaga, mga loko-loko!’

“Siyempre, ako pa. I’m sure hindi yan makakatulog tonight,” mayabang na sabi nito, nilakasan pa ang boses para marinig niya. Kainis! “Oh, nice meeting you Mariz. I’m Angel Mercado by the way, just in case you wanna know. Well, bye honey, see you again next time,” pang-iinis nito sabay kindat sa kanya. Ang sarap tusukin ang mata! Oh god, patawad po. Nakakainis talaga eh.

“Tse! There will be no next time you pervert!” aniya at pinasibat na ang motor sa lugar.

ANG buwan at mga bituin ay kumikislap. 3am na ng umaga pero sina Mariz at Angel ay hindi makatulog. Both were reminiscing the powerful and unforgettable kiss they’ve shared earlier.

Pabalikwas-likwas si Mariz, gayundin si Angel sa sariling kama. Kapwa sumasagi ang imahe ng isa’t isa. To hell with that stupid kiss, bakit kasi nangyari ‘yon eh. Ito tuloy napala nila. Wait, is this what they call love? Napailing ang dalawa at tumayo mula sa paghiga sa kama ng mga ito.

“This is not happening. Not with that girl!”

“Magpapakamatay na lang ako kapag ganun. Kahit sino basta ‘wag lang sa lalaking ‘yon!”

Sabay na tanggi ng dalawa. Pero ang tanong, makakaya kaya nilang pigalan ang damdaming binuhay ng halik na iyon? Pati na rin ang nakatakdang mangyari?

Talakayan

16 thoughts on “DGC: The Perfectionist’s Karma – Chapter 3

  1. OEMGEEEEE!!

    Posted by morena | Setyembre 28, 2014, 4:41 hapon
  2. ahahhah..nice one

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 10:04 umaga
  3. kainis ha! kakainlove wahhhq. love the story! so brilliant po author!🙂

    Posted by aileen | Oktubre 17, 2013, 9:06 hapon
  4. kakakilig!

    Posted by vhenus | Mayo 3, 2013, 5:22 hapon
  5. yeah ! next chapter ..:)

    Posted by tintin | Agosto 23, 2012, 11:40 umaga
  6. hehe ngkiss cla my spark and electricity.hehe. ganda nkakakilig kaht ng aaway p cla.hehe

    Posted by belle | Pebrero 9, 2012, 11:40 hapon
  7. ganda naman nito…waah….

    wala talagang pinipilinglugar o oras ang love..

    Posted by Jenne Cruz | Setyembre 29, 2011, 9:59 hapon
  8. Haha in denial

    Posted by darkangel | Setyembre 14, 2011, 2:36 hapon
  9. Sna mg k gils p aq pra mbsa q eto…

    Posted by zelle | Agosto 23, 2011, 11:49 hapon
  10. ganda tlaga ng story .:)love it

    Posted by mhayie | Hulyo 30, 2011, 2:09 hapon
  11. ang ganda tlaga promise nakakakilig hehehe…..:)

    Posted by rhein131 | Mayo 12, 2011, 11:28 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: