binabasa mo ang...
SERIES: Dangerous Girl's Club, The Perfectionist's Karma

DGC: The Perfectionist’s Karma – Chapter 2

The Perfectionist's Karma

The Perfectionist's Karma

“MARIZ, look it’s Lian. She’s waving at us,” sabi ni Agatha sa kanya. Isa ito sa mga dangerous girls, ang pinakamasayahin at pinakawild sa kanila. Si Lian naman ay kaibigan niya sa college. Kaklase niya sa kursong Business Management sa Princeton University.

Papunta na sana silang dalawa ni Agatha sa table nito. Ngunit, natapilok siya at ‘di sinasadya na ang dalang alak ay nabuhos sa isang lalaki.

“Oh, shit!” usal nito.

“I’m sorry,” hinging-pasensya niya. Kumuha siya ng handkerchief para punasan ang polo nitong nabuhusan niya. May naramdaman siya sa pagpunas sa polo nito, na parang dibdib na yata nito ang pinupunasan niya. Dahil nabasa ang manipis na tela ng polo nito, naging visible sa kanyang mata ang ganda ng katawan nito. At namula siya na parang kamatis nang makita ang abs nitong bumukat sa polo nitong nabasa niya. Parang napasong agad niyang inalis ang kamay kasama ang pagtaboy sa estrangerong damdaming lumulukob sa kanya.

“Sorry? My polo got wet, lady! Your so careless, look at what you’ve done!” galit na asik nito sa kanya.

Nagpantig ang kanyang tenga. Kahit maingay sa paligid ay rinig na rinig niya ang mga sinasabi nito. Humingi na nga siya ng sorry! Aba aksidente kaya ang lahat. Hindi niya naman gustong matapunan ang suot nito. At makita ang abs nitong kay sarap hawakan at… Hold it right there missy!

“Your unbelievable! I sincerely apologized to what happened but you still don’t want to accept it. I’ve done my part here. It’s up to you if you’ll accept it or not. But let me remind you, it’s an accident for Pete’s sake! It’s not my intention to spill it out on your shirt!” inis na inis na wika niya rito. Ang kanyang mukha ay mapulang-mapula na dahil sa inis na nararamdaman.

“Mariz, stop it. Let’s go,” compose na sabi ni Agatha. Inakay na siya nito palayo. Matalim na inirapan niya ang lalaki bago tuluyang umalis. Gwapo pa naman sana kaso antipatiko at masungit.

“HEY!” sigaw ni Angel sa babaeng nakatapon ng alak sa kanya.

“Angel, you’re being unreasonable. She sincerely apologized. Just let it pass, okay?” pigil sa kanya ni Laurence nang akmang hahabulin niya ang babae.

“Yeah, maganda naman ‘yung dalawa kaya pabayaan mo na,” pagsang-ayon ni Johnny sa sinabi ni Laurence.

“The night is long, dude. Don’t let that incident spoil the night. Look at that sexy chick over there. I figured that she’s been staring at you, since we got here,” sabi ni Lemuel at pasimpleng itinuro ang isang babaeng naka-baby blue na bestida na hanggang kalahati ng binti nito ang taas. Pero mas maganda pa rin sa kanya ang babaeng nakatapon ng alak sa kanya at mas sexy. Now, why he is comparing? Even he, himself doesn’t know why.

“CAN you believe that guy? Urgh! I hate him. I said sorry naman di’ba? Kung hindi mo lang ako pinigilan kanina, panigurado nasapak ko na ‘yon,” inis na sabi niya kay Agatha.

“Ma-an, calm down. What’s the problem? Dati-rati naman kahit anong mangyari, you always manage to keep your temper. Bakit ngayon, ang init-init ng ulo mo?” takang tanong nito. Kilala kasi si Mariz na calm. Kahit anong pang-iinis ang gawin mo sa kanya ay hindi maiinis. Marami na siyang nakahalubilong tao na mga matataray at masusungit. Likas sa kanyang trabaho pero parati niyang nacocontrol ang kanyang temper.

“Sino naman ang hindi maiinis. Humingi na nga ako ng sorry. What does he wants me to do? Kneel down in front of him? Gosh, it’s just a piece of cloth. Bilhan ko pa siya ng maraming polo eh, makikita niya.”

“Hey remember, you have encountered many people who are worser than him. But like I said, you still manage to keep your temper.”

“I don’t know why I’m like this. He can easily break the even-tempered me. Even though he’s a total stranger! Pero basta, naiinis ako sa kanya,” pagdadabog niya.

Tumawa ito. Inis na binalingan niya ito ng tingin. “Is this what they call love at first sight? Oh my God! You finally found your karma, Ma-an. But infairness, his so good-looking like an angel, fafable na fafable!” kinikilig na buska nito.

“Eww, don’t make a conclusion like that okay. Jusme, baka magkatotoo. Sasakalin talaga kita ‘pag nangyari ‘yon, Agatha.”

“Don’t you dare do that. Let me remind you, girls like me are rare to find and now an endangered specie,” biro nito. Nagkatawanan silang dalawa na pumunta kay Lian. Agatha really makes her laugh, not just her but everyone who are around her. But she can see some sadness whenever she’ll take a glimpse on Agatha’s gray eyes.

GOOD morning, ma’am,” nakangiting bati sa kanya ng mga empleyado, pagkapasok sa sliding door ng building.

Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti. “Good morning too everyone. Who haven’t eaten breakfast yet?” tanong niya sa mga ito. Ganoon siya sa mga empleyado niya, maaalahanin. Tinatanong niya parati kung nakakain na ba. Kapag may problema naman ang mga empleyado niya ay inaabutan niya ng tulong. Wala siyang hinihiling na kapalit, ni hindi na nga niya pinababayad ang mga ito.

Ngunit istrikta siya pagdating sa trabaho. Dapat perfect lahat ng projects. Up to 10 mistakes lang ang binibigay niya, kapag lumampas ay tinatanggal niya. Depende pa rin iyon dahil kapag nakikita niyang magaling at may potensiyal, hindi niya tinatanggal.

“Tapos na po kami, ma’am” sabay-sabay na sagot ng mga ito. Pagkatapos no’n ay magalang siyang nagpaalam at sumakay na sa elevator para pumunta sa kanyang opisina sa 10th floor.

“Good morning, ma’am” bati sa kanya ng secretarya na si Ria.

Binati niya rin ito. “What’s my schedule for today, Ria?” aniya. Sinabi naman nito ang loaded na schedule niya from weddings to meetings.

“By the way ma’am, Miss Andrea is in your office right now,” pag-iinform nito.

“What? What is she doing here?” takang tanong niya dito, nagkibit-balikat lang ito. ‘May kailangan siguro’ sambit niya sa sarili. Mabilis ang paglakad na tinungo niya ang opisina.

“Andrea, what a pleasant surprise to see you,” sabi niya pagkapihit sa doorknob. Nakita niya itong nakaupo sa kanyang swivel chair at may binabasang magazine. Nang marinig ang kanyang boses ay tiningala siya nito.

“Good morning. How are you my dear bestfriend?” nakangiting bati nito sa kanya. Tumayo ito, nilapitan siya at nakipagbeso-beso. She’s right after all, may kailangan ‘tong bestfriend niya. Ganito kasi ito ‘pag may hihinging pabor, pupuntahan siya mismo.

“Get straight to the point, An” maawtoridad niyang sabi dito.

KASALUKUYANG nasa race track si Angel. Matatagpuan ito mismo sa kanilang malawak na bahay. Nag-eensayo siya para sa darating na karera bukas ng gabi. Kailangan niyang manalo para sa MV Agusta F4 CC. Simula pa lang lumabas ito sa market ay gusto na niyang makabili. Makakabili siya ng marami nito. Siyempre sa pera ng mga magulang. But, because of the accident which cause him grounded.He’s afraid that his parents wont buy him a motorcycle ever again.

Naibangga niya kasi ang isa niyang motor, dalawang linggo na ang nakakaraan. Nagkaroon siya ng ilang sugat at naaresto dahil lasing. Salamat sa ninong ni Johnny na chief general, nalusutan niya ang gulo.

Pero kahapon, laking gulat niya nang nalaman ito ng mga magulang. Kaya na-grounded siya ng dalawang linggo.

“Angel! You come here,” maawtoridad na utos ng kanyang ama. He took a U-turn and drove towards the place where his dad was standing. Hindi kaya nalaman na nito ang pagtakas kagabi? Oh please God no! Patay talaga siya kapag alam nga nito. Isang linggo. Madadagdagan ang kanyang pagiging grounded. Nakakabored ‘yon!

Hinubad niya ang helmet na nasa ulo. “What is it, dad?” he said, trying to compose his self. Sinisigurong niyang walang makikitang bakas ng pagkabahala ang gwapong mukha. Kinakailangan niya ang kanyang acting powers sa ganitong sitwasyon.

“You’re really asking me that huh? Angel, my order was very clear. You can’t go outside. When will you grow up, huh? You’re so hard-headed. A simple instruction but you cannot follow it? You’re already 24 for goodness sake! Why not run one of our businesses? It’s better for you to work than waste your time doing non-sensible things!” mahabang litanya nito. “Its time for you to stand all by yourself and stop being dependent on us,” dugtong pa nito.

“Dad, we’re so rich! Even if I won’t work, I can live a life like a king,” sagot niya.

Napabuntong-hininga ito. Nakikita ang malaking iritasyon sa mukha. “That’s another thing that I hate about you. You’re too irresponsible! I really wish that someone will walk in your life and will change you. That must be, ASAP!”

“Dad, don’t say bad words. There will be no person who can change an Angel Mercado. Huh! Talking about impossible,” madiin na sabi niya rito.

“Let’s see about that. When that time comes son, I will surely be the first one who’ll laugh at you,” sabi nito. Lumakad na ito palayo na ikinapanatag niya ng loob. Hindi na madadagdagan ang pagiging grounded niya. Pero laking dismaya niya nang lumingon ito at sinabing, “Oh by the way, you’ll be grounded for another week. I’ll confiscate all of your gadgets.”

“Dad, please don’t do that! Not the gadgets,” he pleaded.

“You can’t stop me, Angel. My decision is final. Para magtanda ka na rin,” sabi nito at nagmamadaling lumakad na dahil may naka-sched pa itong meeting.

Chapter 3 preview

Wait, is this what they call love? Napailing ang dalawa at tumayo mula sa paghiga sa kama ng mga ito.

“This is not happening. Not with that girl!”

“Magpapakamatay na lang ako kapag ganun. Kahit sino basta ‘wag lang sa lalaking ‘yon!”


Talakayan

13 thoughts on “DGC: The Perfectionist’s Karma – Chapter 2

  1. ayt..exciting nmn 2..nxt chap n

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 9:53 umaga
  2. ganda ng kuwento…cmula p lng mganda n

    Posted by alma | Agosto 28, 2012, 7:59 hapon
  3. grabeh sobrang pasaway c angel.hehe.

    Posted by belle | Pebrero 9, 2012, 11:27 hapon
  4. itong chapter na! mabasa na nga

    Posted by mane9185 | Disyembre 28, 2011, 12:35 hapon
  5. hahaha eaeang anghel ..

    Posted by chelle | Setyembre 21, 2011, 12:26 hapon
  6. cute story

    Posted by mhayie | Hulyo 29, 2011, 9:50 hapon
  7. ang ganda naman po ng stry pasaway si angel

    Posted by jane23 | Mayo 24, 2011, 9:58 umaga
  8. ganda tlaga khit nakakabitin ung story…kulang na ung gils ko para sa next chapter 2 weeks pa bgo ako makapagipon huhuhu….T_T

    Posted by rhein131 | Mayo 11, 2011, 3:40 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: