
The Perfectionist's Karma
Hindi maipinta ang mukha ni Mariz habang nakaupo siya sa swivel chair ng kanyang opisina. Kanina pa kasi siya naghihintay sa kanyang current boyfriend na si Florence. Pasado ala-siyete na ngunit hindi pa rin ito nakakarating. 6:30 ang usapan nilang susunduin siya dahil pupunta sila ngayon sa bar upang ipapakilala ito sa members ng dangerous girls’ club.
Florence is one of the eligible bachelors of the country. His tall, lanky, and handsome. Movie star material ang kagwapuhan nito. Kahit sino ay mabibighani. Bonus na ang pagiging mabait, caring, gentleman at sweet nito. Ito ang namumukod tanging naka-abot ng isang linggo sa lahat ng naging boyfriends niya. Pero nang dahil sa ginawa nito ngayon. Pareho ang magiging kahihinatnan nito sa mga past boyfriends niya.
She’s a perfectionist. She doesn’t care if he’s the total package. Dahil sa pagiging late nito, na siyang pinaka-ayaw niya sa lahat, he will end up just like her past 50 boyfriends. He’ll be dumped.
Inis na tiningala niya ang wall clock ng opisina. 7:30 na, for god’s sake! Kasabay noon ay ang pagbukas ng pinto. Iniluwa roon ang hinihingal na si Florence.
Inilang hakbang nito ang pagitan nila. Nang hustong makalapit ay hinalikan siya sa pisngi. This is another thing she likes about him. He’s a total gentleman. Hanggang halik sa pisngi at holding hands lang ito. Hindi namamantala kahit magkarelasyon na sila. ‘Di tulad ng mga ex niya na todo tsansing sa kanya.
“Sorry kung natagalan ako, babe. May emergency kasi kaya-” hindi na nito natapos ang anumang sasabihin nang itinaas niya ang kaliwang kamay. Nangangahulugang ‘wag na nitong tapusin ang sasabihin.
“We’re over,” matigas na sabi niya. Ang magandang mukha ay hindi nakikitaan ng emosyon.
“Why? What did I do wrong?” May hinanakit sa boses nito.
“You’re an exceptional guy, Florence. But I really hate people who gets late. You know me, time is very precious that I don’t want to waste even one second,” nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kung kanina ay hindi kinakabakasan ng emosyon, ngayon naman ang mukha ay naging sensero. “I’m sorry. Your kind, good-looking, intelligent, rich and a gentleman… a guy every woman dreams to be with. You should find someone who will love you the way I couldn’t. I don’t deserve you. You deserve someone better. I hope we can still be friends though.” Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis ng sabihin ang huling pangungusap.
“I-I understand. Even if it hurts, I have to accept it. I can’t imprison you in a one-sided relationship. Thanks for the happy memories, Mariz. Can I kiss you before it’s officially over between us? Please?” pagsusumamo nito. Pagbibigyan niya ang hiling nito, tumango siya at binigyan siya nito ng halik sa labi.
Wala siyang naramdaman na kahit ano sa halik nito. Sinubukan niyang mahalin ito pero kahit nandito na lahat ng katangiang hinahanap ng isang babae. Hindi niya pa rin ito magawang mahalin. Kahit sa sinong naging nobyo niya, wala rin siyang naramdamang espesyal. Kaya siguro madali lang sa kanya ang makipaghiwalay sa mga ito.
“Don’t hesitate to call me whenever you need someone to talk to, okay? Kahit hindi na tayo ay nandito pa rin ako. A friend you can always have,” wika nito pagkatapos ng halik. Sobrang bait talaga nito. Sa lahat ng naging nobyo niya ay ito ang pinakamabait, kaya nakakaguilty kahit papaano. “See you around.” Nakangiting tumalikod ito. Lumungkot naman ang mukha pagtalikod at nagsimula ng maglakad palabas.
Another exceptional man was dumped. Napabuntong-hininga siya. Kailan kaya niya makikita ang ‘The One’? The man who will turn her world upside down. ‘Yong lalaking magpapatibok sa kanyang pihikang puso. Na kahit anong gawin nitong ayaw niya ay palalampasin at hindi niya hihiwalayan tulad ng nangyari sa mga past boyfriends niya. Nakakasawa na rin kasi itong ginagawa niya. Madami na ang nakakadate at nagiging nobyo niya pero hindi niya pa rin nahahanap ang kanyang soul-mate.
Tumayo siya at dinampot ang Gucci bag sa table. Io-off na sana niya ang kanyang laptop ng biglang may nag-pop na message sa kanyang yahoo messenger. Umupo siya ulit.
Darkangel: Hello there, beautiful! How’s your day?
Sumilay ang isang ngiti sa kanyang likas na mapupulang labi. Tatlong buwan na niyang ka-chat si darkangel. Aksidente niyang nakilala ito nang namali siya ng type sa isang email address ng kaibigan na ia-add niya sana sa kanyang contact. Timing naman na online din ito kaya agad nitong na accept ang kanyang request. Nagchat ito ng hello. Dahil sa walang magawa noon ay nakipagchat siya dito. Doon na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Aaminin niya, sa una pa lang nilang pag-uusap ay magaan na ang loob niya rito. ‘Yun bang pakiramdam na matagal mo nang kakilala ang isang tao.
Beautyme: Hi, handsome ‘daw’ 🙂 As usual, my day is tiring. Lots of clients and weddings to plan. How about you?
Darkangel: lol. Bakit may daw? Hmm, well, same as always…boring. But now I’ve talked to you, it became wonderful.
Napatawa siya. Ang bolero talaga ng loko. Naputol ang kanyang pagtawa ng marinig ang busina ng kotse ni Christine. Nag-alala na siguro ang mga dangerous girls’ dahil hindi pa siya nakararating sa bar na pagmamay-ari ni Andrea, ang kanyang bestfriend na member rin ng DGC.
Beautyme: Bolero ka talaga. Uhm hey! Got to go. May lakad pa kasi ako eh.
Darkangel: Okay, bye. Take care coz I care 🙂
Beauty me: Ikaw din. Bye 🙂
NAKANGITING isinara ni Angel ang laptop. Nang makita niya kaninang naka-online ang kanyang chatmate ay napagpasyahan niyang makipagchat muna dito bago pumunta sa lakad niya. Napatingin siya sa pambisig na relo. 7:45 na pala, kailangan na niyang umalis.
Sa may bintana siya dumaan. Patingin-tingin siya sa paligid. Humahanap ng tiyempo upang makaalis ng bahay. Sobrang mahigpit kasi ang security sa bahay nila. Lalong-lalo na ngayong grounded siya at kabilin-bilinan ng kanyang papa na ‘wag siyang paalisin ng bahay.
Kaisa-isang anak si Angel ng isang napakamayamang pamilya. Kaya natural lang na mahigpit ang mga magulang niya para sa kanyang kaligtasan. Lalong-lalo na sobrang lapitin siya sa gulo. Mahilig siyang makipagrambulan, makipagbasag-ulo, mahilig sa mapanganib na bagay at iba pa. Isang napakamalaking pasaway at bad boy.
“Saan ka pupunta, sir Angel?” sabi sa kanya ni Maria. Isa sa kanilang mga maids.
“Tatakas sana. Sshh! Huwag mong sabihin kay papa ah? Please?”
“Naku naman sir Angel. Di’ba kabilin-bilinan ni senyor na ‘wag kayong umalis? Dumito na lang kayo sa bahay. Mapapahamak pa tayo pareho pag-nalaman ‘to ni senyor eh,” litanya nito.
“Hindi naman niya malalaman kapag hindi mo naman sasabihin eh. Sige na Maria, please?” nagpuppy eyes siya rito. Tulad ng ibang mga babae ay hindi ito nakatakas sa kanyang karisma. Bukod sa pasaway ay playboy rin siya. Kaliwa’t kanan ang kanyang mga flings at girlfriends. Hindi na kailangang gumawa ng first move sa mga babaeng nagugustuhan dahil kusa ang mga itong lumalapit sa kanya. Sino naman ang hindi mahuhumaling sa isang Angel Mercado? Pangalan pa lang kitang-kita na. Napakaamo ng mukha niya na tulad ng sa isang anghel. Malakas ang kanyang karisma at sa tangkad na 6’ft ay lahat ng babaeng nakakakita sa kanya ay nahuhumaling sa kanya.
“Sige na nga! Basta bumalik lang kayo agad ah?” kuway wika nito. Napatanga na lang ito ng halikan niya ito sa pisngi.
“I will. Sige, thank you Maria.”
“O DEVIL, mabuti at nakarating ka,” birong bungad ni Johnny. Isa sa kanyang mga bestdudes.
Tumawa naman ang isa pa niyang bestdude na si Laurence. “Siyempre dadating ‘yan. Marami kayang chikababes doon sa loob at balita ko nandoon daw ang mga dangerous girls sa loob ngayon. Ano pare, kamusta ‘yung pagtakas mo sa bahay niyo? Nahuli ka ba?” tanong nito. Alam kasi ng mga ito na grounded siya at hindi pwedeng lumabas ng bahay for two weeks.
“Okay, naman. Muntikan ng mahuli, buti na lang nalusutan ko,” tumatawang sagot niya.
Lima silang magbebestdudes: siya, si Johnny, si Lemuel, si Laurence at si August. Magkaibigan at magkakilala na sila simula kindergarten. Magkasama sa mga kalokohan at kapilyuhan.
May tumigil na isang 2010 Mercedes-Benz CL-class. Lumabas doon si Lemuel na may abot hanggang tengang ngiti.
“Angel na devil, may hihilingin sana ako sa’yo.”
“Ano ‘yun, Lemuel?” tanong niya. Sinabi naman nito ang pabor. Napasok daw ito sa isang pustahan. Sa isang karera ng motor. It’s a matter of life and death para dito.
“Sige na, Angel. I know you can win this, para saan pa’t nagchampion ka sa motor cross kung hindi ka mananalo dito. If you win this, I’ll buy you an MV Agusta F4 CC,” sabi nito nang makita na nag-aalangan siya.
“Cool! Okay, I’m on,” excited na tugon niya. Kailangan niyang manalo. Hindi rin kasi biro ang kapalit.
“It’s a deal then. Oh by the way, where’s August?” tanong ni Lemuel.
Tumawa naman ang tatlo sa tanong nito. Hindi pa pala nito alam kung ano ang pinaggagawa ng isang kaibigan. Dahil kararating lang mula sa isang business trip sa London.
“Busy sa paghahabol kay Monday Vargas. You won’t believe it man. He got that deadly virus called love-love-love.” sagot niya na tumawa pa ng malakas.
“Don’t make fun of it, Devil. You don’t know, maybe today you will get that deadly virus too.” bara ni Lemuel sa kanya.
“Never!”
“You never know it man. Oh common, let’s go!” aya ni Johnny. Pumasok na sila sa loob ng bar. May pakiramdam siya na sa gabing ito, may mangyayaring makapagbabago sa takbo ng buhay niya.
Chapter 2 preview
“Oh, shit!” usal nito.
“I’m sorry,” hinging-pasensya niya. Kumuha siya ng handkerchief para punasan ang polo nitong nabuhusan niya. May naramdaman siya sa pagpunas sa polo nito, na parang dibdib na yata nito ang pinupunasan niya. Dahil nabasa ang manipis na tela ng polo nito, naging visible sa kanyang mata ang ganda ng katawan nito. At namula siya na parang kamatis nang makita ang abs nitong bumukat sa polo nitong nabasa niya. Parang napasong agad niyang inalis ang kamay kasama ang pagtaboy sa estrangerong damdaming lumulukob sa kanya.
Ang Ganda ! Dapat Mabasa Yan Ng Mga BADBOYS AND BADGIRLS ! 😛
Ang taray ni ate,,neron b tlgang taong almost perfect n when it comes to physical aspects,,😉
ahahahh..ayt lab it..
wahhhh haylabit!!!!! angel n devil, sa my sweet stranger po b un…xa b un?
opo, xa po un hehe. Bestfriends cla 🙂
wow! ganda teh ! 😀
cool………….
e2 ba ung bestfriend ni august na c angel sa my sweet stranger?.. .
opo hehe. Siyang-siya nga 😀
Miss marysol, kau rin po c miss mharliz? 😉 love ko po lahat ng gawa nyo at halos lahat ng nbasa ko dto sa TOP ay talagang top na top dahil sulit n sulit time mong magbasa… Sabi nga ng patalastas: once u pop u can’t stop! 😉
gusto q to.hmmm mukhang magmeet clang 2 ngaun ah.hehe
huhuhuhuh i can’t afford this ;(
Paano poh ba kumuha ng gils?hnd q poh maintndhan.,
http://tagalogonlinepocketbook.com/stories/
dyan ka muna sa TOP archives magbsa Althea kc wlng gils yan,
ito nmn po, qung panu mag earn ng gils:
http://tagalogonlinepocketbook.com/stories/how-to-earn-gils/
really
this in not real
ang mahal anman…:(
naman pala un…
pasensya na po ha? Mahal po siya kasi series po xa, at desisyon po ito ng admin na gawing 50 gils bwat kabanata ng DGC: PK
no money to pay the gils…. next time nalang
mag ipon2 po muna kayo 🙂 Pasensya na po tlg, mas mbuti n nga po ngaun kc 50 gils nlng, ung dati 200 gils per chapter eh 🙂
mahal pero worth it ;)))
mrming slmat po. Super aqung msaya dhil khit sobrng mahal, nggwa nyo p ring ipagpalit ang gils nyo just to read DGC: PK. thank u so much po
Exciting..kaso mahal haha..sana 50 gils nlng o kya 10..haha
ahaha demanding? Pro pwera biro, hnd nmn aquh ang nagset ng rule n yan. Kung ako lang sna ang magpapasya ggwin quh tung 10 gils lang kso ang pagpapasya ay nsa admin eh
nice naman ng story…can’t wait to read the whole story…kaya lng i don’t have much gils na:((((( help!!!!!
mrming slmt po 🙂 Add lng po kau ng add ng friends at pniguradong ddmi ang gils nyo 🙂
i really really wanted to read this but grrrr.. but my gils is not enough/…
Get gils at fate or donate to TOP. Its easy, promise 🙂
Hi !!! Ms. grace pano po kumuha ng gils sa fate ???
may account ka po sa fate ?
argh i want to read this but my gils arent enough haisst auko ksi ng sinsimulan tapos d ko naman matatapos 😦
just add friends cyutie. Ipon ka lang ng ipon. Kaya mo yan. Aja!
hehehe ang cute ang kukulit nla!!!
hehehe. sinabi mo pa jes.. ang kukulit tlg ng dlwang yan ehhehe
bitin! o ayan ha… nagbasa ako, bitiiiin! panghatag pud ug gils Mary oy… maluoy ka, mahal kaayo huhu…
just enough gils for me to finish reading the entire story huhu… anyway, good job day… pabasa sa uban ha? pwede ako mag edit? (haha, para libre basa ^_^)
cn you give me some gils pls…pls…
hahaha si ate thena tlg oh. Si dad man jud, gi-100 per chapter pa jud hehehe..
unang basa plng nakaka intriga na tlaga ung mga characters ng mga DGC….
thank u s pgbbsa 🙂