binabasa mo ang...
SERIES: Destiny

If I Didn’t Love You – START

“Mahal kita at mamahalin kita magpakailanman,” halos pabulong na sabi ni Johnny na nakatitig sa kanya.

Wala sa loob na nasapo ni Denise ang dibdib. Sobrang lakas ang tibok niyon, parang mabibingi siya. Napatingin siya sa binata. Parang hindi siya makahinga. Ngunit bago pa man siya tuluyang madala sa sariling pantasya, nagising siya nang batukan siya nito.

“Aray naman!” reklamo niya. Pero pinandilatan lang siya ng kaibigan.

“Tutunganga-tunganga ka kasi diyan. Ano na?” kunwa’y inis na sabi nito.

Saka niya naramdaman ang matinding kirot ng dibdib. Kirot na kahit araw-araw niyang nararamdaman ay hindi pa rin niya magawang makasanayan. Ngunit pilit siyang ngumiti. Umiwas siya kaagad sa mga mata nito.

“Ang corny naman,” aniyang sinabayan ng tawa at tinalikuran ito. Kasabay din ang pagpatak ng luha sa pisngi na madali niyang pinahid bago muling hinarap ito. “Ang corny-corny!” pang-aalaska niya.

“Ganun? Best effort ko na yun ah,” anang binatang sumimangot.

“Ba’t di mo na lang sabihing I love you. Eh di tapos. Hindi ka pa mahihirapang mag-tagalog.”

“Sa tingin mo, sasagutin ako pag ganun-ganun lang?”

Kung ako, oo. Gusto niyang isatinig iyon pero sa loob ng mahabang panahon, nakasanayan na niyang huwag isatinig ang totoong nararamdaman.

“Malay ko ba ‘no. Hindi naman siya ako.”

“Oh c’mon, Nissy…” anitong tila nahihirapan.

“Ba’t kasi ako ang tinatanong mo.” maktol niya sabay padyak.

“Because you’re a girl. And girls think the same. I need your help very badly. Please… Tulungan mo naman ako.”

Ngumiti siya kahit parang nginangatngat ang puso. “Is that you, Johnny?” aniyang tila hindi makapaniwala sa inaasta nito. Johnny is certified palikero. Nagiging girlfriend nito ang sinumang magustuhan sa konting bola lang. He’s too confident with his good looks. And he himself knew he had this irresistible charm that makes it impossible for a girl to say no. Pati nga siya, apektado sa charm nito. Ngayon lang ito tila desperado at dinadaga ang dibdib. They have been bestfriends for so long that she knew everything about him. Ngayon lang ito naging seryoso sa isang babae dahil ngayon lang ito desperadong humingi ng tulong niya. And though she tried not to think about it, it’s getting on her nerves. Johnny, in love? No way! No no no no way! Dahil pag nagkataon, mamamatay siya sa sakit sa puso.

“I’m serious, Niss.” Napayuko ito at napabuntong-hininga saka tumingin ulit sa kanya. “I’m in love with Naomi.”

Nakagat niya ang sariling labi para mapigil ang emosyong nais kumawala sa dibdib. Sana hindi totoo ang naririnig niya. Sana’y iba ang kausap niya.

“I am so in love and I don’t know how to deal with it.”

Ouch… hiyaw ng puso niya.

“Ano na?” ungot nitong binangga pa ang braso niya.

“Anong ano na? May magagawa ba ako diyan sa nararamdaman mo?” Eh wala nga akong magawa sa nararamdaman ko sa’yo? gusto niyang isigaw.

“Pinsan mo si Naomi, di ba?”

“Hindi kami close,” agarang sagot niya. Besides the fact that she doesn’t really want him to court her, talagang hindi sila magkasundong magpinsan. Magkaiba sila ng wavelength kumbaga. Lalo na pag binibigkas nito ang pangalan niya. Na bagama’t makailang ulit na niyang sasabihing iba ang Denise sa Dennis, Dennis pa rin ang tawag nito sa kanya. And while everybody in the family calls her Nissy, Naomi calls her Dens. She liked Naomi less. Pero ngayon, mas gugustuhin niyang maging si Naomi kesa maging si Denise.

“Still, she trusts you.”

“No, she doesn’t. So if I were you, kung ayaw mong masira ang diskarte mo, huwag mo akong isali diyan sa panliligaw mo.”

Tinitigan siya nito ng matiim. “Kahit na may reward?”

Umangat ang kilay niya.

Naglabas ito ng dalawang ticket sa bulsa. Namilog ang mga mata niya nang makitang VIP ticket iyon sa concert ng Spongecola. Kung love niya si Johnny, love na love niya si Yael!

“Si Kenneth na lang siguro ang isasama ko. More than willing iyon na tulungan ako kay Naomi.”

“Si Kenneth? Eh hindi noon kilala si Naomi!” aniya saka ngumiti. “Tutulungan  na kita, Johnny.”

Mataman siya nitong tiningnan na tila ba nag-iisip kung mapagkakatiwalaan siya. “Hindi rin naman kayo close ng pinsan mo.”

“I lied. We’re like bestfriends. I know her secrets. I know her favorites. And I know perfectly what she likes in a guy.”

Kunwa’y nag-isip pa ito ng matagal-tagal pagkuwa’y walang salitang ini-abot nito sa kanya ang ticket. Napalundag at napatili siya sa tuwa. Hindi niya alam kung dahil ba makikita na niya ng personal ang pinakamamahal niyang si Yael, o dahil makakasama niya si Johnny sa araw na iyon.

“So, ano’ng gusto niyang regalo sakaling manligaw ako?”

Lihim siyang napangiti. “Chocolates. She loves it so much.” Maraming beses na niyang nakitang natutuwa si Naomi pag binigyan ng chocolates. But it always leaves a bad impression. Dahil takot itong tumaba. And if a guy gives her chocolates, she’d instantly hate that guy that very minute. Tutulungan na lamang niyang maka-recover si Johnny kung sakaling ma-heartbroken ito para hindi siya masyadong ma-guilty.

“Wala bang ibang tips? Mahal ang ticket na ‘yan.”

“She likes someone who’s so natural. Kahit naka-tsinelas ka lang, naka-sando at naka-shorts, it’s an ultimate turn on. She likes guys who are confident and intelligent.”

“Tatandaan ko ‘yan.”

“Kailan mo ba planong umakyat ng ligaw?” tanong niya.

“Mamaya,” sagot nito saka napabuga ng hininga. “Actually, gusto ko siyang lapitan kanina, kaso hindi matanggal-tanggal ang kaba sa dibdib ko. Ewan ko ba. Dati nama’y hindi ko nararamdaman sa kanya ang ganito.” Muli itong napabuga ng hininga at napatingin sa kanya. “Thanks for the support, Nissy. This really meant a lot to me. Kahit napipilitan ka lang. Lumalakas ang loob ko parati kapag nandiyan ka sa tabi ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ako natitiyope diyan sa pinsan mo.”

Natahimik siya saglit. Andun na naman ang pinong kurot sa puso. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita. “Ayaw niya ng chocolates,” bigla’y sabi niya.

“Ha?”

“Ayaw niya ng kahit anong pagkain. If you want to please her, bring her roses. Yellow. She loves scented candles, too. And she’s collecting bears. So if you’d bring one, you are most welcome in her house. At mas gusto niya sa nanliligaw, nakaayos. Kaya magsuklay ka. Make sure your nails are clean, dahil iyan ang unang tinitingnan niya. She’s more impressed with guys who know how to keep their mouth shut because she loves to talk. And never ever correct her, if you really want her. She expects you to treat her like a princess.” mabilis na sabi niyang halos hindi na huminga.

Tila hindi makapaniwalang napatingin ito sa kanya. “At niloloko mo lang pala ako kanina?”

Nagkibit-balikat siya. “Para naman may challenge. But since, natitiyope ka pala, nakakakonsensiya naman kung ma-bad trip siya sa’yo unang ligaw mo pa lang.”

Nagulat siya nang bigla siya nitong ipaloob sa matipunong braso nito at niyakap ng mahigpit. “You’re the best, Nissy!” Napaatras siya nang nagsimulang manubig ang mga mata. Itinulak niya ito at pasimpleng kumawala sa pagkakayakap nito. Though she wanted to stay in those arms forever, she knew someone else’s already owned that place.

“Alis na’ko. Baka hinahanap na ako ni Nanay. Salamat dito,” aniyang itinaas ang ticket. At bago pa man ito nakasagot, tumakbo na siya.

“Ingat ka!” pahabol nito.

Hindi na niya ito nilingon dahil tuluyan ng pumatak ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Pilit niyang huwag isipin ang sakit, ang mahalaga’y masaya si Johnny. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya magawa. Masakit talaga. Kung puwede lang niyang kunin ang puso at iwanan sa daan, gagawin niya. Dahil hindi niya alam kung sa papaanong paraan siya makakadama ng saya kung ganitong araw-araw tila tino-torture siya.

Noon, araw-araw pinangarap niya na sana’y magawa siyang mahalin nito hindi bilang kaibigan. Pinangarap niyang ligawan siya nito kahit kunwari lang. All she ever dreamt is for Johnny to feel the same way she feels for him. But it never happened. And now, it seems like it will never happen. Sana, mawala na lang ang nararamdaman niya kay Johnny para hindi na siya masaktan.

Author’s Note:

Hello everyone! This story is one of my favorites kaso wala na akong time magpatuloy. Matagal na siyang naka-store sa drafts folder ko. Kaya nananawagan ako sa lahat, if you find the story interesting, please do make an ending ( o di ba, rhyme). I encourage everyone to participate. It’s an easy way to earn gils🙂 Malay n’yo, kayo manalo. I never knew I could write til the moment I’ve tried. So, have it your way. Make the story yours. Write to express! God bless!

-Calla Lily

TOP DESTINY SERIES RULE

This is one of the special features in TOP wherein members will have the privilege to “finish” the above story. It may contain several endings because members may contribute to it. See list below for more information on how to participate.

  1. FINISH the story (ending must be a total closure) by typing at least 500+ words.
  2. MOST COMMENTED continuation story will be selected for the next round.
  3. POST your story by going to DASHBOARD > Posts > ADD NEW
    1. Select ~Destiny Series as your category
    2. Title Format: Heart Mirage: <Your new title> – End (i.e Heart Mirage: Summer Breeze – End)
  4. Adding Author’s Note is recommended but not required.
  5. Gils reward for non-winner: +300! (as consolation prize)
  6. Gils reward for most-commented ending: +500!
  7. We will approve all possible endings at the end of the month (or whenever they are posted here)

 

About Calla Lily

I write for a cause and that cause is "love".

Talakayan

38 thoughts on “If I Didn’t Love You – START

  1. gnda nmn..

    Posted by nesilita | Enero 11, 2014, 7:50 hapon
  2. nice ang story

    Posted by jjhuls | Nobyembre 15, 2012, 9:17 umaga
  3. hmhm wow ang gnda ,paano n kaya, yan sKT nman pg inlv k s bfrnd m0.tpZ ND k nya,l0ve huh

    Posted by Khrishna | Agosto 24, 2012, 11:46 umaga
  4. ganda ng story…
    kaso bitin sana may gumawa ng ending

    Posted by annamay | Enero 2, 2012, 2:50 hapon
  5. i like but betin sana my ending yan,kng ako i gusto read a happy inding

    Posted by Analyn | Disyembre 30, 2011, 7:50 hapon
  6. ganda.. parang alam kuh na ung mangyayari jejeje….

    Posted by annei _1990 | Nobyembre 3, 2011, 4:28 hapon
  7. cute talaga ng story

    Posted by dyna jane | Oktubre 11, 2011, 5:37 hapon
  8. ang ganda.. pero kawawa naman si denise

    Posted by Naiome | Setyembre 12, 2011, 11:50 hapon
  9. hahaha,, wait,, gagawan ko to ng ending.. ahahaha,,, cge2x gwan ko to… ala ako mgwa eh…gwa nlng ako n2,,, hmm,,, ahahaha,, nkakalerki,,sumasakit pa puso ko n2,,,,wehehehe

    Posted by Irene123 | Setyembre 12, 2011, 7:59 umaga
  10. ang ganda naman..parang sad lang siya..hayyyyyyyyyy

    Posted by cutiektine | Hulyo 30, 2011, 11:30 hapon
  11. ang ganda pala nito..tapos na poh ba toh?

    Posted by neverbethesame | Hulyo 9, 2011, 4:38 hapon
  12. ang gondo nomon ng story!:)

    Posted by agashijang | Hunyo 20, 2011, 11:03 hapon
  13. cute ng story!^^

    Posted by agashijang | Hunyo 4, 2011, 6:26 hapon
  14. .ganda ! sana makaipon pa ako ng gils para mabasa kadugtong nito

    Posted by nickejoe06 | Mayo 27, 2011, 5:35 hapon
  15. hello🙂 bago lang kc ko eh, panu ba makakakuha ng maraming gils? thanks for the help :))

    Posted by kaii | Mayo 26, 2011, 12:04 hapon
  16. kala ko tapos toh? sayang naman…. U should finished it…

    Posted by ghize | Mayo 9, 2011, 10:10 hapon
  17. SANA MAY TUMAPOS NITO PARA NAMANA MABASA NAMIN HANGGANG SA HULI

    Posted by christine | Mayo 7, 2011, 9:17 hapon
  18. sayang nmn ung story kung hindi matatapos… sana nmn may tumapos nito..

    Posted by jhem23 | Mayo 7, 2011, 11:04 umaga
  19. oo nga…sana…

    Posted by enangpot07 | Mayo 6, 2011, 10:21 hapon
  20. ending lng poh ang gagawn.how ung body?ung ibng chapters?

    Posted by kkeith | Mayo 6, 2011, 10:09 hapon
  21. waaahh!!! ganda naman nito Miss Calla!😀 sana madugtungan na to…

    Posted by jeh089 | Mayo 6, 2011, 6:32 hapon
  22. sana taposin nlng ng author.. ganda ng story eh…

    Posted by chubby | Mayo 6, 2011, 4:25 hapon
  23. te tinz kaw na tumapos oh! ahaha ang ganda te calla!

    Posted by Ikai08 | Mayo 6, 2011, 2:24 umaga
  24. ganda nman ng story syang nmen…
    sna my tumapos nitoh….

    Posted by clarkeys | Mayo 5, 2011, 10:11 hapon
  25. cute story

    Posted by lizzy | Mayo 5, 2011, 2:58 hapon
  26. please finish the story it’s really good🙂

    Posted by regineruedas | Mayo 4, 2011, 6:01 hapon
  27. nakakabitin…
    sana nman may magdugtong na, nakakaawa naman si denise.

    Posted by Blackjewel | Mayo 4, 2011, 3:07 hapon
  28. nice story.. sana magkaroon ng magandang ending..

    Posted by angelits | Mayo 3, 2011, 5:36 hapon
  29. para pong may kahawig syang kwento…but i want to read…. challenge a love story nila eh..

    Posted by jermae | Mayo 3, 2011, 1:15 hapon
  30. cute…

    Posted by yxor | Mayo 2, 2011, 5:13 hapon
  31. writer rin po ba kayo rito???

    Posted by IAmTheChronicle24 | Abril 30, 2011, 3:54 hapon
  32. ang cute nman.. may iba pa bang chapters yan???

    Posted by IAmTheChronicle24 | Abril 30, 2011, 3:53 hapon
  33. ate calla parang mas maganda siya basahin pag marami ang chapters haha

    Posted by itsgonnabeme | Abril 30, 2011, 11:31 umaga

Trackbacks/Pingbacks

  1. Pingback: If I Didn’t Love You: Crossroads – END – Tagalog Online Pocketbook - Mayo 8, 2011

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Abril 2011
M T W T F S S
« Mar   May »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: