binabasa mo ang...
SERIES: Destiny

Heart Mirage: The Awakening – END

Read Heart Mirage first before reading this.

Sa huling pagkakataon, tinapunan ko ng  tingin ang mansyon na kinakain ng malaking apoy. Parang kailan lang punung-puno iyon ng masayang tawanan naming lahat. Ngayon, katulad ng pamilya ko, magiging abo na din ang bahay na kinalakihan ko. Kasama na lahat doon ng masasayang alaala… wala na akong babalikan pa.

Nakaramdam ako ng mainit na likidong pumatak sa pisngi. Pinilit kong ihakbang ang nanginginig kong binti. Kailangan kong magpakalayu-layo. Kailangang kong pumunta sa lugar na kahit kailan hindi matutunton nga mga masasamang taong gustung umubos ng pamilya namin at saka ko iisipin kung papaano ko ipaghihiganti ang bawat buhay na kinuha nila. Kailangan kong makamit ang hustisyang nararapat sa pamilya ko. Balang araw, magababayad ang sinumang may kagagawan ng lahat ng ito at maipaghihiganti ko ang mga mahal ko sa buhay. Ipaparamdam ko sa taong iyon ang lahat ng sakit at pait na nasa dibdib ko ngayon. Pero sa ngayon, kailangan kong tumakas.

Marahas kong pinahid ang pisngi at binilisan ang bawat hakbang hanggang sa makapasok ako ulit sa isang madilim na lagusan. Kinapa ko ang hawak na flashlight at lakad-takbo ang aking ginawa. Ilang minuto ang lumipas subalit hindi ko mahanap ang dulo ng lagusang iyon. Naisipan kong bumalik subalit natatakot akong maabutan ng mga nakasunod sa akin.

“Tigil!” anang munting boses.

Muntik na akong mapasigaw sa takot. Ang lapit-lapit ng pinagmulan ng tinig. Bigla akong napaatras sabay tutok sa flashlight na hawak-hawak ko.

“Sino ka?!” gulat na sambit ko. Mas nagulat ako nang isang batang paslit ang naaninag ng ilaw mula sa flashlight. Itinakip ng bata ang dalawang kamay sa mata dahil  nasisilaw ito. Bahagya kong inilayo ang liwanag sa mukha nito.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” sita ko sa bata. Huminahon ang tinig ko pero hindi maalis sa isip ang pagtataka. Bakit may bata dito?

“Parati akong nasa tabi mo, ngayon mo lang ako ulit napansin,” may himig sama ng loob na sagot nito.

Halos nalukot ang noo ko sa narinig. Parati?

“Takbo ka kasi ng takbo. Hindi mo naman alam kung ano ang tinatakasan mo.”

“Hoy bata, huwag mo akong niloloko. Hindi biro ang nangyayari sa buhay ko. May gustong pumatay sa akin kaya ako tumatakbo. Kaya wala akong panahong makipaglokohan sa’yo.”

“Hindi kita niloloko. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi mo kailangang tumakbo?”

“At ano? Hayaan silang patayin ako?”

“Wala namang papatay sa’yo” anitong nakanguso.

Mataman kong pinagmasdan ang batang babae. Kung magsalita ito’y parang matanda pa ito sa akin at tila siguradung-sigurado sa bawat sinasabi nito. Wala akong panahong makipagkuwentuhan pero hindi ko magawang iwanan ang bata.

“At bakit kita papaniwalaan?”

“Dahil ako ang anghel dela guwardiya mo.” anitong nakangiti.

Nagsalubong ang kilay ko. Mababaliw ako sa batang ito. Pero saan ba ito nanggaling?

“Ba’t ba ayaw mong maniwala? At bakit ba paulit-ulit mo akong kinakalimutan? Kailangan mo ng bumalik. Kailangan mo ng tumigil sa pagtakbo.”

Sukat sa narinig ay may kung anong pait na gumuhit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung saan nagmumula iyon. Pero hindi ko maiwasang  madama ang lungkot sa tanong niya. Talaga bang kilala ko ang batang ito? Talaga bang paulit-ulit ko itong kinakalimutan?

“Kailangan mo ng bumalik. Kailangan mo ng tumigil sa pagtakbo.”

Bakit ba ako nagpapaloko sa batang ito? Kailangan ko nang umalis sa lugar na iyon kung hindi’y baka matagpuan ako ng masasamang loob na siyang pumatay sa buong pamilya ko. Pinatigas ko ang aking tinig. “Tigilan mo na ang pagsisinungaling mo. Umuwi ka na sa inyo, tiyak na hinahanap ka na ng mga magulang mo.”

“Hindi ako nagsisinungaling. Hindi nagsisinungaling ang mga anghel.”

Muli, naramdaman ko ang sakit. Ni hindi ko matingnan sa mga mata ang bata. “Kung anghel ka, bakit wala kang pakpak?”

“Kapag nagtagumpay ako sa misyon ko, saka daw ako tutubuan ng pakpak.”

“Ano bang misyon mo?”

“Ikaw.” anitong tiningnan ako sa mata. Kaagad akong umiwas ng tingin dahil tila nanunuot iyon sa kaibuturan ng pagkatao ko. “Ikaw ang misyon ko. Kailangan kitang gisingin. Kailangan kitang patigilin sa pagtakbo. ”

“May humahabol sa akin! May gustong pumatay sa akin! Kung ikaw ang anghel dela guwardiya ko, protektahan mo ako laban sa kanila at hindi ako tatakbo!” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses. Pero nakatingin lang sa akin ang bata. “Nakita mo ang ginawa ng mga taong iyon sa bahay namin? Sinunog nila! Kung hindi ako tumakbo, pati ako, masusunog doon! Ngayon, bakit mo ako patitigilin? Para mamatay din ako?”

“Matagal nang nangyari iyon. At hindi sila ang may kagagawan ng apoy.”

“Kung hindi sila, sino?”

Hindi ito nagsalita subalit malungkot ang mga matang nakatingin sa akin. “Kailangan mo ng alalahanin ang lahat.”

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Sabay tigas ng pag-iling ko nang pumasok sa aking balintataw ang sarili kong nagsindi ng posporo at inihagis iyon sa mga damit na nasa sahig. Hinayaan kong magliyab ang apoy habang hilam ang luhang nakatitig sa nasusunog na mga damit. Napahawak ako ng mahigpit sa ulo. At pumasok sa balintataw ko ang masasamang taong pumasok sa bahay namin at sinunog iyon. Tila mabibiyak iyon sa sa dami ng iniisip. Alin ba sa mga bagay na nakikita ko ang totoo? Alin ang hindi? Sino ang mas paniniwalaan ko?

Bigla’y may humablot sa braso ko. Isa iyon sa masasamang loob na nakita niya sa surveillance cam. Napasigaw ako. Kaagad kong sinipa iyon. may dumating na isa pa at hinawakan ako sa magkabilang braso.  Kahit buong lakas na pagpupumiglas ko, hindi ako makawala dahil sa lakas ng mga ito. May sinasabi ang mga itong hindi ko maunawaan.

“Tulong!” biglang tawag ko dahil sa takot.

Dalawang maliliit na kamay ang humawak sa akin.

“Huwag kang matatakot. Hindi kita iiwan.” anito.

“Pigilan mo sila! Papatayin nila ako!”

“Hindi ka nila papatayin. Tutulungan ka nila.”

Hindi ako tumigil sa pagpupumiglas at pagsigaw. Hanggang maramdaman niyang may itinusok na karayom sa braso ko. Alam ko kung ano iyon. Nagpumilit pa rin akong manlaban habang may lakas pa ako. Hindi ako puwedeng sumuko. Hindi ako puwedeng mamatay ng ganun-ganon lang dahil hindi ko pa nakakamit ang hustisya sa nangyari sa pamilya ko.

Pero huli na ang lahat. Naramdaman niyang tinakasan na ako ng lakas. Nakahawak pa rin ang munting kamay sa akin. Sana’y hindi na lang ako nag-aksaya ng panahon sa batang iyon. Hindi sana magwawakas ang buhay ko ngayon.

NAGISING ako na pawang puti ang nakikita ng paligid.

“Nasa langit na ba ako?”

“Nasa lupa pa rin.” anang maliit na tinig.

“Hindi ako patay?”

Umiling-iling ito.

Saka ko napansing nakahiga ako sa hospital bed.

“Nasa ospital ako?”

“Nakikita mo na ba?” anang bata.

Ilang beses siyang napakurap para siguraduhing hindi ako nananaginip. Bakit nasa ospital ako?

Saka biglang bumuhos ang alaala sa akin.

“Saan ka nanggaling?”

Napapitlag ako sa gulat nang marinig ang boses ng daddy ko.

“S-Sa libra-”biglang humalagpak sa pisngi ko ang mabigat na palad nito. Muntik na akong mapasadsad sa sahig. Napahawak ako sa pisngi habang abut-abot ang kaba sa dibdib.

“Hindi kita pinalaking sinungaling! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo, Danica? Walang lugar sa pamilya ko ang maralitang iyon! Hindi ko kailanman hahayaang dungisan ang pangalang matagal kong iningatan!”

“Pero mahal ko si Emman, Dad!” hindi ko napigilang sabihin. Biglang nanlisik ang mata ng daddy ko at muling dumapo sa pisngi ko ang palad niya. Tuluyan na akong napasubsob sa sahig sa lakas ng sampal na iyon.

“Hindi ka pwedeng makipagkita sa lalaking iyon! Kapag nagpumilit ka pa, ako mismo ang papatay sa walanghiyang iyon!”

Nanghinlakbot ako sa narinig at napayakap sa sarili. Hindi maari! Kailangan kong makausap si Emman. Kailangan naming tumakas sa lalong madaling panahon! Subalit tila alam ng daddy ko ang iniisip ko’t kinaladkad niya ako papunta sa silid ko at kinandado iyon.

“Diyan ka, hangga’t hindi ka nakakapag-isip ng matuwid! At tuturuan kong lumugar sa tama ang maralitang iyon!”

“Dad! Please, huwag mong sasaktan si Emman!” samo ko pero tila wala itong naririnig.

“Buksan n’yo to, parang awa n’yo na!” sigaw ko.

“Carlos!” Narinig kong sigaw ng Mommy.

“Mom! Tulungan n’yo ako!”

“Huwag mo akong pakialaman, Imelda! Dapat matuto ang anak mo!”

“Hindi mo dapat sinasaktan ang anak mo!”

Narinig kong pumihit ang seradura ng pinto subalit kasabay noon ang tunog ng suntok at ungol ng mommy ko.

“Mom!” hiyaw ko.

“Sasamain ka sa akin, Imelda kapag nakialam ka rito!” banta ng Daddy ko.

Kaagad akong naghanap ng lagusan mula sa silid ko para makatakas. Subalit maliban sa bintanang nakakandado rin,wala akong maaaring pwedeng labasan.

Sa loob ng isang linggo, nakakulong ako sa silid. Hinahatdan lang ako ng pagkain. Bantay-sarado ang silid ko ng nga tauhan ng Daddy ko. Nag-aalala ako kay Emman. Palagi kong ipinagdarasal na sana’y nasa mabuti siya. Na sana’y nakapagtago siya para hindi siya masakatan ng daddy.

Kinagabihan, may sulat na kalakip ang hapunan ko. Sulat-kamay ni Emman.

Patawarin mo ako Danica at kailangan kong lumayo. Hindi kita kayang ipaglaban. Mas makabubuting para sa atin ang maghiwalay. Sana’y makatagpo ka ng lalaking magmamahal sa’yo ng higit pa sa pagmamahal ko. Mahal na mahal kita. Paalam.

Nanghina ako sa nabasa. Nawalan ako ng ganang kumain. Bumalot ang lungkot sa buong paligid ko’t tila hindi ko makakayanan ang sakit na nasa puso ko. Araw-gabi akong tumangis. Subalit kahit gaano pa kadami ng luhang nailuha ko’y hindi man lang nabawasan ang sakit na nararamdaman ng dibdib ko. Kung wala rin lang si Emman, hindi ko na gugustuhing mabuhay pa. Kinuha ko ang lahat ng gamot sa medicine cabinet. At pikit-matang ininom lahat ng iyon.

Nang mamulat ako’y hindi ako makagalaw sa sobrang panghihina. Nakahiga ako sa kama ko’t may doktor na tumitingin sa akin. Sa tabi’y nakita kong umiiyak ang Mommy ko habang panay hagod sa noo ko.

“I’m sorry, you lost the baby.” anang doktor

Hindi ako nakaimik sa narinig. Nanlaki ang ulo ko at tila sasabog iyon. Baby? B-Buntis ako?

Nanangis ako nang mapagtantong wala na ang buhay sa loob ng sinapupunan ko. Wala na ang anak ko! Ang anak namin ni Emman! Nanginig ako nang makita ang bahid ng dugo sa kubrekama. Napasigaw ako sa sakit na naramdaman ng dibdib ko na tila walang katulad. Buong magdamag akong umiyak. Bakit ako nabuhay pa?

Nang mapag-isa ako kinagabiha’y kinuha ko lahat ng may bahid ng dugo pati ang suot ko saka kumuha ng posporo. Sinindihan ko iyon at inihagis sa damit na nasa sahig. Yumuyugyog ang balikat ko habang pinapanood ang pagliyab ng apoy.

Patawad anak… sabi ko sa sarili’t tinanggap ang aking katapusan. Akala ko’y hindi na ako magigising pa. Subalit nagising ako kinabukasan sa ospital. At napag-alaman kong ako lamang ang nakaligtas.

Wala akong ibang gustong gawin kundi ang tumakas at tumakbo. Dahil mas madaling tumakbo kesa sa humarap sa buhay na puno ng sakit at pagdadalamhati.

Humahagulhol ako nang maalala ang nakalipas. Nayakap ko ang sarili. Pinatay ko ang buong pamilya ko!

“Pinatawad ka na nila.” anang bata.

Hilam ng luha ang mga matang napatingin ako sa kanya.

“Mapayapa na sila at masaya sa kinaroroonan nila ngayon, kaya dapat ganoon ka rin. Kailangan mo ng patawarin ang sarili mo dahil pinatawad ka na nila. Dahil mahal ka nila.”

Lalo akong napahagulhol sa narinig ko. Makakaya ko bang patawarin ang sarili ko?

Hinawakan ng bata ang mga kamay ko. Saka ko lang siya natitigan ng husto. May kung anong pumunit sa puso ko nang mamasdan ang bilog na mga mata nito, ang umbok na mga pisngi at makipot na labi. Kamukhang-kamukha ko ang bata.

“Ikaw ba?” tanong ko na halos di lumabas sa bibig. “II-ikaw ba ang b-baby ko?”

Tumango ito. Ganoon na lang ang pagbalong  ng luha ko. Inabot ko siya’y kinalong at niyakap ng buong higpit.

“Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ang Mommy.”

“Matagal na kitang pinatawad, Mommy. Kasi, mahal na mahal kita.”

Hindi maampat ang pagpatak ng luha ko. Tila may kumuha sa mabigat na nakadagan sa dibdib ko’t naglaho lahat ng sakit at nakakita ako ng liwanag sa madilim na mundong kinalalagyan ko.

Niyakap niya ako’t hinalikan sa noo. Bigla’y lumabas ang pakpak sa likuran nito. Lumiwanag ang buong paligid. Puting-puti na halos nakakasilaw. Ang aking munting anghel, nagkaroon na ng pakpak. Nadama ko sa puso ko ang galak na walang kaparis. Saka ko lubos na naunawaan ang misyon niya sa buhay ko. Ang kapatawaran na ipinagkait ko sa sarili ko’y siya niyang ibinigay sa akin. At siyang nagbigay ng pag-asa sa akin na ipagpatuloy ang buhay.

“Hindi ka na tatakbo ulit Mama ha.”

Hindi ko napigilan ang pagbalong ng luha. Tila kinuyumos ang dibdib ko sa emosyong nararamdaman. “Hindi na… Nagising na ako sa masamang bangungot na iyon. Basta, hindi mo ako iiwan.”

“Hinding-hindi, Mama. Babantayan kita hanggang sa magkasama tayong muli. Hindi mo nga lang ako makikita pero narito lang ako sa tabi mo parati.”

“Hindi ba puwedeng magsama na tayo ngayon? Sasama na ako sa’yo.”

“Hindi pa pwede, Mama. May kailangan ka pang gawin.”

“Hindi rin naman ako magiging masaya dito. Sasama na ako sa’yo.”

“Palagi naman akong nasa tabi mo. Hindi kita iiwan.”

Sukat doon at niyakap niya ako. At kasabay noon, siya’y naglaho. Subalit sa tuwing iihip ang hangi’y nararamdaman ko ang yakap niya sa akin. At ako’y payapang nakatulog.

NAGISING akong may dalawang malalaking kamay na nakadaop sa palad ko.

“Patawarin mo ako, Danica…”

Nang imulat ko ang aking paningi’y nakita ko si Daddy. Tila tumanda siya ng ilang taon. Hapis ang mukha. Kumunot ang noo ko. Kaluluwa na rin ba ito ng daddy? Hindi ba’t sinabing ako lamang ang nakaligtas ng sunog? Subalit mainit ang palad nito.

“Buhay ka dad?” tanong kong gumaralgal ang tinig. Pinilit kong kapain ang sakit na nasa dibdib ko. Ang daddy ang dahilan ng lahat ng hinagpis ko pero bakit wala akong makapa kahit konting poot sa dibdib ko? Dama ng dibdib ko ang saya dahil nakaligtas ito sa sunog na siyang kagagawan ko.
Natigilan ito at napatitig sa akin.

“Danica,” tila hindi makapaniwalang sambit nito. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. At sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak ang daddy.

“Patawarin mo ako, anak.” anitong yumuyugyog ang balikat.

“Hindi kita kailanman sinisi, Dad. Patawad din kung nagkulang ako bilang anak ninyo.”

Biglang bumukas ang pintuan ng silid.

“Ano’ng nangya-”

Ganoon na lamang ang pagkabog ng dibdib ko. Ilang beses akong napakurap upang masigurong hindi ako nananaginip.

“Danica?” anito saka unti-unting lumapit.

“Emman?”

Namula ang sulok ng mga mata nito. Saka hinaplos ng palad niya ang mukha ko para pahirin ang luhang hindi maawat sa pagpatak.

“Dito ka lang,” aniya sa akin sabay yakap. “Huwag ka na ulit aalis.”

Nauunawaan ko kung ano ang sinasabi niya. Marahan akong tumango.

“Matatanggap mo ba ako ulit sa buhay mo?”

Tiningnan ko ang daddy. Tila matagal na panahon na ang lumipas at maraming bagay na nag nangyaring hindi ko nalaman.

“Basta ba pakakasalan mo muna ang anak ko.” ani daddy sa matigas na boses.

“Kahit ngayon na, handa ako,” sagot naman ni Emman.

Sumilay ang ngiti sa aking labi. “Huwag mo na ulit ako iiwan.”

“Hindi na. Hinding-hindi na.” sagot ni Emman sa akin at tinitigan ako ng buong pagmamahal. “Mahal na mahal kita, Danica. At handa akong ipaglaban ka.”

Panatag ang dibdib kong napatango. Tila walang pagsidlan ang tuwa sa aking dibdib. Naramdaman kong umihip ang hangin at masuyong humaplos sa aking mukha. At muli’y nararamdaman ko ang yakap ng munting mga kamay sa akin ng munti kong anghel.

About Calla Lily

I write for a cause and that cause is "love".

Talakayan

18 thoughts on “Heart Mirage: The Awakening – END

  1. ang ganda naman sana ipag patuloy pa ,

    Posted by qgnene | Agosto 22, 2014, 1:40 umaga
  2. ganda ng story kaso prang summary lng.,

    Posted by aileen | Oktubre 23, 2013, 12:36 hapon
  3. aww!, . .khit sh0rt story lng xa ganda pdin =)
    supper kakatouch! , . .huhu!

    Posted by pazawaiy_1901 | Mayo 29, 2012, 5:42 hapon
  4. nakakaiyak sia…

    ang kulit ng story.. jeje…

    Posted by annei _1990 | Nobyembre 3, 2011, 5:06 hapon
  5. ganda!!!🙂

    Posted by annei _1990 | Nobyembre 3, 2011, 5:05 hapon
  6. ay!nakaka-touch naman tong story🙂

    Posted by rielle | Setyembre 4, 2011, 9:11 umaga
  7. very touching naman ang isang ‘to…love it..

    Posted by doreen5382 | Hunyo 26, 2011, 10:36 umaga
  8. grabeh… nakakaiyak…
    at nakakagulat din yung twist nung story…
    ganda:))

    Posted by Cyrrell | Mayo 7, 2011, 11:16 hapon
  9. cute ah.. haha

    Posted by IAmTheChronicle24 | Mayo 7, 2011, 5:41 hapon
  10. ..ganda ng ending..

    Posted by jaid | Mayo 2, 2011, 12:20 hapon
  11. End na ba to??>>… ang cute

    Posted by IAmTheChronicle24 | Mayo 1, 2011, 10:02 umaga
  12. ganda nman ng ending…

    Posted by april_love07 | Abril 29, 2011, 10:54 hapon
  13. WOW! sakit ng mata ko sa kakapigil umiyak🙂

    Posted by itsgonnabeme | Abril 28, 2011, 1:46 hapon
  14. hi calla, i never expected an ending like this. ang akala ko, magiging action or suspense pa rin ang ending but you inserted a sort of romance twist here. great job!

    Posted by support | Abril 28, 2011, 1:23 hapon
  15. ganda naman… where i can the whole story? sana mabasa ko… i think the story is very inspiring…

    Posted by jermae | Abril 28, 2011, 12:58 hapon
  16. nice ganda ng story…

    Posted by clarkeys | Abril 28, 2011, 11:11 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Abril 2011
M T W T F S S
« Mar   May »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: