binabasa mo ang...
Breaktime

Breaktime! – Lesson 5: Lyra’s Return

KAHIT naka-aircon ay ramdam pa rin ng buong klase niya ang init sa labas ng kanilang classroom. Paano ba naman kasi, summer na at malapit na bakasyon kaya ganito ang uri ng panahon na kanilang nararanasan.

“Ang init Penny!” reklamo ni Elpis habang nagpapaypay gamit ang bond paper na drinowingan niya kanina.

Inamoy naman ni Fides ang sarili. “Buti na lang amoy presko pa rin kahit medyo pawis.”

“Eww!” arte ni Katie bago kumapit kay Trey.

Lumayo naman si Trey sa gagawing pagyakap ni Katie dito. “Shoo! Malagkit na nga ako, didikit ka pa sa akin.”

“Ito namang baby ko, ang arte. Gusto mo lawayan kita?” pagbibiro ni Katie bago nito kinindatang si Trey. Wala namang nagawa si Trey kung hindi ang magpaubaya sa gagawin nitong pag-torture dito.

Kung ang grupo nila Katie ay nagpapaypay, ang grupo naman nila Chloe ay may baong mini-fan na de-battery kaya hindi sila nahihirapang makipagsabayan sa panahon. Mabuti na lamang at hindi nagkaruon ng clash ang dalawang grupo dahil kung hindi, pare-pareho silang lalabas ng classroom na pawisan at maiinit ang ulo na mas mainit pa sa panahon.

Bigla na lamang tumayo si Elpis sa kinauupuan nito at pumunta sa harapan ng klase. “Teka! May naisip ako!”

Natahimik ang lahat. Maging siya ay hinintay ang sasabihin ni Elpis.

“Since malapit na ang summer vacation at sobrang init ng panahon, why don’t we go to beach para ma-preskohan naman tayo! What can you say guys?” pasimuno ni Elpis.

Binato naman ni Chloe si Elpis gamit ang nilukot na papel. “Pumunta ka mag-isa mo!”

Sakto namang tatamaan si Elpis sa mukha nang bigla siyang humarang at sinalo ang nilukot na papel na binato ni Chloe dito. “Huwag kang mag-alala Chloe, kami-kami lang nila Katie ang mag-be-beach, hindi ka kasama.”

Giniling naman ni Chloe ang mga ngipin nito sa inis. “Eh di pumunta kayo, wala kaming pakialam no. Tara na nga! Wala rin namang patutunguhan ang klase na to.” Yaya ni Chloe sa mga ka-grupo nito. Nung una ay alangan ang mga ito na magsitayo at mag-walkout sa klase niya pero tila yata mas takot ang mga ito kay Chloe kesa sa kaniya. Hindi na lang niya pinansin ang ginawa nitong pambabastos at pinalagpas na lamang ang kamalditahan nito. At least, patapos na rin ang klase niya kaya maituturing na tapos na rin ang kanilang pag-aaral sa araw na ito.

“Sir, pigilan mo ko, kakalbuhin ko na yan!” pananakot ni Elpis habang umaaktong hahabulin si Chloe na kalalabas lang ng classroom. “Si– sir, di mo ba ako pipigilan? Sabi ko kakalbuhin ko yun!”

Nginitian lamang niya ito bago niya ginulo ang buhok nito. Sa kanilang grupo kasi, ito ang maituturing niyang pinaka-bunso kaya ito ang pinaka-cute sa kaniyang paningin. “Sige lang, go. But please be gentle with her.”

“Naman oh! Kala ko pa naman pipigilan mo ko eh!”

Lumapit naman si Penny sa blackboard saka nagsulat gamit ang marker.

– McFoonalds, April 8, 5AM –

“Yan, yan ang meeting place at kung kailan. Ako na ang bahala sa lugar kung saan tayo pupunta. Si Katie na ang bahala sa wheels. Si Trey naman ang bahala sa reservation samantalang si Fides ang bahala sa food. At ako– ako ang kakausap sa iba nating ka-classmates na sumama sa atin.”

Hinintay ni Penny kung may tututol sa sasabihin niya pero isa lang ang nagtaas ng kamay para magtanong, at walang iba kung hindi siya. “Eh ako, ano ang sasagutin ko?”

Nginisian lamang siya ni Penny. “Sagutin mo na lang ang saya sir, aja!”

PUMUNTA sa usual hangout place nila Chloe si Penny ngunit wala siyang natagpuan kahit isang estudyante dun. Siguro ay nagsi-uwian na ng bahay ang mga ito pagkatapos nitong mag-walk-out sa klase nila kanina.

“Hay… I guess I have to go.” bulong ni Penny sa sarili ngunit may narinig siyang kaluskos sa halamanan sa kaniyang likuran. Sinuri niya iyon at nakita si Lyra, isa sa kanilang mga kaklase. Tumutugtog ito gamit ang flute, isang instrumentong pang-musika na ginagamitan ng hangin upang tumugtog. “Lyra?”

Nakita siya ni Lyra ngunit hindi ito huminto sa pagtugtog, bagkus ay binigyan siya nito ng masiglang ngiti. Tinapos muna ni Lyra ang tinutugtog nito bago dahan-dahang binaba ang flute na hawak nito. “Hi Penny, what are you doing here?”

“Wala naman. I’m just looking for Chloe to invite her and the rest of the class to join our beach escapade.”

Napabuntong-hininga naman si Lyra bago siya nito sinagot. “Wala na sila Chloe dito, nauna na silang umalis kasi mag-vi-videoke pa raw sila.”

“Ah ganun ba? Sige, thank you ha. Alis na ako.”

“Wait.” pagpigil ni Lyra sa kaniya bago ito umubo ng bahagya.

“Huh?” agad niya itong nilapitan saka hinagod ang likod nito. “Are you ok? Inuubo ka ah.”

“Wa– wala ito. May favor ako sayo Penny kaya lang, nahihiya ako kasi nasa grupo pa rin ako ni Chloe.”

Mahina niyang tinapik-tapik ang likuran nito. “Anything but boys, sige, let’s hear out.” pagbibiro niya.

“I– I want to go with you guys. Sa beach. Pw– pwede ba?”

“Seriously?”

Inilahad niya ang kaniyang kamay, tanda ng pag-sangayon niya sa gusto nito. “Shake my hands and you’re in.”

Tinanggap naman ni Lyra ang kamay niya bilang pagtanggap sa pag-oo nito. Paubo-ubo pa itong nagsalita at tumawa-tawa habang ipinagpatuloy nila ang kanilang pag-uusap.

NAGPUNTA sila sa Isle of Foo, ang kaisa-isang private resort na matatagpuan sa isang maliit na isla sa bandang Batangas.

Umarkila sila ng bus bago sumakay sa speedboat na susundo sa kanila upang makapunta sa isla. At dahil bakasyon na, halos mapuno na rin ang speedboat na sinakyan nila dahil sa dami ng mga guests na nagpa-reserve sa resort na kanilang pupuntahan.

“Welcome to Isle of Foo Resort. Are you Mr. Trey Montero?” bati ng receptionist kay Trey pagkatapos nilang maibaba ang kanilang gamit.

Kinurot pa ni Katie si Trey dahil nagpapa-cute pa ito sa receptionist. Nagtawanan naman ang kaniyang mga estudyante.

“Yes, we reserved for seven people. Kindly confirm.” sabi ni Trey.

Hinanap naman ng receptionist ang kanilang mga pangalan at ngumiti ito pagkatapos mahanap ang kanilang file. “Let me confirm your names po– Francis Light Kowell, Katie Fey, Trey Montero, Elpis Sanchez, Fides Haberton, Penelope Waltzer and Lyra Quinx, right?”

“I guess that’s us.” pagkumpirma ni Penny sa sinabi ng receptionist bago nito inilibot ang tingin sa paligid. Sobrang magara talaga ang resort kahit saan sulok ka tumingin. What more pa kaya sa kwarto na kanilang tutuluyan?”

“Here’s your key to room 302 and room 303. Enjoy your stay and should you need anything, please do not hesitate to call our desk.”

Pagkakuha sa susi ay pinag-usapan muna nila kung sino-sino ang magkakasama sa kwarto.

“Ako, si Katie, Penny at Lyra ang pupunta sa room 302. Kayo naman Sir Flik, Trey at Fides sa room 303.” mungkahi ni Penny.

“No way! Sa inyo na si Fides!” tutol niya bago tumingin kay Trey. “Trey! Papayag ka ba na sumama si Fides sa atin? Baka ma-gahasa tayo nyan!”

Lumapit naman si Fides sa gitna nila bago ikinawit ang balikat nito sa kanila. “Sir– Trey– be gentle ha?” pagbibiro nito na gamit ang isang mapang-akit na boses.

Humalakhak naman si Katie bago nginisian si Trey. “Baby, be sure to come back in one piece, ok? Fides, hinay-hinay lang ha?”

“You got it sister!” si Fides bago nag-flash ng approve sign kay Katie.

“Ya– yare tayo!” koro nila ni Trey bago nila pinuntahan ang kanilang room habang nagmumukmok sa setup na ginawa ni Penny.

PAGKATAPOS nilang maayos ang kanilang mga gamit sa kani-kanilang sariling kwarto ay agad na silang nagpunta sa beach.

Agad na sumulong sa tubig ang mga estudyante niya– maliban kay Lyra na masayang tinitingnan ang mga kaklase nito habang naglalaro sa sunod-sunod na paghampas ng alon sa karagatan.

“Thank you sa pagsama Lyra.” panimula niya. Ito ang unang beses na kinausap niya ito dahil kapag nasa klase nila ito ay si Chloe lamang ang nagsisilbing boses ng karamihan.

Umiling ito. “No sir, ako po ang dapat magpasalamat dahil isinama ninyo ako dito. Matagal na po kasi akong di nakakapunta sa beach– sa dagat.”

Napansin niyang malayo ang tingin nito, na para bang may malalim itong iniisip. “May problema ba Lyra?”

“Wa– wala naman po.”

“Sigurado ka? Napansin ko kasi na parang malungkot ang boses mo.”

“Opo sir, sigurado po ako. I’m fine.” anito bago siya binigyan ng matamis na ngiti.

Nginitian niya rin ito pabalik. “You can freely tell me anything. I promise that I will do my best to protect you.”

“Sige po, sabi nyo eh. By the way… bakit masyado po kayong attach sa amin? Binastos na namin kayo noon pero hanggang ngayon, ang bait n’yo pa rin sa amin.”

Napabuntong-hininga siya. “Tulad ni Chloe, mahaba rin ang mga dahilan ko. But for you, to keep it short, I’m simply doing what I love to do. And that is sharing what I have through teaching.”

Tila tumigil ang mundo nito pagkatapos na marinig ang kaniyang sinabi. Parang tinitimbang nito ang mga katotohanan sa bawat salitang sinalita niya. He hit the point, this girl has definitely a problem and he will do anything to solve it for her. Parte ito ng kaniyang misyon bilang homeroom teacher niya.

Kinuha naman ni Lyra ang flute nito sa kaniyang tagiliran bago nagsimulang tumugtog. Sa una’y masigla ang melodiya ngunit maya-maya ay unti-unti rin itong nagiging malungkot. Sumasakto ito sa nararamdaman nito ngayon pero wala siyang magawa dahil hindi naman niya alam kung saan siya magsisimula sa paglutas ng problema nito.

“L– lyra, are you ok?”

“Ye–yes, sir…” anito bago bumagsak sa kaniyang tagiliran. Nawalan ito ng malay. Marahil ay dahil na rin sa matinding init ngayong summer.

Agad niyang sinigawan ang grupo nila Katie na umahon muna at tulungan siyang dalhin ito sa nurse station ng resort.

SA nurse station, ilang oras pagkatapos na mangyari ang insidente…

“Ok lang naman po siya. Kailangan lang niya ng kaunting pahinga.” sabi ng doktor pagkatapos na suriin ang kondisyon ni Lyra.

Nakahinga na siya ng maluwag habang kausap ito. “Mabuti naman po kung ganun. Pero ano po kaya sa tingin n’yo ang sakit niya kaya siya biglang bumagsak?”

“Maybe may problema siya sa puso or sa lungs. O di kaya ay baka low-blood lang siya kaya nagkakaganyan siya. But believe me, this is only my quick theory. My best advise for her is to see a specialist.”

“Sana nga po hindi ganun ang sakit niya. But we will take your advise, I will let her parents know about her condition.” aniya bago kunin ang cellphone sa kaniyang bulsa pagkatapos na lumabas ng doktor sa kwarto nito.

Agad namang kumilos ang kamay ni Lyra upang pigilan siya sa pagtawag. “Please sir, no. Hi– hindi po nila alam na pumunta ako dito. Ang sabi ko lang ay may overnight project ako kaya nakasama ako.”

“Wha– what!? Nako paano na kaya yan? Pag nalaman to ni Chloe at nagalit ang mga parents mo sa pangyayaring ito, siguradong makakapuntos na muli si Chloe for the second time!” bulong niya sa sarili habang nag-iisip pa ng ibang paraan kung papaano ang gagawin kay Lyra.

Pinilit naman ni Lyra na bumangon at hindi naman ito nabigo. “Na– nagtalo kasi kami ng dad ko. And because I hate him so much, sumama akong mag-bakasyon sa inyo kasi wala naman ding balak mag-bakasyon sila Chloie eh.”

Tinapik siya sa balikat ng doktor bago ito lumabas ng kwarto upang makapag-usap sila ng masinsinan. Pagkatapos makalabas ng doktor ay sinagot niya ito. “Hindi ko na tatanungin kung ano ang pinagtalunan ninyong mag-ama. Isa lang ang masasabi ko, hindi maganda ang ginawa mo at siguradong mag-aalala yun sa iyo kapag nadisgrasya ka.”

“Iyon? Mag-aalala?” saka ito tumawa. “Nagpapatawa ka ba sir?”

Lumapit siya sa pintuan upang buksan ang pintuan bago niya ito nilingon. “Bahala ka sa gusto mong gawin, malaki ka na. Kailangan mo munang patawarin ang sarili mo bago ka matutong magpatawad sa iba. Diyan ka na nga at mag-e-enjoy na lang kami sa bakasyon. See yah” aniya bago siya lumabas ng pinto.

Hinintay pa niya ang mga susunod nitong sasabihin ngunit hindi niya ito narinig na sumigaw o nagsalita man lang. Inilapit niya ang kaniyang tenga sa pintuan at nalaman niya na umiiyak ito. Napakagat na lamang siya ng labi bago niya ibinulong sa kaniyang sarili. “Kaya mo yan Lyra. May tiwala ako sayo.”

NATAPOS ang araw at kinailangan na nilang umuwi.

Nang magtipon-tipon ang grupo nila ay tanging si Lyra lang ang nawawala. Nagtanong sila sa reception upang makibalita sa pagpapagaling nito sa nurse station. Nalaman nila na nauna na itong umuwi sa kanila.

Pagkatapos nilang maisakay ang kanilang mga gamit sa mini-bus na papunta sa daungan ng speedboat na babalik sa bayan ng Batangas ay may nakita silang pamilyar na grupo. Sinubukan nilang paganahin ang kanilang built-in telescope at hindi sila maaaring magkamali! Sila Chloie ito at papunta ito sa kanila!

“Hi sir, bakit nandito kayo?” bungad nitong tanong.

Kinawayan niya ito sampu ng mga kasama nito. “Hi Chloe, siyempre nagre-relax, ikaw?”

“Wala naman, napadaan lang ako sa resort ng uncle ko.” pagmamayabang nito bago namilog ang mga mata ng nila Katie sa pagkabigla.

Napameywang siya. “Well, send my regards to your uncle dahil maganda ang resort nila. Sayang, di kami nakakuha ng discount.”

“Asa ka pa. Kung alam ko lang na dito kayo pupunta, dapat pina-ban ko na lang kayo sa guest list namin.”

“Do what you want Chloe. See you back in school after vacation.” kaway niya bago sumunod sila Katie sa pagkaway din. Halatang inaasar nila si Chloe dahil sa kasungitan nito.

“Whatever.”

Pagka-alis nila ay agad na nagpunta si Chloe sa reception area upang tingnan ang registration nila. Nang makita nito ang pangalan ni Lyra ay awtomatiko itong napangiti. Isang ngiti na may masamang binabalak laban sa kaniya.

“Sa wakas, makaka-two points na ako sayo ngayon, Sir Flik!” bulong nito sa sarili bago ito tumawag sa daddy ni Lyra upang magsumbong. “Tingnan natin ngayon kung hindi ka i-reklamo ni tito sa school dahil sa ginawa ninyong bakasyon!”

PAGDATING ni Lyra sa kanilang bahay ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob at maingat na binaybay ang hagdanan papunta sa kaniyang kwarto. Hindi pa siya nakaka-isang baitang pagkahawak sa rails ng hagdanan ay biglang bumukas ang mga ilaw at nakita niya ang kaniyang daddy na nakaupo sa kanilang mahabang sofa. Base sa ekspresyon ng mga mata nito ay galit ito sa kaniya.

“Saan ka nagpunta!?” agad nitong tanong na may diin upang maipakita sa kaniya ang awtorisasyon nito bilang ama.

Yumuko lamang siya bago niya ito sinagot. “Sa– sa mall lang po.”

“Liar!” anito bago tinabig ang vase sa gilid nito. Nabasag ang vase at halos dumagundong ang buong mansyon dahil lakas ng sigaw nito.

Napa-iyak na lamang siya dahil sa ginawa nito. Napa-upo siya sa sahig dahil sa sobrang lungkot. “So– sorry dad…”

“Talagang dapat kang mag-sorry! Simula ng mamatay ang mama mo, puro na lang perwisyo ang binigay mo sa akin! Kung hindi pa tumawag si Chloe sa akin ay hindi ko malalaman ang pinag-gagawa mo! At saka, sino ba yang Sir Flik na yan? Boyfriend mo ba yun at nagawa niyang isama ka sa malayong lugar?”

“Hi– hindi po…”

“Then what!? Sumagot ka at magsabi ka ng totoo!”

Totoo. Pagkarinig sa salitang ito ay naalala niya ang mga turo ni Sir Flik sa kanila. Kailangan daw maging totoo ka sa iyong sarili upang maging totoo rin ang ibang tao sa iyo. Halos katulad din ito ng sinabi nito sa kaniya kanina bago siya umalis sa resort ng hindi nagpapaalam sa kanila.

Huminga muna siya ng malalim bago niya pilit na pinigilan ang pag-iyak. “Da– dad… I’m sorry to say but I really have to say it, sana huwag kang magagalit…”

“Say it! Damn it!”

“I hate you and I love you– Dad!” aniya bago niya ito niyakap ng buong higpit.

Halos natulala naman ang kaniyang daddy sa narinig mula sa kaniya at parang naging estatwa ito sa pagkakatayo.

“Sabi ni sir, kailangang patawarin ko muna ang sarili ko bago ako magpatawad sa iba. Hindi ako nag-enjoy sa pagpunta sa beach kasi ang bigat-bigat na po talaga. But after I’ve forgiven myself, I learned that I have nothing to forgive about you because you have always been a good father to me.”

“L– lyra…” anito bago nagsimulang mahulog ang mga butil ng luha sa mata nito.

“Tanggapin na natin dad, wala na si mama because of that accident. Kung hindi ko lang siya niyaya na mamili ng gamit sa birthday mo, dapat sana kasama pa rin natin si mama dito. Nawala na si mama sa side ko, ayaw kong pati kayo mawala papa…”

“A– anak…” niyakap siya nito ng buong higpit. “I– I’m sorry too. Mapapatawad mo pa ba si papa, anak?”

Lalo niyang hinigpitan ang yakap dito. “Opo dad, opo…”

LAST day before their official summer vacation…

“This will be the last day before our summer vacation. I have nothing else to say except– enjoy! Class dismissed.” aniya bago mabilis na nagsilabasan ang mga estudyante niya sa labas. Ang natira lamang ay sila Chloe at Lyra.

“I believe someone is waiting for you outside, Sir Flik.” si Chloe habang inaayos ang gamit nito.

Napabuntong-hininga siya. “I know. Lyra’s dad is outside, right?” aniya bago kinindatan si Lyra.

Hindi nag-react si Lyra sa ginawa niya bagkus ay lumabas ito upang salubungin ang daddy nito.

Paglabas niya ng pinto ay agad siyang sinalubong ng ngiti ng daddy ni Lyra. “You must be Sir Flik.”

“Yes sir, ako nga po. By the way, I would like to apologize for–”

“No need to apologize sir. I’ve heard it all– from my daughter, Lyra. I’m proud of you because you’ve taught my child a very special value.”

“Very special value?” sabat ni Chloe sa kanila.

“Oo Chloe. It’s forgiveness and it’s the hardest thing to do in human nature. But somehow, we managed to get across with it.” masayang sabi ng daddy ni Lyra kay Chloe ngunit agad naman itong nag-walkout. Palibhasa ay bigo na naman itong makapuntos sa kaniya. Sinenyasan nito si Lyra na sundan si Chloe at agad naman itong tumalima pagkatapos na magpaalam sa kanila.

“Lyra is very special to me Sir Flik and I think she’s very lucky to have a professor like you.”

“Na– nako po! Hindi naman po!”

“Don’t be too humble, you deserve it. And by the way, because of what you did, I want my child to enjoy most of her time this summer.”

“Wha– what do you mean po? I mean, katatapos lang po naming mag beach at–”

“I know. Hihingi sana ako ng favor. Gusto kong mag-beach ulit kayo, this time, all-expense paid trip ko. Kahit saan nyo gusto pumunta, sabihin nyo lang at ako na ang bahalang mag-arrange ng flight at reservation ninyo.”

“Hindi po kaya nakakahiya? I mean–”

“YES!” sigaw ng grupo nila Katie na kanina pa nakikinig sa kanilang usapan. “Thank you tito! Woohoo!” koro nila. Wala na siyang magawa kung hindi ang tumahimik sa gitna ng pagsasaya ng grupo nila Katie sa round two ng kanilang bakasyon.

“See? I’ll wait for your decision then. Enjoy kids!” anito bago sila iniwanan ng daddy ni Lyra.

SAMANTALA…

“Chloe wait!” si Lyra.

“Makakapuntos na sana ulit ako Lyra kung hindi ka nakialam.”

“I know. But Sir Flik is different. I feel lighter after I’ve talked to him. Maybe you–”

“No way Lyra! Kahit kailan ay hindi ko magagawang magtiwala sa mga taong gaya niya!”

“Chloe…”

“Hindi ko mapapatawad ang mga lalakeng gaya niya na mahilig manloko ng mga estudyante, lalo na ng mga babae!” anito bago sumibat ng pagtakbo papalayo sa kaniya.

Mula sa kaniyang likuran ay sumulpot si Sir Flik. “Kamusta Lyra? Nag-walkout na naman ata si Chloe no?”

“Oo nga sir…”

Tinapik siya nito sa ulo bago ito nagsalita. “Pabayaan mo muna siya. Time heal all wounds. Sigurado ako, mauunawaan din ni Chloe yan. Tara, hinihintay tayo nila Katie. May welcome party ata para sa iyo.”

Ngumiti lamang siya bago tumakbo papalayo dito. “Sige lang sir! Pag hindi umubra, ibitin na lang natin ng patiwarik si Chloe para madala!”

Para sa kaniya, ito ang panibagong simula niya hindi lang bilang estudyante, kung hindi bilang anak at isang kaibigan para sa mga nagmamahal sa kaniya dahil natuto na niyang patawarin ang kaniyang sarili.

About foobarph

lamp developer. foss apprentice. ink&lens squire

Talakayan

8 thoughts on “Breaktime! – Lesson 5: Lyra’s Return

  1. ang ganda pero bakit walang chapter 6,parang wang ending

    Posted by qgnene | Agosto 22, 2014, 1:47 umaga
  2. ..forgiveness…

    Posted by regino | Nobyembre 16, 2013, 4:57 hapon
  3. Supernicee foo. ..

    Posted by eli | Nobyembre 9, 2013, 10:22 umaga
  4. Wow. Daming values ahhh… Trust, Hope, Patience, Forgiveness,… Parang may pagka Bob ong lang…

    Posted by uhydee | Oktubre 8, 2013, 2:50 umaga
  5. ang ganda ng story….asan n ending …bitin ako e..

    Posted by loyce | Pebrero 13, 2013, 10:36 umaga
  6. Ano b yan bakit bitin na saan yung ending?

    Posted by Jing | Pebrero 13, 2013, 3:39 umaga
  7. Tapos na ba ito? anu pala ng yari kay cleo

    Posted by Jessica | Nobyembre 5, 2012, 5:39 hapon
  8. maganda yata to?

    Posted by taengoo Kim | Abril 25, 2011, 6:38 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Abril 2011
M T W T F S S
« Mar   May »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: